Share

CHAPTER 1

"MAY BUTAS SA puso ang iyong ama at kailangan iyong operahan sa lalong madaling panahon at kung hindi—"

"Kung hindi, a-ano pong mangyayari sa kaniya?"

"—ay maaari siyang mamatay."

Paulit-ulit iyong rumirihistro sa utak ni Shanelle habang matamnang tinitingnan ang amang nakahiga sa hospital bed. May kung ano-anong nakakabit sa katawan nito na hindi naman niya alam kung ano ang tawag. Kung hindi kaagad ma-operahan ang papa niya, maaari itong mamatay at talagang kailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kaniyang ama.

Unti-unting nanalantay ang luha sa mga mata niya habang pinakatitigan ang walang malay na ama. Awang-awa siya rito dahil ito ang kumakayod nang malakas pa. Maalaga rin ito sa kaniya sapagkat siya lang ang anak nila ng kaniyang ina.

Natigilan na lang si Shanelle nang biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang kaniyang ina na may dalang supot na mukhang pagkain ang laman.

"Kumusta ka na, anak?" tanong nito nang makatingin sa kaniya.

"Okay lang naman po ako, mama," aniya sa mahinahong boses at tumayo mula sa kinauupuan.

"Ang papa mo, k-kumusta siya?"

"Wala pa rin pong pinagbago, mama. Ganoong-ganoon pa rin po. Hindi pa rin po siya nagigising."

May lungkot sa mukha ng kaniyang mama na lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. "Anak, magiging maayos din ang lahat. Mabubuhay ang papa mo at naniniwala ako roon. Nasa tabi lang natin ang Pangino—"

Hindi na niya pinatapos ito. "Mama, kung nandiyan siya, e 'di sana'y hindi nangyari ito kay papa." Huminga siya saka pilit na ngumiti. "Aalis na po muna ako."

Akmang hahakbang na siya nang pigilin siya ng kaniyang mama. May kunot sa noo nito. "Sandali, Shanelle! Saan ka naman pupunta?"

"'Ma, kailangan ko pong magtrabaho. Kailangan din po nating makapag-ipon para sa operasyon ni papa."

"Sige, anak. Mag-iingat ka."

Tumango lang siya at sandaling tiningnan ang papa niyang nakahimlay sa higaan bago lumabas ng kuwarto nito. 'Pagkalabas na 'pagkalabas niya ay kaagad siyang napahagulhol dahil sa sakit na nararamdaman. Mahirap talaga kapag may masamang nangyari sa mahal mo, para na rin silang nawala.

Tumigil siya sa pag-iyak at madaling nagmartsa palabas ng ospital na kinalalagyan niya para magtrabaho sa juice bar na kasalukuyan niyang pinagtatrabahuhan.

"HOY, SHA! TULALA ka riyan!"

Bumalik si Shanelle sa reyalidad nang biglang may sumundot sa kaniyang tagiliran. Nang tingnan niya kung sino iyon ay wala sa oras na lang siyang napa-irap.

"Huwag ka ngang ganiyan, Fatima! Huwag mo akong gugulatin nang basta-basta at baka maibato ko sa iyo itong blender na ito!" Tinuro niya ang blender na kasalukuyang umiikot. Si Fatima ay katrabaho niya at kaibigan rin niya.

"Gagang ito! Bakit ka nga ba tulala? Makita ka ni Ma'am Wennie, yari ka."

Malalim siyang bumuga ng hangin mula sa bibig saka umupo sa stool na nasa tabi niya. Bago siya nagsalita, pinatay na muna siya ang blender saka seryosong tumingin sa kaibigan na nagtatanong ang mga mata. Baka dahil sa kakaibang kilos ko. Aniya sa sarili.

"Nasa ospital kasi si papa ngayon at kailangan niyang operahan agad sa lalong madaling panahon. Hindi naman kami maka-oo ni mama dahil wala kaming perang pambayad."

"Sorry, ha, wala akong mahihiram sa iyo kasi katulad mo lang din akong gipit. Bakit hindi mo subukang mangutang kay Ma'am Wennie? Mabait naman siya at baka pautangin ka niya agad."

Hindi siya umimik sa tinuran ni Fatima at nagpatuloy na lang sa pagtatrabaho. Nang maisalin ang shake sa plastic cup, tinawagan niya ang isa pa niyang katrabaho para i-serve ang ginawa niyang shake.

