THIRD PERSON’S POV
“Sir? Sir!”
Napakunot noo at nagsalubong ang mga kilay ni Mr. Martin sa kaniyang sekretarya. Nasa office siya ngayon at malalim pa rin ang isip. Sobrang gulong-gulo ang kaniyang isip at nalilito sa kung anong aksiyon ang gagawin niya sa mga revelation na nalaman niya kahapon.
Kahapon pa niya hindi nakakausap si Isla dahil natatakot siya nab aka kung ano ang masabi niya. Kahit na tumatawag at nagte-text sa kaniya ang dalaga. Kailangan niya munang linawin ang lahat ng laman ng isip niya. Kailangan niya munang maghanap ng mga sagot sa mga tanong sa isip niya.
“What?” wala sa sarili niyang tanong sa kaniyang sekretarya na ngayon ay nakaupo sa harap niya. Inalis niya ang tingin dito at tumingin ulit sa labas. Dahil nasa pinakamataas na palapag ang kaniyang opisina ay mataas din ang view mula dito. Nakikita niya ang mg
ISLA’S POV“A-anong ginagawa mo dito? Anong oras na, ah,” mahinang wika ko sa kaniya, ‘yong sapat lang para marinig niya.Naihangin ‘yong buhok ko kaya niyakap ko ang suot na roba at pinahigpit ang tali. Dahil anong oras na ay kakaiba na rin ang ihip ng hangin kaya naman nagsuot ako ng roba.Malamlam ang kaniyang mga titig sa akin. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse niya at binuksan ang pinto sa likod. Dumungaw siya sa loob at pagkabalik ay may hawak na naman na bulaklak na sunflower. Isang bouquet ‘yon. Naglakad siya papalapit sa akin at saka niya ito inabot.Nagkusa na humaba ‘yong nguso ko dahil akala ko ay may problema talaga o hindi kaya ay, nagsawa na siyang bigla sa akin.Hindi ko nga rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tawagan at i-text siya ng ilang beses, eh. Sobrang kabado a
ISLA’S POV“Next week will be switching of works so… okay, let’s just call it a day. Happy weekend everyone!”Binati namin ‘yong Architect na humahawak sa amin. Kakatapos namin sa site kaya bumalik kami dito sa firm para mag-log out. Para daw ma-monitor ‘yong mga oras namin. Buti na lang nairaos ko ‘yong buong araw. Buong araw din kasing nanakit ‘tong puson ko, first day pa man din.“Saan ka?” tanong ni Sasa habang inilalagay ‘yong susi sa ignition ng sasakyan. “Overnight ka ba ulit sa akin? Weekend bukas, so baka punta ulit ako sa ano… alam mo na ‘yon.”Sa step sibling niya siya pupunta parang naka-set na ‘yon lagi sa schedule niya.Napaisip naman ako kung saan ako muna uuwi. Since, kagabi sa bahay ako natulog, sinamahan ko muna ‘yong mg
ISLA’S POV“Saan ang toka mo bukas?”“Office works.”“I see. Same.”Napalingon ako kay Sasa dahil parang tumamlay ang kaniyang tono. Nandito siya ngayon sa bahay namin. Nakakapagtaka lang. Natutulog naman talaga siya dito kaso sobrang dalang lang. ‘Yong huling tulog niya dito, noong nalaman niyang may kapatid pala siya sa labas. That was three months ago.Siguro may iniisip na naman siya kaya siya nandito. Hihintayin ko lang siyang magsalita, katulad dati. Matapang ‘yan kaya kapag nag-open up na siya, isa lang ang ibig sabihin no’n, hindi na niya kayang sarilinin.Kasiya naman kami dito sa kama ko dahil hindi naman kami malapad pareho kaya sakto lang. Isang linggo na ang nakakalipas simula noong pumunta siya sa kapatid niya at noong last Friday, hindi siya pumunta. B
ISLA’S POVKasabay ng sigaw ko ay ang pagtili rin ng mga tao dito sa dancefloor. Dahil sa sigawan at ingay ay bumukas ang ilaw dito sa dancefloor.Kahit hindi ko makita ang taong nakatayo dito sa harap ko ay pamilyar na pamilya sa akin ang kaniyang amoy. Kumabog nang malakas ‘tong d*bdib ko.Nandito na siya?Hinawakan ko siya nang mabilis dahil susugurin niya na naman ‘yong lalaking nambabastos sa akin kanina.Napahinto siya at dahan-dahang napatingin sa braso niyang hawak ko. Umigting ang kaniyang mga panga at saka siya huminga nang malalim. Ang lamig ng mga tingin niya kaya mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay para akong batang nahuli na may ginagawang kalokohan. Hindi ko maipaliwanag.Tahimik pa rin ang mga tao at pinapanood ang mga nangyayari. Walang gustong makisali at madam
