Tanghali na nang magising si Kari kinabukasan. Ayaw niyang bumangon pero may kumatok sa pinto ng kwarto niya.“Sino ‘yan?” tanong niya habang nakapikit pa rin.“Ma’am Kari, oras na po ng pagkain.”Suminghap siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. “I don’t wanna eat, please, stop disturbing my sleep.”“Sige po, ma’am. Pasensya na.”Wala na ulit kumatok sa pagkatapos no’n pero hindi na rin siya nakatulog ulit. Naligo na lang siya at inayos ang sarili, aalis siya dahil hindi siya mapakali sa bahay nila. Hindi na siya komportable. Wala rin siyang ganang pumasok sa eskwelahan.Naglagay siya ng concealer para matakpan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa mga sampal ng ina, mabuti ay hindi sobra ang pamamaga kaya hindi masyadong halata. Slippers lang ulit ang sinuot niya dahil hindi siya makakalakad ng maayos sa sapatos.Pagkababa niya ay nagulat siya nang may humarang sa kanya na kasambahay.“Binilin po ni Mada’am Elena na wag kayong paaalisin.”Napairap siya sa han
Tahimik na nakatayo si Kari sa labas ng pintuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Tobias. Pumasok ang binata sa loob kani-kanina lang at sinabing maghintay muna siya roon saglit.Nilibot niya ang tingin sa paligid habang niyayakap ang sarili, madilim kaya’t hindi maaninag. Pero may ilaw na nanggagaling sa loob kung nasaan si Tobias.“Oh, brad, bakit bigla mong inaayos ‘yang higaan mo?” Narinig niyang tanong ni Domino, nagulat siya na nandoon pala ito.“Oh, oh. Bakit tinatago mo ‘yang mga magazines?” Boses naman iyon ni Joaquin.“Ano naman kung maingay kami? May makakarinig ba?”Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. Niluwa nito si Joaquin na nakasuot lamang ng boxer shorts at puting shirt.“Kari!” Halakhak nito habang nakahawak sa frame ng pintuan, napansin niya agad ang nakapulupot na gasa sa kamao nito. “Nandyan ka pala.”Nahihiyang ngumiti siya at sinilip si Tobias na binato ng damit ang nakahubad na si Domino na nasa loob.“Pasok ka.” Hinila siya ni Joaq
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang maglaro ng Mario Kart. Racing game iyon, dati ay kadalasan nilalaro ni Karisma iyon kasama ang mga kapatid niya. Lagi niyang kakampi dati ang kanyang Kuya Felix na magaling sa mga laro.Ngayon ay magkakampi sila ni Tobias, at kalaban nila sina Domino at Joaquin.“Hindi ko makita rito sa gilid,” saad ni Domino at umupo sa carpet, samantalang si Joaquin ay katabi niyang nakaupo roon sa couch.Umupo rin si Tobias sa tapat niya, sa pagitan ng mga binti niya. Ipinatong ng binata ang braso nito sa mga tuhod niya at sumandal sa kanya tapos ay nag-angat ng tingin kaya tinakpan niya agad ng controller ang mukha niya. Paano kung hindi pala siya maganda sa anggulo na ‘yon?“Oh, simula na,” paalala ni Domino kaya bumaling na sa screen si Tobias, hinigpitan ni Kari ang paghawak sa controller niya dahil kinakabahan siya na nae-excite.Kalmado lang ang mga kalaro niya na nakatingin sa screen, pero siguradong walang magpapatalo sa mga ito.Agad na tumahimik n
