Pagkatapon no’n ay saka lamang napagtanto ni Jay na ang robot ay ang imahe ng isang magandang dalaga.‘Namimiss na naman ba ng batang ito ang kaniyang mommmy?’ Naiinis niyang sabi sa kaniyang isipan.“Jenson, gusto mo ba talagang makita ang iyong mommy--” Bulalas ni Jay nang hindi nag-iisip.Nalulumbay na tumayo si Jenson sa hagdan, ang kaniyang maliit na katawan ay tila nalulungkot at hindi mapakali. Lumingon siya upang tumingin kay Jay at malungkot na tumango.Itinikom ni Jay ang kaniyang mga labi. Naisip niya na siya ay maswerte’t hindi pa niya dinadala si Rose sa isang brothel. Kung ‘di, hinding-hindi siya patatawarin ng makasariling ugali ni Jenson kapag nalaman niyang kinakawawa ng kaniyang ama ang kaniyang mommy.Gayunpaman--Namimiss lamang ni Jenson ang kaniyang mommy bilang isang resulta ng maling desisyon na ginawa ni Jay.Noong nakaraang ilang taon, naniniwala si Jay na hindi pa patay si Rose ngunit ayaw na mabuhay si Jenson sa isang mundo na puno ng galit. Kaya siya ay nag
Pagkatapos ibigay ang kaniyang mahaba at masigla niyang paliwanag, tumingin si Grayson kay Ginoong Ares nang may isang nagmamalaki at may inaasahang tingin.Nang maisip niya na pupuriin na siya ni Jay sa kaniyang katalinuhan, bigla siyang binigyan ni Jay ng tingin na puno ng patalim.“OCD? Autism?” Kalmado ang tono ni Jay ngunit tiyak na mayroong nakatagong galit dito.Nagsimulang magpawis ang noo ni Grayson.Kinagat ni Grayson ang kaniyang dila. Kahit na si Master Jenson ay isang makulit na bata, siya pa rin ay ang minamahal na anak ni Ginoong Ares. Ang nag-iisang tao na maaaring husgahan si Master Jenson ay si Ginoong Ares.Kung may sinumang maglakas-loob na pagsalitaan ng masama si Master Jenson, hinuhukay nila ang sarili nilang mga libingan.Kumalaunan, nagsalita si Jay sa isang nakatatakot na boses, “Grayson, mukhang kilalang-kilala mo si Jenson, ah. Paano kung ibigay ko na lang sa’yo ang responsibilidad ng pag-aalaga kay Jenson?”Sa sandaling sabihin iyon ni Jay, napayuko si Gray
Sa sandaling matanggap ni Jay ang balita, binuksan niya ang homepage ng Grand Asia Hospital.Nang makita niya ang hamon, ang kaniyang mga mata ay tila kayang pumatay ng tao.“Master Robbie?” Nanliit ang mga mata ni Jay at ang kaniyang mga labi ay naging manipis. “Hehe. Naging masyadong mabait ba ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi pa rin takot ang mga taong maghukay ng sarili nilang mga libingan?”Ang silid ay tila lumamig at ang lahat ng tao na naroon ay pinigil ang kanilang paghinga. Lahat sila ay natatakot na sila ang susunod na maging biktima ng galit ng presidente.‘Masyadong mabait? Sino, si Ginoong Ares? Sino’ng magsasabi no’n,’ Sabi ni Grayson sa kaniyang isipan. ‘Lahat ng tao rito ay sumasang-ayon na siya ang muling pagkabuhay ng Hari ng Impyerno. Walang sinuman ang maglalakas-loob na hawakan kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok!’Siyempre, hindi kasama roon si Rose.Ang mapagmataas, at malamig na mga mata ni Jay ay napunta sa pagitan ni Grayson at ng monitor. “Nalama
Sa Splendid Town.Nang matanggap ni Rose ang isang biglang tawag mula sa Grand Asia Hospital, agad siyang natakot na tatanggihan ng ospital na gamutin ang kaniyang inang may malubhang sakit.“Miss Rose, nais naming ipaalam sa iyo na ang aplikasyon ng pagpasok na ibinigay mo sa aming ospital kahapon ay aming tinatanggap. Dahil sa espesyal na kalikasan ng sakit ng iyong ina, ang aming ospital ay binigyan siya ng pagbubukod at hinayaan siyang ma-ospital sa Grand Asia Hospital. Naidala na namin ang pasyente sa ospital nang maaga. Paki-bayaran na ang hospitalization fee ng tatlong daang libong yuan sa loob ng susunod na bente-kwarto oras.”Si Rose ay natulala.Nagtungo siya sa Grand Asia upang isumito ang aplikasyon ng pagpasok ng kaniyang ina kahapon, siya ay tinanggihan ng mga tauhan dahil sa iba’t ibang hindi maintindihan na mga rason. Gayunpaman, himalang nilipat ng Grand Asia ang kaniyang ina sa kanilang ospital sa mismong araw na iyon nang hindi siya sinasabihan.Mayroon lamang isang
