Hindi alam kung paano ipapaliwanag ni Kari sa mommy niya na hindi pwede si Tobias ngayong araw. Sinabi nito ay may kailangan daw itong gawin ngayon.
“So, where is he?”Nakita niya na lang ang sarili niya na nakaupo sa sofa, ang mommy niya ay nakatayo sa harapan niya at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Kauuwi lang nito galing sa opisina.She sighed. “I saw him earlier, sinabi niya na bawal daw siya today kaya hiningi ko na lang ang number—”“Did you really think that I would believe that?”“Mommy!” Frustrated na sigaw niya. “Believe me! We met earlier, his name is Tobias Ortega. He’s with his friends pa nga! Cade and Tori saw them too!”“Then, why is he not here in front of me?”Napanguso siya. “Because he said he was busy but he gave me his number!” Nilabas niya ang phone niya at nilapit sa mommy niya. “Go, call him! You remember his voice naman siguro, diba? Nakausap mo po siya sa phone that night.”Tumango ito. “Okay, dial the number.”“Fine.” She rolled her eyes, she’s confident. Nagsasabi naman kasi siya ng totoo, kinuha niya ang agad ang number sa phone ni Tori kanina.Tinawagan niya ang phone at nag-angat ng tingin sa mommy niya, hinihintay na mag-ring iyon. But she felt a lump on her throat when the call didn’t go through. It means the number is not available.Napatingin agad siya sa screen dahil doon. Oh no! Tinext niya agad si Tori dahil baka mali ang number na nakopya niya, at nag-reply naman agad ito ng parehas na number. Mali ang binigay ng lalaking iyon sa kanya?“Damn that guy. .” she hissed under her breath.“That’s it, Karisma. You’re groun—”“No! No way!” Napatayo agad siya mula sa pagkakaupo. “Believe me, i saw him earlier! He just gave me a wrong number and it’s not my fault!”Her mother sighed. “Grounded ka hangga’t hindi mo siya nadadala sa harapan ko.”“M-mommy. .” Nanghihinang sambit niya.“Don’t you dare give me that kind of face, Karisma! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito, tapos na ako sa pagiging maluwang sayo. I gave you so many chances but you took it for granted!”Hindi siya nakapagsalita. Napayuko na lang siya at hindi na kumibo. Oo na, kasalanan niya! Pero nagsasabi naman talaga siya ng totoo ngayon!“Find him first then we will talk.”Napapikit siya ng mariin. Hindi niya talaga maintindihan ang gustong mangyari nito, ano bang gusto nito sa lalaki na iyon at gusto pa nitong makita? Hindi pa ba sapat na nakauwi siya ng maayos ng gabing iyon?She buried her face on her pillow that night, thinking about that guy. Naiinis siya dahil niloko siya nito! Mali ang number na binigay nito sa kanya, halatang wala itong balak na makipag-usap sa mommy niya.“So, you’re grounded right now. .” ani Cade kinabukasan nang magkita sila sa school. Katabi nito ang boyfriend nitong si Nigel ngayon.“I told you, you will be grounded someday and right now is that someday,” he laughed.Umirap siya dahil doon.“Baka hindi mo masyadong ipinaliwanag kay tita?” tanong ni Tori habang inaayos ang pagkakatali ng buhok nito.“I did, hindi lang siya nakinig sa’kin.”Wala na. . hindi na available ‘yung mga cards niya, kinumpiska na rin ng mommy niya ang susi ng kotse niya at binigyan lang siya nito ng three hundred pesos ngayong araw. Hinatid siya ng driver kanina papunta sa school at susunduin siya mamaya pag uwi niya.She’s so frustrated.