Thank you sa mga gems, comments, and follows! Special thanks to Remie Cosile Soc Et, Niax Ngiba Asomit, Annabelle Trinidad, and Eduardo Soriano! Salamat saa suporta! At pasensya na kung may nae-encounter kayong typos, hihi (tamad ang author niyo mag-edit) Love lots 🫶🫶🫶
Gaya ng sinabi nila Davina, hindi pa nga umuuwi si Ezekiel sa mansyon. Kaya halos isang buong araw din akong nakulong sa basement. Nakalabas lang ako nang may isang mekaniko ang kumuha ng mga gamit sa loob. Gano'n na lang ang gulat ng taong ‘yon nung nakita ako. Halos hindi rin ako lumabas sa aking kwarto buong araw dahil sa tagal kong makabawi sa takot. Hindi ko pa tuloy naiiwan ang sulat ko para kay Raquel na siyang dapat kunin ni Danilo kahapon. “Porket hindi kita sinisita, ibig-sabihin ay magpapakahayahay ka na lang diyan sa loob ng kwarto mo, Serena! Hoy!” malakas na kumalampaag ang pinto ng aking silid. “Buksan mo ‘tong pintuan kung ayaw mong sirain ko ‘tong tuluyan!” Nakakabulabog iyong boses ni Panying. Magkakasunod pa niyang kinatok-katok ang pintuan sa punto na masisira na iyon. Pabuntong-hininga akong bumangon mula sa pagkakahimlay sa kama saka naglakad para buksan ang pintuan. “Bakit?” walang kagana-gana kong tanong sa nanggagalaiting mukha ni Panying. “Anong bakit?
“Take a quick shower, and let's have breakfast.”Tinanggal ko ang mga namuong muta sa magkabilang gilid ng mga mata ko, saka pinagmasdan si Ezekiel na siyang nakaupo sa gilid ng kama habang inaayos ang polo shirt niya."Okay." Well, this is the first time he offered me breakfast after sleeping with him.Nananakit ang katawan kong bumangon at umalis sa kama. Nagtungo agad ako sa banyo niya para maligo at mag-ayos ng sarili.Sa terrace din ng kwarto niya kami kumain pagkatapos. Nakahanda na roon ang pagkain sa maliit na lamesa, at tanging dalawang upuan lamang ang magkaharapan ang naroon.I wonder who's the unluckiest woman to ever sit here and deal with him?Naupo ako sa kaharapan niya. Nang magsimula siyang kumain ay doon ko rin lang hinawakan ang kutsara ko.“Are you taking the vitamins I gave you last time?” malamig niyang tanong sa ‘kin.Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. “Mm,”“Then, why are you not gaining weight?”“Hindi ko alam.”“Tsk! We'll have to take a look at that af
Matinding kaba at takot ang lumukob sa buong kong sistema. Lukot na lukot ang mukha ni Raquel, bakas na bakas ang pagbalatay ng sakit sa kanyang mukha. "Raquel!!" Dali-dali ko siyang sinalo nang matumba siya, at pareho kaming napaupo sa malamig na semento. Magkakasunod naman na putukan ng baril ang nanaig sa lugar! Gulong-gulo akong napalingon sa aking likuran at nakita roong nakikipag-barilan na ang mga tauhan ni Raquel sa kabilang grupo ng mga armadong lalaki. "Miss Raquel!!" Si Danilo ay natatakot na lumapit sa gawi namin. Mabilis na namula ang mga mata niya na umalalay. "STOP!" taliwas sa panghihina ay malakas na napasigaw si Raquel. "Put all your guns away!! KUYA!!" Labis akong natigilan. Malamig na pawis ang siyang nagsisipaglabasan sa noo ko. Sa sigaw na iyon ni Raquel ay natigil ang mga putukan at nanaig naman ang nakakabinging katahimikan. Sa isang iglap ay ang kaninang saya sa aking dibdib ay napalitan ng matinding takot. Ayaw ko mang tingnan, agaran kong nakita si Ez
