Makaraan ang isang linggo, dahil maagang umalis si Vilma sa mansion ay sina Gaustav at Zyra lang ang naiwan para kumain ng umagahan. Ayaw man ni Gaustav na itanong kay Zyra kung ano ang nasa isip niya pero alam kasi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya malaman ang sagot ng dalaga. "Zyra, oo nga pala. Tutal, okay naman na ang lahat dito sa bahay, ano kaya kung maging okay na rin kayo ng pamilya mo? Alam mo na, para masaya ka na rin sa aspetong iyon," sabi ni Gaustav pagkatapos ay ngumiti. Ilang minutong natahimik si Zyra bago niya tuluyang sagutin si Gaustav. Inisip niya muna kasi kung iyon na ba talaga ang tamang panahon para kausapin niya ang kanyang pamilya. "Hey, Zyra. Are you okay? I'm sorry, mukhang hindi ko na dapat pa tinanong iyon. Wala, naisip ko lang kasi. Gusto ko lang na gumaan na ang pakiramdam mo towards them. After all, pamilya mo pa rin naman sila," sabi ni Gaustav kaya bumalik na siya sa ulirat. "Ah, I'm sorry. May iniisip kasi ako. Paano kung hindi
Nang nasa harapan na sila ng bahay ng kanyang ina ay mahigpit na hinawakan ni Zyra ang kamay ni Gaustav. Dahan-dahan silang naglakad pagkatapos ay kumatok at nang buksan ni Cynthia ang pinto ay seryosong tiningnan nito ang dalawa habang nakatayo ito sa harapan ng bahay niya. Halatang galit pa rin siya sa dalawa."O, ano ang ginagawa niyo rito? Guguluhin niyo na naman ba ako? Aba, kung iyon lang ang gagawin niyo ay umalis na kayo rito," iyon agad ang sabi ni Cynthia, hindi man lang niya pinagbigyan ang anak na makapagsalita."Tita, nandito po kaming dalawa kasi gusto po namin kayong makausap. Lalo na po si Zyra. Gustong-gusto po niya na magbati na kayo," sagot agad ni Gaustav, hindi na pinansin kung ano ang sinabi ni Cynthia."Kami? Magbabati ng babaeng iyan? Naku, huwag na lang. Siya naman itong naunang tumalikod sa aming dalawa, hindi ba? Bakit ko pa 'yan tatanggapin bilang anak?" galit na sagot ni Cynthia, kung tutuusin ay gusto nang sumuko ni Zyra noon dahil sa kanyang mga narinig
Tuluyan nang nag-resign si Zyra sa RCG dahil hindi naman siya laging pumapasok. Nahihiya lang siya kay Alexis madalas dahil hinahayaan lang ng kanyang boss na ganoon ang gawin niya. "Iha, ano na ang gagawin mo ngayon na wala ka ng trabaho? Gusto mo bang tumulong sa Ramosa? Sabihan mo lang ako, tatawagan ko ang secretary ko kung gusto mo," sabi ni Vilma habang sila ay kumakain. "Mommy, umalis nga sya sa RCG tapos sa Ramosa mo naman pagtatrabahuhin?" sagot ni Gaustav, hindi na hinayaan pa na makasagot si Zyra. Agad namang hinawakan ni Zyra ang kamay ng binata at saka nagsalita. "Gaustav, ano ka ba? Okay lang. She's just asking about it," tumingin si Zyra kay Vilma at saka nagsalita ulit. "I'll think about it po, Tita. Thank you po for considering the idea." Ngumiti lang si Vilma bilang tugon at bumalik na sa paghigop ng kanyang morning tea. Ilang minuto pa ay tinanong ni Vilma ang schedule ng kanyang anak dahil gusto niyang i-treat ang dalawa sa labas. Para makabawi mab l
Sa kotse pa lang ay busy na makipagkwentuhan si Vilma kay Zyra. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil sa wakas ay magaan na ang loob nila sa isa't isa. "Tita, thank you po talaga ha? Kasi po, okay na tayo," sabi ni Zyra, hinawakan naman ni Vilma ang kamay ng dalaga pagkatapos noon. "Zyra, I consider you as mine now. Don't worry, kahit ano pa ang mangyari, alam ko sa sarili ko na anak kita," nakangiting sagot ni Vilma kaya maluha-luha si Zyra. 'Sana, ganito din si nanay. Kaso, mukhang malabo na 'yon.' sabi niya sa kanyang isip. "Hmm, Tita.. Matanong ko lang po, wala po bang ibang kapatid si Gaustav? Wala po kasi siyang nasasabi sa akin," pag-iiba ni Zyra ng topic para hindi na siya tuluyang maiyak. "Ah, naku. Hindi talaga niya kwinento sa'yo? May kapatid na isa pa si Gaustav, babae. Si Amethyst. Kaso, hindi sila okay kaya siguro never niyang binanggit sa'yo ang tungkol doon." Nanlaki ang mga mata ni Zyra pagkatapos ng kanyang nalaman. Gusto man niyang tanungin kung ano ang nangyari
