HALOS isang linggo na rin ang nakakalipas magmula noong umalis si Richard. Hindi ko alam kung walang alam si Rocco na wala sa Pilipinas ang ama niya o sadyang wala lang talaga itong pakielam kung nandito o wala 'yung isa. Pababa na ako sa may hagdan nang makarinig ako nang parang may umiiyak. Isasawalang bahala ko nalang sana iyon nang mapansin ko na parang lumalakas nang lumalakas. Ngunit hindi ko na napigilan ang curiosity ko nang makarinig ako ng malakas na pagsigaw. Dalawa lang kami ni Rocco na may silid sa palapag na ito kaya hindi ako maaaring magkamali na sa kwarto ng binata nanggagaling ang ingay na iyon. Alam kong baka mawindang ang buong pagkatao ko sa posibleng makita ko pag basta ko nalang papasukin ang silid ni Rocco pero wala na akong pakielam. Baka mamaya n'yan may nangyayari na dito at bigla nalang mabulungan ng demonyo,baka ano pa magawa sa kasama. Habang palapit ako nang palapit sa kwarto ni binata ay palakas naman palakas ang iyak at sigaw na naririnig ko. At
MABILIS kong isinilid ang mga ilang importanteng gamit ko sa maliit bag na nahila ko kung saan. Kung ano-ano nalang ang nilalagay ko doon dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako sa tamang pag-iisip. Muli, tumunog ang cellphone kong nakalagay sa gilid ng lamesa at nang makita ko ang pangalang rumehistro doon ay dali-dali ko iyong kinuha. "A-alex-""Ate… 'asan kana a-ate…" rinig na rinig ang pagngarag sa boses ni Alex. Hindi ko na rin napigilan ang sarili at isa isa na namang nagsipatakan ang masasaganang luha sa mga mata ko. "P-papunta na ako, Alex. Papunta na si ate-" "Bilisan mo ate. Baka anong mangyari kay mama. Ayokong mawala si mama, ate!" Sunod sunod akong napatango kahit na alam kong hindi naman iyon makikita ng kapatid. Mabilis ko nang hinila ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Wala nang ibang bagay ang lumulukob sa utak ko. Masyado na iyong pinupuno ng pag aalala at takot. Hindi lang para kay mama, kung hindi para sa buong pamilya namin. "Aliyah-"Hindi ko na ma
"ALIYAH anak!" Mabilis akong luminga nang marinig ko ang malakas na pagsigaw na iyon. It was my father who was now crying endlessly while looking at me intently. Agad agad akong lumapit dito."Pa ano pong nangyari kay mama? Bakit ganito? Bakit nagkaganito?"Imbes na sagutin ng ama ko ang sunod sunod kong pagtatanong ay marahan niya lang akong hinila palapit sa kwartong kanina niya pa binabantayan. Pagkakita ko pa lamang sa taong nasa loob ay agad akong nanghina. Na pakiramdam ko ay anumang oras ay bigla na naman akong matutumba."Ang mama mo, anak… D'yos ko… akala ko… a-akala ko m-mawawala na sa atin ang mama mo." Kasabay ng paghagulgol ni papa ay hindi ko na rin napigilan ang sarili kong hindi mapaiyak. Dalawa kaming nag iiyakan ngayon habang nakatingin sa bintana kung nasaan nakaratay si mama. Kapansin pansin ang pamamayat nito at mas lalo akong nasasaktan habang pinagmamasdan ang napakaraming tubo na nakakabit sa kanya. Hinintay ko na munang tumahan at kumalma si papa bago k
"NANAY Luz, wala pa po bang balita kay Richard? Hindi pa po ba siya nagtetext o tumatawag sa inyo?" Alanganing lumingon sa akin ang mayordoma habang hawak-hawak ang sandok na ginagamit nito sa pagluluto. Hindi marahil nito alam kung anong isasagot sa akin. "E-eh kasi ano, Aliyah eh…""Okay lang po kung hindi pa. Medyo nag aalala lang po kasi ako. Halos tatlong linggo na ang nakalilipas, hindi pa po siya tumatawag sa akin…" "Ganoon ba, Aliyah. Pasensya kana ha, maging sa akin rin kasi ay wala pa akong natatanggap na tawag o kahit text man lang. Hayaan mo at sa oras na magparamdam si Richard ay ipapaalam ko agad sa iyo." Isang marahan na pagtango na lamang ang sinagot ko sa matanda bago tuluyang lumabas ng kusina. Sa loob ng tatlong linggo na walang paramdam si Richard ay naging mabuti naman si mama sa ospital. Kung paminsan minsan ay pinapalitan ko si papa sa pagbabantay kay mama pero kung minsan ay ang aking ama na mismo ang nagpupumilit na siya na siya na lamang dahil gusto nya
