"Why? Why are you alone? Okay lang bang malaman ko?" tanong ni Stephen pagkatapos ay ngumiti."Ah, kasi.. Nagkahiwalay kami ng boyfriend ko dahil ang akala niya ay pinalaglag ko 'yong batang nasa sinapupunan ko," bakas ang lungkot ni Zyra pagkasabi niya noon.Laking gulat naman ni Stephen. Hindi kasi sinabi sa kanya ni Alexis na nakunan pala si Zyra. Napansin naman agad iyon ng dalaga kaya napatanong siya rito."O, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba kung nakunan ako recently? O, may mali ba sa sinabi ko?"Bigla namang bumalik sa ulirat si Stephen at sinagot ang tanong ni Zyra."Ah, hindi naman sa ganoon. Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo. 'Yang parte na iyan ay hindi nakwento sa akin ni Alexis eh," sagot ni Stephen.Si Zyra naman ang nagulat dahil nalaman niyang pinag-uusapan pala siya noong dalawa. Hindi niya tuloy naiwasan na hindi magtanong sa lalaking nasa harapan niya."Anong pinag-uusapan ninyo tungkol sa akin?" may pagkamataray na tanong ni Zyra.Dahil alam ni Stephen
Ngumiti si Zyra sa binata. "O, kalma ka lang. Ang dami mo na agad na tanong eh. Makinig ka muna, please? Isa pa, ayaw ko namang magalit ka sa kanila lalo pa at hindi mo naman sila kilala." Kinalma ni Stephen ang sarili at nakinig lang sa kwento ni Zyra.. "Si Prescilla ay ang nabuntis ni Gaustav. Ex-girlfriend niya. Hindi ko nga alam kung bakit pumayag akong makipagrelasyon sa kanya kahit ganoon na ang sitwasyon naming dalawa," kwento ni Zyra. "Maybe, hindi na niya kasi mahal ang babaeng iyon? 'Yon ba ang sinabi niya sa iyo?" tanong ni Stephen pagkatapos ay tumango lang si Zyra. "Sabi niya, mahal niya ako kaya naniwala ako. Well, okay naman kami noong una. Pinagtatanggol pa nga niya ako sa parents niya at sa babaeng iyon kahit na kitang-kita ko na ayaw nila sa akin," pagpapatuloy niya sa kwento. Hindi niya maiwasang maisip si Gaustav habang kinikwento niya ang lahat kay Stephen. Hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang pagka-miss sa binata. "Sa una lang naman okay
Hinanap pa rin ni Gaustav si Zyra kahit na ayaw ng buong pamilya niya. Kinulit pa rin niya si Lenie kung nasaan ang dalaga pero wala itong sinagot sa kanya. "Anak, saan ka na naman ba pupunta? 'Di ba, may inuutos sa iyo ang Daddy mo? Huwag mong sabihin na hahanapin mo na naman ang babaeng iyon?" sabi ni Vilma sa kanyang anak habang sila ay kumakain ng agahan. "Mommy, don't worry. Hindi ko naman po nakakalimutan ang utos sa akin ni Daddy. In fact, inuna ko po iyon kahapon para mahanap ko po ngayon si Zyra," sagot naman ni Gaustav pagkatapos ay humigop ng mainit na kape. Nanlaki ang mga mata nina Vilma at Prescilla dahil sa sinabi ng binata sa kanila. Hindi naiwasan ng dalaga na mainis kay Gaustav. "Really? Talagang hahanapin mo pa rin ang babaeng iyon? Well, to tell you the truth, baka hindi mo na siya makita after what you did to her. Masakit iyon para sa isang babae, malamang ay nagtatago na iyon." Nainis naman si Gaustav dahil alam niya sa kanyang sarili na totoo naman ang
