Isa-isang sinimulan ng mga nanonood na husgahan ang babae. “Oo nga. Matanda ka na, paano mo nagagawang manakit ng isang bata?”Nang makita na sumasama ang sitwasyon, dali-daling bumulong ang babae kay Jenson nang may namumulang mukha, “Humihingi ako ng tawad.”Malamig na sinabi ni Jenson, “‘Wag mo nang pagsalitaan ng masama ang mommy ko.”Tumingin si Rose kay Jenson at ang kaniyang mga mata ay namasa.Sa puso ni Jenson, ang kaniyang Mommy ay tila isang diyosa. Masyadong malaki ang utang niya sa bata.Agad na tumango ang babae at umalis doon.Naayos na ang problema. Hinawakan ni Rose ang mga balikat ni Jenson at mahinang tinanong, “Jens, pwede ba kitang ihatid sa iyong silid-aralan?”Tumingin si Jenson sa pasukan ng eskwela at ang kaniyang paglalakad ay lubos na bumagal. Halata ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata.Niyakap ni Rose si Jenson.‘Ang batang ito ay halatang takot pumunta sa kindergarten, kaya bakit siya dapat pilitin? Siguro mayroong masamang nangyari dati kaya hindi na
“Bakit hindi?” Agad na tanong ni Rose.“Nakipag-away sa magulang ng isang kaklase at hinahayaan ang bata na hindi pumasok sa eskwela… tapos may lakas ka pa ng loob na magtanong?” Halata kay Jay ang panggigigil, ang galit niyang buong araw niyang iniipon sa wakas ay nailalabas na niya.Ang inis ni Rose ay naiipon na rin.Mukhang ang Nancy na iyon ay sinumbong ang kaniyang mga kilos.Napasimangot ang mukha ni Rose. “Ginoong Ares, alam mo ba kung bakit ko hinarap ang magulang na iyon? Bakit ko nilayo si Jenson sa eskwela? Iyon ay dahil--”Malamig siyang pinigilan ni Jay, “Hindi ko na kailangan malaman kung bakit. Ang ginawa mo ay sapat na upang ipakita sa akin kung gaano ka kaisip bata at kung gaano ka katanga!”Agad na sumagot si Rose, “Hinarap ko ang masamang magulang na ‘yon kasi sinaktan niya si Jenson at hinusgahan kung paano mo siya pinalaki. Alam mo ba kung gaano kasama ang epekto no’n kay Jens?”“Ginoong Ares, wala kang karapatan na husgahan ako bago mo pa man imbestigahan kung an
Kahit na nagmamadaling magtungo si Rose sa Horizon Colors, ang nagsisikipang kalsada at maikling oras na mayroon siya ay naging dahilan nanaman kung bakit siya nahuli.Nakatayo si Jay sa hardin na balkonahe sa ikalawang palapag ng villa at tumitig kay Rose na nagmamadali. Isang ngisi ang lumitaw sa malamig niyang mukha.“Binibining Rose, nahuli ka na naman.”Narinig ni Rose ang nakatitindig-balahibong tunog mula sa ibabaw niya at ang kaniyang kaluluwa ay muntik nang humiwalay sa kaniyang katawan dahil sa takot. Nang tumingin siya sa taas upang makita si Jay, siya ay nabati ng kaniyang sinumpaang ngiti.Hiningal si Rose at sinubukang habulin ang kaniyang hininga. Ang kaya niyang ilabas pagkatapos ng pagtakbo ay magkakasunod na hindi makabuluhang mga salita. “Ginoong-- Ares-- ‘Yong kalsada-- Pagmamaneho…” Pagkatapos ng ilang salita, nagsimula siyang huminga nang malalim.‘Ginoong Ares ang kalsada pagmamaneho, huh? Kakaibang pangungusap.’Ang gwapong mukha ni Jay ay naging kasing dilim ng
Ang dalawang bata ay nagtago sa likod ng hagdan sa ikalawang palapag at pinanood ang nakakainteres na debate nina Rose at Jay.Si Rose, ang sumasalungat, ay hindi masyado palaban at kulang sa presensya.“Ginoong Ares, bakit ba palagi mong pinapansin ang lahat tungkol sa akin at kahit kailan ay hindi ka natuwa sa kahit ano’ng gawin ko. Paano ka naman? Hinahayaan mo ang ibang babae na ihatid at isundo ang anak mo sa eskwela, pero nagawa mo bang tumigil upang isipin kung paano unti-unting nakakaapekto ang mga paraan mo kay Jenson?”“Rose, ang mga pamamaraan ko ay maayos na. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin. At saka, ang ibang babae na sinasabi mo ay mga kamag-anak ni Jenson. Ikaw ‘tong may maduming isip. Bakit ba kailangang may problema sa ginagawa ko?” Pagalit na sabi ni Jay.“Paano naman si Nancy? Paano siya naging kamag-anak ni Jenson?”“Rose, wala kang karapatan na makialam sa personal kong buhay.”“Wala akong paki sa personal mong buhay, ngunit pakiusap ay buksan mo ang mg
