THIRD PERSON’S POV
Nakatulog pa rin si Isla dahil sa panyong itinakip sa kaniyang ilong. Laging sinisigurado ni Sebastian na wala pa rin itong malay kaya lagi niyang pinagmamasdan ang mukha ni Isla.
Napakaganda. Iyan ang nasa isip-isip ni Sebastian habang nakatingin ito sa mukha ni Isla. Maya-maya ay naisip niyang buhatin ang dalaga ng bridal style at iniakyat sa isang kwarto sa taas. Nilinisan niya ‘yon kanina kahit madilim.
May mga gamit pa dito, tulad ng mga libro, isang lamesa at upuan sa gitna nito at isang queen size bed, marahan niyang inihiga ang dalaga sa kama at kinuha ang mga kamay at itinali ulit sa headboard ng kama. Kinumutan pa niya ito at saka hinalikan sa noo.
“Sa wakas, mahal. Magkasama na tayo, sabi ko naman sa ‘yo, eh, walang makakahadlang sa atin. Akin ka lang,” banggit ni Sebastian.
Pagkatapos a
ISLA’S POV“Just sent him to jail or to mental institution. Just make sure hindi na ‘yan makakalabas pa or else ako ang mismong papatay sa kaniya.”Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng boses. Hindi pa malinaw kung sino ‘yon dahil iba ang tibok ng pulso sa ulo ko… kumikirot. Dahan-dahan kong hinawakan ‘to at sinusubukang ibangon ang katawan ko.Napatili ako nang maalala ang nangyari sa akin kaya naman bigla akong napamulat ng mata at tumingin sa aking paligid.“Aray,” inda ko nang sumakit na naman ang aking ulo. Sobrang sakit kaya napapapikit ulit ako.“Isla, Isla? Shh. I’m here. Ako ‘to, you are safe now, baby,” malambing na sabi ng kasama ko, parang boses ni Mr. Martin.Ramdam ko ang mga bisig niyang pumalibot sa akin at hinahalikan ang ulo ko
THIRD PERSON’S POVPagkasakay ni Gabreel sa sasakyan niya ay sinadya niyang huwag munang umalis sa lugar. Pinanood niya ang dalawa para mag-usap kahit hindi niya ito naririnig. Naging malalim ang kaniyang tingin nang mapansin na sobrang seryoso ang usapan ng dalawa.Kumunot lalo ang kaniyang noo nang mapansin na tila umiiyak ang dalaga bagamat nakatalikod ito sa kaniya ay nakikita niya kasing nagpupunas ng mukha ito. Hanggang sa nilagpasan ng dalaga ang kaibigan niya at walang lingon-lingon na umalis.Tulala at nanatili lang na nakatayo si Adam sa lugar kung saan siya iniwan ni Isla.Nakita ni Gabreel na tinanggal nito ang kaniyang salamin sa mata at nagpunas din.Napangisi si Gabreel at saka siya bumaba sa sasakyan niya at naglakad siya papalapit kay Adam.“Why is she crying?” tanong niya nang makalapit ng
THIRD PERSON’S POV“Sir? Sir!”Napakunot noo at nagsalubong ang mga kilay ni Mr. Martin sa kaniyang sekretarya. Nasa office siya ngayon at malalim pa rin ang isip. Sobrang gulong-gulo ang kaniyang isip at nalilito sa kung anong aksiyon ang gagawin niya sa mga revelation na nalaman niya kahapon.Kahapon pa niya hindi nakakausap si Isla dahil natatakot siya nab aka kung ano ang masabi niya. Kahit na tumatawag at nagte-text sa kaniya ang dalaga. Kailangan niya munang linawin ang lahat ng laman ng isip niya. Kailangan niya munang maghanap ng mga sagot sa mga tanong sa isip niya.“What?” wala sa sarili niyang tanong sa kaniyang sekretarya na ngayon ay nakaupo sa harap niya. Inalis niya ang tingin dito at tumingin ulit sa labas. Dahil nasa pinakamataas na palapag ang kaniyang opisina ay mataas din ang view mula dito. Nakikita niya ang mg
