Galit na galit na umuwi si Gaustav sa mansion. Ni hindi na nga niya napuntahan si Marcus sa kwarto nito para kamustahin tulad nang sinabi niya kay Prescilla bago siya umalis. Tinapon niya ang kanyang sarili sa kama at doon ay nag-isip isip. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa kanyang nakita o hindi. 'Baka pakana niya lang iyon para lumayo ako at hindi na siya mahalin?' sabi niya sa kanyang isip. 'Pero, ano naman mapapala noong lalaki kung sakali man na hindi totoo iyon? Wala, 'di ba? So, baka, totoo.' sagot naman ng kabilang isip. Habang nag-iisip ay hindi niya napansing pumasok na pala sa kwarto niya si Prescilla. As usual, galit na naman ito dahil hindi tinupad ni Gaustav ang kanyang pangako sa anak. "Are you even listening, Gaustav? Ang sabi mo sa akin bago ka umalis ay pupuntahan mo si Marcus. Ginawa mo ba? Hindi! Kasi dumeretso ka rito sa kwarto mo para magkulong!" sigaw ni Prescilla dahilan para magising sa ulirat si Gaustav. "Oh, I'm sorry. Hindi ko alam na na
"No, hindi pwedeng malaman ni Gaustav ang tungkol sa kanya!" sigaw ni Prescilla, sakto namang papasok si Gaustav ng kwarto ni Prescilla noon kaya rinig na rinig niya kung ano man ang sinabi ng dalaga. Agad na kumunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi ni Prescilla sa kausap nito sa cellphone. "Anong hindi ko pwedeng malaman? Tungkol kanino ang hindi ko pwedeng malaman, Prescilla?" Nang marinig iyon ng dalaga ay parang binuhusan ito nang napakalamig na tubig sa kanyang katawan. Gulat na gulat ito sa presensya ni Gaustav sa kanyang likuran. Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone kahit na hindi pa siya nakakapag-paalam doon sa kausap. "Ha? Ah.. Gaustav, ano kasi," hindi malaman ni Prescilla kung paano niya sasagutin ang binata. "Ano?" may awtoridad niyang tanong. "Hindi mo pwedeng malaman ang tungkol kay Zyra. Right? I mean, I don't like her for you kaya ayaw ko sa kanya. Ayaw kong malaman mo kung nasaan talaga siya," paliwanag ni Prescilla, nanging
Inumpisahan na nga ni Gaustav ang paghahanap ng baho ni Stephen Quiambao. Ngayon ay kausap niya ang isang private investigator sa isang kilalang restaurant. "Nahanap mo na ba ang files tungkol sa Stephen Quiambao na iyon? Anong nalaman mo sa kanya?" tanong ni Gaustav. "Sir, ito po," sagot noong lalaki sabay bigay ng brown envelope sa binata. Binuksan ni Gaustav ang brown envelope at binasa ang mga dokumento. Nakinig naman siya sa sinasabi ng private investigator na kausap niya. "Stephen Quiambao, 30 years old. Anak ng tanyag na si Gonzalo Quiambao. May ari ng toy company na QToys Incorporated. May iba rin siyang kumpanya pero sa QToys siya active." "QToys Incorporated, huh? Kilala 'tong kumpanya na ito sa bansa. Probably, kilala rin siya nina Mommy at Dadd," sagot ni Gaustav. "Yes po, pero Sir Gaustav, may nalaman po ako na baka makatulong sa iyo," sabi noong private investigator. "Ano naman iyon?" Gaustav asked. "Nalaman kong nagkaanak ito sa Isang babae. Hindi ko pa
Agad na kumunot ang noo ni Gaustav dahil sa tanong ni Prescilla. Hindi niya alam kung bakit biglang naging interesado ang dalaga kay Stephen. "Why are you asking me that? Are you anyway related to him?" seryoso ang boses ni Gaustav kaya natakot si Prescilla sa kanya. Natigilan naman si Prescilla dahil sa tinanong sa kanya ng binata. Kitang-kita na hindi nito masagot ang tanong ni Gaustav. Ilang minuto pa ay sinubukan na nitong magsalita. "Ah, hindi ko siya kilala. It's just that I'm really worried about you. You know, dahil hindi mo nga siya kilala, baka kung ano ang gawin niya sa iyo oras na malaman niyang pinapa-imbestigahan mo siya. 'Di ba? Ayaw ko namang mawalan ng tatay ang anak ko," sagot ni Prescilla pagkatapos ay ngumiti. "No, I think he won't do that. Lalo pa at may alas ako laban sa kanya. As we speak, pinapahanap ko na ang babaeng nabuntis ng lalaking iyon. Oras na malaman ni Zyra na may tinalikurang babae si Stephen, sigurado akong ayawan na niya ito." "What?!" n
Agad namang nagliwanag ang mga mata ni Gaustav nang marinig iyon mula kay Yaya Frida. Sa wakas, after all the stress na nararamdaman niya ay may good news naman siyang maririnig. "Of course, Yaya Frida. Papasukin mo na si Fred dahil sigurado akong may maganda siyang balita na sasabihin sa akin," nakangiting sagot ni Gaustav. "Okay po, Sir. Babalikan ko lang po siya," sagot ni Yaya Frida pagkatapos ay umalis na. Tahimik namang bumalik at umupo si Prescilla sa dining room kaya agad na nagtaka si Gaustav. "Hindi ba't magwa-walk out ka na kanina? Bakit hindi mo pa ituloy? You are free to do that." "And then what? Iisipin mo na talo na ako dahil nag-walk out ako sa iyo? Oh, please. Dito na lang ako, makikinig ako sa pag-uusapan niyo noong private investigator," matapang na sagot ni Prescilla pagkatapos ay kumain ng ubas mula sa fruit basket. Napailing na lang si Gaustav dahil sa attitude ni Prescilla. Hindi na lang siya sumagot dahil alam naman niyang talo siya pagdating sa pak
Kahit paano ay nagiging komportable na sina Stephen at Zyra. Ilang araw na kasing hinahatid-sundo ng binata ang dalaga. Habang nag-uusap ay nakarinig na lang sila ng malakas na katok mula sa pinto ng condo. Agad na nagkatinginan sina Zyra at Stephen. "May bisita ka bang parating? Parang galit 'yang nakatok. Teka, bubuksan ko na," sabi ni Stephen. "Wala naman akong naaalala na pupunta rito si Lenie. Teka, sasama ako sa sa'yo." Nang mabuksan na nila ang pinto ay nanlaki ang mga mata nila dahil si Gaustav pala ang kumakatok kasama si Lenie. Agad na nag-peace sign si Lenie sa kaibigan pagkatapos ay tumungo dahil hiyang-hiya siya. "Sorry na, BFF. Dinala ko na siya rito kasi galit na galit siyang pumunta sa RCG. Alam mo na, baka magalit pa sa akin si Alexis kapag nalaman niyang nagwawala iyan doon." "Bakit nandito kayo? 'Di ba, tapos na ang pag-uusap natin? Nilinaw ko na sa iyo na kami na ni Stephen. Ano pa bang hindi mo naiintindihan doon?" sagot ni Zyra pagkatapos ay biglang
Makalipas ang ilang araw ay sinubukan pa rin ni Gaustav na kulitin si Zyra. Araw-araw, pumupunta siya sa RCG para kausapin nang masinsinan ang dalaga. Sa kabilang banda naman ay sinusuyo rin ni Stephen si Zyra kaya gulong-gulo na siya kung sino ang pipiliin niya sa dalawa. "Zyra, please talk to me. Patawarin mo na ako sa ginawa ko noon. Promise, babawi ako sa iyo. I'm starting it now. Inaayos ko na ang lahat para sa iyo, 'di ba?" sabi ni Gaustav, halos lumuhod na siya sa harap ng babaeng pinakamamahal. "Gaustav, kahit na anong gawin mo ay hindi na kita mapapatawad pa. Sinuka mo na ako, 'di ba? Isa pa, ayaw din naman sa akin ng nanay mo. Mamaya, baka kung ano pa ang gawin noon sa akin. Sige na, makakaalis ka na," pagtataboy pa ni Zyra kay Gaustav. "No! Hindi ako susuko sa'yo, Zyra. Paulit-ulit akong pupunta at mangungulit dito sa RCG o sa condo mo para patawarin mo ako. Kahit mahihirapan ako na gawin iyon ay gagawin ko pa rin kasi mahal kita," sabi ni Gaustav, talagang gusto niya
Habang mag-isa sa condo ay nanlamig si Zyra, sa RCG pa lang ay masama na ang pakiramdam niya pero pinilit pa rin ng dalaga na tapusin ang kanyang shift sa trabaho. 'Ano ba 'to? Ngayon pa talaga ako nagkasakit! Wala ako sa bahay. Hindi pwede 'to!' sabi niya sa kanyang isip. Sinubukan niyang alagaan ang kanyang sarili pero bukod kasi sa lagnat ay may ubo't sipon din siya. Dahil hindi na niya nakayanan ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag pagkatapos ay tinawagan ang kaibigan niyang si Lenie. "Lenie, pwede mo ba akong alagaan? May trangkaso kasi ako ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala akong kasama ngayon dito sa condo," sabi ni Zyra pagkatapos ay umuubo ubo pa. "Ay naku, Zyra! Pasensya ka na pero mukhang negative ako ngayon. May date daw kami ni Alexis, naka oo na kasi ako sa kanya. Kaya mo ba akong hintayin? After nito, pupunta agad ako dyan. Promise!" Pagkasabi ni Lenie noon ay nahiya na si Zyra kaya agad niyang binawi kung ano ang sinabi niya sa kaibigan. "N
Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
Makaraan ang ilang linggo, dahil nga hindi na pumasok sa RCG ay dinalaw na lang siya ni Lenie sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni Yaya Frida kaya tinanong na rin niya rito kung nasaan si Zyra. "Ay, Yaya Frida, nasaan po pala si Zyra? Pakisabi naman po na dumalaw ako sa kanya." "Sige po, pasok po muna kayo at umupo rito. Nasa kwarto pa si Zyra, nag-aayos. Aalis po yata sila mamaya," sagot naman ni Yaya Frida. Tumango na lang siya. Pagkapanhik ni Yaya Frida ay naiwan si Lenie sa living room. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lang si Lenie nang makita si Cynthia sa mansion. Kakalabas lang nito sa guest room. "O, Aling Cynthia. Nandito na po pala kayo. Ibig sabihin, okay na po kayo ni Zyra?" tanong ni Lenie, kumunot agad ang noo ng matanda. Nagtaka tuloy si Lenie at napatanong sa kanyang sarili. 'May nasabi ba akong masama?'
Pagkatapos makipag-usap ni Cynthia kay Zyra ay bumalik na ulit siya sa guest room at kwinento kay Leo kung ano ang pinag-usapan nila ng kanyang panganay na anak."Hay naku, ang bilis naman pala niyang mapaniwala. Konting yakap lang, konting luha, okay na agad siya. Naniwala na agad na okay kami. Ano ba namang klaseng mga tao 'to?" natatawa pa si Cynthia pagkatapos sabihin iyon."Sabi ko naman sa'yo nay, konting lambing mo lang ang kailangan ni Ate Zyra. Titiklop agad iyan. Kaya, umarte lang tayo nang umarte, ha? Sigurado ako, maniniwala siya na okay na talaga tayo sa kanya. Kunwari, mabait pero may ibang pakay pala," natatawang sagot ni Leo."Kunwari? E, mabait naman talaga ako. Sadyang nainis lang talaga ako sa Ate Zyra mo. Hindi sumusunod sa akin. Kung sumusunod naman siya, hindi ko na sana siya peperahan pa. Wala, eh. Makulit siya!" sagot naman ni Cynthia."Nay, kalma ka lang. Ibaba mo ng konti ang boses mo at baka marinig ka nila. Sige
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G