Share

Kabanata 5

Penulis: Yan An
Sa Grand Asia Hospital.

Pumunta si Jay sa monitoring room. Pagpasok pa lang niya ay binati siya ng isang binata at ibinigay ang kanyang ulat.

"Master Ares, pumasok na sa aming system ang impormasyon ng pasyente dalawampung minuto na ang nakalipas. Ginawa namin ang iyon iniutos at naglagay up ng isang tracker upang masundan ang taong nagbigay ng kanyang impormasyon. Gayunpaman, ang babaeng ito ay mukhang ibang-iba ang itsura kumpara sa larawan na binigay mo sa amin…"

Ang mga mata ni Jay ay maiging nakatitig sa monitor. Ginalaw ng binata ang mouse at isang babaeng nakasuot ng pang-punk na istilo ang makikita sa screen.

Napa-kunot ng noo si Jay at maingat na pinagmasdan ang babaeng may magandang ayos ng buhok, mga labi na pulang-pula sa kolorete at may mala-pusang eyeshadow, sinusubukang pigilan ang kakaiba niyang nararamdaman.

"I-zoom mo!" Biglang wika ni Jay.

Lumaki ang mukha ni Rose sa monitor at ang malinaw na malinaw litrato ay nagpapakita ng isang malinaw na tanawin ng kanyang mukha.

Ganoon pa rin ang itsura niya...

Nanliit ang mga mata ni Jay.

Paano natakasan ni Rose ang kanyang lambat na imposibleng matakasan noon?

Hindi niya mawari kung paano niya nagawang magtago noong hinahanap siya ng buong mundo, ngunit ang panghuli niyang galaw ng pagpeke ng kanyang kamatayan ay napakatalino.

Nang maisip ni Jay kung paano siya naloko ng isang ordinaryong tulad ni Rose, nakaramdam siya ng napakalaking suntok sa kaniyang kumpiyansa sa sarili.

"Grayson, hulihin siya at itali." Ngumisi ang maninipis na mga labi ni Jay.

"Opo, Master," sagot ni Grayson bago lumabas ng silid.

Naka-upo si Rose sa isang upuan sa pasilyo, sabik na hinihintay ang ulat ng doktor.

Siya ay nababahala sa maraming hindi maipaliwanag na mga dahilan ng doktor sa pagpasok sa ospital na ito ng kanyang ina.

Una, may mga problema sa mga sintomas ng kanyang ina. Pagkatapos no’n, biglang dumami ang mga pasyente sa Grand Asia at walang sobrang mga kama, kaya kailangan niyang maghintay sa labas.

Upang makakuha ng mabilis at mabisang paggamot para sa kanyang ina, walang ibang magagawa si Rose kung ‘di maghintay rin para sa mga resulta.

Nang bigla, maraming kalalakihan na nakasuot ng mga salamin at itim na uniporme ang lumapit sa kanya.

Nararamdaman agad ni Rose na may mali at papalayo na sana nang may lumitaw na mga lalaking may kaparehas na kasuotan sa kabilang dulo ng korido.

"Binibini, pwede ka bang sumama sa amin? " Tinanggal ni Grayson ang kanyang mga salamin at nagbigay ng isang magalang na ngiti.

Sa wakas ay napagtanto na ni Rose na siya ay nahulog sa isang patibong sa pamamagitan ng kusang pagpunta sa Grand Asia.

"Sino ka? At bakit ako sasama sa ‘yo? " Pinilit na kalmado ang boses ni Rose.

Masidhing sumagot si Grayson, "Binibini, huwag mo kaming pilitin na gumamit ng puwersa. Paminsan-minsan ay marahas ang aming mga tauhan, isang maling hakbang at maaari mabali namin ang iyong mga buto nang hindi sinasadya.”

Iyon ay walang dudang isang babala.

Alam na alam ni Rose na ang mga tauhan ni Jay ay kasing lupit ng kanilang amo.