"Sa table 10, Zander," nakangiti niyang sabi sa katrabaho na tango lang ang isinagot sa kaniya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Maunti pa lang naman kasi ang mga customer dahil maaga pa at paniguradong mamaya ay dadagsa ang mga iyon. Sikat yata itong juice bar na pinagtatrabahuhan niya.

"Sha!" pukaw ni Fatima na nakatayo sa tabi niya.

Naiiling siyang lumingon dito kapagkuwan. "Bakit?"

"Bakit hindi pumasok si Pamela? Hindi ba't dapat may trabaho siya ngayong umaga? Asan na siya?"

Natutop niya yata ang kaniyang dila dahil hindi siya makaimik ng mga oras na iyon. Ngayon lang niya napansin na hindi niya kasama si Pamela, isa pa niyang kaibigan na nagtatrabaho rin sa juice bar na tinatrabahun niya. May kakaibang pintig ang puso niya na kaniya namang isinabahala.

"Baka may sakit. Pupuntahan ko siya sa apartment niya mamayang hapon."

Tumango lang si Fatima sa kaniya at nagsimula na silang magtrabaho dahil unti-unti nang dumadagsa ang mga customer nila. Trabaho lang sila nang trabaho at tumitigil lang kapag wala ng mga customer. Kailangan niyang kumayod para sa papa niyang may sakit. Kailangan niya ng maraming pera.

Matapos ang maghapong trabaho ni Shanelle, naglakad na lang siya kaysa mag-commute dahil gastos pa iyon. Imbis na pumunta sa ospital kung saan naka-confine ang ama niya, kay Pamela siya pumunta para kumustuhin ito at para na rin makapagtanong ng maganda-gandang raket dahil kilala niya si Pamela. Marami itong raket na alam at sa pagkakaalam niya, lahat ay pinapatos nito.

Halos tatlumpong minuto ang nilakad niya nang makarating sa apartment ni Pamela. Sa apartment ito nakatira dahil nag-aaral pa ito at sa pagkakaalam niya ay malapit na itong gr-um-aduate. Kumatok siya ng tatlong beses at mula sa loob ay may nagsalita.

"Sandali lang!" Boses iyon ni Pamela.

Naghintay pa siya ng ilang segundo bago bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang kaniyang kaibigan na nakasuot ng kulay pulang mini dress. Halos kita na ang cleavage nito na hindi niya maintindihan. Kapansin-pansin din ang make-up sa mukha nito. Isama pa ang makapal nitong labi na balot na balot ng kulay pulang lipstick. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga mata sa paa nito at nanlaki ang mga iyon nang makita niyang naka-stiletto ito at katulad din ng suot, kulay pula rin ang sapin nito sa paa.

"A-Ano iyang suot mo, Pamela?" naguguluhan niyang tanong.

Hindi muna siya sinagot ng kaibigan bagkus ay hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya papasok. Wala siyang nagawa kundi ang magpahila rito. Isa pa'y gusto niya rin malaman kung bakit ganoon ang suot nito. Para lang p****k sa bar. Nang makapasok siya, kaagad na sinaraduhan ni Pamela ang pinto at nakanguso siyang hinarap.

"Gusto kong ikaw lang ang makakaalalam nito, Sha."

"Ang alin ba, Pam? Naguguluhan ako. Ano ba iyang suot mo? Hindi iyan pormal, 'no! Mukhang kang p****k."

Umingos ito saka umalis sa harapan niya. Sinundan niya ito gamit ang kaniyang mga mata. Umupo ito sa sofa saka kinuha ang isang folder na nakapatong sa center table.

"Tingnan mo."

Inangat nito ang kamay na may hawak ng folder. Naiiling siyang lumapit dito at umupo sa isang sofa na nasa gilid ni Pamela saka kinuha ang folder at binuksan iyon.

'WANT TO EARN MONEY?

Kaagad na nangunot ang noo niya sa nabasa. Talagang capslock pa ang mga iyon. Nangingiti niyang ibinaba ang mga mata para basahin ang mga susunod.

Great! If you really want to earn money, why don't you apply to us?

"Trabaho ba ito?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa binabasa.

"Parang," mahinang sagot ni Pamela pero sapat na iyon para marinig niya.

You will be a slave of the richest man here in the Philippines. Per session, you will get 100 thousand. If you want to earn more, just do what he wants. All you have to do is give your virginity to him. Yes, you will give your own virginity for money. This work is not covered by the government. You need money. You have no right to tell them this, or else you will die.'

Nasapo niya ang kaniyang bibig at nabitawan niya ang folder na hawak saka matalim na tiningnan ang kaibigan niya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatungo ito at mukhang nahihiya.

