Thank you sa pagbabasa! Special thanks to Lea marie Torrente at sa isang contributor ng gems na hindi ko ma-type ang name! Salamat po sa pagtangkilik ng story. Kung nagustuhan niyo po so far, please feel free to comment and leave a feedback. Love lots 🫶🫶🫶
“SERENA?!” Nagugulat naming tinitigan ni Raquel ang isa't-isa. Ang kaninang panghihina ng katawan ko ay biglang namanhid, nabuhayan ng pag-asa, napuno ng kagalakan, at anumang oras ay magagawa kong mapaluha. “Raquel… Raquel!” Nagawa kong liparin ang kinaroroonan niya sa kabila ng pag-iika-ika ko ng lakad. Mabilis ko siyang niyakap ng sobrang higpit! Halos imudmod ko sa leeg niya ang aking mukha. Tila'y nagsusumbong na bata akong napahikbi. Walang ibang tumatakbo sa isipan ko, kundi lamang mamahinga sa piling niya. Gusto kong kunin na niya ako ngayon din mula sa impyernong lugar na ‘to! Gusto kong pakinggan niyang muli ang mga hinaing ko, at tulungan akong makabangon muli. Gusto kong sabihin sa kaniya na maling pinili ko si Brantley, na walang ginawa ang taong ‘yon kundi pasakitan ako sa loob ng tatlong taon! I never found love and happiness with him, but rather abuse and endless torment! “R-Raquel, help me…” sobrang hina ko iyong binulong sa kaniya sa takot na madinig ni Ezekiel
“Let go of me, you big dumb fuckers!!” Hindi pa man tuluyang nakakaladkad palabas ng silid si Raquel ng mga guwardiya ay pumulupot na ang mga braso ni Ezekiel sa aking baywang mula sa likuran. I can sense his superiority and possessiveness lingering around me, no matter how I am contradicting those senses. Kinagat ko ang ibaba kong labi at binura ang mga natitirang luha sa aking mga mata saka nilakasan ang aking loob. Ito ang unang pagkakataon na muli kaming nagkita ni Raquel sa loob ng tatlong taon. Dinadalangin ko na sana'y hindi lang panaginip ang pangyayaring ito. Sana'y hindi panaginip ang pangako niyang tutulungan niya akong makalas sa lugar na ‘to. “Did you use my shampoo?” Tumaas ang mga balahibo ko sa braso nang amuyin ni Ezekiel ang buhok at leeg ko nang may intimasyon. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na kinapigil ko pa ng hininga. Mula sa labas ng silid na aming kinaroroonan ay narinig ko ang pagtitili at pagwawala ni Raquel. Pero umaakto si Ezekiel na paran
Halos mag-iisang buwan na simula nang huli kong makita si Raquel. Sa bawat araw na nagdaraan ay pinanghahawakan ko ang pangako niya sa akin. Alam kong magiging sobrang mahirap ang mangyayaring pagtakas ko. Lalo na't pareho naming makakalaban si Ezekiel, na siyang walang puso, at may obsesyon na mahangad lahat ng gusto niya kahit pa buhay ang kapalit. Pero ni minsan ay hindi pa ako binigo ni Raquel. Naniniwala akong anumang oras ay darating siya, ilalayo ako sa mala-demonyong mansyon na ‘to. She always cares for me and looks out for me, and I know it will be possible to escape if it's through her. She's the only one who could help me. “Miss Serena, tulungan ko na ho kayo.” Napaintag ako sa gulat nang lumapit sa aking ang isang gardenero sa mansyon. “H-Ha? Tulong?” hindi makapaniwala kong usal habang buhat-buhat ang dalawang garbage bags. “Tutulungan mo ‘ko??” “Ah,” nakangiti siyang napakamot sa ulo. “Kanina pa po kasi kita nakikitang pabalik-balik sa pagtapon ng basura. Ilan pa b