Nagulat na lang si Zyra nang makita ang lalaking nakahiga sa sofa paglabas niya ng kwarto. Tila nakalimutan ng dalaga na roon natulog si Stephen para mabantayan siya.Dahan-dahan siyang naglakad dahil ayaw naman niyang magising ang binata dahil lang sa kanya. Pero, nang makita niya na tulog na tulog si Stephen ay nilapitan niya ito.Sa loob-loob niya ay manghang-mangha siya dahil hindi lang pala mabait si Stephen, gwapo rin sa malapitan. Kulay pink na labi, makapal na kilay, makinis din ang balat. Lahat na yata ng gusto ng isang babae ay nasa binata.Nagulat na lang siya nang makita na nagmulat ng mata si Stephen, dahil sobrang lapit nga niya rito ay kunwaring may pinatay siyang lamok para hindi maghinala ang lalaking nasa harapan niya."Hmm.. Aray! Bakit mo naman ako pinalo?" antok pa ang boses ni Stephen kaya sobrang gwapo sa pandinig ni Zyra nang marinig niya iyon."Ah, may lamok kasi. Pinatay ko lang, sorry!" sabi ni Zyra pagkatapos ay nag- peace sign kay Stephen.Maglalakad na sa
Pagkatapos ng pagkikita noong tatlo ay agad na nanlambot si Zyra. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung kaya pa ba niyang pumasok o hindi na dahil sa nangyari sa kanya.Agad siyang tinanong ni Stephen kung ayos lang ba siya dahil kitang-kita ng binata na problemado si Zyra."Kamusta? Okay ka na ba? I mean, kita ko 'yong kaba mo kanina eh. Siya ba iyon? Your ex-boyfriend?" Tumango lang si Zyra, hindi na nagsalita. Kinalma muna ng dalaga ang kanyang sarili bago sila pumasok sa loob ng kumpanya.Agad na nagtinginan sa kanya ang lahat ng empleyado sa RCG nang makita na magkasama sina Stephen at Zyra."Ay, bongga si ate girl. May bago na agad," sabi ng isa."Ang landi naman pala ng babaeng iyan. Akala ko ay mabait 'yan? May tinatago rin palang kasamaan. Hay, naku!" sabi pa ng isa."Nabuntis na nga at nalaglagan, nakuha pang lumandi, ano? Ibang klase talaga.""Ah, siya ba iyon? Ano iyan? Wala nang move-on move-on?Gusto na lang magpakain sa lupa ni Zyra dahil kahit yata takpan niya ang ka
Galit na galit na umuwi si Gaustav sa mansion. Ni hindi na nga niya napuntahan si Marcus sa kwarto nito para kamustahin tulad nang sinabi niya kay Prescilla bago siya umalis. Tinapon niya ang kanyang sarili sa kama at doon ay nag-isip isip. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa kanyang nakita o hindi. 'Baka pakana niya lang iyon para lumayo ako at hindi na siya mahalin?' sabi niya sa kanyang isip. 'Pero, ano naman mapapala noong lalaki kung sakali man na hindi totoo iyon? Wala, 'di ba? So, baka, totoo.' sagot naman ng kabilang isip. Habang nag-iisip ay hindi niya napansing pumasok na pala sa kwarto niya si Prescilla. As usual, galit na naman ito dahil hindi tinupad ni Gaustav ang kanyang pangako sa anak. "Are you even listening, Gaustav? Ang sabi mo sa akin bago ka umalis ay pupuntahan mo si Marcus. Ginawa mo ba? Hindi! Kasi dumeretso ka rito sa kwarto mo para magkulong!" sigaw ni Prescilla dahilan para magising sa ulirat si Gaustav. "Oh, I'm sorry. Hindi ko alam na na
"No, hindi pwedeng malaman ni Gaustav ang tungkol sa kanya!" sigaw ni Prescilla, sakto namang papasok si Gaustav ng kwarto ni Prescilla noon kaya rinig na rinig niya kung ano man ang sinabi ng dalaga. Agad na kumunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi ni Prescilla sa kausap nito sa cellphone. "Anong hindi ko pwedeng malaman? Tungkol kanino ang hindi ko pwedeng malaman, Prescilla?" Nang marinig iyon ng dalaga ay parang binuhusan ito nang napakalamig na tubig sa kanyang katawan. Gulat na gulat ito sa presensya ni Gaustav sa kanyang likuran. Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone kahit na hindi pa siya nakakapag-paalam doon sa kausap. "Ha? Ah.. Gaustav, ano kasi," hindi malaman ni Prescilla kung paano niya sasagutin ang binata. "Ano?" may awtoridad niyang tanong. "Hindi mo pwedeng malaman ang tungkol kay Zyra. Right? I mean, I don't like her for you kaya ayaw ko sa kanya. Ayaw kong malaman mo kung nasaan talaga siya," paliwanag ni Prescilla, nanging