Agad na pinamili ni Vilma si Zyra ng mga damit. Nagulat pa nga siya dahil may mga binili ang ginang na sexy dress. Gusto niya sanang alisin 'yon sa mga pinamili pero agad siyang pinigilan ni Vilma. "Iha, okay na iyan. Huwag mong tatanggalin sa basket, please?" Nanlaki ang mga mata ni Zyra. "Po? Tita, hindi naman po ako nagsusuot ng mga ganitong klaseng damit. Para pong kinulang sa tela ito eh," dahil sa sinabi ni Zyra ay tumawa si Vilma. "Baka ngayon hindi ka pa nagsusuot ng ganyan, pero believe me, darating ang araw na kakailanganin mo 'yan. Para, alam mo na.." Agad na nahiya si Zyra dahil sa sinabi ni Vilma pero sa loob-loob din niya ay natatawa siya. Hindi niya kasi ma-imagine na magsusuot siya ng ganoong klaseng damit. Namili pa sila ng ilang damit, pati makeup ay bumili rin sila. Ayaw nga rin iyon ni Zyra pero mukhang wala naman siyang magagawa. "Tita, I'm not using makeup po," sabi niya para ibalik ni Vilma ang lahat ng binili niya. "Zyra, you'll gonna need tha
Nakailang katok din si Gaustav bago tuluyang buksan ang pinto ng bahay ni Cynthia. Oo, kinailangan niyang magsinungaling sa pinakamamahal niyang babae dahil alam niyang magagalit ito kapag sinabi niya ang totoo. Nanlaki ang mga mata ni Leo nang makita si Gaustav sa may pintuan ng bahay nila. Pero, wala na rin siyang nagawa. "Pasok po kayo, Kuya," yaya niya kay Gaustav pagkatapos ay napailing na lang din siya dahil hindi pa ayos ang kanilang bahay. Hiyang-hiya siya sa binata. "Ah, nay! May bisita po tayo!" tawag ni Leo sa kanyang ina. "Sino? Sige, papasukin mo. May ginagawa lang ako rito!" sigaw ni Cynthia habang siya ay nasa kusina. Kitang-kita na kabado si Leo, hindi niya alam kung tama bang pinapasok niya si Gaustav sa bahay nila. Hanggang sa dumating na ang ginang, galing siya sa kusina. Gulat na gulat ang itsura, gustong magalit pero dahil nasa loob na ng kanyang pamamahay si Zyra ay hindi na niya nagawa. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Cynthia pagkatapos ay umupo.
Habang nagme-merienda sina Zyra at Vilma ay dumating na si Gaustav. Siya muna ang naunang pumasok sa mansion dahil alam niyang magugulat ang dalawa kung kasabay niya sina Cynthia at Leo. "O, anak. Nandyan ka na pala. Mabuti naman at umuwi ka na. Pinag-uusapan ka lang namin ni Zyra kanina," nakangiting bati ni Vilma sa kanyang anak. "Me? Bakit naman ako ang pinag-uusapan niyo, ha?" tanong niya sabay halik sa pisngi noong dalawa. "Naku, hindi ka raw kasi nakasama kanina. Well, okay lang naman kasi nagkaroon kami ng bonding ni Tita Vilma," sagot naman ni Zyra pagkatapos ay ngumiti. Agad na napansin ni Zyra na parang hindi mapalagay si Gaustav, hindi rin ito umupo sa tabi nila pagkatapos pumasok sa mansion kaya alam niyang may iniisip o di kaya ay problema ang binata. "Gaustav, bakit? Halika na, umupo ka na rito sa tabi ko," yaya niya pero umiling lang si Gaustav. "Bakit? May problema ba?" tanong ulit ni Zyra, nalilito na sa kinikilos ng binata, kitang-kita tuloy ni Vilma kung g
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G
Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
Makaraan ang ilang linggo, dahil nga hindi na pumasok sa RCG ay dinalaw na lang siya ni Lenie sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni Yaya Frida kaya tinanong na rin niya rito kung nasaan si Zyra. "Ay, Yaya Frida, nasaan po pala si Zyra? Pakisabi naman po na dumalaw ako sa kanya." "Sige po, pasok po muna kayo at umupo rito. Nasa kwarto pa si Zyra, nag-aayos. Aalis po yata sila mamaya," sagot naman ni Yaya Frida. Tumango na lang siya. Pagkapanhik ni Yaya Frida ay naiwan si Lenie sa living room. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lang si Lenie nang makita si Cynthia sa mansion. Kakalabas lang nito sa guest room. "O, Aling Cynthia. Nandito na po pala kayo. Ibig sabihin, okay na po kayo ni Zyra?" tanong ni Lenie, kumunot agad ang noo ng matanda. Nagtaka tuloy si Lenie at napatanong sa kanyang sarili. 'May nasabi ba akong masama?'
Pagkatapos makipag-usap ni Cynthia kay Zyra ay bumalik na ulit siya sa guest room at kwinento kay Leo kung ano ang pinag-usapan nila ng kanyang panganay na anak."Hay naku, ang bilis naman pala niyang mapaniwala. Konting yakap lang, konting luha, okay na agad siya. Naniwala na agad na okay kami. Ano ba namang klaseng mga tao 'to?" natatawa pa si Cynthia pagkatapos sabihin iyon."Sabi ko naman sa'yo nay, konting lambing mo lang ang kailangan ni Ate Zyra. Titiklop agad iyan. Kaya, umarte lang tayo nang umarte, ha? Sigurado ako, maniniwala siya na okay na talaga tayo sa kanya. Kunwari, mabait pero may ibang pakay pala," natatawang sagot ni Leo."Kunwari? E, mabait naman talaga ako. Sadyang nainis lang talaga ako sa Ate Zyra mo. Hindi sumusunod sa akin. Kung sumusunod naman siya, hindi ko na sana siya peperahan pa. Wala, eh. Makulit siya!" sagot naman ni Cynthia."Nay, kalma ka lang. Ibaba mo ng konti ang boses mo at baka marinig ka nila. Sige
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G