Walang imik na tumingin si Jenson kay Josephine at biglang tinanong si Jay, “Daddy, bakit ba ayaw mong makita ko si Daddy?”Ang mga bakas ng galit sa kaniyang boses ay ginulat sina Josephine at Jay.Napabuntong-hininga si Josephine. ‘Iba pala kapag si Jenson na ang kumikilos.’Kinurot ni Jay ang kaniyang mga kilay na tumitibok at sinabi, “Jens, hindi mo naintindihan kung ano ang nangyayari sa pagitan naming mga nakatatanda.”Ang kakulitan ay bakat sa gwapo at malamig na mukha ni Jenson. “Kung gano’n, bakit niyo dinadamay ang mga bata kung problema ‘yan ng mga nakatatanda?”Ang hindi pagkatuwa ni Jenson sa kaniyang daddy ay lumaki. Ito ang kauna-unahang beses na ito ay nangyari.Si Jay ay nakaupo sa harap. Kahit na walang nakakakita sa kaniyang mukha, mula sa tagal ng oras na siya ay tahimik, halata naman na siya ay nasaktan sa pagrerebelde ni Jenson.Nagbigay si Josephine ng isang thumbs up kay Jenson ngunit nagsabi rin ng pang-asar na mga salita, “Hintayin mo ang pagbawi sa ‘yo ng dad
“Kung ‘di dahil sa ‘yo, paano mapupunta si Jenson sa Exuberant City?” Sigaw ni Jay.Si Josephine ay natuliro.Mahinang sinabi ni Jenson, “‘Wag mo siyang pagalitan. Pumunta ako sa Exuberant City nang mag-isa.”Ang pagnanais ni Jenson sa hustisya ay hindi siya hinayaan na hayaan ang kaniyang daddy na sisihin ang maling tao, kaya nagsalita siya para aminin ang kaniyang kasalanan.Si Jay na parang isang malaking lobo ay pinutok ni Jenson at nawala sa loob lamang ng ilang segundo.Pinanood ni Josephine ang mag-ama. Kahit na si Jay ay nag-uusok sa galit, ang galit sa kaniyang mga mata ay agad na mawawala sa tuwing titingin siya kay Jenson. Pakiramdam ni Josephine ay kailangan niya munang protektahan ang kaniyang sarili.“Kuya, gabi na pala. Uuwi na ako.” Ninais ni Josephine na umalis ngunit siya ay malamig na tinanong ni Jay. “Bakit hindi siya umalis?”Ang mukha ni Josephine ay nangulubot na parang isang pasas. Tumalikod siya at mahinang sinabi, “Kuya, hindi niya kayang makipaghiwalay kay Je
Nanginig si Rose. Napuno ng luha ang pares ng itim niyang mga mata. Sa sandaling iyon, para siyang nababaliw at walang bahalang dinadala ng hangin.Hindi magawa ni Josephine na makita si Rose sa ganitong estado. Napakagat-labi siya at sinabi, “O baka pwedeng maghintay tayo nang kaunti. Kung pera ang gusto nila, mayroon pa rin akong malaking pera na nakuha ko mula sa kuya ko. Sapat na siguro ‘to para matuwa ang mga kidnapper na iyon.”Si Rose ay walang masabi, at ang kaniyang isipan ay nagkakagulo. Hindi siya makapagdesisyon kung dapat ba siyang humingi ng tulong kay Jay.Tama nga ang kutob ni Rose. Ang mga kidnapper ay dinakip si Robbie para sa pera.Gayunpaman, nang pwersahin ng mga kidnapper si Robbie na ibigay ang numero sa telepono ng kaniyang mga magulang, nag-aalala si Robbie na ang mga kidnapper na ito ay tatakutin ang kaniyang mahinang mommy, kaya binigay niya sa kanila ang numero ni Jay nang walang pag-aalinlangan.Nang tawagan ng mga kidnapper ang numero ni Jay upang manghing
Lalo na si Jenson. Sa sobrang emosyonal niya ay muntik nang mapaos ang boses niya!Walang pake si Jay sa ibang taong nasa kotse, ngunit hindi niya magawang bale-walain ang emosyon ng munti niyang anak. Nag-aalala siya na ang kalusugan ng isip ni Jenson ay mas babagsak kapag si Jenson ay naging emosyonal.Pinaandar ni Jay ang kotse, at ito ay umandar palayo.Sa daan, si Jay ay nagmamaneho nang may madilim na mukha nang pagalit niyang tanungin si Rose, “‘Wag mong sabihin sa ‘kin na anak mo ang nakuha ng mga kidnapper?”Biglang tumingala si Rose sa gulat nang tumingin siya kay Jay.‘Hindi ba’t ang anak ko ay anak mo rin? Paano mo nagagawang sabihin ang mga salitang iyon nang walang-bahala?’Nakita ni Jay ang walang masabing itsura ni Rose, at isang kumot ng yelo ang bumalot sa kaniyang mukha nang sabihin niya, “Tama nga ang hula ko. Kailan mo binigyang buhay ang batang ‘to? Bago ka ikasal sa ‘kin o pagkatapos nating maghiwalay?”Walang masabi si Rose pagkatapos siyang tamaan ng pangunguty
Tumingin si Jay sa nababahalang mukha ni Jenson. Hindi niya maintindihan kung paano nagawa ni Rose na mag-alala si Jenson sa anak ni Rose nang ganoon.Sila ay dalawang bata mula sa magkaibang ina, at sila ay hindi lumaki nang magkasama. Gayunpaman, ang lebel ng pagkalapit sa pagitan ng mga bata ay pinagselos si Jay.Naiinis na bumuntong-hininga si Jay nang mapagtanto niyang nagseselos siya sa sarili niyang anak. Nag-aalinlangan niyang kinuha ang kaniyang selpon at tinawagan ang numero ng kaniyang kaibigan, isang detective na mayroong perpektong rekord ng pagreresolba ng mga kaso.Pagkatapos no’n, kaswal na lumabas si Jay sa kaniyang kotse. Mabilis niyang hinabol si Jenson at binuhat ito.“Mapanganib dito, Jens. Tara, sumama ka kay Daddy pauwi.”Agad na umirap sa kaniya si Josephine.Ang kaniyang kapatid ay mayroon lamang paki kay Jenson, ngunit hindi niya alam na ang nakidnap na si Robbie ay ang kaniya ring anak. Si Zetty, na ayaw sa kaniya, ay anak din niyang babae. Si Rose Loyle ay a
“Wala ako sa wisyong makipagtalo sa ‘yo ngayon, Jay Ares. Kailangan kong iligtas ang anak ko,” abala ang isipan ni Rose sa pag-aalala sa kaligtasan ni Robbie. Wala siyang enerhiya na magkaroon ng pakialam sa maaaring mangyari kapag ginalit niya si Jay.Napakuyom ng kamao si Jay. Ang kaniyang mga mata ay nagbabaga sa galit. “Rose Loyle. Ikaw ang kauna-unahang taong nakatalo sa ‘kin. Tatandaan ko ang araw na ‘to, at babalikan ko ‘to pagkatapos maligtas ng anak mo.”“Bahala ka,” pagod na sabi ni Rose.Nagawa ni Rose na maiwasang makipag-away kay Jay dahil mayroon silang batang kailangan nilang iligtas.Nakatanggap siyang muli ng tawag mula sa mga kidnapper. “Ilagay mo ang pera sa bank account ko…”“Magkano ba?” Tanong ni Rose.“Dalawang daang milyon!” Dinoble ng kidnapper ang perang pantubos nang biglaan.Walang ganoong pera si Rose. Napatingin na lamang siya kay Josephine.Nagpakita si Josephine ng isang kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha. Ang card na binigay sa kaniya ng kaniyang ku
Ang ninais niya lang naman ay ang turuan si Rose ng maliit na leksyon. Hindi niya inaasahan na ang kaniyang kapatid at ang kaniyang anak ay kumakampi kay Rose. Wala na ang kasiyahan sa paghihiganti sa kaniya.Inangat niya ang kaniyang perpektong kamay sa harap ni Rose. “Ibigay mo sa ‘kin ang selpon mo.” Ang kaniyang tinig ay puno ng pagka-inis.Nag-alinlangan si Rose dahil hindi niya alam ang binabalak ni Jay.Lumapit si Jay at kinuha ang selpon ni Rose. Tumingin siya sa call notification na mula sa mga kidnapper, at pagkatapos ay ginamit ang telepono ni Rose upang tumawag.“Tulungan mo akong hanapin ang lokasyon ng teleponong may ganitong numero, 134***,” malamig na sabi ni Jay.Nagulat si Rose. Tinutulungan ba siya ni Jay na iligtas si Robbie?Pagkatapos niyang tumawag, binato ni Jay pabalik ang selpon kay Rose na para bang nagbabato siya ng basura.“Daddy, ililigtas mo ba si Robbie?” Nag-aasam na tanong ni Jenson.“Ginagawa ko ‘to para lang sa ‘yo!” Hinawakan ni Jay ang ulo ni Jenso
Napabuntong-hininga sa ginhawa si Josephine nang matanggap niya ang pahintulot ni Rose. Alam ni Rose kung gaano kahirap para kay Rose na gawin ang desisyon na iyon, na siya ring ginawa siyang seryoso.Naglakad siya sa harap ni Jay at sinabi, “Kuya, siguro ay hindi ka sang-ayon sa desisyon ng hipag ko na bayaran ang perang hinihingi nila, at pinahiya at kinutya mo siya sa paghiram ng dalawang daang milyon mula sa ‘yo. Gayunpaman, kapag nakita mo na si Robbie, hindi mo lamang ipapahiram sa kaniya ang dalawang milyon na iyon. Baka bigyan mo pa siya ng dalawang bilyon, kung iyon ang hinihingi ng mga kidnapper.”Bakas sa mukha ni Jay ang pangungutya. “Josephine Ares, paano mo naman naisip na handa akong gumastos ng dalawang bilyon para sa babaeng ito? Alam mo ba kung gaano kalaki ang galit ko sa kaniya?” Ang ekspresyon ni Jay ay nagsimulang pumangit.Binuksan nang bahagya ni Josephine ang kaniyang bibig habang siya ay nakatitig kay Jay. Marahil ay pagod na siyang makipagtalo, at iyon siguro