Inumpisahan na nga ni Gaustav ang paghahanap ng baho ni Stephen Quiambao. Ngayon ay kausap niya ang isang private investigator sa isang kilalang restaurant. "Nahanap mo na ba ang files tungkol sa Stephen Quiambao na iyon? Anong nalaman mo sa kanya?" tanong ni Gaustav. "Sir, ito po," sagot noong lalaki sabay bigay ng brown envelope sa binata. Binuksan ni Gaustav ang brown envelope at binasa ang mga dokumento. Nakinig naman siya sa sinasabi ng private investigator na kausap niya. "Stephen Quiambao, 30 years old. Anak ng tanyag na si Gonzalo Quiambao. May ari ng toy company na QToys Incorporated. May iba rin siyang kumpanya pero sa QToys siya active." "QToys Incorporated, huh? Kilala 'tong kumpanya na ito sa bansa. Probably, kilala rin siya nina Mommy at Dadd," sagot ni Gaustav. "Yes po, pero Sir Gaustav, may nalaman po ako na baka makatulong sa iyo," sabi noong private investigator. "Ano naman iyon?" Gaustav asked. "Nalaman kong nagkaanak ito sa Isang babae. Hindi ko pa
Habang nagme-merienda sina Zyra at Vilma ay dumating na si Gaustav. Siya muna ang naunang pumasok sa mansion dahil alam niyang magugulat ang dalawa kung kasabay niya sina Cynthia at Leo. "O, anak. Nandyan ka na pala. Mabuti naman at umuwi ka na. Pinag-uusapan ka lang namin ni Zyra kanina," nakangiting bati ni Vilma sa kanyang anak. "Me? Bakit naman ako ang pinag-uusapan niyo, ha?" tanong niya sabay halik sa pisngi noong dalawa. "Naku, hindi ka raw kasi nakasama kanina. Well, okay lang naman kasi nagkaroon kami ng bonding ni Tita Vilma," sagot naman ni Zyra pagkatapos ay ngumiti. Agad na napansin ni Zyra na parang hindi mapalagay si Gaustav, hindi rin ito umupo sa tabi nila pagkatapos pumasok sa mansion kaya alam niyang may iniisip o di kaya ay problema ang binata. "Gaustav, bakit? Halika na, umupo ka na rito sa tabi ko," yaya niya pero umiling lang si Gaustav. "Bakit? May problema ba?" tanong ulit ni Zyra, nalilito na sa kinikilos ng binata, kitang-kita tuloy ni Vilma kung g
Nakailang katok din si Gaustav bago tuluyang buksan ang pinto ng bahay ni Cynthia. Oo, kinailangan niyang magsinungaling sa pinakamamahal niyang babae dahil alam niyang magagalit ito kapag sinabi niya ang totoo. Nanlaki ang mga mata ni Leo nang makita si Gaustav sa may pintuan ng bahay nila. Pero, wala na rin siyang nagawa. "Pasok po kayo, Kuya," yaya niya kay Gaustav pagkatapos ay napailing na lang din siya dahil hindi pa ayos ang kanilang bahay. Hiyang-hiya siya sa binata. "Ah, nay! May bisita po tayo!" tawag ni Leo sa kanyang ina. "Sino? Sige, papasukin mo. May ginagawa lang ako rito!" sigaw ni Cynthia habang siya ay nasa kusina. Kitang-kita na kabado si Leo, hindi niya alam kung tama bang pinapasok niya si Gaustav sa bahay nila. Hanggang sa dumating na ang ginang, galing siya sa kusina. Gulat na gulat ang itsura, gustong magalit pero dahil nasa loob na ng kanyang pamamahay si Zyra ay hindi na niya nagawa. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Cynthia pagkatapos ay umupo.
Agad na pinamili ni Vilma si Zyra ng mga damit. Nagulat pa nga siya dahil may mga binili ang ginang na sexy dress. Gusto niya sanang alisin 'yon sa mga pinamili pero agad siyang pinigilan ni Vilma. "Iha, okay na iyan. Huwag mong tatanggalin sa basket, please?" Nanlaki ang mga mata ni Zyra. "Po? Tita, hindi naman po ako nagsusuot ng mga ganitong klaseng damit. Para pong kinulang sa tela ito eh," dahil sa sinabi ni Zyra ay tumawa si Vilma. "Baka ngayon hindi ka pa nagsusuot ng ganyan, pero believe me, darating ang araw na kakailanganin mo 'yan. Para, alam mo na.." Agad na nahiya si Zyra dahil sa sinabi ni Vilma pero sa loob-loob din niya ay natatawa siya. Hindi niya kasi ma-imagine na magsusuot siya ng ganoong klaseng damit. Namili pa sila ng ilang damit, pati makeup ay bumili rin sila. Ayaw nga rin iyon ni Zyra pero mukhang wala naman siyang magagawa. "Tita, I'm not using makeup po," sabi niya para ibalik ni Vilma ang lahat ng binili niya. "Zyra, you'll gonna need tha
Sa kotse pa lang ay busy na makipagkwentuhan si Vilma kay Zyra. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil sa wakas ay magaan na ang loob nila sa isa't isa. "Tita, thank you po talaga ha? Kasi po, okay na tayo," sabi ni Zyra, hinawakan naman ni Vilma ang kamay ng dalaga pagkatapos noon. "Zyra, I consider you as mine now. Don't worry, kahit ano pa ang mangyari, alam ko sa sarili ko na anak kita," nakangiting sagot ni Vilma kaya maluha-luha si Zyra. 'Sana, ganito din si nanay. Kaso, mukhang malabo na 'yon.' sabi niya sa kanyang isip. "Hmm, Tita.. Matanong ko lang po, wala po bang ibang kapatid si Gaustav? Wala po kasi siyang nasasabi sa akin," pag-iiba ni Zyra ng topic para hindi na siya tuluyang maiyak. "Ah, naku. Hindi talaga niya kwinento sa'yo? May kapatid na isa pa si Gaustav, babae. Si Amethyst. Kaso, hindi sila okay kaya siguro never niyang binanggit sa'yo ang tungkol doon." Nanlaki ang mga mata ni Zyra pagkatapos ng kanyang nalaman. Gusto man niyang tanungin kung ano ang nangyari
Tuluyan nang nag-resign si Zyra sa RCG dahil hindi naman siya laging pumapasok. Nahihiya lang siya kay Alexis madalas dahil hinahayaan lang ng kanyang boss na ganoon ang gawin niya. "Iha, ano na ang gagawin mo ngayon na wala ka ng trabaho? Gusto mo bang tumulong sa Ramosa? Sabihan mo lang ako, tatawagan ko ang secretary ko kung gusto mo," sabi ni Vilma habang sila ay kumakain. "Mommy, umalis nga sya sa RCG tapos sa Ramosa mo naman pagtatrabahuhin?" sagot ni Gaustav, hindi na hinayaan pa na makasagot si Zyra. Agad namang hinawakan ni Zyra ang kamay ng binata at saka nagsalita. "Gaustav, ano ka ba? Okay lang. She's just asking about it," tumingin si Zyra kay Vilma at saka nagsalita ulit. "I'll think about it po, Tita. Thank you po for considering the idea." Ngumiti lang si Vilma bilang tugon at bumalik na sa paghigop ng kanyang morning tea. Ilang minuto pa ay tinanong ni Vilma ang schedule ng kanyang anak dahil gusto niyang i-treat ang dalawa sa labas. Para makabawi mab l
Nang nasa harapan na sila ng bahay ng kanyang ina ay mahigpit na hinawakan ni Zyra ang kamay ni Gaustav. Dahan-dahan silang naglakad pagkatapos ay kumatok at nang buksan ni Cynthia ang pinto ay seryosong tiningnan nito ang dalawa habang nakatayo ito sa harapan ng bahay niya. Halatang galit pa rin siya sa dalawa."O, ano ang ginagawa niyo rito? Guguluhin niyo na naman ba ako? Aba, kung iyon lang ang gagawin niyo ay umalis na kayo rito," iyon agad ang sabi ni Cynthia, hindi man lang niya pinagbigyan ang anak na makapagsalita."Tita, nandito po kaming dalawa kasi gusto po namin kayong makausap. Lalo na po si Zyra. Gustong-gusto po niya na magbati na kayo," sagot agad ni Gaustav, hindi na pinansin kung ano ang sinabi ni Cynthia."Kami? Magbabati ng babaeng iyan? Naku, huwag na lang. Siya naman itong naunang tumalikod sa aming dalawa, hindi ba? Bakit ko pa 'yan tatanggapin bilang anak?" galit na sagot ni Cynthia, kung tutuusin ay gusto nang sumuko ni Zyra noon dahil sa kanyang mga narinig