“Sige.” Tumango si Jenson.Nagtungo si Robbie sa baba. Nang marinig ni Jay at Rose ang mga yapak ng bata, ang pag-aaway ng dalawa ay biglang tumigil.Naglakad si Robbie patungo sa dalawang tao. Tumingin siya sa namumulang mga mata ng kaniyang Mommy at pagkatapos ay tumingin kay Jay; nakaramdam siya ng galit sa kaniyang Daddy.Kahit kailan ay hindi niya naisip na ang mapang-aping boss ng kaniyang Mommy ay ang kaniya palang daddy na iniisip niya araw-araw at gabi-gabi.Kahit mukhang astig ang kaniyang daddy, gwapo at mayaman, ang taong pinakanagpakita sa kaniya nang kabutihan sa buong mundo ay ang kaniyang Mommy. Hindi niya kailanman hahayaan ang sinuman na kawawain ang kaniyang Mommy. Kahit na si Daddy pa ito.“Jenson. Ano’ng ginagawa mo rito? Umakyat ka na, dadalhin ka pa ni Binibining Nancy sa kindergarten mamaya.” Tumingin si Jay sa kaniyang anak, nakakunot ang kaniyang mga kilay nang bahagya. Tila nakakita siya ng kaunting inis sa kaniya sa mga mata ng bata.Hindi pa iyon kailanman
Napatingin sina Jay at Rose kay “Jenson” sa gulat.Ang mga salitang sinabi ni “Jenson” ay inalarma silang dalawa.Kabadong tumingin si Rose kay Jay, natatakot na maghihinala si Jay.Tumingin nang masama si Jay kay Rose, ang manipis at kaakit-akit niyang mga labi ay ngumisi. “Rose, maaari kayang tama ang hula ni Jenson?”Nakita ni Rose ang mga apoy na nagbabaga sa mga mata ni Jay at ang kaniyang puso ay hindi mapakali.Kaysa ang hayaan siyang malaman ang totoo, akala niya ay mas maganda na sabihin sa kaniya ang kalahati lamang ng katotohanan. “Mayroon akong anak na babae,” mabagal niyang sinabi. “Isang taong mas bata kay Jenson… Nitong nakalipas na dalawang araw, siya ay nagkasakit. Nahuli ako dahil kailangan ko siyang alagaan.”Napakunot ang kilay ni Jay.Siya ay naiinis kapag naisip niya na ang babaeng iyon ay naghanap ng ibang lalaki upang gumawa ng bata pagkatapos siya nitong iwan.Walang galang siyang pinigilan ni Jay, “Ayokong malaman ang tungkol sa pamilya mo. Dahil wala kang ora
Nanlilisik ang mga mata ni Jay kay Rose at muntik nang maging apoy sa galit.Gayunpaman, kailangan muna niyang puriin ang kaniyang anak. “Mahusay,” sabi niya.Nang marinig ni Robbie ang papuri mula kay Daddy, agad niyang tinanong nang masaya, “So, pwede na bang manatili dito si Rose?”“Hindi,” matigas na sagot ni Jay.Alam ni Rose kung ano ikinababahala ni Jay at mabilis na sinabi, “Ang dalawang tula na iyon ay hindi ko tinuro.”Naisip siguro ni Jay na nagpakahirap pa siyang ituro ang kagalingan ng pagmamahal ng isang ina upang ihanda ang kanilang pagkikita bilang mag-ina sa hinaharap.Nang makita ni Robbie ang natatakot na ekspresyon ni Mommy, napagtanto niya na mayroon siyang nagawang mali.‘Ang dalawang tula na iyon ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina.’‘Kaya pala hindi masaya si Daddy.’Dali-daling sinabi ni Robbie, “Daddy, pakiusap ‘wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Pwede mo pa akong subukin sa iba pa!”Tumingin si Jay sa abnormal na “Jenson” at sinabi, “Ano pa ba ang mga natut
Natakot si Robbie at dali-daling nagtago sa ilalim ng kama upang magtago.Pagkatapos makasiguro na si Robbie ay nakatago na, naglakad si Jenson papunta sa pinto at binuksan ito, ang gwapo niyang mukha ay walang ekspresyon nang tumingin siya kay Jay.Naghihinalang tumitig si Jay sa kaniyang malamig na anak at napakunot ang kaniyang mga kilay. Ano’ng nangyari sa masigla niyang mga ekspresyon kanina.Pagkatapos guluhin ang itim na buhok ni Jenson, nagpaalam na si Jay.“Pupunta na si Daddy sa trabaho ngayon. Ihahatid ka ng tagapangalaga mo sa eskwela. Hindi naman ‘yon problema, hindi ba?”Nag-alinlangan ang mga mata ni Jenson, ngunit masunurin pa rin siyang tumangi at sumagot, “Uh-huh!”Napansin ni Jay ang pag-aalinlangan at naalala ang sinabi sa kaniya ni Rose. Ang mga bata’t magulang sa kindergarten ay hindi masyadong mabait kay Jenson. Naalarma ang puso ni Jay.Ang matangkad niyang katawan ay biglang umupo, at tinanong niya si Jenson nang seryoso, “Sabihin mo kay Daddy. Totoo ba na ayaw
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto