ROCCO POV“ALEX! Alex!!!” Malakas kong sigaw sa pangalan ng kapatid ni Aliyah habang hindi magkandaugaga sa paglabas ng kwarto ng dalaga. I just saw her fainted and I don’t know why I feel like she’s in the middle of danger. Ganito ba dapat talaga ako ka concern sa babae ng ama ko?“Bakit kuya? Anong nangyari? Inaway ka na naman ba ni ate? Pinapalayas ka na ba?” Mabilis akong umiling at walang ano ano ay hinila ko papunta sa kwarto ni Aliyah si Alex. Hindi ko din naman kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito nalang ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Para akong pusang hindi maihi. “No. Shit, ang ate mo-““Anong nangyari kay ate?!” Marahil ay napansin ni Alex ang kaba sa tono ko kaya maging ito ay bigla na lang din nataranta. Halos takbuhin na nga namin ang kwarto ni Aliyah at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ng kapatid nito nang makitang walang malay ang ate niya.“Anong gagawin ko dyan, kuya? Natutulog lang naman yata si ate.” Inosenteng wika pa nito.M
ALIYAH POVNAGISING ako na medyo may kaunting hilo pa ring nararamdaman. Pero ang pamimilipit ng puson ko ay medyo nawala na rin. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina. Basta ang natatandaan ko lang ay inaasar ako nang inaasar ni Rocco hanggang sa mawalan nalang marahil ako ng malay. Hanggang doon nalang kasi ang naalala ko. Agad kong nilibot ang mga mata ko. Akala ko naman kung nasaan na ako napunta. Maigi naman at nandito pa rin ako sa kwarto ko. Nang mahimasmasan ay nagmamadali akong tumayo at nagtungo sa tapat ng salamin. Alam ko na kasi na kapag nakahiga ako nang maayos sa kama nang may regla ay hindi pupwede na hindi ako tatagusan.At ang lintek nga naman! Napatampal ako sa noo ko nang makita ang bilog at pulang pula na dugo sa gitna ng likod ng shorts ko. Mabilis din akong napabalik tingin sa bedsheet ng kama ko. Putik talaga! Pati yun may dugo!“Ano ba naman yan! Magpapalit pa tuloy ako ng bedsheet mamaya! Bakit naman kasi nakaayos ako ng higa? Huling alala ko nakatagil
NAGING mabilis lang din ang pagdaan ng mga araw. Ni hindi ko nga din napapansin na halos lagpas na sa isang linggo kaming nandito sa bahay ng pamilya ko. Si Rocco? Ayun, masayang nakikipagkwentuhan kanila mama at papa sa may bakuran habang ako nandito sa loob na kunyaring nanonood lang pero ang totoo ay bored na bored na sa buhay. Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal nakatitig kanila Rocco sa labas. Hindi pa sana matitigil iyon kung hindi ako tinabihan ni Alex habang naniningkit ang mga mata. “Hoy ate, baka naman bigla nalang matunaw si kuya Rocco nyan. Grabe ka naman kasi makatitig eh.” Isang mabilis na irap ang agad kong ginawa.Binalik ko ang mga mata ko sa harap ng tv at muling nagkunyaring nanonood. “Hoy ‘te…” Aba! Ayaw pa ata ako tigilan ng isang to. Imbes na pansinin si Alex ay sina walang bahala ko lang ito. “Ate-““Alex ano ba yon?! Hindi mo ba nakikita nanonood ako?!” “Anong pinapanood mo dyan? Eh commercial palang naman!” “Wala kanang pake-““Oh ayan.” Pamu
“MATULOG kana muna, I’ll just wake you up once we got there.” Isang tahimik na titig lang ang isinagot ko kay Rocco sa sinabi niyang iyon. Hindi ko din alam kung paanong napapayag niya ako na samahan siya papunta sa flower farm nya daw.Maganda kaya doon? Hindi naman ako mahilig sa mga bulaklak but of course! Kahit sino namang babae ay maeexcite kapag nakakita ng lugar na punong puno ng napakaraming tanim na bulaklak, hindi ba?“Aliyah…” Bored na bored kong muling tiningnan ang binata. “You should sleep. Malayo pa naman tayo.”“Ayoko. Baka saan mo pa ako dalhin. Baka mamaya paggising ko nasa gitna na ko ng kawalan.” I snorted out. Ang daan na tinatahak nalang namin ang pinagka abalahan kong tingnan. Maigi nalang talaga at wala pang araw kanina noong kami umalis ni Rocco sa bahay. Wala pang gaanong sasakyan ang nakakasabay namin. Tiyak akong mayamaya lamang ay magtatraffic na dito. “Do you really think that I will do that?” Muling saad nito. Bakit parang ang daldal na naman ni R
“WHY’D you left? Ni hindi pa nga ako tapos kumain.”Isang hindi makapaniwalang tingin ang agad kong pinakita kay Rocco nang marinig ang tinuran nito.Anong gusto niyang mangyari? Panoorin ko silang dalawa ni Stella na naglalampungan sa harap ko? No way! At baka hindi pa ako matunawan sa kinain ko, manakit pa ang tiyan ko. “Im already through with my foods when I left-““Pero ako? I’m not done yet, Aliyah. You should at least wait me to finish my food.” “Papaano ka matatapos kung inuuna niyo harutan kaysa kumain ka? Alangan namang sumali pa ako sa pagsusubuan niyong dalawa?” Pabulong na saad ko at kinuha na ang seat belt para isuot iyon. “What?!” Marahas na muling pagkakatanong ng binata habang pagalit pa yatang kinukuha ang seatbelt niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan.“Wala!” Sagot ko nang pasigaw rin. Anong akala niya? Uuurungan ko siya sa pagsisigaw. Wag nga ako! Wala akong time magpa bully ngayon.“Tapos ngayon ikaw pa ang galit?” Dramatikong usal muli nito habang nag
MARAHAS akong napayakap sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang malakas na pagbuhos ng ulan. At kahit na nandito naman ako sa loob ng kubo ay damang dama ko pa rin ang lamig ng lugar. Maigi na nga lang din at hindi kumukulog dahil kung nagkataon ay baka kanina pa ako nagpapalahaw ng iyak. Tanging ang maliit na gasera lang din ang nagbibigay liwanag at kahit papaano ay unting init dito sa amin. “I don’t think makakauwi pa tayo ng mansyon ngayon. Seeing how heavy the rainfall is? Baka dito nalang muna tayo magpalipas ng gabi.”I didn’t say a word instead I just stared at Rocco. Hanggang ngayon ay nakubad ito dahil ang damit niya ay nakasampay sa isang bangkitong kahoy din. Obviously he is just wearing his faded maong jeans and I can really see right here where I am seated the famous name of Calvin Klein on his underwear.“You good there? Hindi ka ba nilalamig?” Muling saad ng binata habang nakakunot ang noo. Paanong ako ang lalamig
ROCCO starting to roam his hands from my neck down to my shoulders. At gusto ko mang kastiguhin ang sarili ko dahil sa nangyayari ay hindi ko magawa. Para akong pinangungunahan ng pagnanasa na hindi ko rin alam kung saan nanggagaling. Shit, this is so wrong. All wrong!“R-rocco…” imbes na pagtutol ang dapat na tono sa pagtawag ko sa pangalan ng binata ay para pa itong naging ungol. Marahas akong napapikit ng mga mata nang maramdaman kong lumalalim ang ginagawang paghalik sa akin ni Rocco. He even slightly bit my lips, and a small moan was immediately escape from my mouth.“Hmm?” Shitness ka talaga Rocco! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!“This is w-wrong, Rocco… so wrong. We can’t do this—“Naiwan sa hangin ang mga salitang sasabihin ko nang biglang tumigil sa kanyang ginagawa ang binata. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit tila yata nanghihinayang ako sa biglaang pagsunod ni Rocco sa gusto ko.Rocco eyes stared at me for a moment. Para niyang kinakabisado ang
NAGISING akong parang may kung anong humahaplos sa pisngi ko. At ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko nang makitang ang gwapong mukha ni Rocco ang agad na bumungad sa akin.“A-anong ginagawa mo? At saka anong oras na ba?” Tanong ko at akma pa sanang lalayo ng pagkakahiga dito. But Rocco didn’t let me. Mas lalo lang niya akong hinila palapit sa kanya at nagsumiksik sa leeg ko. I cleared the lump on my throat. Habol habol din ang lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang lapit naming dalawa. Hindi pa rin ako sanay sa ganito. “I miss you Aliyah, I really miss you.” Mabilis na kumunot ang noo ko. Anong pinagsasasabi nito? Papaanong miss eh magkasama naman kami buong magdamag.After the confession we had last night, hindi rin naman nagtagal ay nag aya na rin ako matulog. I am not sure exactly kung gaano kami katagal muna nagkwentuhan bago ako antukin at makatulog ng tuluyan. Ang naalala ko nalang ay nagkekwento si Rocco tapos ayun, bigla nalang akong nakatulog. “Anong sinasabi mo?
HI EBRIWAAAN! THANK YOU SO MUCH SA WALANG SAWANG PAGKALAMPAG PARA MATAPOS ANG STORY NILA ALIYAH AT ROCCO! SOBRANG TAGAL NA KASI NITONG DRAFT NA TO NA HALOS PAIBA IBA NA ANG PLOT PERO YUN NGA NAITAWID PA RIN KAYA MARAMING SALAMAT SA INYO. NAGBABALAK AKONG SUMALI SA CONTEST KAYA LANG BAKA HINDI KO NA NAMAN MATAPOS AGAD KAYA DI KO PA ALAM PERO THANKFUL AKO SA INYO ALWAYS, YUNG MGA NAGAGALIT DYAN SORRY HUHU, ILALAGAY KO NALANG KAYO SA SUNOD NA STORY KAYO YUNG MGA MAGPAPAHIRAP KAY FEMALE LEAD EME HAHAHA BAKA MAY MALITO SA MGA CHARACTERS SA DULONG PART HA, NASA STORY PO YAN NI ASHTON (Just a Contract) MAGANDA DIN AY SI PROMOTE HAHAHA YOWN LANG TENKS AGAIN, MAHAL KO KAYO LAHAT! MABUHAY PA SANA KAYO NANG MATAGAL 🖤🖤🖤
ALIYAH POV“ALIYAH!” Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Mae iyon na hingal na hingal. “M-mae?! Anong ginagawa mo dito? Delikado dito at saka paano ka napunta dito? Kinidnap ka din ba nila?” “Sa susunod ko na ipapaliwanag sayo ang lahat, for now, kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito at makalayo—““And what do you think you’re doing Mae? Bakit mo pinapakawalan ang pain ko?” Halos sabay pa kaming napalingon ni Mae sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. It was Mr. Perez having a smirk in his face. “What is wrong with you dad?! Hindi mo ba kilala kung sino tong babaeng kinidnap niyo?! It was Aliyah, my best friend. Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mahalagang tao sa buhay ko!”Halos madurog ang puso ko nang isang malakas na sampal ang agad na lumipad sa pisngi ni Mae. Shit, ama pala ni Mae si Mr. Perez. Anong kinalaman ng pamilya nila kay Richard? “Wow, I never knew you could be this ruthle
ALIYAH POV“MIGO ANO ‘TO?! Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!” Pinilit kong palakasin ang loob ko. Gusto kong magalit kay Migo, anong ginagawa niya dito?! Bakit siya nandito?“Migo ano?! Tangina kasabwat ka nila?! They are looking for Richard, tapos… tapos makikita kita dito? Tangina Migo tinatraydor mo ako! Tinatraydor mo si Richard!” Gusto kong sampalin, gusto kong sipain, gusto kong saktan si Migo. Paano niya to nagawa? Paano niya to nagawa sa amin? Kay Riley? Tangina, hindi ko maisip. Bakit sa lahat lahat ng tao? Sya pa, sya pa talaga na halos pinagkatiwala ko na ang buong buhay ko. “Can you please leave us?” Tanong ng binata sa mga lalaking nakabantay sa amin. Umalis na yung matanda na sa pagkakarinig mo ay si Mr. Perez. Mukhang nag alinlangan pa yung mga nakabantay at nagbubulungan. Mahigpit kasing bilin ng matanda kanina na huwag akong iiwanan ng tingin. “It’s just a few minutes, bumalik kayo agad pagtapos ng limang minuto.” “Tara na nga! Sya naman mananagot pag nakata
ROCCO POVPAKIRAMDAM ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang wala akong nadatnan sa bahay ko. Walang Aliyah at walang Riley.Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang iwan ako ulit nila Aliyah. Tangina ano nang gagawin ko?! Halos mapasalampak ako sa sahig nang masiguro kong wala na nga sila Aliyah sa pamamahay ko. I’ve searched everywhere. Sa kwarto, sa kusina sa banyo kahit sa garden ay wala! Wala na silang dalawa ni Riley. Imbes na mag iiiyak ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang number ni Aliyah. I immediately called her and I wasn’t surprised at all nang hindi ko na iyon ma-contact. Of course, sino bang umalis ang gustong mahanap siya. Tinigilan ko ang pagcontact kay Aliyah at si Paul nalang ang tinawagan. Halos dalawang ring lang ang lumipas at agad na rin niya iyong sinagot. “What now—““Aliyah was missing, iniwan niya na ako—““Kahit din naman ako ay ganoon ang gagawin pagtapos ng ginawa mo.” “Fuck you Paul, hindi ngayo
ROCCO POV“WHAT are you doing here, Rocco? Wala ka bang buhay na dapat sirain?” I immediately show Paul my middle finger while walking towards his liquor alley. Kumuha ako ng bote roon at basta na lamang tinungga. “Hey what the fuck?! That cost our lives! Alam mo bang mas matanda pa sa atin yang alak na yan tapos basta basta mo nalang tutunggain? Ano na naman bang problema mo?” Nahiga ako sa sofa na nandito lang din sa loob ng office ni Paul at tumunganga. What the fuck did I do? Imbes na mapalapit sa akin sila Aliyah ay parang mas lalo lang lumalayo ang loob nila sa mga ginagawa ko. Fuck, all I want is just a fucking chance. One chance. Please, bigay mo na sakin yun Lord. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako tapikin sa balikat ng pinsan ko. “I don’t know what you’re going through right now, Rocco. Pero advice ko lang sayo, balikan mo, kausapin mo.” “Nasasaktan ko lang sila, Paul. And only God knows that is the least thing I want them to experience. Tangina,
“JUST stay still there okay, Riley? Tatawagan lang ni mommy yung friend niya.” “Okay po.” Agad ko na ngang tinawagan ang numero ni Mae at ilang ring pa ang narinig ko bago niya iyon sagutin. “Hey, Aliyah, I’m really sorry, nandyan na ba kayo?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Akala ko pa naman ay nandito lang siya sa malapit kaya nagmadali agad akong nagpunta rito. But to my surprise, nauna pa rin kami ni Riley. “Yes, nasaan kana ba? Kung matatagalan ka pa I think i-reschedule nalang muna siguro natin ‘to or maybe we can catch up through phones nalang—““No no! I almost there, nasa escalator na ako. Sorry talaga!” Naiinis na binaba ko ang cellphone ko at nilingon si Riley. He was holding a toy that was given to him by Rocco, as far as I can remember, iyan yung laruan na binigay ng binata kay Riley noong unang beses naming pumunta sa bahay niya. A monster truck. “Riley, do you want something to eat? Or drinks maybe?” Alok ko sa anak ko. “No mommy, I’m not h
“HEY, how’s Riley? Okay lang ba siya?” Agad na nabaling ang mga paningin ko sa tapat ng pinto nang marinig ang tanong na iyon. It was Rocco who has a sad look in his face. Pansin na pansin rito ang bagsak na mga balikat.Kanina kasi ay sinubukan niyang kausapin si Riley tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa. I don’t know if Riley was just so young that’s why he cannot comprehend it at first or he just doesn’t want to believe everything Rocco has said to him. Nakita ko nalang na pumanhik ang anak namin dito sa kwarto at nagkulong. I tried to talk to him but he was just silenly crying until he fall asleep.Ilang araw na rin ang dumaan simula noong makauwi sila papa galing sa probinsya. Ngayon nga ay nandito na ulit kami sa bahay ni Rocco. Ayoko namang ipagkait sa binata ang pagkakataon na makabawi siya kay Riley. Nakikita ko naman na gustong gusto niya talagang makasama at makapag palagayan ng loob ang anak namin. Pero mukhang hindi yata magiging madali iyon.“Baka nabigla lang,
MABIGAT ang mga paa na pumanhik ako paitaas sa second floor kung saan naroon ang office room ni Richard. Ni hindi ko pa mapapansin na nakalagpas na pala ako roon kung hindi ko lang naramdaman ang paghila sa braso ko ng kung sinuman. “Ano—“ Naputol sa hangin ang mga salitang sasabihin ko nang makita ko ang kunot na kunot na noo ni Rocco. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o naiirita o ano. “Oh Rocco—“ “Are you okay? Bakit parang ang lalim na naman ng inisiip mo?” Singit nito. Pasimple kong hinila ang braso kong hindi siguro napansin ng binata na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Rocco seems too focused on me that is why I was easily get rid on his grip. “Anong sinasabi mo? Hindi ah!” Mabilis kong depensa. Rocco let out a heavy sighed. Para siyang pagod na pagod sa mga nangyayari. Eh wala namang ibang nangyayari! Ewan ko ba dyan sa kanya bakit para na naman siyang magulang kung mamroblema! “Aliyah, look,” panimula pa nito sabay lagay ng kanyang dalawang kamay pa
“WHY are you frowning? Hindi ba pumayag ka naman dito?” Mabilis akong napairap ng mga mata nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rocco. He was now focusing on driving but still was able to take a sideye on me. Naiinis ako! Ito pala yung sinasabi ng binata kanina. Eh hindi ko naman kasi naintindihan! Masyadong pre occupied yung utak ko kanina kaya basta nalang ako tumango at pumayag. “Hindi kita pinilit, Aliyah. Kusa kang umoo, di ba?”Hindi ko alam kung nangtitrip ba itong si Rocco o totoong genuine lang naman yung tinatanong nya. Pero naman kasi! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang unti unti ko nang matanaw ang malaking mansyon ng mga Saavedra. This is the request that Rocco was asking for me a while ago. He wants me to come with him to their mansion and talk to Richard, his father. Ayoko na muna nga sanang bumalik ng mansyon. Hindi pa ko ready at hindi ko din alam kung ano ba ang magiging reaksyon nila Richard at Migo sa oras na malaman nilang alam na pa