"Huwag mong sabihin na... na ibebenta mo ang sarili mo para sa pera? Papasok ka sa ganitong trabaho, Pamela? Hahayaan mong pasukan ka ng iba? Bata ka pa, Pamela kaya huwag kang papasok sa ga—"

Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at kitang-kita niyang nanunubig na ang mga mata nito. "Shanelle, kung may pera nga sana ako... h-hindi na ako papasok diyan. Ang hirap kasi naubos na iyong allowance na ibinigay sa akin ni papa."

Sunod-sunod siyang umiling. "Tapos ano, ibebenta mo ang sarili mong pagkababae? Magpapa-alipin ka, ganoon?" Hindi niya mapigilan ang magtaas ng boses dahil sa inis na nararamdaman.

Biglang tumayo si Pamela at galit siyang hinarap. "Wala nang makakapigil pa sa akin, Shanelle. Buhay ko ito at akin ang katawang ibebenta ko. Wala kang pakialam!"

"Nag-aalala lang ako sa iyo, Pam! Paano kung saktan ka niya, ha? Paano kung gawan ka niya ng masama? Kaibigan mo ako kaya nag-aalala ako sa iyo, Pam kaya sana naman ay intindihin mo ang sinasabi ko sa iyo."

"Buhay ko ito, Shanelle at pasensya na dahil wala kang magagawa!"

Kinuha nito ang sling bag na nakapatong sa center table at nagmartsa palabas ng sariling apartment. Naiwan siyang nakatulala. Walang buka ang bibig niya ng mga oras na iyon.

"I NEED A fucking coffee, ihatid mo na lang sa opisina ko! Ngayon na!"

"Sige po, Sir. Elvin!"

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Elvin nang sumagot na sa kaniya ang kaniyang sekretarya na si Mina. Nang makapasok sa sariling opisina, pabagsak siyang naupo sa kaniyang swivel chair at isinandal doon ang likod.

He's been working in his home kaya pagod na pagod siya. May opisina naman niya pero mas pinili niyang magtrabaho sa kaniyang bahay dahil naaasiwa siya sa kapaligiran niya. Ang dami kasing toxic.

Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng kadiliman pero natigilan siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa kaniyang bulsa. Naiinis niya iyong kinuha at mabilis na sinagot ang tawag nang mapagsino iyon.

"Bakit ka tumawag? I'm busy right now," walang buhay niyang saad saka ipinatong ang siko sa desk niya.

Mahinang tumawa ang kausap. "May I remind you na hapon ngayon at isa lang ang ibig-sabihin, you are in your office at walang sawang nakaupo. Alam ko na iyan, Elvin. Huwag mo akong gawing iba!"

He rolled his eyes. "Sarap mong patayin, sa totoo lang. Pero hindi ko alam kung bakit hindi kita mapatay, p*****a ka! You were my P.A for almost eight years kaya baka hindi kita mapatay." He heaved a sigh. "Bakit ka tumawag?" he asked.

"May tumawag sa akin kanina and she wants to work with you. Isang session lang ang pinili niya and I already withdrew the money. Papunta na siya riyan sa Royal Route Building."

"Is she still a virgin?" tanong niya saka lumunok.

Fuck, it's been a month since he didn't fuck. Tigang na tigang na siya at tanging mga kamay niya ang ginagamit niya para mapasaya ang sarili pero hindi pa siya kuntento. Mas gusto niyang binabayo ang babae kaysa ang kamay niya ang bumabayo ang ari niya. That's gross. He always masturbate pero hindi talaga siya kuntento. He wants an effin' fresh pussy—iyong virgin pa.

"Yes, she is. Just want to say this, Elvin. Medyo bata pa ang babaeng iyon. 20 years old lang siya at nag-aaral pa siya. Sinabi niya rin na graduating student siya. She needs money for her studying, so please, pakisamahan mo siya nang mabuti."

Naiinis niyang binalingan ang pinto nang bumukas iyon. Bumungad sa kaniya ang kaniyang sekretarya na may hawak ng kape. Tinuro niya ang lamesa na nasa kaliwang gawi at doon nito ipinatanong ang kape niya saka lumabas din kapagkuwan.

He took a deep sigh. "Sinusumbatan mo ba ako, Dave? May utak ako kaya alam ko ang tama at mali. Huwag niya lang akong iinisin dahil baka mapatay ko pa siya," nagbabantang sabi niya.

"Napakasama mo, kingina mo ka!"

"Fuck y—"

Dave ended the call.

