"NAGSESELOS KA BA?" naguguluhang tanong ni Shanelle kay Elvin habang diretsong nakatingin dito. Ang mukha nito ay ganoon pa rin— nandidilim na akala mo'y handang pumatay."Yes! Nagseselos ako!" may sarkastikong sagot ni Elvin sa kaniya.Bakit ba nito kailangang magselos? May label ba sila ni Kevin para magselos ang hinayupak na ito? Nakakainit ng ulo! Selos na selos!"Bakit ka naman magseselos, ha? Hindi ko boyfriend number two si Kevin. Oo, Kevin ang pangalan niya at walang kami dahil kababata ko lang siya— kaibigan ko lang si Kevin," inis niyang sagot dito saka iniirap ang mga mata sa ere.Tumayo na siya at naglakad na palabas pero hindi pa man siya tuluyang nakakalabas, bigla nitong hinawakan ang kaniyang isang kamay at hinapit siya saka sinandal sa pinto. Galit, iyon ang nakikita niya sa mukha ni Elvin habang nakatingin sa kaniya."Is that so? Kaibigan mo lang ba ang lalaking iyon? Kaibigan o kaibigan?" nakatiim-pangang tanong nito sa kaniya.Kaibigan, iyon ang label nila ni Kevin
"PAPA, ALAM KONG hindi ka masaya ngayon dahil sa nangyari. Alam ng Diyos na wala akong kinilaman sa sulat na iyon. Alam na alam niya ang lahat kaya sana po'y huwag na po kayong magalit sa akin. Si Trixie, ang babae pong iyon ang may gawa ng sulat. Mahal na mahal po kita, sana po'y huwag na kayong malungkot at magalit sa akin. Kung nasaan man po kayo ngayon, sana po'y maayos na kayo," naluluhang ani Shanelle habang nakayuko— nakatingin sa puntod ng papa niya.Hindi niya pa rin tanggap ang nangyari rito. Nawala ito ng ganoon-ganoon lang at hindi man lang niya nakitang maayos— na gumaling ito sa sakit na iniinda. Gusto niyang ibalik ang oras pero alam niyang hinding-hindi na iyon mangyayari. Sising-sisi siya sa nangyari sa papa niya. Sa kaniya nagsimula ang lahat at kahit na hindi siya ang nagsulat ng liham, pakiramdam niya'y siya rin ang may gawa kaya namatay ito. Kung noon pa sana siya bumalik, pero ang walang hiyang si Elvin ay hindi siya pinayagan. Baka kung noon ay nakabalik na siya
"LANE! WAKE UP!"Dahil sa tinig na iyon, nagising si Shanelle. Inaantok niyang iminulat ang mga mata at mukha kaagad ni Elvin ang kaniyang nakita dahilan para mapaatras siya."B-bakit?" nagtataka niyang tanong dito habang kinukusot ang mga inaantok pang mga mata.Mahinang tumawa ang binata. "The breakfast is ready. I cooked you a breakfast," nangigiting anito saka dumukwang sa kaniya, hinalikan nito ang noo niya. "I'll leave you, follow me in the kitchen, okay?" dagdag pa nito.Napatango na lang siya kaya tuluyan nang umalis ang binata sa loob ng kuwarto. Malalim siyang napabuntong-hininga dahil doon. Nangingiti na lang niyang inalis ang kumot na nakataklob sa kaniya para makapunta na sa banyo pero ganoon na lang ang gulat niya sa kaniyang nakita. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na ni isa'y wala siyang suot.Naguguluhan siya. Bakit siya nakahubad? Hanggang sa rumihistro ang mga nangyari kagabi sa utak niya. Ang malalim nilang paghahalikan ay nauwi sa mainit na pagtatalik. Napag-
"KAYA KO KAYONG bayaran, kahit magkano. I can make you all satisfied for my payment. Ang kailangan niyo lang gawin ay patayin ang babaeng ito." Elvin put a picture of a woman in front of his men. It's Trixie's picture.Neil, the leader, stood up and took the photo. "Siya po ba ang papatayin namin, boss? Bakit niyo naman ipapapatay? Ang ganda-ganda, sayang naman ang kutis kung mabubulok lang. Baka naman, boss, kapag nahanap namin ang babaeng ito... sa amin na lang siya," nangingiting sabi nito habang kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito habang pinagmamasdan ang larawan ni Trixie.Because of annoyance, he raised his gun and pointed it on this pervert. "I'm a boss in here and you should follow what I say. I said, kill her not fuck her! Kung ayaw mong mamatay gamit ang baril na ito, bitawan mo ang larawang iyan!" nanggagalaiting aniya habang masamang nakatingin kay Neil.Kaagad naman siyang sinunod ng hayop, binitawan nito ang larawan ni Trixie bago bumalik sa pagkakaupo. Ibin
