Bumuntong-hininga si Josephine. Ngayong alam na ng mapagmataas niyang kuya na si Robbie ay kaniyang anak, tiyak na lalabanan niya si Rose sa kung sino dapat ang mag-alaga sa bata.Bakit ba kailangan siyang labanan ni Rose?Pagdating sa awtoridad, halos namumuno na ang kaniyang kuya sa buong mundo.Pagdating sa pera, ang kaniyang kuya ay ang presidente ng isang kumpanya na nagkakahalaga ng ilang daang bilyon.Si Rose ay walang anumang pera o awtoridad.Akala ni Josephine ay tapos na ang laban bago pa man ito magsimula.Sa kabutihang palad...Tumalikod si Josephine, tumingin kay Rozette, at naisip kung paano patahanin si Rose.“Rose, susubukan kong dayain ang kuya ko sa abot ng aking makakaya. Sasabihin ko sa kaniya na si Rozette ay ang anak mong babae sa dati mong asawa. Gayunpaman, ang kuya ko ay natural na hindi mapagtiwala. Para hindi siya maghinala, gagawa ako ng istorya na kinasal ka sa iba.“Kailangan lang natin magkasundo sa istorya natin para hindi siya maghinala ng kung ano. ‘W
Si Robbie ay nagulat. Agad siyang lumapag sa sahig at naghanap ng lugar na mapagtataguan mula sa mga bala. Ang mga pulis na nakapaligid sa labas ay narinig ang mga tunog ng pagbaril at sumugod papasok sa gusali.Narinig ni Robbie ang malalakas na mga tunog ng baril. Nakakita siya ng lagayan ng libro at nagtago sa loob nito.Sa gitna ng puwang sa pintuan, nakikita niya si Jay na may suot-suot na puting damit na may isang butones na nakatanggal. Siya ay kasing kaaya-aya ng isang iskulture, ngunit kasabay nito ay kasing bangis niya ang isang lobo, lalo na ang kaniyang mga mata na nagniningning ng matinding kalamigan. Nang may pagtulong ng mga pulis, umakyat siya sa hagdan.Ang pagtibok ng puso ni Robbie ay umaabot hanggang sa kaniyang lalamunan. Lagpas pa sa isang dosena ang mga kidnapper sa taas, at ang bawat isa sa kanila ay may hawak-hawak na nakamamatay na sandata. Umaasa siya sa mga kidnapper na hindi gamitin ang kanilang mga baril. Kung ‘di, hindi sana siya naglakas-loob na subukang
Hindi tumitigil si Josephine sa pagpunas ng kaniyang mga luha. “Buti na lang at ligtas ka, Jenson.”Tumingin si Rose sa pinto at may napagtanto. “Robbie, nasaan si Daddy? Bakit hindi mo siya kasama?”Akala niya ay agad na pupunta si Jay sa kaniya para pag-usapan kung sino ang dapat mag-alaga sa bata.Niyakap ni Robbie si Rose. “Dumating si Daddy doon para iligtas ako, Mommy. Sobra akong natutuwa. Pero hindi ko siya hinarap, kasi ayaw kong iwan si Mommy.”Nanginig si Rose. Napabuntong-hininga siya. “Pasensya nia, Robbie, alam na ni Daddy ang tungkol sa ‘yo.”Nakita ni Robbie kung gaano kalungkot ang kaniyang Mommy at napabuntong-hininga na parang isang matanda. “‘Wag kang mag-alala, Mommy. Kahit na gusto akong kuhain ni Daddy mula sa ‘yo, hindi kita iiwan kahit ano man ang mangyari.”Ang mag-ina ay nagyakapan at umiyak, na para bang maghihiwalay na sila habang-buhay. Ito ay isang emosyonal na eksena.“Hindi ka niya kukuhain,” biglang sabi ni Jenson.Agad na bumalik si Josephine sa kaniy
Tumayo si Josephine sa harap ni Rose at sinabi nang may determinasyon, “Kukuhain ni Kuya ang anak niya. Rose, ‘wag mong sabihin sa kaniya ang numero ng bahay mo!”“Josephine!” Napangiwi si Jay at sumigaw sa telepono.Sa sobrang takot ni Josephine ay naging berde ang kulay ng kaniyang mukha. Agad siyang napatakip ng bibig at desperadong kumaway kay rose.Si Rose ay natahimik nang ilang sadali bago niya sabihin ang numero ng bahay niya sa telepono, “House number 618.”Sa sandaling sabihin niya iyon, pinutol ni Jay ang linya.Si Josephine ay napahiga sa sofa at sinabihan si Rose, “Bakit mo sinabi sa kaniya ang address mo? Rose, hindi mo alam na mawawala sa ‘yo si Robbie sa sandaling makapunta siya rito?”Kumuha si Jenson ng isang saging at pinasok ito sa bunganga ni Josephine. Nang may naiinis na mga mata, sinabi niya, “Masyado kang madaldal.”Tumayo si Josephine, tumuro sa ilong ni Jenson, at sumumpa, “‘Wag mong isipin na hindi kita kilala, bata. Pareho kayong maingat ng daddy mo. Alam k
Biglang lumuhod si Jay at hinawakan ang mukha ni Robbie gamit ang dalawa niyang mga kamay. Ang kaniyang mga mata ay mapanuri. Ang kaniyang itsura ay tila naghahanap ng pagtanggap ni Robbie, tila pinagmumukha siyang isang inosente at musmos na bata.Inobserbahan ni Rose ang mag-amang nagtitinginan sa isa’t isa nang may parehong saya at takot sa loob nila. Ang pagmamahal ni Jay sa kaniyang anak ay mas malalim pa sa kaniyang naisip.“Daddy,” biglang inangat ni Robbie ang kaniyang mga braso at niyakap si Jay.Niyakap ni Jay si Robbie nang mahigpit, ang gwapo niyang mukha ay puno ng kaaya-aya at eleganteng ngiti.Naglakad papalapit si Josephine kay Rose. Na para bang binibigyan niya ito ng lakas, inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Rose.“Daddy, mahal kita.” Hinalikan ni Robbie si Jay sa noo.Ang aksyon na ito ay pinatibok ang puso ni Jay. Nagulat siya rito dahil akala niya na dahil sa matinding galit sa pagitan nila ni Rose, ang mga batang pinalaki niya ay kaiinisan din s
Tumingin si Rose kay Jay, mga mata niya’y blanko.Kahit kailan ay hindi papayag si Jay na pakasalan siyang muli.Determinado lamang siyang makuha si Robbie.Ayaw niya lang maging masama sa harap ng mga bata, kaya binigay niya ang problema kay Rose.Akala niya ay mahina si Rose at susundin siya nito.Sa ‘di inaasahan, matigas na sinabi ni Rose, “Ginoong Ares, limang taon na ang nakalipas, kusa ko nang binigay sa ‘yo ang pag-aalaga ng isang bata. Kahit kailan ay hindi ko na ‘to gagawin muli.”Tumingin si Jay kay Rose sa inis, binibigyang-diin ang bawat salitang susunod niyang sasabihin, “Ang isang Ares ay mananatiling isang Ares. Ang lahat ng Ares ay dapat manirahan nang magkakasama.”Silang dalawa ay makulit at hindi magkasundong nagtinginan.Pagkatapos ng mahabang sandali, napatingin si Jay sa mga bata at mahinang sinabi, “Ano, sino sa inyo ang sasama kay Daddy ngayong gabi?”Ang mga salitang iyon ay para kina Robbie at Jenson. Si Zetty ay umiiyak lamang sa sulok.Kusang hinawakan ni R
Pakiramdam ni Jay ay mababaliw na siya. Wala siyang rason para sukuan ang isang cute na bata tulad ni robbie. ‘Hindi, kailangan kong makagawa ng paraan para makuha si Robbie bukas.’Kinaumagahan, naglakad si Jay patungo sa kusina para maghanda ng umagahan at nagluto ng isang pagkain na sapat na para sa tatlong tao. Tumingin si Jenson sa sobrang plato bago tumingin sa madilim bilog sa ilalim ng kaakit-akit na mga mata ng kaniyang ama. Napabuntong-hininga siya.“Bakit ka bumubuntong-hininga?” Si Jay ay naghihiwa ng karne sa harap niya at tinanong si Jenson nang hindi tumitingala.Malungkot na sinabi ni Jenson, “Daddy, kailan mo pa ginaya si Mommy sa paggawa ng sobrang almusal? Sayang naman.”Si Jay ay natuliro. ‘May ganito ring gawain si Rose? May namimiss rin siyang tao?’‘Hindi, hindi kami magkaparehas.‘Isang araw ko pa lang ‘to ginagawa samantalang limang taon na niya itong ginagawa.’Sa sandaling iyon, nagkaroon ng maliit na punit sa puso ni Jay.“Jens, sabihin mo sa ‘kin, gusto mo
Nagpadala ng mensahe si Jay kay Rose, iniimbitahan siya sa isang café.Tumingin si Rose sa mensahe na nagsasabing, “Dapat nating pag-usapan ang kung sino ang dapat mag-alaga kay Robbie. Kung ‘di, kakailanganin kong gumamit ng ibang mga paraan.’Napabuntong-hininga nang malalim si Rose. Pwede ba siyang magpanggap na hindi niya nakita ang mensahe na ito?Marahil ay dahil matagal na pagsagot ni Rose sa mensahe na iyon kaya siya tinawagan ni Jay.Nag-alinlangan si Rose nang ilang sandali bago ito sagutin.Ang malamig na boses ni Jay ay maririnig sa kabilang linya, “Rose Loyle, bakit hindi ka sumasagot sa mensahe ko? Ang pag-iwas sa ‘kin ay hindi mareresolba ang problema natin.”Sumagot si Rose, “Hindi kita iniiwasan, hindi ko lang talaga alam kung paano kita sasagutin.”Si Jay ay natuliro sa sagot na iyon ngunit sa loob lamang ng maikling segundo.Sinabi niya, “Kung alam mong mangyayari din ito, bakit mo pa kasi ‘yon ginawa?”Bahagyang nanginig si Rose. Ang pangungusap na iyon ay tinutukoy