He just rolled his eyes, ganoon ang ginagawa niya kapag naiinis. He always roll his eyes. Hindi niya alam kung bakit pero nagmana siya sa ina niyang sobrang taray na halos segu-segundo ay masama ang tingin sa kanila.

Ibinaba na niya ang kaniyang cellphone sa desk at nang akmang tatayo na siya nang biglang bumukas ang pinto at kaagad na umarko ang kilay niya nang makita ang malanding babae na halos ilang taon na niyang iniiwasan.

What is she doing here? He asked himself.

"Anong ginagawa mo rito? You should leave. Leave me the fuck alone!" he shouted.

Hindi yata natakot sa kaniya ito dahil may ngisi ito saka pa-sexy-ng lumapit sa kaniya. Naiiling siyang tumayo at nagtungo sa couch na nasa harap ng center table kung saan nakapatong ang kape niya.

He took a sip.

"Hindi mo ba ako na-miss, Elvin? I've been looking for you tapos dito lang pala kita matatagpuan sa cheap mong building. Duh!" Umupo ito sa harap niya. "Missed me, Elvin? 'Cause me, I really missed you especially your big and long dick."

Ngumisi siya. "Puwede bang umalis ka na bago pa kita mapatay? You know me, Trixie. You know who really am I. Baka mahugot ko ang baril ko rito sa ilalim ng couch na kinauupuan saka iputok iyon sa iyo. You choose, you'll leave me or I'll kill your ass alone?"

Marahang tumawa ito. Fuck this girl! Trixie, this woman in front of him was his ex-girlfriend. Matagal na silang wala pero masyadong makulit ito at palagi siyang hinahabol na parang wala silang dark past. Trixie cheated on him. Iyon ang masakit!

"Wow! Just wow, Elvin. Parang hindi ka naging patay sa akin before. You always want me. You always want to fuck me. What happened? Don't tell me that your disorder was gon—"

He cut her off by pushing the mug full of coffee. Masama niyang tiningnan si Trixie saka tumayo. Hindi niya kayang manatili sa harap nito dahil baka mapatay niya talaga ito.

"Past is past, Trixie! And I don't have a disorder. Ikaw, ikaw ang may disorder! We already broke up, but you always pushing yourself on me. Ang tanga mo, Trixie dahil nagpapakapagod ka lang!"

"Shut the fuck up, Elvin! Ginagawa ko lang ito dahil mahal k—"

"—dahil gusto mong maging sikat," pagtatapos niya.

His family especially him are known in the Philippines. He owned the Royal Route kung saan nag-i-import at nag-e-export sila ng mga sasakyan kung saan-saan. His wealth is really unbelievable. And yes, he is a billionaire.

"I love you, Elvin. I love you so much."

She stood up and went to him. Akmang yayakap ito nang umilag siya. Ganoon pa rin ang mga mata niya, masamang nakatingin dito.

"Don't touch me!"

Umalis na siya sa harap nito at bago lumabas, kinuha niya muna ang kaniyang cellphone. He doesn't like to see that bitch even though they had an affair before. Oo, patay na patay siya rito noon pero iba na ang noon at ngayon. Ni hindi nga tumibok ang puso niya rito which means, hindi niya talaga mahal ito. Basura na lang ito, kumbaga.

Hindi naman sa pagmamalaki dahil maganda naman talaga si Trixie. She has big butt, big boobs, and sexy body. Imbis na ma-turn on, na-turn off pa siya dahil sa inis. He hates importunate so much!

Nang makarating sa parking lot ng Royal Route Building, kaagad siyang sumakay sa kaniyang mahal na mahal na Bugatti. He'd been a fan of Bugatti since he was 15 years old.

Hindi niya muna iyon pinaharurot at kinuha niya muna ang kaniyang cellphone sa bulsa saka tinawagan doon ang P.A niyang mas matapang pa sa kaniya. Dave really has a thick face.

"Tangina naman, Elvin! Natutulog na iyong tao tapos gigisingin mo! Gago!"

He chuckled. "Mas gago ka! Sa bahay mo na lang papuntahin ang babae. Wala na ako sa Royal Route Building. Send her the address of my—"

Dave stopped him by breathing heavily. "Hindi ako bobo, kamahalan! Malamang sasabihin ko sa kaniya ang address ng bahay mo. For your information, kamahalan, hindi makakapunta ang babaeng iyon sa haunted house mo!"

He was fuming mad dahil sa gagong P.A niya. Imbis na umimik, pinaharurot na lang niya ang kaniyang sasakyan pauwi sa kaniyang bahay.

Damn! He misses to fuck!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status