Ngayon naman, sa hindi inaasahan, masunuring tumango si Jenson!Ayaw niyang isipin ng kaniyang mommy na siya ay isang masamang bata.Pagkatapos ihatid ni Rose si Jenson sa eskwela, pumasok si Jenson sa eskwela sa isang tahimik na paraan.Si Rose ay bahagyang natuliro. Bakit ang bait-bait ng batang ito? Nakikinig talaga siya sa mga sinasabi ni Rose?Sa hapon, nagtungo si Rose sa kindergarten upang sunduin si Jenson.Sa sandaling lumabas si Jenson ng kindergarten, muntik nang maiyak si Rose.Ang puting damit ni Jenson ay nababalot sa dumi at tinta, ang kaniyang mukha ay nababalot ng maraming marka dahil sa pang-aapi ng iba pang mga estudyante. Maraming mahaba, madugong mga bakas ng kuko, pati na rin ang kaniyang labi ay naglalabas ng sariwang dugo.Nang makita si Rose, gumilid si Jenson, malinaw na ayaw ipakita kay Rose ang itsura niya.Tumakbo si Rose papalapit kay Jenson at niyakap siya. “Jenson!”Habang yakap-yakap nang mahigpit si Jenson, nabuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.Tumi
Pagkatapos kargahin ni Rose si Jenson pauwi at ibinaba siya, tinawagan niya agad si Jay.“Hello, Ginoong Ares, naka-uwi na si Jenson. Nakaranas ang bata ng kawalan ng dignidad sa eskwela ngayong araw. Sana’y harapin mo nang maayos ang isyu tungkol sa kaayawan ni Jenson na magtungo sa eskwela--”Seryosong sinabi sa kaniya ni Rose ang tungkol sa sitwasyon ni Jenson, ngunit kalahati pa lamang ang sinasabi niya bago siya nito pigilan. “Rose Loyle, ipinapaalala ko sa ‘yo na wala kang karapatan na turuan ako kung paano pangalagaan ang aking anak.”Ang kaniyang mga salita ay hatalang isang deklarasyon kung sino ang namumuno sa bata.Walang magawang nagbuntong-hininga si Rose.“Maaari ka nang umalis. Malapit na ako makabalik.” Pagkatapos sabihin ito, pinatay ni Jay ang telepono.Pagkatapos ay nagbigay siya ng utos kay Grayson. “Iparke mo ang kotse sa gilid.‘Di nagtagal, lumabas si rose sa villa ng Pamilya Ares habang dala-dala ang kaniyang bag. Tila siya ay nagmamadali nang mabilis siyang nag
Si Zetty ay nagulat sa biglaang kilos ng lalaki. Hindi niya sinasadyang mahawakan ang pera, ganap na nagtataka.“Hindi ako nauubusan ng pera,” dagdag ni Jay, malinaw na pinapahiwatig na hindi niya kailangang dumakip ng mga bata.Binigay ni Zetty ang pera pabalik kay Jay, mahinang humihingi ng tawad, “Pasensya na, ginoo. Hindi na kita tatawaging masamang tao. At hindi ko kailangan ng perang ito.”Si Jay ay nagulat. Sa kabila ng bata niyang edad, alam ng bata na hindi dapat tumatanggap ng mga libreng bagay na may tsansang galing sa kasamaan.Simula noong dumating si Jay, pigil sa paghinga si Rose. “Zetty, ang lalaking ito ay ang bagong boss ni Mommy,” bulong niya. “Doon ka muna. Kakausapin siya ni Mommy.”Sa sandaling malaman niya ang pagkakakilanlan ng lalaki, agad na sinimulang makipagnegosyo ni Zetty kay Jay. “Ginoo, maaari bang tigilan mo na ang pagbibigay ng napakaraming trabaho kay Mommy? Pagod na pagod na siya, eh.”Kahit na hindi niya ito aaminin, hindi mapigilan ni Jay na bahagy