Walang magawa si Kari magmula nang pumasok si Tobias sa school. Kaya naman naisip niya na lang na maglinis ng konti.Hindi naman niya ginalaw ang mga gamit dahil ayaw niyang makialam, nagwalis lamang siya at pinunasan ang mga kaunting alikabok sa mga gamit.Pagod na humiga siya sa higaan ni Tobias, tumitig sa kisame. Ngayon niya lang naisip kung paano siya ime-message ng binata kung wala naman silang number ng isa’t-isa.Naaalala niya na hindi totoo ang binigay nitong number sa kanya noon, dahil doon ay lalo siyang napagalitan ng mommy niya.Hindi niya naman masisisi si Tobias dahil kahit siya ay maiinis kung may hahabol nang hahabol sa kanya. Akala niya nga ay hindi mapapalapit ang loob nito sa kanya.Agad siyang napaupo nang bumukas ang pintuan, nadismaya siya nang makitang si Joaquin ang pumasok.Nakita nito ang reaksyon niya kaya tumawa ito. “‘Wag mo naman masyadong ipahalata na dismayado ka na ako ang nakita mo, nandyan na rin si Tobi sa labas.”Mabilis siyang napangiti at tumayo
“Are you alone?” Napalingon si Karisma nang maramdaman niya ang mainit na kamay na dumulas sa kanyang bewang. An attractive, foreign looking guy smiled at her. Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay matamis na ngumiti. Kilala niya ito. The infamous womanizer, Dice Ferrer. Gumapang ang titig nito mula sa mukha niya pababa sa kanyang katawan, at nawala ang ngiti niya nang dumapo ang palad nito sa kanyang hita. Agad niyang tinabig iyon ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngiti nito. He’s obviously drunk, and a mess. “Wanna have some fun tonight?” bulong nito sa kanyang tenga. Karisma sighed. Hinarap niya ito at hinawi ang mahahaba niyang buhok, tapos ay itinaas ang kanyang kilay. “Do I know you?” Mabagal na kumunot ang noo ng binata. Of course, kilala niya nga ito. Pero hindi niya iyon aaminin dahil gusto niyang sirain ang pride nito. She wanted to humble him. “You don’t know me?” tanong nito. Mabagal siyang umiling habang sinasalubong ang titig nito. “The ques
“You lied to me, Karisma! Sinabi mo na nandoon ka sa mga pinsan mo, but you were in a club!”Kabababa pa lang ng taxi ni Karisma ay boses agad ng mommy niya ang bumungad sa kanya. Wala naman siyang magagawa, kasalanan niya iyon dahil nagsinungaling siya.“Nabastos ka pa! And you almost got rape, for pete’s sake!” Nakahawak sa noo ito habang pabalik-balik na naglalakad, tapos ay tumigil ito at galit na pinagmasdan siya. “Paano kung walang nagmagandang loob? Paano kung walang tumulong sayo?”Napakagat siya sa kanyang labi. Totoo naman ang sinabi ng kanyang ina, kahit naiinis siya sa lalaki na iyon dahil sinumbong siya ay totoo naman na malaking bagay na tinulungan siya nito. Hindi niya alam kung ano nang mangyayari sa kanya kanina. Pero hindi ba pwede bang iligtas siya nito nang hindi siya sinusumbong?!“Who is he?” tanong nito.Napaiwas siya ng tingin, hindi niya alam kung bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan ni Dice Ferrer. Makapangyarihan ang pamilya nito at baka magkagulo pa.“I
Hindi alam kung paano ipapaliwanag ni Kari sa mommy niya na hindi pwede si Tobias ngayong araw. Sinabi nito ay may kailangan daw itong gawin ngayon.“So, where is he?”Nakita niya na lang ang sarili niya na nakaupo sa sofa, ang mommy niya ay nakatayo sa harapan niya at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Kauuwi lang nito galing sa opisina.She sighed. “I saw him earlier, sinabi niya na bawal daw siya today kaya hiningi ko na lang ang number—”“Did you really think that I would believe that?”“Mommy!” Frustrated na sigaw niya. “Believe me! We met earlier, his name is Tobias Ortega. He’s with his friends pa nga! Cade and Tori saw them too!”“Then, why is he not here in front of me?”Napanguso siya. “Because he said he was busy but he gave me his number!” Nilabas niya ang phone niya at nilapit sa mommy niya. “Go, call him! You remember his voice naman siguro, diba? Nakausap mo po siya sa phone that night.”Tumango ito. “Okay, dial the number.”“Fine.” She rolled her eyes, she’s co