“Aliyah anak! Maigi naman at dumating kana, kanina ka pa hinahanap ng mga kapatid mo at ng mama mo…”Isang mainit na yakap ang agad kong isinalubong sa papa ko pagkababa’t pagkababa ko mula sa kotseng kinasasakyan. Hindi man halata sa mukha ko ang sobrang kagalakan ay sobra pa sa sobra akong masaya. Sa isipin palang na nakalabas na si mama sa ospital at ngayon nga ay magkakasama kami ay halos wala nang paglagyan ang saya sa dibdib ko. “Namiss ko po kayo-”Naiwan sa ere ang mga salitang sasabihin ko nang walang sabi sabi ay bigla na lamang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si papa at hindi magkandaugagang tumungo sa driver’s seat na animo’y madaling madali. Ni hindi man lang yata narinig ang sinabi ko. “Iyon naman pala! Maigi na lamang at narito ka rin, anak ko Rocco!”Kulang nalang ay sumayad sa sahig ang panga ko sa sobrang pagkakalaki ng buka ng iyon. Tama ba ako ng narinig? Si papa, tinawag na anak ang damuhong Rocco na ‘yan?Kailan ko pa ‘yan naging kapatid aber?“P-pa…” H
NAGISING akong parang may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Antok na antok man ay pinilit kong imulat ang mga mata ko at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga iyon nang makita ko kung ano ang bagay na kanina pa nagpapahirap sa paghinga ko.“Anak ng! Rocco anong ginagawa mo dito?!” Matalim kong wika habang pilit kong inaalis ang mabigat na braso at binti nitong nakayakap sa akin.“Tabeee!” Nahihirapan ko pang saad. Pero ang damuho, langong lango ata sa alak dahil kahit anong gawin kong pagtulak sa parte ng katawan nitong nakadagan sa akin ay hindi naman ito nagigising. “Rocco! Anak ka naman talaga ng tatay mo oh!” Inipon ko ang buong lakas ko at pinilit kong alisin ang braso muna ng binata. Noong una ay naaalis ko pa ito ngunit nang maalimpungatan ito ay saglit lang itong tumingin sa paligid bago binaling ang paningin sa akin.Agad ko siyang pinandilatan ng mga mata. But Rocco being an asshole, he just smiled and even got closer to me. At halos tumaas ang lahat ng m
ROCCO POV“ALEX! Alex!!!” Malakas kong sigaw sa pangalan ng kapatid ni Aliyah habang hindi magkandaugaga sa paglabas ng kwarto ng dalaga. I just saw her fainted and I don’t know why I feel like she’s in the middle of danger. Ganito ba dapat talaga ako ka concern sa babae ng ama ko?“Bakit kuya? Anong nangyari? Inaway ka na naman ba ni ate? Pinapalayas ka na ba?” Mabilis akong umiling at walang ano ano ay hinila ko papunta sa kwarto ni Aliyah si Alex. Hindi ko din naman kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito nalang ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Para akong pusang hindi maihi. “No. Shit, ang ate mo-““Anong nangyari kay ate?!” Marahil ay napansin ni Alex ang kaba sa tono ko kaya maging ito ay bigla na lang din nataranta. Halos takbuhin na nga namin ang kwarto ni Aliyah at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ng kapatid nito nang makitang walang malay ang ate niya.“Anong gagawin ko dyan, kuya? Natutulog lang naman yata si ate.” Inosenteng wika pa nito.M
ALIYAH POVNAGISING ako na medyo may kaunting hilo pa ring nararamdaman. Pero ang pamimilipit ng puson ko ay medyo nawala na rin. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina. Basta ang natatandaan ko lang ay inaasar ako nang inaasar ni Rocco hanggang sa mawalan nalang marahil ako ng malay. Hanggang doon nalang kasi ang naalala ko. Agad kong nilibot ang mga mata ko. Akala ko naman kung nasaan na ako napunta. Maigi naman at nandito pa rin ako sa kwarto ko. Nang mahimasmasan ay nagmamadali akong tumayo at nagtungo sa tapat ng salamin. Alam ko na kasi na kapag nakahiga ako nang maayos sa kama nang may regla ay hindi pupwede na hindi ako tatagusan.At ang lintek nga naman! Napatampal ako sa noo ko nang makita ang bilog at pulang pula na dugo sa gitna ng likod ng shorts ko. Mabilis din akong napabalik tingin sa bedsheet ng kama ko. Putik talaga! Pati yun may dugo!“Ano ba naman yan! Magpapalit pa tuloy ako ng bedsheet mamaya! Bakit naman kasi nakaayos ako ng higa? Huling alala ko nakatagil
HI EBRIWAAAN! THANK YOU SO MUCH SA WALANG SAWANG PAGKALAMPAG PARA MATAPOS ANG STORY NILA ALIYAH AT ROCCO! SOBRANG TAGAL NA KASI NITONG DRAFT NA TO NA HALOS PAIBA IBA NA ANG PLOT PERO YUN NGA NAITAWID PA RIN KAYA MARAMING SALAMAT SA INYO. NAGBABALAK AKONG SUMALI SA CONTEST KAYA LANG BAKA HINDI KO NA NAMAN MATAPOS AGAD KAYA DI KO PA ALAM PERO THANKFUL AKO SA INYO ALWAYS, YUNG MGA NAGAGALIT DYAN SORRY HUHU, ILALAGAY KO NALANG KAYO SA SUNOD NA STORY KAYO YUNG MGA MAGPAPAHIRAP KAY FEMALE LEAD EME HAHAHA BAKA MAY MALITO SA MGA CHARACTERS SA DULONG PART HA, NASA STORY PO YAN NI ASHTON (Just a Contract) MAGANDA DIN AY SI PROMOTE HAHAHA YOWN LANG TENKS AGAIN, MAHAL KO KAYO LAHAT! MABUHAY PA SANA KAYO NANG MATAGAL 🖤🖤🖤
ALIYAH POV“ALIYAH!” Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Mae iyon na hingal na hingal. “M-mae?! Anong ginagawa mo dito? Delikado dito at saka paano ka napunta dito? Kinidnap ka din ba nila?” “Sa susunod ko na ipapaliwanag sayo ang lahat, for now, kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito at makalayo—““And what do you think you’re doing Mae? Bakit mo pinapakawalan ang pain ko?” Halos sabay pa kaming napalingon ni Mae sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. It was Mr. Perez having a smirk in his face. “What is wrong with you dad?! Hindi mo ba kilala kung sino tong babaeng kinidnap niyo?! It was Aliyah, my best friend. Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mahalagang tao sa buhay ko!”Halos madurog ang puso ko nang isang malakas na sampal ang agad na lumipad sa pisngi ni Mae. Shit, ama pala ni Mae si Mr. Perez. Anong kinalaman ng pamilya nila kay Richard? “Wow, I never knew you could be this ruthle
ALIYAH POV“MIGO ANO ‘TO?! Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!” Pinilit kong palakasin ang loob ko. Gusto kong magalit kay Migo, anong ginagawa niya dito?! Bakit siya nandito?“Migo ano?! Tangina kasabwat ka nila?! They are looking for Richard, tapos… tapos makikita kita dito? Tangina Migo tinatraydor mo ako! Tinatraydor mo si Richard!” Gusto kong sampalin, gusto kong sipain, gusto kong saktan si Migo. Paano niya to nagawa? Paano niya to nagawa sa amin? Kay Riley? Tangina, hindi ko maisip. Bakit sa lahat lahat ng tao? Sya pa, sya pa talaga na halos pinagkatiwala ko na ang buong buhay ko. “Can you please leave us?” Tanong ng binata sa mga lalaking nakabantay sa amin. Umalis na yung matanda na sa pagkakarinig mo ay si Mr. Perez. Mukhang nag alinlangan pa yung mga nakabantay at nagbubulungan. Mahigpit kasing bilin ng matanda kanina na huwag akong iiwanan ng tingin. “It’s just a few minutes, bumalik kayo agad pagtapos ng limang minuto.” “Tara na nga! Sya naman mananagot pag nakata
ROCCO POVPAKIRAMDAM ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang wala akong nadatnan sa bahay ko. Walang Aliyah at walang Riley.Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang iwan ako ulit nila Aliyah. Tangina ano nang gagawin ko?! Halos mapasalampak ako sa sahig nang masiguro kong wala na nga sila Aliyah sa pamamahay ko. I’ve searched everywhere. Sa kwarto, sa kusina sa banyo kahit sa garden ay wala! Wala na silang dalawa ni Riley. Imbes na mag iiiyak ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang number ni Aliyah. I immediately called her and I wasn’t surprised at all nang hindi ko na iyon ma-contact. Of course, sino bang umalis ang gustong mahanap siya. Tinigilan ko ang pagcontact kay Aliyah at si Paul nalang ang tinawagan. Halos dalawang ring lang ang lumipas at agad na rin niya iyong sinagot. “What now—““Aliyah was missing, iniwan niya na ako—““Kahit din naman ako ay ganoon ang gagawin pagtapos ng ginawa mo.” “Fuck you Paul, hindi ngayo
ROCCO POV“WHAT are you doing here, Rocco? Wala ka bang buhay na dapat sirain?” I immediately show Paul my middle finger while walking towards his liquor alley. Kumuha ako ng bote roon at basta na lamang tinungga. “Hey what the fuck?! That cost our lives! Alam mo bang mas matanda pa sa atin yang alak na yan tapos basta basta mo nalang tutunggain? Ano na naman bang problema mo?” Nahiga ako sa sofa na nandito lang din sa loob ng office ni Paul at tumunganga. What the fuck did I do? Imbes na mapalapit sa akin sila Aliyah ay parang mas lalo lang lumalayo ang loob nila sa mga ginagawa ko. Fuck, all I want is just a fucking chance. One chance. Please, bigay mo na sakin yun Lord. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako tapikin sa balikat ng pinsan ko. “I don’t know what you’re going through right now, Rocco. Pero advice ko lang sayo, balikan mo, kausapin mo.” “Nasasaktan ko lang sila, Paul. And only God knows that is the least thing I want them to experience. Tangina,
“JUST stay still there okay, Riley? Tatawagan lang ni mommy yung friend niya.” “Okay po.” Agad ko na ngang tinawagan ang numero ni Mae at ilang ring pa ang narinig ko bago niya iyon sagutin. “Hey, Aliyah, I’m really sorry, nandyan na ba kayo?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Akala ko pa naman ay nandito lang siya sa malapit kaya nagmadali agad akong nagpunta rito. But to my surprise, nauna pa rin kami ni Riley. “Yes, nasaan kana ba? Kung matatagalan ka pa I think i-reschedule nalang muna siguro natin ‘to or maybe we can catch up through phones nalang—““No no! I almost there, nasa escalator na ako. Sorry talaga!” Naiinis na binaba ko ang cellphone ko at nilingon si Riley. He was holding a toy that was given to him by Rocco, as far as I can remember, iyan yung laruan na binigay ng binata kay Riley noong unang beses naming pumunta sa bahay niya. A monster truck. “Riley, do you want something to eat? Or drinks maybe?” Alok ko sa anak ko. “No mommy, I’m not h
“HEY, how’s Riley? Okay lang ba siya?” Agad na nabaling ang mga paningin ko sa tapat ng pinto nang marinig ang tanong na iyon. It was Rocco who has a sad look in his face. Pansin na pansin rito ang bagsak na mga balikat.Kanina kasi ay sinubukan niyang kausapin si Riley tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa. I don’t know if Riley was just so young that’s why he cannot comprehend it at first or he just doesn’t want to believe everything Rocco has said to him. Nakita ko nalang na pumanhik ang anak namin dito sa kwarto at nagkulong. I tried to talk to him but he was just silenly crying until he fall asleep.Ilang araw na rin ang dumaan simula noong makauwi sila papa galing sa probinsya. Ngayon nga ay nandito na ulit kami sa bahay ni Rocco. Ayoko namang ipagkait sa binata ang pagkakataon na makabawi siya kay Riley. Nakikita ko naman na gustong gusto niya talagang makasama at makapag palagayan ng loob ang anak namin. Pero mukhang hindi yata magiging madali iyon.“Baka nabigla lang,
MABIGAT ang mga paa na pumanhik ako paitaas sa second floor kung saan naroon ang office room ni Richard. Ni hindi ko pa mapapansin na nakalagpas na pala ako roon kung hindi ko lang naramdaman ang paghila sa braso ko ng kung sinuman. “Ano—“ Naputol sa hangin ang mga salitang sasabihin ko nang makita ko ang kunot na kunot na noo ni Rocco. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o naiirita o ano. “Oh Rocco—“ “Are you okay? Bakit parang ang lalim na naman ng inisiip mo?” Singit nito. Pasimple kong hinila ang braso kong hindi siguro napansin ng binata na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Rocco seems too focused on me that is why I was easily get rid on his grip. “Anong sinasabi mo? Hindi ah!” Mabilis kong depensa. Rocco let out a heavy sighed. Para siyang pagod na pagod sa mga nangyayari. Eh wala namang ibang nangyayari! Ewan ko ba dyan sa kanya bakit para na naman siyang magulang kung mamroblema! “Aliyah, look,” panimula pa nito sabay lagay ng kanyang dalawang kamay pa
“WHY are you frowning? Hindi ba pumayag ka naman dito?” Mabilis akong napairap ng mga mata nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rocco. He was now focusing on driving but still was able to take a sideye on me. Naiinis ako! Ito pala yung sinasabi ng binata kanina. Eh hindi ko naman kasi naintindihan! Masyadong pre occupied yung utak ko kanina kaya basta nalang ako tumango at pumayag. “Hindi kita pinilit, Aliyah. Kusa kang umoo, di ba?”Hindi ko alam kung nangtitrip ba itong si Rocco o totoong genuine lang naman yung tinatanong nya. Pero naman kasi! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang unti unti ko nang matanaw ang malaking mansyon ng mga Saavedra. This is the request that Rocco was asking for me a while ago. He wants me to come with him to their mansion and talk to Richard, his father. Ayoko na muna nga sanang bumalik ng mansyon. Hindi pa ko ready at hindi ko din alam kung ano ba ang magiging reaksyon nila Richard at Migo sa oras na malaman nilang alam na pa