“Hey, treat me for lunch,” sabi niya sa mga kasama niya.Tumawa ang mga ito. “Sure, princess.”Ni hindi rin niya magawang kumain ng maayos. Naaalala niya ‘yung panloloko sa kanya ng Tobias Ortega na iyon.Iyon ba talaga ang tunay na pangalan nito? Pati iyon ay pinagdududahan niya na rin.Whoever he is, fuck him, she thought. She will surely find and choke him so bad he couldn’t breath. Inis na inis talaga siya.“How about the party tonight, Kari?” tanong ni Cade.“She couldn’t make it, obviously. .”Party! May party nga pala tonight! How come she forgot about that?! Napapikit siya dahil sa stress, gusto niyang magpunta ng party na iyon.Party is an essential in Karisma Isabelle’s life.She sipped her fruit juice and grinned. “I can make it.”“How?” Sabay na tanong no’ng tatlo.Kumindat siya. “See you at the party tonight.”Uwian ay wala pa siya sa gate na naaninag niya na agad ang kotse na nakaparada sa labas ng gate ng school nila.“Ma’am Karisma,” bati ng driver nila sa kanya.“Pakisabi kay mommy ay may gagawin kaming group thesis sa house ng classmate ko,” sabi niya. “You can go.”“Pero kabilin-bilinan ni mada’am na huwag akong babalik nang hindi kita kasama.”Huminga siya ng malalim. “Then, you come with me.”“Sige—”“It's overnight, Mang Raul. Puro kami girls, go back alright?” agap niya at inilabas ang phone niya. “Or do you want me to call mommy right now for confirmation?”Tumango ito. “Gusto ko po munang malaman ang sasabihin ni mada’am. .”She scoffed. Wala na ba talagang tiwala sa kanya ang mga ito?Nagpanggap siyang tinatawagan ang number ng mommy niya tapos ay nilagay ang phone sa tenga niya.“Mommy!” pagbati niya kunwari, tumingin siya kay mang Raul na tahimik na nakatingin sa kanya.“Sabi ko kay Mang Raul na umuwi na siya dahil may group thesis kami sa bahay ng classmate ko tonight. .” Tumigil pa siya saglit para kunwari ay nagsasalita ang kausap niya sa kabilang linya. “Yes, mommy. But it’s overnight, kaya natatakot siyang umuwi kapag hindi ako kasama dahil baka pagalitan mo raw siya.”Ngumiti siya sa driver nila. “Okay, okay. I’ll tell him to go back. Alright, alright. Love you!”Tinapos niya ang kunwaring tawag at nilingon ang driver. “You can go back, mang Raul. Sorry for wasting your time going here. .”Napakamot ito sa ulo. “Sige, ma’am. Mag ingat na lang kayo.”Ngumiti siya ng matamis. It worked! Kumaway siya nang sumakay na ito sa kotse, sinundan niya ng tingin iyon palayo at nang wala na ay pinawi niya ang matamis na ngiti sa labi niya at kinuha ang phone niya para tumawag.“Nathan! I will go there now, is it ready?”“Yes, babe. Please come here.”I smiled. “I’ll be on my way, wait for me.”Pasado alas nueve na nang makarating si Karisma sa unit ni Nathan. Pagkabukas pa lamang ng pintuan ay sumalubong agad sa kanya ang nakangiting mukha nito.Agad niyang niyakap ang leeg nito. “Hey!”Tumawa ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “You’re still in your uniform?”“Well, obviously. .” Umikot ang kanyang mata dahil halata naman. “So, nasaan na?”Kuminang ang mata ng kaharap at hinawakan siya sa kamay saka hinila papasok sa loob, sa may salas ay nandoon ang makinang na dress.Namilog ang mata niya. “Oh my gosh! This is so cute!”“I know!” Kinuha ni Nathan ang dress at itinapat sa katawan ni Karisma, tapos ay pinagmasdan siyang saglit. “Bagay na bagay sayo ‘to! Try it already!”Hindi na siya nagdalawang isip at hinubad ang suot niyang uniporme sa harapan nito. Nathan is gay and they’ve been friends for years. He wanted to be a fashion designer, at ang mga damit na dinedisenyo nito ay sa kanya nito pinapasuot.Suminghap si Nathan nang matapos siyang magbihis. “Really, gi