Pagkatapos niyang magsalita, bumukas ang pinto at isang kaakit-akit na secretary ang sumilip sa loob.Magalang na sinabi ng secretary, “Ginoong Ares, mayroong isang magandang babae rito na hinahanap ka.” Ang kaniyang tinig ay tila nananabik.Pinagalitan siya ni Grayson, “Hindi mo ba alam na pinagbabawalan sa opisina ni Ginoong Ares ang biglaang pagpasok ng mga babae? Paalisin mo siya.”Napa-isip nang sandali si Jay kung ang babae bang iyon ay ang sinumpaang si Rose. Gayunpaman, nang marinig niya ang secretary na nilalarawan ang babae bilang maganda, agad na natanggal ito sa kaniyang isipan.‘Ang pangkaraniwan at walang hugis na Rose na iyon kasama ang kaniyang makalumang istilo ay hindi kailanman mailalarawan gamit ang salitang iyon.’Isinara ng secretary ang pinto at bumalik sa reception. Mahinhin niyang sinabi, “Pasensya na, binibini. Hindi tumatanggap ng mga bisita si Ginoong Ares ngayon.”Inangat ni Rose ang kulot niyang buhok at huminga nang malalim upang pigilan ang kaniyang inis
Kahit ano’ng mangyari, hindi rin naman maglalakas-loob si Rose na ipakilala ang kaniyang sarili kay Jenson. Ang makita siya ay isa nang basbas na pinasasalamatan niya.“Tinatanggap ko!” Kusang sinabi ni Rose, malakas at malinaw habang siya ay nakatitig sa mga mata ni Jay.Ang kaniyang mga mata ay napunta sa panulat sa kamay ni Jay ngunit humigpit ang hawak niya dito na para bang wala siyang balak na ipahiram ito sa kaniya.Nang walang bahala, binuksan ni Rose ang kaniyang handbag upang kumuha ng isang panulat upang pirmahan ang kontrata.Nanood nang maigi si Jay habang isa-isang nilalabas ni Rose ang mga laman ng kaniyang bag at nilagay ang mga ito sa kaniyang mesa. Ang kaniyang mga mata ay biglang napunta sa isang maliit na bote at napakunot ang kaniyang mga kilay sa kakaibang mabulang tubig sa loob nito.‘Pepper spray?’Sa wakas ay nakaramdam si Rose ng isang panulat sa ilalim ng kaniyang bag at nilagay lahat ng mga laman nito sa loob, isa-isa. Nang pulutin niya ang pepper spray, nak
Nilagay ni Rose ang regalo niyang Lego sa mesa sa harap ni Jenson at pilit na binuksan ang kahon. Sinubukan niyang tanggalin ang katahimikan sa pagitan nila ni Jenson nang ilabas niya ang mga parte ng laruan sa loob at sinimulang buohin ang mga piraso ng Lego.“Jenson, paunahan kaya tayo? Tignan na ‘tin kung sino ang mas mabilis gumawa.”Umakyat si Jay at narinig ang hamon ni Rose kay Jenson. Isang sariwang ngisi ang lumitaw sa kaniyang mukha.Personal na tinuruan ni Jay si Jenson kung paano mag-program. Ang pagbubuo ng kahit ang pinakakomplikadong model ng Lego ay napakadali lamang para sa kaniya.‘Ang isang walang pinag-aralang tulad ni Rose malamang ay walang kaalam-alam sa programming. Ganoon ba talaga siya katanga at naisip niyang kaya niyang buohin ang Batman model na ‘yon?’Agad na hindi binigyan ni Jenson si Rose ng sagot.Sa halip, tahimik niyang kinuha ang Lego mula sa kamay ni Rose, tumingin sa orasan sa pader, at nagsimulang buohin ang mga ito.Nagulat si Rose. ‘Pumayag ba
“Hindi dapat nagmumura ang mga bata,” kalmadong pinagalitan ni Rose si Jenson.Tumingin nang masama si Jenson at padabog na umakyat sa taas, kinandado ang pinto ng kaniyang silid.Tumitig si Rose sa nakasaradong pinto at naglabas ng isang malungkot na buntong-hininga.‘Ano kayang gagawin ko kay Jenson?’Si Jenson ay ang anak niyang mayroon siyang malaking utang.Hindi niya alam kung paano man lang magsimulang bumawi para sa pagmamahal ng nanay na naitanggi sa kaniya sa loob ng maraming taon.Tumingin siya sa orasan at napagtanto na tanghali na.Nagtungo si Rose sa kusino at napagdesisyunan na maglabas ng isang masarap na tanghalian para kay Jenson.Ang refrigerator ay puno ng iba’t ibang mga sangkap ngunit walang alam si Rose kung ano ang magugustuhan ni Jenson. Sa sandaling iyon, mas nakaramdam siya ng awa kay Jenson--nabigo siyang maging kaniyang ina.Sa huli, nagluto siya ng mga pagkain na magugustuhan ni Robbie. ‘Dahil magkaparehas si Robbie at Jenson, malamang ay mayroon silang pa
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto