Share

Kabanata 13

Author: Yan An
last update Huling Na-update: 2021-04-27 16:00:31
Pagkatapos niyang magsalita, bumukas ang pinto at isang kaakit-akit na secretary ang sumilip sa loob.

Magalang na sinabi ng secretary, “Ginoong Ares, mayroong isang magandang babae rito na hinahanap ka.” Ang kaniyang tinig ay tila nananabik.

Pinagalitan siya ni Grayson, “Hindi mo ba alam na pinagbabawalan sa opisina ni Ginoong Ares ang biglaang pagpasok ng mga babae? Paalisin mo siya.”

Napa-isip nang sandali si Jay kung ang babae bang iyon ay ang sinumpaang si Rose. Gayunpaman, nang marinig niya ang secretary na nilalarawan ang babae bilang maganda, agad na natanggal ito sa kaniyang isipan.

‘Ang pangkaraniwan at walang hugis na Rose na iyon kasama ang kaniyang makalumang istilo ay hindi kailanman mailalarawan gamit ang salitang iyon.’

Isinara ng secretary ang pinto at bumalik sa reception. Mahinhin niyang sinabi, “Pasensya na, binibini. Hindi tumatanggap ng mga bisita si Ginoong Ares ngayon.”

Inangat ni Rose ang kulot niyang buhok at huminga nang malalim upang pigilan ang kaniyang inis. Pagkatapos ay nagsalita siya, “Ang presidente niyo mismo ang nagpatawag sa ‘kin dito. Ano’ng ibig niyang sabihin sa pagpapaalis sa ‘kin ngayon? Ginawa ko na ang makakaya ko at sumuko. Bakit ba niya ako tinuturing na mas mababa pa ako sa isang normal na tao?”

Natuliro ang secretary. Sa lahat ng taon ng pagtatrabaho niya sa Grand Asia, ito ang unang beses na nakarinig siya ng taong may lakas ng loob na insultuhin si Ginoong Ares.

Lumabas sina Jay at Grayson sa opisina at nagtungo sa elevator. Sa daan patungo roon, narinig nila ang matinis na boses ni Rose at napatalikod upang makita kung ano ang nangyayari sa mesa ng secretary.

Nang mapansin ng secretary ang naiinis at galit sa mga mata ni Ginoong Ares, mabilis siyang nagpanggap na inaayos niya ang kaniyang mesa.

Nakatayo sa likod ni Rose si Jay habang si Rose ay patuloy na sinasabi ang mga kamalian ni Jay. “Palaging tama ang customer. Kung ‘di dahil sa pera namin na ibinabayad sa kaniya, paano niya patatakbuhin ang negosyo niya?”

“Oh, Rose…” Nanggigigil na binanggit ni Jay ang pangalan niya.

Muntik nang matumba si Rose dahil sa biglaang pagsalita ni Jay. Napatalikod siya at nakita si Jay na nakahawak sa kaniyang mga bulsa, tila sinasaksak siya gamit ang kaniyang mga titig. Ang tanging bagay na nagawa ni Rose ay ang nahihiyang ngumiti sa kaniya.

‘P*ta.’ Punong-puno siya ng galit at kinailangan niyang maglabas ng sama ng loob. Nang malaman niya na hindi hinahayaan ni Jay na lumapit sa kaniya ang sinmang babae ay sobrang nakakainis sa kaniya na hindi niya mapigilan na sabihin ang lahat ng kamalian ni Jay sa secretary niyang ito. Sa kaniyang pagkagulat at dismaya, nahuli siya ni Ginoong Ares sa akto.

Iniisip niya kung ang mga kamalasan na nararanasan niya ay naipon dahil hindi siya nagdasal sa mga diyos bago umalis ng bahay.

“Ginoong Ares!” Agad na nagbago ang ugali ni Rose. Gayunpaman, ang kaniyang pangangamba ay nagsanhi sa kaniya na hawakan ang kaniyang bag nang hindi sinasadya.

“Samahan mo ako.” Tumalikod si Jay at naglakad patungo sa opisina.

Naalala ni Rose ang mga kasamaan na nangyari sa opisina kahapon at nag-alinlangan. “Ginoong Ares, paano kung dito na lang tayo sa labas mag-usap? Marami talaga akong ginagawa ngayong araw, pwede bang sabihin mo na lang--”

Tumigil si Jay at lumingin upang tignan siya nang masama.

“Gaano karami ang ginagawa mo?”

Mabilis na binawi ni Rose ang mga sinabi niya. “Hindi, hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, ikaw si Ginoong Ares. Malamang ay milyon-milyon ang mga bagay na ginagawa mo ngayong araw. Ayoko namang sayangin ang oras mo. Bakit hindi mo na lang sabihin ang gusto mong sabihin sa akin dito?”

Tumitig nang maigi si Jay sa kaniyang relo. Sa huli, siya ay nainis at sinabi, “Rose, gusto mo bang makita si Jenson?”

Sa isang iglap, tila naging isang hangin si Rose at dali-daling nagtungo kay Jay.

Binigyan siya ni Jay ng pangmamaliit na tingin at naglakad patungo sa opisina.

Hindi nag-alinlangan ngayon si Rose at masunuring sinundan si Jay sa silid.

Umupo si Jay sa kaniyang itim na upuan at tumitig sa mapagpanggap na babae sa kaniyang harapan.

Sa totoo lamang ay bahagya siyang nagulat nang makita niya na siya ay mukhang isang tao kapag siya ay may maayos na kasuotan!

Nagpatuloy siya na maglabas ng isang kontrata sa harap ni Rose. Nang may isang nangingibabaw na tono, sinabi niya, “Pirmahan mo.”

Nag-aatubiling kinuha ni Rose ang kontrata at mabilis na binasa ang mahahalagang detalye dito. Nang maabot niya ang dulo, hindi niya mapigilan na magreklamo, “Isa ‘tong typical na gawain ng isang makapangyarihang kapitalista. Hindi ko ‘to tinatanggap.” Binato niya pabalik ang kontrata kay Jay.

Ito ay isang medical exemption contract na nagsasabing humihingi ng pahintulot ang Grand Asia upang gamitin ang kaniyang ina bilang isang guinea pig para sa bago nilang teknolohiya. Kung mamamatay ang kaniyang ina mula rito, magbabayad lamang ang Grand Asia. Dagdag pa roon, walang maaaring ireklamo ang mga kapamilya laban sa kanila.

Kung pipirmahan niya ang kontrata, para na ring binebenta niya ang kaniyang ina sa Grand Asia.

Hindi tanga si Rose. Naiinis na kinausap niya si Jay, “Gustong-gusto mo talaga akong pinagbabantaan gamit ang aking ina. Ginoong Ares, alam kong gusto mo ng paghihiganti. Kaya ibigay mo ‘to sakin nang diretso! ‘Wag mo idamay ang malapit nang mamatay na matanda. Hindi ka ba natatakot sa impoyerno?”

Tumingin si Jay kay Rose at nagtaas ng isang kilay. “Ikaw na mismo ang nagsabing isa akong kapitalista. Mukha bang makabuluhan para sa isang kapitalista na hayaan ang kaniyang sarili na mawalan ng pera habang nagnenegosyo?”

Tumindig nang maayos si Rose at sinabi, “Basta’t hindi ko pinipirmahan ang kontrata, wala kang magagawa. Kahit kailan ay ayokong makipagnegosyo sa ‘yo!”

Makikita sa mukha ni Rose ang katigasan ng kaniyang ulo.

Ang mga sumunod na salita ni Jay ay tila nagsasabi ng isang death sentence. “Sa tingin mo ba ay hindi ko kayang magbayad para sa medical negligence kapag namatay ang iyong ina sa Grand Asia?”

Hic--

Nagising si Rose.

Ang buhay ng kaniyang ina ay nasa mga kamay na ni Jay sa sandaling siya ay malipat sa ospital na ito.

Kung pipirmahan niya ang kontrata o hindi, ang kapalaran ng kaniyang ina ay hindi maaaring mabago. Ang nag-iisang bagay na maaaring magbago ay kung gaano kataas ang handang ibayad ng kapitalista na iyon.

Ayaw ni Jay na nagbabayad.

Ang kuripot, na masamang makapangyarihan.

Binuklat ni Jay ang kontrata patungo sa huling pahina na hindi nabasa ni Rose at ibinalik ito sa kaniya. Naiinis siyang bumulong, “Pagdesisyunan mo na kung sasang-ayon ka ba o hindi pagkatapos mo itong basahin.”

Nag-aalinlangan muli itong kinuha ni Rose, binasa ang mga nilalaman ng kontrata, at nakita ang kaniyang sarili na natigilan sa isang talata.

Ayon sa kontrata, ginagamit ni Jay ang kaniyang ina bilang isang hostage upang pwersahin siya na maging tagapag-alaga ni Jenson.

‘Haha!’ Muntik nang mapasingasing si Rose sa sandaling iyon.

Naisip niya na iyon ay isang magandang oportunidad. Malamang ay sasang-ayon pa rin siya kung hindi pagbabantaan ni Jay ang kaniyang ina.

Sobra niyang namiss ang una niyang anak!

Gayunpaman--nasiraan ng loob si Rose nang tumingin siya kay Jay.

Bakit siya bibigyan ng lalaking ito ng isang napakagandang bagay nang walang pahabol?

Tumingin si Jay sa nagdududang mukha ni Rose, hindi sigurado kung susunod siya sa kaniyang plano.

“Hahayaan mo ba talaga akong makita ang anak na ‘tin?” Naghihinala na tinanong ni Rose.

“Rose, ayusin mo ang mga salita mo,” naghahamong sinabi ni Jay. “Anak ko siya, at hindi sa ‘yo.” Isa-isa niyang sinabi ang mga salitang iyon.

“Hahayaan kitang makita ka, ngunit sa isang kundisyon--”

“At iyon ay?”

“Kapag wala ang aking pahintuloy, hindi mo maaaring sabihin sa kaniya na ikaw ay ang kaniyang ina.”

Kaugnay na kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 14

    Kahit ano’ng mangyari, hindi rin naman maglalakas-loob si Rose na ipakilala ang kaniyang sarili kay Jenson. Ang makita siya ay isa nang basbas na pinasasalamatan niya.“Tinatanggap ko!” Kusang sinabi ni Rose, malakas at malinaw habang siya ay nakatitig sa mga mata ni Jay.Ang kaniyang mga mata ay napunta sa panulat sa kamay ni Jay ngunit humigpit ang hawak niya dito na para bang wala siyang balak na ipahiram ito sa kaniya.Nang walang bahala, binuksan ni Rose ang kaniyang handbag upang kumuha ng isang panulat upang pirmahan ang kontrata.Nanood nang maigi si Jay habang isa-isang nilalabas ni Rose ang mga laman ng kaniyang bag at nilagay ang mga ito sa kaniyang mesa. Ang kaniyang mga mata ay biglang napunta sa isang maliit na bote at napakunot ang kaniyang mga kilay sa kakaibang mabulang tubig sa loob nito.‘Pepper spray?’Sa wakas ay nakaramdam si Rose ng isang panulat sa ilalim ng kaniyang bag at nilagay lahat ng mga laman nito sa loob, isa-isa. Nang pulutin niya ang pepper spray, nak

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 15

    Nilagay ni Rose ang regalo niyang Lego sa mesa sa harap ni Jenson at pilit na binuksan ang kahon. Sinubukan niyang tanggalin ang katahimikan sa pagitan nila ni Jenson nang ilabas niya ang mga parte ng laruan sa loob at sinimulang buohin ang mga piraso ng Lego.“Jenson, paunahan kaya tayo? Tignan na ‘tin kung sino ang mas mabilis gumawa.”Umakyat si Jay at narinig ang hamon ni Rose kay Jenson. Isang sariwang ngisi ang lumitaw sa kaniyang mukha.Personal na tinuruan ni Jay si Jenson kung paano mag-program. Ang pagbubuo ng kahit ang pinakakomplikadong model ng Lego ay napakadali lamang para sa kaniya.‘Ang isang walang pinag-aralang tulad ni Rose malamang ay walang kaalam-alam sa programming. Ganoon ba talaga siya katanga at naisip niyang kaya niyang buohin ang Batman model na ‘yon?’Agad na hindi binigyan ni Jenson si Rose ng sagot.Sa halip, tahimik niyang kinuha ang Lego mula sa kamay ni Rose, tumingin sa orasan sa pader, at nagsimulang buohin ang mga ito.Nagulat si Rose. ‘Pumayag ba