Dahil dito, mas pinili niyang sumuko kaysa lumaban at sinundan niya si Grayson palayo.

Nang makarating sila sa labas ng silid, nag-aatubili si Rose na pumasok. Binuksan ni Grayson ang pinto at itinulak siya papasok sa silid. Natisod si Rose nang ilang hakbang pasulong bago huminto sa harap mismo ni Jay Ares.

Nakaupo si Jay sa isang itim na upuan na tila humahalo sa kanyang kulay itim na kasuotan. Ang paligid ay tila nakakasuka dahil sa kapunuan ng kawalang kabuluhan at kayabangan.

Pagpasok ni Rose, agad na napatitig ang mga mata ni Jay sa kaniyang mukha.

"Hugasan ang mukha mo sa lababo roon," mariing na utos sa kanya ni Jay.

Ang hindi katiis-tiis na kayabangan ni Jay ay gumising sa natutulog na galit sa loob ni Rose.

"Ginoo, natural lamang para sa isang babae ang nais na magmukhang maganda. Hindi ito makatuwiran at kabastos-bastos." Pinili niyang magtanga-tangahan.

Lumapit si Jay at mariing sinabi, "Paumanhin, marahil ay hindi ko talaga nakikita ang iyong kagandahan."

"Eh—

"Mayroong kagandahan sa lahat ng uri ng mga bulaklak. Pareho lang ‘to sa tao. Wala akong magagawa kung makitid ang isip mo. ” Sinabi ni Rose, tila dinedepensahan ang kaniyang pananaw.

"Sige. Kung hindi mo huhugasan ang mukha mo, ang mga tauhan ko na ang gagawa nito para sa ‘yo." Ang tinig ni Jay ay mahinhin at swabe, ngunit nagsanhi pa rin ito ng pagtaas ng mga balahibo ni Rose.

"’Wag na!" Tumayo bigla si Rose. "Ako na ang gagawa."

Naglakad siya patungo sa lababo, binuksan ang gripo, at sinablig ang malamig na tubig sa kanyang mukha. Pinahiran niya ang mukha niya at bumalik kay Jay.

"Tapos na."

Ininspeksyon ni Jay ang hindi nabago na pintadong mukha at napakunot ang kaniyang noo. Agad niyang hinawakan ang makeup mukha ni Rose. "Ito ba ay waterproof na makeup?"

Kahit pagkatapos hawakan ang maliwanag na makeup, ang kanyang mga daliri ay tila walang bahid ng makeup.

"Bibigyan kita ng tatlong minuto. Ngayon na. Linisin mo ang mukha mo. Kung hindi, babalatan ng isa sa aking mga tauhan ‘yang mukha mo." Sa sobrang lamig ng boses ni Jay, akala ni Rose na nasa loob siya ng kabaong ng yelo.

Nanatiling mahigpit na nakaupo si Rose sa sofa sa tapat ni Jay. "Hindi ko ito kayang alisin," nagmamatigas niyang sabi.

"Pasok!"

Sa utos niyang iyon, bumukas ang pinto mula sa labas at isang grupo ng mga malalaking mga lalaki ang pumasok sa silid at bumuo ng dalawang hilera sa paligid ni Rose.

Natigilan si Rose. Nanginginig niyang sabi, "Hindi ... Ibig kong sabihin... Pag-aalis lang naman ito ng makeup... Kailangan ko ba talaga ‘tong gawin?"

Binigyan ni Jay ang mga kalalakihan ng makabuluhang tingin, at pagkatapos ay ang agresibong hinawakan ng ilang matatangkad na mga lalaki si Rose. Ang isa sa kanila ay sinakal Rose, at mabilis siyang nagkaroon ng problema sa paghinga.

Ang isa pang lalaki ay kumuha ng isang bote ng pantanggal ng makeup at sinabog ito ng walang ingat sa mukha ni Rose. Ang ilan dito ay pumasok sa kanyang mga mata at agad na pinaso siya.

Pagkatapos no’n, may isa pang naglabas ng sipilyo at maiging kinuskos ang mukha ni Rose.

Sa huli, ang may huling taong kumuha ng isang bote ng mineral water at ibinuhos ito sa mukha ni Rose.

"Lahat tayo ay mga sibilisado. Bakit tayo kumikilos na parang mga unggoy?" Galit na sigaw ni Rose.

Sa marahas at pwersahang pagtulong ng mga kalalakihan, dahan-dahang lumitaw ang tunay na mukha ni Rose.

Habang nagsisimulang maging pamilyar ang mukha ni Rose, naging mas papangit at papangit ang ekspresyon ni Jay.

"Rose Loyle!"

Sa pagtapos ng kanilang tungkulin, sa wakas ay pinakawalan ng mga lalaki si Rose at isa-isang umalis nang mabilisan.

Sa sandaling iyon, si Rose ay tila parang isang nalulunod na daga habang basang-basa ang kaniyang mukha at mga damit. Hindi man halata, pero hiyang-hiya na siya.

"Ano naman kung ako si Rose? Kagatin mo ako!" Galit na kinaway ni Rose ang mga kamao niya kay Jay at mukhang galit na galit.

Kung walang kabaitang pinapakita si Jay kay Rose noong nakaraang limang taon, tiyak na wala pa rin ngayon.

Ang malinaw na pagkairita ni Rose ay nagpalaki lamang ng masamang ngiti ni Jay.

Dati ay isang masunurin ang babae na iyon at mabuting ugali na sunud-sunuran, tila walang kabuluhan at walang lasa.

Sino ang mag-aakalang siya ay mapagbalak na itim na kabayo!

Bab terkait

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 6

    "Kagatin ka? Wala akong balak ilagay ang bibig ko sa anumang bagay na kasing dumi mo. ” Tinaas ni Jay ang kaniyang kilay.Tumayo siya mula sa itim na upuan at nilapitan si Rose ng paunti-unti. May pagmamalaki siyang sumilip kay Rose mula sa kanyang tangkad na 185cm na taas."So, Rose. Paano mo babayaran ang ginawa mo sa ‘kin noong nakaraang limang taon?" Masungit na tanong ni Jay.Malinaw na malinaw ang alaala ni Rose sa gabing iyon. Limang taon na ang nakakaraan, nang may kaunting dagdag na lakas ng loob mula sa alkohol, ginayuma...Ginayuma niya ang lalaking iyon, at pagkatapos ..."B-binayaran na kita!" Galit na sinubukan ni Rose na mangatuwiran sa lalaki.Kaunting bakas ng inis ang lumitaw sa dumidilim na mukha ni Jay. "Paano kung suklian kita nang sampung beses at patulugin ka kasama ng ibang lalaki, hm?" Umabot ni Jay at hinawakan ang kanyang munting baba. Ang kanyang galit ay tulad ng isang inaantok na leon, tila handang umatake sa anumang oras.Nasulyapan ni Rose ang p

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 7

    Binuhat ni Jay si Rose at itinapon siya sa ilalim ng lamesa. Hinubad niya ang kaniyang asul na kurbata at tinali ang mga kamay ni Rose sa paahan ng mesa.Pagkatapos ay kumuha siya ng isang tela mula sa mesa at itinakip ito sa bibig ni Rose.Walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang patuloy na umatake kay Jay gamit ang dalawa niyang mga binti.Sa kasamaang palad, ang kaniyang paglaban ay walang kabuluhan dahil sa malaking pagkakaib ng kanilang mga lakas.Nang mahuli ang kaniyang biktima sa kaniyang lambat, napangisi si Jay. “Rose, hindi mo na kailangan pang magsinungaling.” Malupit niyang sinipa ang maiikling mga binti ni Rose.Pansamantalang nasisiyahan, bigla niyang nilabas ang kaniyang selpon at tinawagan ang kaniyang anak na lalaki.Ang mga buhok ni Rose ay gulo-gulo, ang kaniyang mga damit ay punit-punit, at ang kanina’y puting-puti niyang mga binti ay nababalot na ng mga gasgas.Tumingin siya nang masama kay Jay at sinubukang humiyaw kahit na natatakpan ng tela ang kaniyang bibig.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 8

    Napansin ng receptionist na nurse sa mesa ang maliit na bata. Siya ay may isang magandang itim na buhok at may damit na kulay puti na may nakalagay na sandata sa kanyang dibdib, isang pares ng pantalon na kulay itim, at isang itim na maskara. Ang istilo niyang gumagamit lamang ng isang kulay ay pinapaganda ang kaniyang itsura, tulad ng isang bagay na mula sa isang larawan na pininta ng isang pintor. Naisip ng nurse na siya ay parang katulad ng isang maliit na prinsipe mula sa isang comic book. ‘Ang cute naman niya!’ "Sino‘ng hinahanap mo, bata?" Lumapit ang nurse at binati siya ng isang mainit na ngiti at kaniyang banayad na boses. "Hinahanap ko ang aking — aking tatay!" Mabilis na sinabi ng batang lalaki.'Sinasabi ni Mommy na dapat akong laging mag-ingat kapag nasa labas ako. 'Huwag sabihin sa mga hindi kakilala ang totoo, maliban sa mga opisyal ng pulisya, siyempre.'Ang maliit na lalaki ay inosenteng tumingin sa nurse, "Binibini, alam mo ba kung nasaan ang aking ama

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 9

    Pagkatapon no’n ay saka lamang napagtanto ni Jay na ang robot ay ang imahe ng isang magandang dalaga.‘Namimiss na naman ba ng batang ito ang kaniyang mommmy?’ Naiinis niyang sabi sa kaniyang isipan.“Jenson, gusto mo ba talagang makita ang iyong mommy--” Bulalas ni Jay nang hindi nag-iisip.Nalulumbay na tumayo si Jenson sa hagdan, ang kaniyang maliit na katawan ay tila nalulungkot at hindi mapakali. Lumingon siya upang tumingin kay Jay at malungkot na tumango.Itinikom ni Jay ang kaniyang mga labi. Naisip niya na siya ay maswerte’t hindi pa niya dinadala si Rose sa isang brothel. Kung ‘di, hinding-hindi siya patatawarin ng makasariling ugali ni Jenson kapag nalaman niyang kinakawawa ng kaniyang ama ang kaniyang mommy.Gayunpaman--Namimiss lamang ni Jenson ang kaniyang mommy bilang isang resulta ng maling desisyon na ginawa ni Jay.Noong nakaraang ilang taon, naniniwala si Jay na hindi pa patay si Rose ngunit ayaw na mabuhay si Jenson sa isang mundo na puno ng galit. Kaya siya ay nag

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 10

    Pagkatapos ibigay ang kaniyang mahaba at masigla niyang paliwanag, tumingin si Grayson kay Ginoong Ares nang may isang nagmamalaki at may inaasahang tingin.Nang maisip niya na pupuriin na siya ni Jay sa kaniyang katalinuhan, bigla siyang binigyan ni Jay ng tingin na puno ng patalim.“OCD? Autism?” Kalmado ang tono ni Jay ngunit tiyak na mayroong nakatagong galit dito.Nagsimulang magpawis ang noo ni Grayson.Kinagat ni Grayson ang kaniyang dila. Kahit na si Master Jenson ay isang makulit na bata, siya pa rin ay ang minamahal na anak ni Ginoong Ares. Ang nag-iisang tao na maaaring husgahan si Master Jenson ay si Ginoong Ares.Kung may sinumang maglakas-loob na pagsalitaan ng masama si Master Jenson, hinuhukay nila ang sarili nilang mga libingan.Kumalaunan, nagsalita si Jay sa isang nakatatakot na boses, “Grayson, mukhang kilalang-kilala mo si Jenson, ah. Paano kung ibigay ko na lang sa’yo ang responsibilidad ng pag-aalaga kay Jenson?”Sa sandaling sabihin iyon ni Jay, napayuko si Gray