“Hmmm… mhm,” paulit-ulit na umaalingawngaw ang pag-ungol ni Ezekiel habang minamasahe ko ang likod niya. Hindi ako naging komportable sa mga naririnig na ‘yon. Lalo pa't hubo’t hubad ang estado ng mga katawan namin ngayon. Nanatili siyang nakadapa ng higa, ako nama'y nakaluhod ng upo sa malaking kama. “Press it harder.” bakas sa tono ng boses niya ang sarap sa pakiramdam. Napalabi ako. Muli kong kinuha ang oil, binuhos ang kaunti niyon sa palad ko saka kinalat sa matigas niyang likod. No wonder nalalamog palagi ang katawan ko, bato-bato ba naman ang dumadagan sa akin gabi-gabi eh… “Dito ho ba?” “No, banda sa baba.” “Dito?” “Oh fuck, yes.” Mas lalong ngumiwi ang labi ko. Marahan ngunit madiin kong pinaglalandas ang kamay ko sa ibaba niyang likod, saka kinarate-karate iyon. Habang tumatagal ay mas naglalaan ako ng lakas, dala ng sama ng loob ko sa kaniya. “I'm surprised that you actually knew how to massage.” mapait siyang tumawa. “You're used to massaging someone? Not to ment
Napalingon kaagad ako sa matipunong lalaking kumuha ng bitbit-bitbit kong tatlong garbage bag. “Oh! Para kang kabute, kung sa'n-saan ka sumusulpot," natutuwa kong puna kay Dan. Magiliw siyang sumabay sa paglalakad ko. “Sinisiguro ko lang po na walang ibang makakakita. Alam mo na?” “Oo sige.” pabiro akong suminghal. “Salamat.” “‘Walang anuman!” Mabuti na lamang at ang tapunan ng basura ay nasa likod ng mansyon, kung saan malapit ang garden na inaalagaan noon ng matandang lalaki, at ngayon ay si Danilo naman. Hindi dinadaanan ang garden ng mga katulong sa loob ng mansyon, dahil hindi nila sakop ang trabaho rito. Maliban na lamang kung may gagawin sila na madadaanan ang lugar na ‘to gaya ang pagtatapon ng basura, ay doon lamang nila makikita ang gardenero. Sa nakalipas na ilang araw ay tinutulungan niya ako sa pagtapon ng basura, at naglalaan din ako ng sampung minuto para magpahinga sa garden niya nang walang ibang nakakapansin. “Nakakainggit ang trabaho mo, Dan. Ang payapa rito
“Napakakupad talaga! Pinagtatapon mo lang ng basura, umaabot pa ng isang oras!” “Sinabi mo pa! Palibhasa'y tamad, ayaw kumilos eh ang dami pa niyang nakatambak na trabaho!” Parinig pa sa ‘kin nila Davina at Baby. Araw-araw ay harap-harapan nila akong binabastos at iyon na ang nakasanayan ko. Hindi nga lang sila makalapit sa akin nang derekta, ‘di gaya noon simula nang mangyaring nanakawan ko si Baby ng cellphone, sa takot na baka madamay sila sa mga pinaggagawa ko. Kaya naman, nagagawa ko silang bahanan sa patalasan ng dila. “Pasensya na,” ngising hingi ko ng paumanhin. “Masyado kasing humataw ang boss niyo sa ‘kin kagabi, hindi tuloy ako makalakad ng maayos ngayon.” Napanganga silang dalawang dalawa, lukot ang mukha na nagkatinginan bago nakakakutya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. “Proud ka pa talaga maging parausan ni sir Heskel? Ang landi mo!” nandidiring usal ni Davina. “Hindi ko talaga malaman kung ba't ka pa niya pinapatulan, eh wala ka ngang kalaman-laman!” Taas no
‘Serena, I hope this letter will find you well. I miss you so much, and there's no word that could describe how I'm heartbroken right now, knowing Kuya kidnapped you while guessing what actually happened between you and Brantley. ‘Wag ka ng mag-alala. Ngayong nakita muli kita, hindi ako papayag na api-apihin ka lang diyan sa loob. Sinabi sa ‘kin ni Danilo ang kalagayan mo, kung pwede lang ay susugod ako diyan para mag-eskandalo! Pero hindi, meron akong plano. Sisiguraduhin kong makakalabas ka diyan ng buhay at hindi ka na makikita pa ng baliw kong kuya! Please, take care of yourself while I'm executing our plan. I love you so much, and I miss you!’ Halos mapaluha ako sa makadamdaming bagaman simpleng sulat sa akin ni Raquel. Walang duda, sulat-kamay niya ang nababasa ko ngayon! Wala pang dalawang araw ay natanggap ko agad ang sulat niya. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari na pagbabawal sa akin ni Ezekiel na magtapon ng basura, ay mayroon kaming napag-usapan ni Danilo. Sa tuwing B