"CAN YOU CALM down, Elvin?"Smirking, his gaze went to Dave who was sitting beside him. "Paano ako kakalma kung iniwan ako ni Lane ng ganoon-ganoon na lang?" medyo pagalit niyang tanong dito saka naiiling na uminom ng alak.Nandito sila sa paborito niyang bar. Sa Mendarez's Bar na pag-aari ni Everett. Kapag may problema siya, palagi siyang napunta rito para magpakasasa sa alak. Lalo na ngayon, hindi niya makaya ang ginawa sa kaniya ni Lane. Lane left him. Iyon ang masakit, iniwan siya ng babaeng mahal niya. He thought their relationship was already okay, but he was wrong. Lane ruined it— she ruined it all. "Okay, fine! Did you really think na iiwan ka na lang ni Shanelle ng ganoon na lang kadali? As what you said, gumawa si Trixie ng sulat para sa mga magulang ni Lane. Hindi mo ba naisip na baka hindi si Lane ang gumawa noon?"Ngumisi siya. "If she didn't write that letter, sana ay kasama ko pa siya ngayon. That letter is a goodbye letter, it means, she left. She left me for fuck's s
NAKANGITI SI SHANELLE habang pinagmamasdan ang magandang view sa kaniyang harapan. Nasa rooftop siya at doon niya muna naisipang magpahinga ng ilang oras. Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari iyon sa kanila ng mama niya. Ang pagdukot sa kanila ni Liyah at wala pa silang awang itinapon sa bangin. Mabuti na lang at nakaalis sila kaagad doon dahil kung hindi, baka roon na sila mismo mamatay. Tinupad niya rin ang pangako sa kaniyang mama na hindi na siya pupunta kay Elvin. Kahit ganoon pa man, walang araw ang hindi niya nami-miss ang binata dahil minahal na niya ito kahit papaano. Mas mabuting lumayo na lang siya sa binata kaysa sa mapahamak pa sila ng mama niya. Marahil ay ang paglayo niya ang magiging rason ng panghabang-buhay nilang katahimikan. Sisimulan na rin niyang kalimutan ang binata kahit na masakit sa kaniyang kalooban."Anak, handa na ang tanghalian," ani ng isang tinig mula sa kaniyang likuran.Binalingan niya iyon at nakita niya ang mama niyang naka-apron pa, halatang k
MARAMING ORAS, ARAW, at linggo ang lumipas. Ganoon pa rin sina Shanelle at mama niya. Nagtatago sa bahay para maprotektahan ang mga sarili. Isang buwan na ang nakalipas pero ang takot ay hindi pa rin umaalis sa buong pagkatao ni Shanelle. Isang buwan na rin ang nakalipas nang malaman niyang buntis siya. Isang buwan na siyang nabubuhay ng hindi masaya. Oo, masaya siya dahil sa anak niya pero iyong mga nangyayari... iyon ang hindi kasiya-siya.Abala si Shanelle sa pagkutkot ng kaniyang cellphone nang bumukas ang pinto. Binalingan niya iyon at mula roon ay nakita niya si Kevin habang may kasamang isang pamilyar na babae. Hindi siya maaaring magkamali dahil ang babaeng iyon ay ang babaeng nandoon sa bahay ni Levin noong nakaraang buwan. Kung hindi siya nagkakamali ay Cherry Pie ang pangalan nito."Hey, Shanelle. Tulala ka!"Natigilan siya nang biglang magsalita si Kevin na nasa harap na pala niya. Lumunok siya saka binalingan ang binata. "H-hindi. Ano kasi... jowa mo?" Sabay turo niya kay
"HUWAG SANANG MAGALIT si Elvin kapag nakita ka niya ulit. Alam kong masakit iyon, iyong iniwan mong sulat sa kaniya kahit na hindi ka naman talaga ang nagsulat. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Sana talaga'y huwag siyang magalit," sabi ng mama ni Shanelle habang papasok sila sa kanilang bahay.Hindi siya umimik bagkus ay nakatuon lang ang atensyon niya kay Elvin. Ano na bang mangyayari kapag nagkita muli sila ni Elvin? Magagalit ba ito dahil iniwan na lang niya ito ng basta-basta? Na kahit hindi naman niya gusto, magagalit kaya ito? Kapag ba nagpaliwanag siya, papakinggan siya nito? Hindi naman talaga niya gustong iwan ang binata pero nang dahil kay Liyah, wala siyang ibang nagawa. Mas pinili niya ang kanilang buhay kaysa sa lalaking mahal niya. Mas mahalaga pa rin ang mama niya kahit pagbaliktadin man ang mundo. Oo, nagkamali siya na pinili niya iyon— kaysa naman sa mamatay sila.Hindi na niya namalayan na nakapasok na sila ng bahay. Basta't namataan na