ISLA’S POV“A-anong ginagawa mo dito? Anong oras na, ah,” mahinang wika ko sa kaniya, ‘yong sapat lang para marinig niya.Naihangin ‘yong buhok ko kaya niyakap ko ang suot na roba at pinahigpit ang tali. Dahil anong oras na ay kakaiba na rin ang ihip ng hangin kaya naman nagsuot ako ng roba.Malamlam ang kaniyang mga titig sa akin. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse niya at binuksan ang pinto sa likod. Dumungaw siya sa loob at pagkabalik ay may hawak na naman na bulaklak na sunflower. Isang bouquet ‘yon. Naglakad siya papalapit sa akin at saka niya ito inabot.Nagkusa na humaba ‘yong nguso ko dahil akala ko ay may problema talaga o hindi kaya ay, nagsawa na siyang bigla sa akin.Hindi ko nga rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tawagan at i-text siya ng ilang beses, eh. Sobrang kabado a
ISLA’S POV“Next week will be switching of works so… okay, let’s just call it a day. Happy weekend everyone!”Binati namin ‘yong Architect na humahawak sa amin. Kakatapos namin sa site kaya bumalik kami dito sa firm para mag-log out. Para daw ma-monitor ‘yong mga oras namin. Buti na lang nairaos ko ‘yong buong araw. Buong araw din kasing nanakit ‘tong puson ko, first day pa man din.“Saan ka?” tanong ni Sasa habang inilalagay ‘yong susi sa ignition ng sasakyan. “Overnight ka ba ulit sa akin? Weekend bukas, so baka punta ulit ako sa ano… alam mo na ‘yon.”Sa step sibling niya siya pupunta parang naka-set na ‘yon lagi sa schedule niya.Napaisip naman ako kung saan ako muna uuwi. Since, kagabi sa bahay ako natulog, sinamahan ko muna ‘yong mg
ISLA’S POV“Saan ang toka mo bukas?”“Office works.”“I see. Same.”Napalingon ako kay Sasa dahil parang tumamlay ang kaniyang tono. Nandito siya ngayon sa bahay namin. Nakakapagtaka lang. Natutulog naman talaga siya dito kaso sobrang dalang lang. ‘Yong huling tulog niya dito, noong nalaman niyang may kapatid pala siya sa labas. That was three months ago.Siguro may iniisip na naman siya kaya siya nandito. Hihintayin ko lang siyang magsalita, katulad dati. Matapang ‘yan kaya kapag nag-open up na siya, isa lang ang ibig sabihin no’n, hindi na niya kayang sarilinin.Kasiya naman kami dito sa kama ko dahil hindi naman kami malapad pareho kaya sakto lang. Isang linggo na ang nakakalipas simula noong pumunta siya sa kapatid niya at noong last Friday, hindi siya pumunta. B
ISLA’S POVKasabay ng sigaw ko ay ang pagtili rin ng mga tao dito sa dancefloor. Dahil sa sigawan at ingay ay bumukas ang ilaw dito sa dancefloor.Kahit hindi ko makita ang taong nakatayo dito sa harap ko ay pamilyar na pamilya sa akin ang kaniyang amoy. Kumabog nang malakas ‘tong d*bdib ko.Nandito na siya?Hinawakan ko siya nang mabilis dahil susugurin niya na naman ‘yong lalaking nambabastos sa akin kanina.Napahinto siya at dahan-dahang napatingin sa braso niyang hawak ko. Umigting ang kaniyang mga panga at saka siya huminga nang malalim. Ang lamig ng mga tingin niya kaya mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay para akong batang nahuli na may ginagawang kalokohan. Hindi ko maipaliwanag.Tahimik pa rin ang mga tao at pinapanood ang mga nangyayari. Walang gustong makisali at madam
ISLA’S POV“What’s wrong? Kanina ka pa tahimik, ah. Hindi mob a gusto ‘yong mga pagkain?”“H-ha? Hindi, I mean, gusto ko.”Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya kasabay ng pagbaba ng hawak niyang kutsara at tinidor. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng umagahan. Paggising ko kanina ay may Chef ng naghahanda sa table sa kusina. Siguro tinatamad na siyang magluto. Umalis din naman ‘yong Chef pagkatapos niya at naiwan na ulit kaming dalawa dito. Nagtataka nga ako kung hindi ba siya papasok sa opisina ngayon.“Is there something wrong?” tanong niya ulit. Napahinto ako sa pagnguya at napatulala sa kaniya. Kanina pa ako binabagabag ng isip ko. Para kasing narinig ko si Adam kagabi. Pero baka panaginip lang? Kasi siyempre ‘di ba? Napakaimposible naman ‘yon. Para kasing totoong nangyari at parang