“Anong nangyari, brad?”Kanina pa nakayuko lang si Karisma habang nakatingin sa kanya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya ngayon. Nasa labas na sila ng club ngayon, matapos siyang hilahin ni Tobias palabas ay tumigil sila rito.Nag-angat siya ng tingin kay Tobias, nagsalubong ang mata nilang dalawa. Hindi man lang nito nagawang sagutin ang tanong ng kaibigan.She could see his tongue moving inside his mouth while both of his hands were on his waist, probably thinking of something.“Ayos ka lang, miss?” tanong ng isang lalaki na may buzz cut na buhok.Nilingon niya ito saglit at tumango tapos ay ibinalik agad ang tingin kay Tobias.“Yes. . I’m okay. .” sambit niya.Hindi nakawala sa paningin niya ang pag-ngisi ng isa pa nilang kasama habang naiiling-iling. Gusto tuloy malaman ni Karisma kung ano ang pumasok sa isip nito.“Pauwiin mo na lang muna, Tobi,” anito.Tobias, being an eerie human being, didn’ say anything again.“Uh, you come with me.” Mabilis niyang sabi kaya kumuno
“Are you serious?”Umikot ang mata ni Kari nang tumawa si Cade matapos niyang ikwento sa mga ito ang gustong mangyari ng mommy niya. Sobra ang inis kaya medyo sensitive siya ngayong araw.“Auntie’s really is something,” sambit nito tapos ay natawa na naman.“Tigilan mo nga ang kakatawa!” asik niya.“So, you’re still grounded and you need to force that man to be your bodyguard in order for you to get back to your normal life?”Tumango siya sa tanong ni Tori, tumawa rin ito kaya napapikit siya ng mariin. Ano bang tinatawa ng mga ito? Seryoso siya! Nag-iinit talaga ang ulo niya dahil sa inis at dinagdagan pa ng mga ito.Dahil unang-una, pangalan at itsura lang ang alam niya sa lalaki na iyon. Pangalawa, paano niya ito hahanapin kung wala siyang pera at kotse? Pangatlo, bakit kailangan na ang lalaki na iyon pa? Pwede naman na kumuha na lang sila ng mga bagay sa propesyon na iyon.Well, maraming beses na siyang natulungan ni Tobias kaya alam niyang mabait ito at kayang-kaya siyang protekta
“I don’t like this,” reklamo ni Gideon habang nakatuon ang tingin sa daan habang nagmamaneho.Papunta na sila sa address ng school na sinend sa kanya ni Tori.Sinubuan niya ito ng french fries na walang gana naman nitong nginuya, dumaan sila kanina sa drive-thru dahil malayu-layong byahe ang mararanasan nila.“Don’t worry, hindi na ako magpapasama sayo next time,” aniya at bumuntong-hininga. “If only I had my own car, I wouldn’t bother you.”Tinignan siya nito sa gilid ng mata. “Then, be a good girl for once.”“I’m already a good girl!” agap niya.“No, you’re not.”She made a face. Tapos ay tumingin sa labas ng bintana habang kumakagat sa burger.Matapos ng mahabang byahe ay tumigil sila sa isang malaking school. Mataas ang itim na gate, ang mga buildings ay napapalibutan ang isang malawak na field.Nagkalat ang mga estudyante kaya bumaba agad siya ng kotse at nilingon si Gideon na nakakunot ang noo dahil natatamaan ng sinag ng araw.“Ask for the guy,” sabi niya matapos tumingin sa su
“Bakit?”Matapos ng mahabang katahimikan ay ayon lamang ang lumabas sa bibig ni Tobias, hindi niya matantya ang emosyon ng mukha nito. Dahil doon ay hindi agad nakapagsalita si Karisma.“Uh. . Mommy wants you to be my bodyguard. .” Naglabas ng buntong-hininga si Tobias at pumikit bago tumingala. Nakatingala rin siya sa binata dahil bukod sa matangkad ito ay nakatayo ito sa mas mataas na baitang sa kanya.“Sinabi ko nang hindi ako pumapayag,” saad ng binata at saka siya nilagpasan kaya hinabol niya ito at hinawakan sa kamay na nagpatigil dito.“Hey, wait!”Lumingon muli ito sa kanya kaya pinalambot niya ang kanyang mukha, nagbabakasakali na maawa sa kanya. Ngayon ay siya na ang nasa mataas na baitang, kaya’t magkapantay na ang mga mukha nila.Lalo tuloy siyang na-intimidate. Hindi niya lang kung anong meron ang binata at ganito ang epekto nito sa kanya.“Tobia—”“Makinig ka dahil huli na ‘to, miss,” anito sa mahinang boses. “Ayoko ng may ibang iniintindi bukod sa sarili ko. Naiintind
Pagkatapos pa lamang ng klase niya kinabukasan ay nagmamadali na agad siyang nagtungo sa gate upang umalis, doon ay nandoon agad si Mang Raul na naghihintay.“Doon ba ulit, ma’am?”Tumango siya. “Daan din muna tayo sa madadaanan natin na drive-thru, bibili tayo ng kakainin natin.”“Okay, ma’am.”Marami ang binili niyang pagkain. Kahit walang pera ay ayaw niyang gutumin si Mang Raul habang naghihintay ito sa labas ng school nina Tobias. Halos paubos na ang pera na ibinigay ni Gideon sa kanya.Pagkatapos niya kumain ay saktong malapit na sila sa school kaya’t mabilis niyang inayos ang sarili ko. Tinali niya ang kalahati ng buhok niya sa taas at hinayaan bumagsak sa balikat niya ang nasa ilalim, naka-uniporme pa rin siya ng school nila dahil wala na siyang oras para magpalit. At ang hindi mawawala sa kanya, ang kulay pulang lipstick.“Nandito na tayo, ma’am.”Bumaba agad siya ng kotse nang tumigil sila, napansin niya na malayo pa lamang ay nakatingin na sa kanya ang guard at napailing.“
Biyernes na kaya naiisip nang magpunta ni Kari kay Tobias, pero hindi niya maintindihan kung bakit siya tinatamad.Sa loob-loob niya ay may nakatagong inis ngunit hindi niya alam kung ano iyon. Kaya naman gusto niya na lang magpunta sa isang party.Success ang nagawa niyang pagtakas sa party noong nakaraan, hindi siya nahuli kaya nagkakaroon na naman siya ng lakas ng loob na tumakas.“Tagal mo nang hindi nakakapunta, paano mo siya mapipilit niyan?” tanong ni Cade.“Hindi ko alam, basta tinatamad akong makita ang taong iyon ngayon,” saad niya.Tumawa ang kausap. “Ano bang nangyari?”“What? Saan?”Umiling ito at tumawa. Bumulong pa ito kay Nigel na umiinom tapos ay sabay silang tumingin kay Karisma.“Ano na naman?” naiintrigang tanong niya.“Ang weird mo, para kang nagtatampo sa crush mo.”Nanlaki ang mata niya. “Hindi noh!”“Oh, bakit tinatamad ka? Samahan kita gusto mo? I have my car with me,” ani Tori kaya nagpangalumbaba siya at ngumuso.“But. .”“But?”Umiling siya. “Fine, punta t
“Auntie, payagan moa na si Kari kahit ngayon lang. It’s my birthday!” sambit ni Cade sa mommy ni Kari.Nandito sila ngayon sa office nito sa bahay nila at pinagpapaalam siya ng mga pinsan niya para makadalo siya sa party.“Oo nga po, auntie. It’s been a while naman na,” pagsingit naman ni Tori.Lumingon kay Kari ang kanyang ina kaya napaiwas siya ng tingin, hindi siya kumikibo kanina pa. Syempre, gusto niyang pumunta pero ayaw niyang magsalita dahil baka lalong hindi pumayag ang mommy niya.“Okay, just for tonight!” sabi ng mommy niya kaya nanlaki ang mata niya dahil sa gulat.“Yay! Thank you, auntie!”“You’re allowed until midnight, Karisma.”Agad na kumunot ang noo niya. “What?”“It’s okay, auntie. Thank you po,” agap ni Tori at siniko siya ng maraming beses. Nagpaalam na ang mga ito sa mommy niya bago sila lumabas at hinila siya sa kwarto niya.“Magbihis ka na!”She rolled her eyes. “Nakakatamad magpunta, may curfew pa rin.”“Atleast makakapunta ka nang hindi tumatakas.”Napabunton
Walang magawa si Kari magmula nang pumasok si Tobias sa school. Kaya naman naisip niya na lang na maglinis ng konti.Hindi naman niya ginalaw ang mga gamit dahil ayaw niyang makialam, nagwalis lamang siya at pinunasan ang mga kaunting alikabok sa mga gamit.Pagod na humiga siya sa higaan ni Tobias, tumitig sa kisame. Ngayon niya lang naisip kung paano siya ime-message ng binata kung wala naman silang number ng isa’t-isa.Naaalala niya na hindi totoo ang binigay nitong number sa kanya noon, dahil doon ay lalo siyang napagalitan ng mommy niya.Hindi niya naman masisisi si Tobias dahil kahit siya ay maiinis kung may hahabol nang hahabol sa kanya. Akala niya nga ay hindi mapapalapit ang loob nito sa kanya.Agad siyang napaupo nang bumukas ang pintuan, nadismaya siya nang makitang si Joaquin ang pumasok.Nakita nito ang reaksyon niya kaya tumawa ito. “‘Wag mo naman masyadong ipahalata na dismayado ka na ako ang nakita mo, nandyan na rin si Tobi sa labas.”Mabilis siyang napangiti at tumayo
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang maglaro ng Mario Kart. Racing game iyon, dati ay kadalasan nilalaro ni Karisma iyon kasama ang mga kapatid niya. Lagi niyang kakampi dati ang kanyang Kuya Felix na magaling sa mga laro.Ngayon ay magkakampi sila ni Tobias, at kalaban nila sina Domino at Joaquin.“Hindi ko makita rito sa gilid,” saad ni Domino at umupo sa carpet, samantalang si Joaquin ay katabi niyang nakaupo roon sa couch.Umupo rin si Tobias sa tapat niya, sa pagitan ng mga binti niya. Ipinatong ng binata ang braso nito sa mga tuhod niya at sumandal sa kanya tapos ay nag-angat ng tingin kaya tinakpan niya agad ng controller ang mukha niya. Paano kung hindi pala siya maganda sa anggulo na ‘yon?“Oh, simula na,” paalala ni Domino kaya bumaling na sa screen si Tobias, hinigpitan ni Kari ang paghawak sa controller niya dahil kinakabahan siya na nae-excite.Kalmado lang ang mga kalaro niya na nakatingin sa screen, pero siguradong walang magpapatalo sa mga ito.Agad na tumahimik n
Tahimik na nakatayo si Kari sa labas ng pintuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Tobias. Pumasok ang binata sa loob kani-kanina lang at sinabing maghintay muna siya roon saglit.Nilibot niya ang tingin sa paligid habang niyayakap ang sarili, madilim kaya’t hindi maaninag. Pero may ilaw na nanggagaling sa loob kung nasaan si Tobias.“Oh, brad, bakit bigla mong inaayos ‘yang higaan mo?” Narinig niyang tanong ni Domino, nagulat siya na nandoon pala ito.“Oh, oh. Bakit tinatago mo ‘yang mga magazines?” Boses naman iyon ni Joaquin.“Ano naman kung maingay kami? May makakarinig ba?”Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. Niluwa nito si Joaquin na nakasuot lamang ng boxer shorts at puting shirt.“Kari!” Halakhak nito habang nakahawak sa frame ng pintuan, napansin niya agad ang nakapulupot na gasa sa kamao nito. “Nandyan ka pala.”Nahihiyang ngumiti siya at sinilip si Tobias na binato ng damit ang nakahubad na si Domino na nasa loob.“Pasok ka.” Hinila siya ni Joaq
Tanghali na nang magising si Kari kinabukasan. Ayaw niyang bumangon pero may kumatok sa pinto ng kwarto niya.“Sino ‘yan?” tanong niya habang nakapikit pa rin.“Ma’am Kari, oras na po ng pagkain.”Suminghap siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. “I don’t wanna eat, please, stop disturbing my sleep.”“Sige po, ma’am. Pasensya na.”Wala na ulit kumatok sa pagkatapos no’n pero hindi na rin siya nakatulog ulit. Naligo na lang siya at inayos ang sarili, aalis siya dahil hindi siya mapakali sa bahay nila. Hindi na siya komportable. Wala rin siyang ganang pumasok sa eskwelahan.Naglagay siya ng concealer para matakpan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa mga sampal ng ina, mabuti ay hindi sobra ang pamamaga kaya hindi masyadong halata. Slippers lang ulit ang sinuot niya dahil hindi siya makakalakad ng maayos sa sapatos.Pagkababa niya ay nagulat siya nang may humarang sa kanya na kasambahay.“Binilin po ni Mada’am Elena na wag kayong paaalisin.”Napairap siya sa han
Nagpaalam si Kari kay Tobias nang madilim na. Sinabi niya ay uuwi na siya kahit hindi naman, kahit kasi umiyak siya sa harapan nito ay hindi nito tinanong ang dahilan niya.Gusto niya iyon, ayaw niyang mapag-usapan kung gaano kagulo ang kanyang pamilya. Well, hindi naman magulo, ayaw lang talaga sa kanya ng mga ito.Nandito siya ngayon sa parking lot ng school na pinapasukan niya, doon niya napagpasyahan na iwan ang Bentley ng kanyang Kuya Felix para hindi makita ng mommy niya tapos ay saka siya sasakay ng taxi pauwi.Iyon ang plano niya. Pero ayaw niya pang umuwi, ayaw niya na ro’n dahil sumasama lamang ang loob niya.Sumandal siya sa backrest ng drivers seat, pumikit ako at wala nang nagawa kundi bumuntong-hininga. Pagod siya at walang gana.Nami-miss agad niya si Tobias, nang kasama niya ito kanina ay nakalimutan niya ang lahat. Ang galing niya nga dahil hindi nito napansin na iika-ika ang lakad niya, tiniis niya iyon ng husto kanina.Napadilat siya ng mata nang mag-vibrate ang ph
Hindi alam kung paano sila nakarating ni Tobias sa isang bakanteng classroom, hindi na niya maalala ang nangyari dahil sa sobrang pag-iyak.Kani-kanina ay umalis si Tobias saglit at pagbalik ay may mga dala nang pagkain at inumin, kaya naman nilantakan niya ang mga iyon. Gutom na gutom siya. Kagabi pa ang huling kain niya at napagod pa siya dahil sa kakaiyak.Napatigil siya sa pag nguya nang mapansin na pinapanood pala siya ni Tobias. Nakapatong ang kanang bahagi ng mukha nito sa lamesa ng inuupuan nito at nakatingin lang sa kanya.Bigla na lang siyan nabulunan kaya agad binuksan ng binata ang bote ng tubig at iniabot sa kanya na agad niyang ininom.“Dahan dahan.” Mahinahon na sabi nito.Pinunasan ni Tobias ng likod ng palad ang bibig niya at sumubo ulit ng pagkain. Sumandal ito sa upuan at idiniretso ang mahaba nitong binti, naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod niya na maingat na pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.Lumingon siya sa binata kaya tumigil ang kamay nito at tuma
Halos hindi nakatulog si Kari buong gabi. Hindi kasi siya komportable, ang dalawang kasama niya ay mga tulog pa kaya nauna na siyang naligo.Iika-ika siya kung maglakad dahil sa paa niyang nabugbog, nalagyan naman na iyon ng first-aid kit ngunit sabi ni Cade ay mukhang kailangan iyon ipatingin sa doktor.Pagkatapos niya maligo ay saktong nagising ang mga kasama niya, hinintay niya pa ang mga itong matapos na mag-asikaso bago lumabas dahil ayaw niyang makita mag-isa ang mga iba niyang pinsan. Naririnig niya ang mga ingay ng mga iyon mula sa kwarto nila kaya alam niyang gising na ang lahat.“Mags, nasaan sila mommy?” tanong ni Cade kay Maggie na mag-isang umiinom ng kape sa dining area.“Nag-grocery shop,” sagot nito at tumingin saglit kay Kari ngunit agad din umiwas ng tingin.“‘Yung boys?”“Uh, they’re playing basketball somewhere.”Tumango si Cade at umupo rin, si Tori naman ay kumuha ng bread sa lamesa at siya naman ay nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom na gatas.Naramdaman n
Maganda ang naging mood ni Kari, may pera na siya ay may kotse pa siya na magagamit ng sampung araw. Kailangan niya lang muna isipin kung paano niya itatago sa mommy niya iyon, ngunit mag-iisip siya ng paraan mamaya.Nagluluto ang kanyang ina at mga auntie ngayon sa kusina, silang magpipinsan ay nasa salas ngayon at may sari-sariling ginagawa.“Kari, swimming later?” tanong ni Cade kay Kari kaya napalingon sa kanya sina Raven.“Oh, Kari! Nandyan ka pala!” bati ni Maggie kaya sarkastiko siyang ngumiti, alam niyang alam nito na nandoon naman talaga siya. Ayaw lang talaga siyang pansinin.“Nice to see you again,” pagbati niya rin.Ang mga pinsan nilang lalaki ay napailing na lamang, binati na siya ng mga iyon kanina.Lumapit naman sa kanya si Raven, hila-hila ang kamay ni Trace. Umupo ang mga sa tabi niya kaya napapailing na nagbuntong-hininga si Tori na nakaupo sa single couch.“Do you bring your swimsuit? Let’s swim later after dinner,” aya ni Raven habang nakangiti kaya tumango na la
Ang pagbisita kay Tobias pagkatapos ng kanyang trabaho ay naging routine na niya, pumupunta lang naman siya para yakapin ito.Iyon lang, dahil laging nandoon si Mang Raul kaya’t yakap lang talaga. Hindi naman pwede na utusan niya lagi ito na bumili ng langis para lang magawa nila ni Tobias ang gusto nila.Medyo naiinis siya na hindi niya na nahahalikan ang binata ng ilang araw, pero bumabawi naman sa mahigpit na yakap. Sinabihan niya na rin si Mang Raul na ‘wag sasabihin sa mommy niya ang nangyayari sa kanila ni Tobias at maswerte siya na ayos lang dito iyon dahil matagal na rin naman daw nito napapansin na may kakaiba sa kanila.Wala naman daw itong magagawa sa gusto niya, nasa tamang edad naman na raw siya para gumawa ng mga desisyon para sa sarili niya. Hinihiling niya lang na sana ay gano’n din mag-isip ang kanyang ina.“Are you enjoying your work?” tanong ni Cade habang gumagawa sila ng codebook sa kiosk. “Ini-expect ko na pagkatapos ng ilang araw ay magre-reklamo ka sa’min becau