Pasado alas nueve na nang makarating si Karisma sa unit ni Nathan. Pagkabukas pa lamang ng pintuan ay sumalubong agad sa kanya ang nakangiting mukha nito.Agad niyang niyakap ang leeg nito. “Hey!”Tumawa ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “You’re still in your uniform?”“Well, obviously. .” Umikot ang kanyang mata dahil halata naman. “So, nasaan na?”Kuminang ang mata ng kaharap at hinawakan siya sa kamay saka hinila papasok sa loob, sa may salas ay nandoon ang makinang na dress.Namilog ang mata niya. “Oh my gosh! This is so cute!”“I know!” Kinuha ni Nathan ang dress at itinapat sa katawan ni Karisma, tapos ay pinagmasdan siyang saglit. “Bagay na bagay sayo ‘to! Try it already!”Hindi na siya nagdalawang isip at hinubad ang suot niyang uniporme sa harapan nito. Nathan is gay and they’ve been friends for years. He wanted to be a fashion designer, at ang mga damit na dinedisenyo nito ay sa kanya nito pinapasuot.Suminghap si Nathan nang matapos siyang magbihis. “Really, gi
Walang magawa si Kari magmula nang pumasok si Tobias sa school. Kaya naman naisip niya na lang na maglinis ng konti.Hindi naman niya ginalaw ang mga gamit dahil ayaw niyang makialam, nagwalis lamang siya at pinunasan ang mga kaunting alikabok sa mga gamit.Pagod na humiga siya sa higaan ni Tobias, tumitig sa kisame. Ngayon niya lang naisip kung paano siya ime-message ng binata kung wala naman silang number ng isa’t-isa.Naaalala niya na hindi totoo ang binigay nitong number sa kanya noon, dahil doon ay lalo siyang napagalitan ng mommy niya.Hindi niya naman masisisi si Tobias dahil kahit siya ay maiinis kung may hahabol nang hahabol sa kanya. Akala niya nga ay hindi mapapalapit ang loob nito sa kanya.Agad siyang napaupo nang bumukas ang pintuan, nadismaya siya nang makitang si Joaquin ang pumasok.Nakita nito ang reaksyon niya kaya tumawa ito. “‘Wag mo naman masyadong ipahalata na dismayado ka na ako ang nakita mo, nandyan na rin si Tobi sa labas.”Mabilis siyang napangiti at tumayo
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang maglaro ng Mario Kart. Racing game iyon, dati ay kadalasan nilalaro ni Karisma iyon kasama ang mga kapatid niya. Lagi niyang kakampi dati ang kanyang Kuya Felix na magaling sa mga laro.Ngayon ay magkakampi sila ni Tobias, at kalaban nila sina Domino at Joaquin.“Hindi ko makita rito sa gilid,” saad ni Domino at umupo sa carpet, samantalang si Joaquin ay katabi niyang nakaupo roon sa couch.Umupo rin si Tobias sa tapat niya, sa pagitan ng mga binti niya. Ipinatong ng binata ang braso nito sa mga tuhod niya at sumandal sa kanya tapos ay nag-angat ng tingin kaya tinakpan niya agad ng controller ang mukha niya. Paano kung hindi pala siya maganda sa anggulo na ‘yon?“Oh, simula na,” paalala ni Domino kaya bumaling na sa screen si Tobias, hinigpitan ni Kari ang paghawak sa controller niya dahil kinakabahan siya na nae-excite.Kalmado lang ang mga kalaro niya na nakatingin sa screen, pero siguradong walang magpapatalo sa mga ito.Agad na tumahimik n
Tahimik na nakatayo si Kari sa labas ng pintuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Tobias. Pumasok ang binata sa loob kani-kanina lang at sinabing maghintay muna siya roon saglit.Nilibot niya ang tingin sa paligid habang niyayakap ang sarili, madilim kaya’t hindi maaninag. Pero may ilaw na nanggagaling sa loob kung nasaan si Tobias.“Oh, brad, bakit bigla mong inaayos ‘yang higaan mo?” Narinig niyang tanong ni Domino, nagulat siya na nandoon pala ito.“Oh, oh. Bakit tinatago mo ‘yang mga magazines?” Boses naman iyon ni Joaquin.“Ano naman kung maingay kami? May makakarinig ba?”Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. Niluwa nito si Joaquin na nakasuot lamang ng boxer shorts at puting shirt.“Kari!” Halakhak nito habang nakahawak sa frame ng pintuan, napansin niya agad ang nakapulupot na gasa sa kamao nito. “Nandyan ka pala.”Nahihiyang ngumiti siya at sinilip si Tobias na binato ng damit ang nakahubad na si Domino na nasa loob.“Pasok ka.” Hinila siya ni Joaq
Tanghali na nang magising si Kari kinabukasan. Ayaw niyang bumangon pero may kumatok sa pinto ng kwarto niya.“Sino ‘yan?” tanong niya habang nakapikit pa rin.“Ma’am Kari, oras na po ng pagkain.”Suminghap siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. “I don’t wanna eat, please, stop disturbing my sleep.”“Sige po, ma’am. Pasensya na.”Wala na ulit kumatok sa pagkatapos no’n pero hindi na rin siya nakatulog ulit. Naligo na lang siya at inayos ang sarili, aalis siya dahil hindi siya mapakali sa bahay nila. Hindi na siya komportable. Wala rin siyang ganang pumasok sa eskwelahan.Naglagay siya ng concealer para matakpan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa mga sampal ng ina, mabuti ay hindi sobra ang pamamaga kaya hindi masyadong halata. Slippers lang ulit ang sinuot niya dahil hindi siya makakalakad ng maayos sa sapatos.Pagkababa niya ay nagulat siya nang may humarang sa kanya na kasambahay.“Binilin po ni Mada’am Elena na wag kayong paaalisin.”Napairap siya sa han
Nagpaalam si Kari kay Tobias nang madilim na. Sinabi niya ay uuwi na siya kahit hindi naman, kahit kasi umiyak siya sa harapan nito ay hindi nito tinanong ang dahilan niya.Gusto niya iyon, ayaw niyang mapag-usapan kung gaano kagulo ang kanyang pamilya. Well, hindi naman magulo, ayaw lang talaga sa kanya ng mga ito.Nandito siya ngayon sa parking lot ng school na pinapasukan niya, doon niya napagpasyahan na iwan ang Bentley ng kanyang Kuya Felix para hindi makita ng mommy niya tapos ay saka siya sasakay ng taxi pauwi.Iyon ang plano niya. Pero ayaw niya pang umuwi, ayaw niya na ro’n dahil sumasama lamang ang loob niya.Sumandal siya sa backrest ng drivers seat, pumikit ako at wala nang nagawa kundi bumuntong-hininga. Pagod siya at walang gana.Nami-miss agad niya si Tobias, nang kasama niya ito kanina ay nakalimutan niya ang lahat. Ang galing niya nga dahil hindi nito napansin na iika-ika ang lakad niya, tiniis niya iyon ng husto kanina.Napadilat siya ng mata nang mag-vibrate ang ph
Hindi alam kung paano sila nakarating ni Tobias sa isang bakanteng classroom, hindi na niya maalala ang nangyari dahil sa sobrang pag-iyak.Kani-kanina ay umalis si Tobias saglit at pagbalik ay may mga dala nang pagkain at inumin, kaya naman nilantakan niya ang mga iyon. Gutom na gutom siya. Kagabi pa ang huling kain niya at napagod pa siya dahil sa kakaiyak.Napatigil siya sa pag nguya nang mapansin na pinapanood pala siya ni Tobias. Nakapatong ang kanang bahagi ng mukha nito sa lamesa ng inuupuan nito at nakatingin lang sa kanya.Bigla na lang siyan nabulunan kaya agad binuksan ng binata ang bote ng tubig at iniabot sa kanya na agad niyang ininom.“Dahan dahan.” Mahinahon na sabi nito.Pinunasan ni Tobias ng likod ng palad ang bibig niya at sumubo ulit ng pagkain. Sumandal ito sa upuan at idiniretso ang mahaba nitong binti, naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod niya na maingat na pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.Lumingon siya sa binata kaya tumigil ang kamay nito at tuma
Halos hindi nakatulog si Kari buong gabi. Hindi kasi siya komportable, ang dalawang kasama niya ay mga tulog pa kaya nauna na siyang naligo.Iika-ika siya kung maglakad dahil sa paa niyang nabugbog, nalagyan naman na iyon ng first-aid kit ngunit sabi ni Cade ay mukhang kailangan iyon ipatingin sa doktor.Pagkatapos niya maligo ay saktong nagising ang mga kasama niya, hinintay niya pa ang mga itong matapos na mag-asikaso bago lumabas dahil ayaw niyang makita mag-isa ang mga iba niyang pinsan. Naririnig niya ang mga ingay ng mga iyon mula sa kwarto nila kaya alam niyang gising na ang lahat.“Mags, nasaan sila mommy?” tanong ni Cade kay Maggie na mag-isang umiinom ng kape sa dining area.“Nag-grocery shop,” sagot nito at tumingin saglit kay Kari ngunit agad din umiwas ng tingin.“‘Yung boys?”“Uh, they’re playing basketball somewhere.”Tumango si Cade at umupo rin, si Tori naman ay kumuha ng bread sa lamesa at siya naman ay nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom na gatas.Naramdaman n
Maganda ang naging mood ni Kari, may pera na siya ay may kotse pa siya na magagamit ng sampung araw. Kailangan niya lang muna isipin kung paano niya itatago sa mommy niya iyon, ngunit mag-iisip siya ng paraan mamaya.Nagluluto ang kanyang ina at mga auntie ngayon sa kusina, silang magpipinsan ay nasa salas ngayon at may sari-sariling ginagawa.“Kari, swimming later?” tanong ni Cade kay Kari kaya napalingon sa kanya sina Raven.“Oh, Kari! Nandyan ka pala!” bati ni Maggie kaya sarkastiko siyang ngumiti, alam niyang alam nito na nandoon naman talaga siya. Ayaw lang talaga siyang pansinin.“Nice to see you again,” pagbati niya rin.Ang mga pinsan nilang lalaki ay napailing na lamang, binati na siya ng mga iyon kanina.Lumapit naman sa kanya si Raven, hila-hila ang kamay ni Trace. Umupo ang mga sa tabi niya kaya napapailing na nagbuntong-hininga si Tori na nakaupo sa single couch.“Do you bring your swimsuit? Let’s swim later after dinner,” aya ni Raven habang nakangiti kaya tumango na la
Ang pagbisita kay Tobias pagkatapos ng kanyang trabaho ay naging routine na niya, pumupunta lang naman siya para yakapin ito.Iyon lang, dahil laging nandoon si Mang Raul kaya’t yakap lang talaga. Hindi naman pwede na utusan niya lagi ito na bumili ng langis para lang magawa nila ni Tobias ang gusto nila.Medyo naiinis siya na hindi niya na nahahalikan ang binata ng ilang araw, pero bumabawi naman sa mahigpit na yakap. Sinabihan niya na rin si Mang Raul na ‘wag sasabihin sa mommy niya ang nangyayari sa kanila ni Tobias at maswerte siya na ayos lang dito iyon dahil matagal na rin naman daw nito napapansin na may kakaiba sa kanila.Wala naman daw itong magagawa sa gusto niya, nasa tamang edad naman na raw siya para gumawa ng mga desisyon para sa sarili niya. Hinihiling niya lang na sana ay gano’n din mag-isip ang kanyang ina.“Are you enjoying your work?” tanong ni Cade habang gumagawa sila ng codebook sa kiosk. “Ini-expect ko na pagkatapos ng ilang araw ay magre-reklamo ka sa’min becau