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 11

    Sa sandaling matanggap ni Jay ang balita, binuksan niya ang homepage ng Grand Asia Hospital.Nang makita niya ang hamon, ang kaniyang mga mata ay tila kayang pumatay ng tao.“Master Robbie?” Nanliit ang mga mata ni Jay at ang kaniyang mga labi ay naging manipis. “Hehe. Naging masyadong mabait ba ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi pa rin takot ang mga taong maghukay ng sarili nilang mga libingan?”Ang silid ay tila lumamig at ang lahat ng tao na naroon ay pinigil ang kanilang paghinga. Lahat sila ay natatakot na sila ang susunod na maging biktima ng galit ng presidente.‘Masyadong mabait? Sino, si Ginoong Ares? Sino’ng magsasabi no’n,’ Sabi ni Grayson sa kaniyang isipan. ‘Lahat ng tao rito ay sumasang-ayon na siya ang muling pagkabuhay ng Hari ng Impyerno. Walang sinuman ang maglalakas-loob na hawakan kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok!’Siyempre, hindi kasama roon si Rose.Ang mapagmataas, at malamig na mga mata ni Jay ay napunta sa pagitan ni Grayson at ng monitor. “Nalama

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 12

    Sa Splendid Town.Nang matanggap ni Rose ang isang biglang tawag mula sa Grand Asia Hospital, agad siyang natakot na tatanggihan ng ospital na gamutin ang kaniyang inang may malubhang sakit.“Miss Rose, nais naming ipaalam sa iyo na ang aplikasyon ng pagpasok na ibinigay mo sa aming ospital kahapon ay aming tinatanggap. Dahil sa espesyal na kalikasan ng sakit ng iyong ina, ang aming ospital ay binigyan siya ng pagbubukod at hinayaan siyang ma-ospital sa Grand Asia Hospital. Naidala na namin ang pasyente sa ospital nang maaga. Paki-bayaran na ang hospitalization fee ng tatlong daang libong yuan sa loob ng susunod na bente-kwarto oras.”Si Rose ay natulala.Nagtungo siya sa Grand Asia upang isumito ang aplikasyon ng pagpasok ng kaniyang ina kahapon, siya ay tinanggihan ng mga tauhan dahil sa iba’t ibang hindi maintindihan na mga rason. Gayunpaman, himalang nilipat ng Grand Asia ang kaniyang ina sa kanilang ospital sa mismong araw na iyon nang hindi siya sinasabihan.Mayroon lamang isang

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 13

    Pagkatapos niyang magsalita, bumukas ang pinto at isang kaakit-akit na secretary ang sumilip sa loob.Magalang na sinabi ng secretary, “Ginoong Ares, mayroong isang magandang babae rito na hinahanap ka.” Ang kaniyang tinig ay tila nananabik.Pinagalitan siya ni Grayson, “Hindi mo ba alam na pinagbabawalan sa opisina ni Ginoong Ares ang biglaang pagpasok ng mga babae? Paalisin mo siya.”Napa-isip nang sandali si Jay kung ang babae bang iyon ay ang sinumpaang si Rose. Gayunpaman, nang marinig niya ang secretary na nilalarawan ang babae bilang maganda, agad na natanggal ito sa kaniyang isipan.‘Ang pangkaraniwan at walang hugis na Rose na iyon kasama ang kaniyang makalumang istilo ay hindi kailanman mailalarawan gamit ang salitang iyon.’Isinara ng secretary ang pinto at bumalik sa reception. Mahinhin niyang sinabi, “Pasensya na, binibini. Hindi tumatanggap ng mga bisita si Ginoong Ares ngayon.”Inangat ni Rose ang kulot niyang buhok at huminga nang malalim upang pigilan ang kaniyang inis

Bab terbaru

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status