EZEKIEL actually knew and predicted it all. For him, Raquel and Danilo were just pawns on his chessboard, to make Serena settle with him for the rest of their lives.Hinayaan niya ang pinaplano nilang tatlo na tumakas at nagpikit-mata roon. Dahil curious lamang siya kung hanggang saan sila aabot.Noon pa man ay may masamang loob na siya kay Raquel simula nang dumating ito sa kanilang pamilya. Pero ngayon ay triple-triple ang dinagdag ng kaniyang pagkamuhi sa babae dahil sa pangingialam nito sa kanilang dalawa ni Serena.Why is she even close to his eyes? Simula noong ikasal sila ni Serena, inaagaw na nito ang atensyon ng asawa, at mayroon pa silang mas magandang relasyon.The bond didn't break when Serena left, and Raquel still offered to help her escape.Kung noon ay si Raquel ang naging daan ng pagtakas ni Serena, kasama ang ibang lalaki, ngayon ay hindi na iyon mauulit pa.He has neither affection nor feelings for his adoptive sister, so he's confident he can turn her down at any mo
“SERENA, pinapatawag ka na ni sir Heskel.”“Opo,”Inismiran ako ni Panying. Hindi ko naman iyon binalingan ng pansin, at inayos na lamang ang pagkakaayos ng huniporme ko bago lumabas ng kwarto. “Nakakairita talaga! Dahil tumakas-takas ka pa, ako itong naiimbyerna! Kailangan ko pa tuloy ireport lahat ng ginagawa mo rito kay sir Heskel! Dinaig ko pa ang pagiging alalay mo, ‘nyeta!”puno ng pagrereklamong umasabay sa paglalakad si Panying sa akin.Sa pagiging iritado nga niya ay hindi niya mapigilan ang sariling kurot-kurutin ang tagiliran ko.“Bwiset! Dagdag trabaho, ang dami ko na ngang inaasikaso rito sa loob! Hindi mo talaga kami binibigong inisin, ano?”Pinilit kong lumayo sa kaniya sa paglalakad, pakiramdam ko'y natutuklap ang balat ko sa padiin na pagdiin ng mga kurot niya.Hindi ako makaganti ng salita sa kaniya dahil ako nga naman ang nagkasala sa tinangka kong pagtakas noong nakaraang linggo. Imbes na pumatol pabalik kay Panying ay nanatili na lamang akong tahimik at umiiwas.
WARNING: Opo, matured po!! Pinapasukan ng malamig na simoy ng hangin ang katawan ko dahil nanatiling nakabukas ang mga bintana at terrace ng master's bedroom ni Ezekiel. “Hold me tight.” mapang-akit niyang bulong sa aking tainga. Mas pinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg gaya ng utos niya. Mabilis naming sinakop ang labi ng isa’t isa. Kahit na nagsasalitan ng laway ay nanatiling tuyo ang aking lalamunan, nahihirapan sa pagkauhaw. “Oh, Serena… you just don't know how dazzling you are.” tumibok ang puso ko sa puri niyang ‘yon. “Dazzling? Kahit na nakapatay ang ilaw?” “Yes,” he said firmly. I still don't know why he's acting like this. But I don't want to question him and make him upset. Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil ako sanay na mapuri niya. "Serena," Pinagapang niya ang kaniyang mga labi mula sa labi ko pababa sa leeg ko. Napapaliyad ako tuwing nararamdaman ko ang mga kagat at s****p niya sa balat ng leeg ko. Napakasarap ng sensasyong dulot
“Simula nang dumating siya rito ang daming napapahamak! Una sila Baby at Davina kahit kasalanan naman talaga niya dahil magnanakaw siya! Tapos sunod si Manang Oprah na napalayas na. Bagong dating pa nga lang si Danilo, pero nilandi pa niya kaya napahamak. Tapos si Panying binibigyan pa niya ng sakit ng ulo! Ano na lang kaya mangyayari sa mansyon na ‘to?” “Aba'y parang anay yaang babaeng ‘yan! Tingnan mo, sa susunod niyan, wala nang matitira sa ‘tin!” “Jusko! Ang hirap pa namang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon! Ano na lang ang ipapakain ko sa mga anak ko kung madawit ako sa gulo ng babaeng ‘yan!” “Mabuti pa, ‘wag na kayong lumapit d'yan lung ayaw niyong mapahamak!” Tinuloy ko lamang ang paghuhugas ng mga pinggan habang nakikinig sa mga usapan ng tatlong mga katulong na babae sa loob ng dirty kitchen. Kakatuwa na para nila akong tinuturing na bingi para umaktong hindi ko sila naririnig, o talaga namang sinasadya nilang magparinig sa akin. “Isipin mo ‘yon? ilang taon na rito