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 16

    “Hindi dapat nagmumura ang mga bata,” kalmadong pinagalitan ni Rose si Jenson.Tumingin nang masama si Jenson at padabog na umakyat sa taas, kinandado ang pinto ng kaniyang silid.Tumitig si Rose sa nakasaradong pinto at naglabas ng isang malungkot na buntong-hininga.‘Ano kayang gagawin ko kay Jenson?’Si Jenson ay ang anak niyang mayroon siyang malaking utang.Hindi niya alam kung paano man lang magsimulang bumawi para sa pagmamahal ng nanay na naitanggi sa kaniya sa loob ng maraming taon.Tumingin siya sa orasan at napagtanto na tanghali na.Nagtungo si Rose sa kusino at napagdesisyunan na maglabas ng isang masarap na tanghalian para kay Jenson.Ang refrigerator ay puno ng iba’t ibang mga sangkap ngunit walang alam si Rose kung ano ang magugustuhan ni Jenson. Sa sandaling iyon, mas nakaramdam siya ng awa kay Jenson--nabigo siyang maging kaniyang ina.Sa huli, nagluto siya ng mga pagkain na magugustuhan ni Robbie. ‘Dahil magkaparehas si Robbie at Jenson, malamang ay mayroon silang pa

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 17

    Noong taon na iyon, siya ay sampung taong gulang pa lamang.Kasama niya ang kaniyang Lolo magtungo sa Imperial Capital mula sa Swallow City upang bisitahin ang mabuti niyang kaibigan, si Dylan Ares.Noon pa lamang, si Jay ay isa nang sikat at maimpluwenyang tao sa Imperial Capital. Siya ay ang magaling, gwapo, at sikat na hacker.Noong una silang magkakilala, kinilala lamang siya ni Jay bilang isang malayong pinsan, isang tagalabas. Natatakot na iistorbohin siya ng babae kapag siya ay mag-aaral, naglabas siya ng ilang kahon ng mga luma niyang Lego, binaba ang mga ito sa kaniyang harapan at sinabi, “Sapat na ang mga laruan na ito para matahimik ka sa buong araw. “‘Wag mo akong istorbohin.”Gayunpaman, mabilis siyang natapos at nang bumalik siya kay Jay nang may tapos nang mabuo na mga Lego, napanganga sa kaniya si Jay sa gulat. ‘Kaya ba ng babaeng ito na bumuo ng mga Lego nang kasing bilis ko?’Hindi niya mapigilan ang kaniyang mga mata na mapasulyap sa talentadong babae nang may puro a

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 18

    Noong gabing iyon, umuwi si Jay.Nakaupo si Rsoe sa sofa nang may namamagang mukha at mapulang ilong habang mayroon siyang hawak na libro ng mga tula. Mayroong isang makapal na gasang nakabalot sa kaniyang kanang kamay. Mapait siyang tumitig kay Jay.“Mukhang pinag-isipan mong mabuti noong hiniling mo sa akin na linisin ang mga kagamitan sa ibabang cabinet,” naninising sabi ni Rose.Kaswal na lumapit sa kaniya si Jay, tinanggal ang kaniyang blazer, tinanggal ang itim niyang kurbata, at tumingin sa maliit na babae sa sofa.“Ano’ng tingin ‘yan? Sinusubukan mo ba akong pagbantaan para sa pera?” Ang seksi at kaakit-akit na mga labing iyon ay naglabas na naman ng masasamang salita.Napakaputla ng muhka ni Rose. Mukhang sa isang tabing ay masusugatan siya.Sa paglayo sa kaniya ni Jenson nang ganoon katindi dagdag pa ang pagbato nito ng mga laruan sa kaniyang mukha, madaling isipin kung gaano siyang nahihiya ngayon.Agad na tumayo si Rose, inangat ang kaniyang baba, at tumingin kay Jay. Tumaa

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 19

    Pagkatapos hiwalayan ng ama ni Rose ang kaniyang ina, pinakasalan niya ang ina ni Sydney.Kahit na ito mukhang tipikal na kasal, si Sydney ay dalawang taon lamang na mas bata kaysa kay Rose.Nang hiwalayan ng ama ni Rose ang kaniyang ina, limang taon pa lamang si Rose. Mula sa paningin niya, mukhang ang ama ni Rose ay niloko ang kaniyang ina habang sila ay kasal pa.Sa oras na iyon, ang ina ni Rose ay namuhay sa isang tagong lugar at hindi alam kung paano depensahan ang kaniyang sarili sa korte.Noong labing-limang taon na si Rose, sa sobrang sipag ng kaniyang ina ay nagkasakit siya. Ang pinakatatakutan niya ay ang walang mag-aalaga ng kaniyang anak kapag siya ay namatay. Walang magawa, pinaglakbay niya ang kaniyang anak sa siyudad upang hanapin ang kaniyang mga kamag-anak.Gayunpaman, pinakilala ng kaniyang ama si Rose, ang sarili niyang dugo’t buto, sa lahat bilang isang anak sa labas.Mula sa araw na iyon, kahit na nakitira si Rose sa Pamilya Loyle, siya ay namuhay nang miserable, m

    Huling Na-update : 2021-04-28
  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 20

    Tumigil si Jenson sa paglalakad at tumingin nang masama sa batang nagsasabi ng masama tungkol sa kaniya.Ang wasto at makapangyarihang tingin sa mga mata ni Jenson ay tila galing sa isang matanda, ang kaniyang mga mata ay handa nang pumatay.Ang tahimik na bata ay natakot, agad na nagtago sa mga braso ng kaniyang ina.Nang makita ng magulang ang pinagmumulan ng takot ng kaniyang anak, sumigaw siya kay Jenson, “Ano tinititig-titig mo diyan? Hindi ka ba tinuruan ng mommy mo na ang pagtitig sa mga tao ay hindi kagalang-galang?”Agad na nakaramdam ng awa ang assistant kay Jenson at humakbang paabente upang depensahan siya.Hinila siya ni Nancy at sinabi, “Masyadong malaki ang ego ng batang iyan. Magandang bagay kung hahayaan mo siyang matuto. Kung ‘di, hindi magbabago ‘yang ugali niya. Kung mananatili siyang ganyan, mahihirapan ako kapag naikasal na ako sa Pamilya Ares.”Tunay na kinaiinisan ni Jenson ang mga taong nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kaniyang mommy; ang nanay ng batan

    Huling Na-update : 2021-04-28
  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 21

    Isa-isang sinimulan ng mga nanonood na husgahan ang babae. “Oo nga. Matanda ka na, paano mo nagagawang manakit ng isang bata?”Nang makita na sumasama ang sitwasyon, dali-daling bumulong ang babae kay Jenson nang may namumulang mukha, “Humihingi ako ng tawad.”Malamig na sinabi ni Jenson, “‘Wag mo nang pagsalitaan ng masama ang mommy ko.”Tumingin si Rose kay Jenson at ang kaniyang mga mata ay namasa.Sa puso ni Jenson, ang kaniyang Mommy ay tila isang diyosa. Masyadong malaki ang utang niya sa bata.Agad na tumango ang babae at umalis doon.Naayos na ang problema. Hinawakan ni Rose ang mga balikat ni Jenson at mahinang tinanong, “Jens, pwede ba kitang ihatid sa iyong silid-aralan?”Tumingin si Jenson sa pasukan ng eskwela at ang kaniyang paglalakad ay lubos na bumagal. Halata ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata.Niyakap ni Rose si Jenson.‘Ang batang ito ay halatang takot pumunta sa kindergarten, kaya bakit siya dapat pilitin? Siguro mayroong masamang nangyari dati kaya hindi na

    Huling Na-update : 2021-04-29

Pinakabagong kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

DMCA.com Protection Status