Makaraan ang isang linggo, dahil maagang umalis si Vilma sa mansion ay sina Gaustav at Zyra lang ang naiwan para kumain ng umagahan. Ayaw man ni Gaustav na itanong kay Zyra kung ano ang nasa isip niya pero alam kasi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya malaman ang sagot ng dalaga. "Zyra, oo nga pala. Tutal, okay naman na ang lahat dito sa bahay, ano kaya kung maging okay na rin kayo ng pamilya mo? Alam mo na, para masaya ka na rin sa aspetong iyon," sabi ni Gaustav pagkatapos ay ngumiti. Ilang minutong natahimik si Zyra bago niya tuluyang sagutin si Gaustav. Inisip niya muna kasi kung iyon na ba talaga ang tamang panahon para kausapin niya ang kanyang pamilya. "Hey, Zyra. Are you okay? I'm sorry, mukhang hindi ko na dapat pa tinanong iyon. Wala, naisip ko lang kasi. Gusto ko lang na gumaan na ang pakiramdam mo towards them. After all, pamilya mo pa rin naman sila," sabi ni Gaustav kaya bumalik na siya sa ulirat. "Ah, I'm sorry. May iniisip kasi ako. Paano kung hindi
Kahit nakasimangot si Zyra ay kilig na kilig siya. Ayaw niya lang ipakita iyon kay Gaustav dahil ayaw niyang maisip nito na marupok siya. "Ano naman ang pumasok dyan sa utak mo at may paganito ka pa? Hindi naman kailangan ng ganito, ah?" sabi ni Zyra habang tumitingin sa kanyang paligid. Pagkatapos noon ay binigyan siya ng flowers ni Gaustav. Seryoso man ang mga tingin ng dalaga sa kanya ay tinanggap pa rin iyon ng buong puso ni Zyra. "Anong hindi? Kailangan kaya nito, sa dami ba naman ng kasalanan ko sa'yo, sa tingin ko pa nga, kulang pa ito, e," sagot ni Gaustav, nahihiya sa lahat ng kamalian na ginawa niya sa dalaga. Tumahimik lang noon si Zyra, nakatingin siya sa steak na naroon sa lamesa. Napangiti siya. "You did this for me? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Zyra, ngumiti naman at tumango si Gaustav. "Oo naman. Simpleng bagay lang ito compared sa lahat ng ginawa mo sa buhay ko. Sa totoo nga niyan, hindi ako marunong mang-surprise pero sinubukan ko para sa'
Makalipas ang dalawang linggo, nagulat na lang si Zyra dahil nakita niyang bumaba sa kotse at papasok si Lenie sa mansion. Nasa garden si Zyra ng mga oras na iyon. Narinig pa nga niya ang kaibigan na nagtanong kay Yaya Frida kung nasaan siya. Agad namang pumunta sa living room si Zyra para hindi na pumunta sa garden si Lenie. "Lenie, nandito ako. Bakit? May kailangan ka sa akin?" tanong agad ni Zyra dahil wala naman silang usapan na magkikita sila. "Ah, oo. Sumama ka sa akin," yaya ni Lenie, ni hindi na sinabi kung saan at bakit sila aalis. Kumunot ang noo ni Zyra pagkatapos ay lumapit siya kay Lenie. Tiningnan niya kung may lagnat ang kaibigan. "O, wala ka namang sakit. Bakit ka nagkakaganyan? May nakain ka bang panis?" may pag-aalalang tanong ni Zyra, seryoso ang kanyang mukha kaya hindi alam ni Lenie kung matatawa siya o ano. "Ano namang panis ang sinasabi mo dyan? Zyra, sumama ka sa akin. Gusto kong lumabas, magpahangin, alam mo 'yon?" sagot ni Lenie kaya lalong kumuno