“Twenty-six… twenty seven…”Habang pinapanood si Ezekiel na lumalangoy sa ilang metrong swimming pool nang pabalik-pabalik, paulit-ulit nang walang hinto-hinto o ahon-ahon, ay parang ako na ang mauubusan ng hininga.Nakakatrentang laps na siya. Nag-eensayo ata siya para maging fishing boat o ano.Sa kung anong dahilan ay hindi ko na rin siya nakikitang nagtatrabaho, kundi ay palagi siyang nakatambay dito sa mansyon. Paminsan-minsan lamang siya umalis kasama ang kanang kamay niya na si Ramil.Sa kung anong dahilan ay hindi ako komportable, habang lumalangoy siya ng walang kasawaan. Nilalabanan niya ang lakas ng puwersa ng pag-alon ng tubig. Para niyang isinasabay sa hampas nito ang nararamdaman niya.Dahil ba sa pambubulabog ni Tita Elizabeth kaninang umaga?“Forty three… forty four… forty five…” kinagat ko ang ibaba kong labi. “Ezekiel,” mas nilakasan ko ang aking boses upang marinig niya. “Ezekiel!”Balak yata niyang magpakalunod. Well, pwede naman niyang gawin ‘yon, pero ‘wag lang s
Binabati ko po ang lahat na umabot sa puntong ito! Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po ito maipagpapatuloy at matatapos kung hindi dahil sa inyong mambabasa! Thank you ng marami 🫶🫶🫶 Kung isa po kayo sa naaliw at napasaya ng kwento nila Ezekiel at Serena, sana po ay huwag kayong mag-atubiling magbigay ng rate and comment nang maipabatid po sa akin ang naisin niyong sabihin, hihi. Good or bad reviews man, tatanggapin ko po as I am willing to learn more! ^o^ Hanggang sa muli. Kita po tayo sa susunod na kwento, paalam! Ezekiel and Serena are now signing off...
“Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?” nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.“Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo.” napapailing pang tugon ni Panying. “Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!”Napahagalpak siya ng tawa. “Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!”“Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay ‘yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman.”Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. “Kawawa naman ang mahal ko.”“I'm fine!” bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. “My wife, are you feeling okay?”“Pfft!”
Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.He
“Ta-da! Napakaganda!”Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti
Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin
“Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aabang sa natitirang mga kabatana sa kwento nila Ezekiel at Serena! Pasensya na dahil ngayon lang ang ako nakasulat matapos akong trangkasuhin >_
Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response. The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.“As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review t
Ezekiel entered the underground basement. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa lugar na matagal na niyang nakasanayan, kung kaya't wala na iyong epekto sa kaniya.“Open the cell.” pag-uutos niya kay Ramil, at agad naman itong nakakilos.Nang bumukas ang selda ay saka niya tinungo ang papasok. Hindi pa roon mismo makikita ang dalawang taong inadya niya ngayon. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang metro bago sila matunton.Samantalang ang mga tao namang nakakulong sa mga gilid ng selda ay puno ng hinagpis at pagmamakaawa na pakawalan na sila.Those arrogant and brutal criminals are now acting like victims, always begging for his mercy whenever they see him.This is the side of him he never wished Serena would understand. Batid niyang alam na ni Serena ang tungkol sa organisasyong ito. Subalit ninanais niya paring panatilihin itong sekreto at ibaon na lamang sa hukay kasama ng mga tao sa loob.This is a place where you'll only encounter his brutality and mercilessness