Gaya ng sinabi nila Davina, hindi pa nga umuuwi si Ezekiel sa mansyon. Kaya halos isang buong araw din akong nakulong sa basement. Nakalabas lang ako nang may isang mekaniko ang kumuha ng mga gamit sa loob. Gano'n na lang ang gulat ng taong ‘yon nung nakita ako. Halos hindi rin ako lumabas sa aking kwarto buong araw dahil sa tagal kong makabawi sa takot. Hindi ko pa tuloy naiiwan ang sulat ko para kay Raquel na siyang dapat kunin ni Danilo kahapon. “Porket hindi kita sinisita, ibig-sabihin ay magpapakahayahay ka na lang diyan sa loob ng kwarto mo, Serena! Hoy!” malakas na kumalampaag ang pinto ng aking silid. “Buksan mo ‘tong pintuan kung ayaw mong sirain ko ‘tong tuluyan!” Nakakabulabog iyong boses ni Panying. Magkakasunod pa niyang kinatok-katok ang pintuan sa punto na masisira na iyon. Pabuntong-hininga akong bumangon mula sa pagkakahimlay sa kama saka naglakad para buksan ang pintuan. “Bakit?” walang kagana-gana kong tanong sa nanggagalaiting mukha ni Panying. “Anong bakit?
Binabati ko po ang lahat na umabot sa puntong ito! Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po ito maipagpapatuloy at matatapos kung hindi dahil sa inyong mambabasa! Thank you ng marami 🫶🫶🫶 Kung isa po kayo sa naaliw at napasaya ng kwento nila Ezekiel at Serena, sana po ay huwag kayong mag-atubiling magbigay ng rate and comment nang maipabatid po sa akin ang naisin niyong sabihin, hihi. Good or bad reviews man, tatanggapin ko po as I am willing to learn more! ^o^ Hanggang sa muli. Kita po tayo sa susunod na kwento, paalam! Ezekiel and Serena are now signing off...
“Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?” nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.“Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo.” napapailing pang tugon ni Panying. “Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!”Napahagalpak siya ng tawa. “Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!”“Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay ‘yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman.”Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. “Kawawa naman ang mahal ko.”“I'm fine!” bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. “My wife, are you feeling okay?”“Pfft!”
Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.He
“Ta-da! Napakaganda!”Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti
Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin
“Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aabang sa natitirang mga kabatana sa kwento nila Ezekiel at Serena! Pasensya na dahil ngayon lang ang ako nakasulat matapos akong trangkasuhin >_
Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response. The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.“As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review t
Ezekiel entered the underground basement. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa lugar na matagal na niyang nakasanayan, kung kaya't wala na iyong epekto sa kaniya.“Open the cell.” pag-uutos niya kay Ramil, at agad naman itong nakakilos.Nang bumukas ang selda ay saka niya tinungo ang papasok. Hindi pa roon mismo makikita ang dalawang taong inadya niya ngayon. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang metro bago sila matunton.Samantalang ang mga tao namang nakakulong sa mga gilid ng selda ay puno ng hinagpis at pagmamakaawa na pakawalan na sila.Those arrogant and brutal criminals are now acting like victims, always begging for his mercy whenever they see him.This is the side of him he never wished Serena would understand. Batid niyang alam na ni Serena ang tungkol sa organisasyong ito. Subalit ninanais niya paring panatilihin itong sekreto at ibaon na lamang sa hukay kasama ng mga tao sa loob.This is a place where you'll only encounter his brutality and mercilessness