ISLA’S POV“What’s wrong? Kanina ka pa tahimik, ah. Hindi mob a gusto ‘yong mga pagkain?”“H-ha? Hindi, I mean, gusto ko.”Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya kasabay ng pagbaba ng hawak niyang kutsara at tinidor. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng umagahan. Paggising ko kanina ay may Chef ng naghahanda sa table sa kusina. Siguro tinatamad na siyang magluto. Umalis din naman ‘yong Chef pagkatapos niya at naiwan na ulit kaming dalawa dito. Nagtataka nga ako kung hindi ba siya papasok sa opisina ngayon.“Is there something wrong?” tanong niya ulit. Napahinto ako sa pagnguya at napatulala sa kaniya. Kanina pa ako binabagabag ng isip ko. Para kasing narinig ko si Adam kagabi. Pero baka panaginip lang? Kasi siyempre ‘di ba? Napakaimposible naman ‘yon. Para kasing totoong nangyari at parang
THIRD PERSON’S POVNanghina at nangatog ang mga paa ni Isla nang marinig ang taong nasa kabilang linya. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at biglang nataranta. Hinawakan niya ang ulo niya at bahagya itong ginulo. Napakapit siya sa table at hindi niya sinasadyang naitulak ang bag niyang nakapatong doon. Nahulog ito sa sahig at nagkalat ang mga laman nito.Nagugulat na nagising si Tobias nang makarinig ng ingay. Inilibot niya ang paningin sa kama at bumangon bigla nang mapansin niyang wala si Isla sa tabi niya.“T-tobias,” nauutal at nanghihinang tawag ni Isla kay Tobias nang makita na gising ang binata.Mabilis na lumingon si Tobias kay Isla, bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala nang makita niya ang kalagayan ng dalaga. Para na itong mapapaupo sa sahig at pilit sinusportahan ang sarili sa lamesang kinakapitan.Napatingin si Tob
ISLA’S POV“Magbihis kayo, pupunta tayo sa hospital.” Pagdating na pagdating ko sa bahay ay ‘yan agad ang sinabi ko sa mga kapatid kong abala sa panonood ng cartoons.Nagtinginan silang kambal at mabilis pa sa alas kwatrong pinatay ang TV at saka pumasok sa kanilang kwarto. Napailing ako at natawa.“Dahan-dahan lang kayo at baka madulas kayo. Hay nako!” Umupos ako sa maliit na sofa sa sala at isinandal ang ulo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang gising na sina Mama at Papa. Hindi ko maipaliwanag ‘yong kaligayahang nararamdaman ko ngayon sa mga nangyayari… na sa sobrang saya may pakiramdam ka na baka bawiin agad.Na huwag naman sana.Ang sabi ni Doc. Rafael ay sobrang unexpected ‘yong pagkagising ni Mama, iyong tipong wala daw pasabi o mga symptoms na malapit na siyang magising
36ISLA’S POV“Gabreel? Tita? Bakit niyo sila sinisigawan?” puno ng pagtatakang tanong ko. Lumapit ako sa kanila at pumagitna.Rinig na rinig ko ang hikbi ng matandang kasama ni Gabreel. Sobrang bigat na pati sa akin ay tumatagos ‘yong sakit ng pinagdadaanan niya.Nagsalubong ang mga kilay ko kay Tita Martha, alam ko na mataray siya pero bakit kailangan umabot pa sa ganito? Na kahit hindi niya kilala ay inaaway niya? Pati sa matanda?“Tita? Ano na naman ba ‘to? Bakit mo sila sinisigawan? K-kaibigan ko po ‘tong lalaki, hindi ba ay sinabi ko na noon?” Magakahalong galit at hiya na ‘yong nararamdaman ko ngayon.Gulat na gulat si Tita, hindi siya sumagot sa akin at nag-iwas lang ng tingin.Napailing ako at saka siya tinalikuran. Hinarap ko sila Gabreel na
ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma
ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I
ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na
ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.
ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.
ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari
ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa
ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.
ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi