Tumingin si Jay sa nababahalang mukha ni Jenson. Hindi niya maintindihan kung paano nagawa ni Rose na mag-alala si Jenson sa anak ni Rose nang ganoon.Sila ay dalawang bata mula sa magkaibang ina, at sila ay hindi lumaki nang magkasama. Gayunpaman, ang lebel ng pagkalapit sa pagitan ng mga bata ay pinagselos si Jay.Naiinis na bumuntong-hininga si Jay nang mapagtanto niyang nagseselos siya sa sarili niyang anak. Nag-aalinlangan niyang kinuha ang kaniyang selpon at tinawagan ang numero ng kaniyang kaibigan, isang detective na mayroong perpektong rekord ng pagreresolba ng mga kaso.Pagkatapos no’n, kaswal na lumabas si Jay sa kaniyang kotse. Mabilis niyang hinabol si Jenson at binuhat ito.“Mapanganib dito, Jens. Tara, sumama ka kay Daddy pauwi.”Agad na umirap sa kaniya si Josephine.Ang kaniyang kapatid ay mayroon lamang paki kay Jenson, ngunit hindi niya alam na ang nakidnap na si Robbie ay ang kaniya ring anak. Si Zetty, na ayaw sa kaniya, ay anak din niyang babae. Si Rose Loyle ay a
“Wala ako sa wisyong makipagtalo sa ‘yo ngayon, Jay Ares. Kailangan kong iligtas ang anak ko,” abala ang isipan ni Rose sa pag-aalala sa kaligtasan ni Robbie. Wala siyang enerhiya na magkaroon ng pakialam sa maaaring mangyari kapag ginalit niya si Jay.Napakuyom ng kamao si Jay. Ang kaniyang mga mata ay nagbabaga sa galit. “Rose Loyle. Ikaw ang kauna-unahang taong nakatalo sa ‘kin. Tatandaan ko ang araw na ‘to, at babalikan ko ‘to pagkatapos maligtas ng anak mo.”“Bahala ka,” pagod na sabi ni Rose.Nagawa ni Rose na maiwasang makipag-away kay Jay dahil mayroon silang batang kailangan nilang iligtas.Nakatanggap siyang muli ng tawag mula sa mga kidnapper. “Ilagay mo ang pera sa bank account ko…”“Magkano ba?” Tanong ni Rose.“Dalawang daang milyon!” Dinoble ng kidnapper ang perang pantubos nang biglaan.Walang ganoong pera si Rose. Napatingin na lamang siya kay Josephine.Nagpakita si Josephine ng isang kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha. Ang card na binigay sa kaniya ng kaniyang ku
Ang ninais niya lang naman ay ang turuan si Rose ng maliit na leksyon. Hindi niya inaasahan na ang kaniyang kapatid at ang kaniyang anak ay kumakampi kay Rose. Wala na ang kasiyahan sa paghihiganti sa kaniya.Inangat niya ang kaniyang perpektong kamay sa harap ni Rose. “Ibigay mo sa ‘kin ang selpon mo.” Ang kaniyang tinig ay puno ng pagka-inis.Nag-alinlangan si Rose dahil hindi niya alam ang binabalak ni Jay.Lumapit si Jay at kinuha ang selpon ni Rose. Tumingin siya sa call notification na mula sa mga kidnapper, at pagkatapos ay ginamit ang telepono ni Rose upang tumawag.“Tulungan mo akong hanapin ang lokasyon ng teleponong may ganitong numero, 134***,” malamig na sabi ni Jay.Nagulat si Rose. Tinutulungan ba siya ni Jay na iligtas si Robbie?Pagkatapos niyang tumawag, binato ni Jay pabalik ang selpon kay Rose na para bang nagbabato siya ng basura.“Daddy, ililigtas mo ba si Robbie?” Nag-aasam na tanong ni Jenson.“Ginagawa ko ‘to para lang sa ‘yo!” Hinawakan ni Jay ang ulo ni Jenso
Napabuntong-hininga sa ginhawa si Josephine nang matanggap niya ang pahintulot ni Rose. Alam ni Rose kung gaano kahirap para kay Rose na gawin ang desisyon na iyon, na siya ring ginawa siyang seryoso.Naglakad siya sa harap ni Jay at sinabi, “Kuya, siguro ay hindi ka sang-ayon sa desisyon ng hipag ko na bayaran ang perang hinihingi nila, at pinahiya at kinutya mo siya sa paghiram ng dalawang daang milyon mula sa ‘yo. Gayunpaman, kapag nakita mo na si Robbie, hindi mo lamang ipapahiram sa kaniya ang dalawang milyon na iyon. Baka bigyan mo pa siya ng dalawang bilyon, kung iyon ang hinihingi ng mga kidnapper.”Bakas sa mukha ni Jay ang pangungutya. “Josephine Ares, paano mo naman naisip na handa akong gumastos ng dalawang bilyon para sa babaeng ito? Alam mo ba kung gaano kalaki ang galit ko sa kaniya?” Ang ekspresyon ni Jay ay nagsimulang pumangit.Binuksan nang bahagya ni Josephine ang kaniyang bibig habang siya ay nakatitig kay Jay. Marahil ay pagod na siyang makipagtalo, at iyon siguro
Bumuntong-hininga si Josephine. Ngayong alam na ng mapagmataas niyang kuya na si Robbie ay kaniyang anak, tiyak na lalabanan niya si Rose sa kung sino dapat ang mag-alaga sa bata.Bakit ba kailangan siyang labanan ni Rose?Pagdating sa awtoridad, halos namumuno na ang kaniyang kuya sa buong mundo.Pagdating sa pera, ang kaniyang kuya ay ang presidente ng isang kumpanya na nagkakahalaga ng ilang daang bilyon.Si Rose ay walang anumang pera o awtoridad.Akala ni Josephine ay tapos na ang laban bago pa man ito magsimula.Sa kabutihang palad...Tumalikod si Josephine, tumingin kay Rozette, at naisip kung paano patahanin si Rose.“Rose, susubukan kong dayain ang kuya ko sa abot ng aking makakaya. Sasabihin ko sa kaniya na si Rozette ay ang anak mong babae sa dati mong asawa. Gayunpaman, ang kuya ko ay natural na hindi mapagtiwala. Para hindi siya maghinala, gagawa ako ng istorya na kinasal ka sa iba.“Kailangan lang natin magkasundo sa istorya natin para hindi siya maghinala ng kung ano. ‘W
Si Robbie ay nagulat. Agad siyang lumapag sa sahig at naghanap ng lugar na mapagtataguan mula sa mga bala. Ang mga pulis na nakapaligid sa labas ay narinig ang mga tunog ng pagbaril at sumugod papasok sa gusali.Narinig ni Robbie ang malalakas na mga tunog ng baril. Nakakita siya ng lagayan ng libro at nagtago sa loob nito.Sa gitna ng puwang sa pintuan, nakikita niya si Jay na may suot-suot na puting damit na may isang butones na nakatanggal. Siya ay kasing kaaya-aya ng isang iskulture, ngunit kasabay nito ay kasing bangis niya ang isang lobo, lalo na ang kaniyang mga mata na nagniningning ng matinding kalamigan. Nang may pagtulong ng mga pulis, umakyat siya sa hagdan.Ang pagtibok ng puso ni Robbie ay umaabot hanggang sa kaniyang lalamunan. Lagpas pa sa isang dosena ang mga kidnapper sa taas, at ang bawat isa sa kanila ay may hawak-hawak na nakamamatay na sandata. Umaasa siya sa mga kidnapper na hindi gamitin ang kanilang mga baril. Kung ‘di, hindi sana siya naglakas-loob na subukang
Hindi tumitigil si Josephine sa pagpunas ng kaniyang mga luha. “Buti na lang at ligtas ka, Jenson.”Tumingin si Rose sa pinto at may napagtanto. “Robbie, nasaan si Daddy? Bakit hindi mo siya kasama?”Akala niya ay agad na pupunta si Jay sa kaniya para pag-usapan kung sino ang dapat mag-alaga sa bata.Niyakap ni Robbie si Rose. “Dumating si Daddy doon para iligtas ako, Mommy. Sobra akong natutuwa. Pero hindi ko siya hinarap, kasi ayaw kong iwan si Mommy.”Nanginig si Rose. Napabuntong-hininga siya. “Pasensya nia, Robbie, alam na ni Daddy ang tungkol sa ‘yo.”Nakita ni Robbie kung gaano kalungkot ang kaniyang Mommy at napabuntong-hininga na parang isang matanda. “‘Wag kang mag-alala, Mommy. Kahit na gusto akong kuhain ni Daddy mula sa ‘yo, hindi kita iiwan kahit ano man ang mangyari.”Ang mag-ina ay nagyakapan at umiyak, na para bang maghihiwalay na sila habang-buhay. Ito ay isang emosyonal na eksena.“Hindi ka niya kukuhain,” biglang sabi ni Jenson.Agad na bumalik si Josephine sa kaniy
Tumayo si Josephine sa harap ni Rose at sinabi nang may determinasyon, “Kukuhain ni Kuya ang anak niya. Rose, ‘wag mong sabihin sa kaniya ang numero ng bahay mo!”“Josephine!” Napangiwi si Jay at sumigaw sa telepono.Sa sobrang takot ni Josephine ay naging berde ang kulay ng kaniyang mukha. Agad siyang napatakip ng bibig at desperadong kumaway kay rose.Si Rose ay natahimik nang ilang sadali bago niya sabihin ang numero ng bahay niya sa telepono, “House number 618.”Sa sandaling sabihin niya iyon, pinutol ni Jay ang linya.Si Josephine ay napahiga sa sofa at sinabihan si Rose, “Bakit mo sinabi sa kaniya ang address mo? Rose, hindi mo alam na mawawala sa ‘yo si Robbie sa sandaling makapunta siya rito?”Kumuha si Jenson ng isang saging at pinasok ito sa bunganga ni Josephine. Nang may naiinis na mga mata, sinabi niya, “Masyado kang madaldal.”Tumayo si Josephine, tumuro sa ilong ni Jenson, at sumumpa, “‘Wag mong isipin na hindi kita kilala, bata. Pareho kayong maingat ng daddy mo. Alam k