Pinanood ni Rose na umalis ang Rolls-Royce, nag-iiwan ng alikabok sa likod nito, at ang luha ay tumulo sa kaniyang mga mata.Mula ulo hanggang paa ay mali ang pagkakaintindi sa kaniya ni Jay. Ang pagbabawal na makita niya si Jenson ay isang halatang pagsubok na walang-awang putulin ang pagsasama nilang mag-ina.Nang lumabas si Robbie ng kindergarten, nakita niyang nanginginig ang mga balikat ng kaniyang mommy, malinaw na umiiyak.Dali-daling lumapit si Robbie upang patahanin siya. “Mommy, ano’ng nangyari?”Nagsumbong si Zetty sa kaniyang kapatid. “Robbie, narito kanina ang boss ni Mommy. Tinanggal niya sa trabaho si Mommy, kaya wala nang trabaho ngayon si Mommy.”Ang maliit na mukha ni Robbie ay bahagyang namutla. Alam niya na ang boss ng kaniyang Mommy ay ang daddy ni Jenson.Kung mawawala sa kaniyang Mommy ang kaniyang trabaho, ibig sabihin ba no’n ay hindi na niya makikita pang muli si Jenson?Kaya pala umiiyak nang ganito ang kaniyang Mommy.Bumalik si Rose sa Splendid Town nang ma
Tumingin si Jenson kay Jay. “Kung gayon, papapuntahin mo ba siya dito?”Tumayo si Jenson at naglakad papalapit kay Jenson. Sinubukan niyang magrason sa kaniyang anak. “Jenson, ang bahay ni Binibining Lorle ay mayroon pang ibang bata, at kailangan niya itong alagaan. Maging mabuting bata ka. Maghahanap si Daddy ng mas magaling na tagapangalaga para sa’yo, ayos ba ‘yon?”Marahas na umiling si Jenson. “Ayoko.” Nagsisimulang mabuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ni Jay si Jenson, mainit na pinapakalma ang malapit nang gumuho na mga emosyon ni Jenson. “Jens, hahanap si Daddy ng isang mommy, para sa’yo, okay?”“Ayoko,” inulit ni Jenson. Bigla niyang tinulak palayo si Jay at tumalikod, tumakbo patungo sa hardin.Ang makapangyarihang si Jay sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay ay walang magawa.Gusto ni Jenson ang kaniyang Mommy. Kung si Rose ang taong nararapat sa titulong iyon, marahil ay kinumbinsi niya ang kaniyang sarili na bitawan ang personal niyang galit upang pasiyahin si
Nang dumating si Jenson sa Cade Mall malapit sa villa, mabilis na pinuntahan siya ni Robbie sakay-sakay ang kaniyang scooter. “Jenson!”Nang makita ni Jenson si Robbie, ang seryoso niyang ekspresyon ay bahagyang lumambot.Tumigil si Robbie sa harap niya at dali-daling sinabi kay Jenson ang kaniyang plano. “Jenson, magpalit na tayo ng damit na ‘tin sa banyo ngayon. Pagkatapos ay pupunta ako sa kindergarten mo at pupunta ka sa ‘kin. Pagkatapos ng klase, pupunta ako sa Horizon Colors at pupunta ka sa Splendid Town. Sa paraan na ‘to, hindi mapapansin nina Mommy at Daddy na nagpalit tayo.”“Splendid Town?”Nang marinig ni Jenson ang pamilyar na pangalan, isang alaala ang pumasok sa kaniyang isipan: ang IP address ng hacker na nagngangalang Master Robbie na biniro ang Grand Asia noong nakaraang araw. Mayroon siyang napagtanto.“Ikaw si Master Robbie?”Nahihiyang ngumiti si Robbie. “Sinaktan ni Daddy si Mommy. Binibigyan ko lamang si Daddy ng isang maliit na parusa para kay Mommy.”“Pambata,”
Tumango si Jenson tulad ng kadalasan.Sa Montessori Kindergarten ng City South!Tumingin si Robbie sa napakayayamaning kindergarten, ang kaniyang mga mata ay nagniningning. “Ito pala ang kindergarten ng isang mayamang bata?”Nang pumasok si Robbie sa kindergarten, ang ilan sa kaniyang mga kaklase ay binangga ang kaniyang balikat. Nang makita nila si Robbie, malamang ay inakala nilang siya at tahimik, madaling apihin na si Jenson.Inasar nila siya. “Tignan mo, nagbabalik na naman ‘yong autistic na bata.”Nagalit si Robbie. Ganito pala nila isultuhin araw-araw si Jenson.Si Jenson ay ang kaniyang kapatid. Hindi niya hahayaan na may mang-api kay Jenson.Sinugod siya ni Robbie at sinabi, “Humingi ka ng tawad!”Nagsitawanan ang mga bata. Ang isa sa malalaking mga bata ay mas matangkad pa kaysa sa ibang mga estudyante. Naglakad siya at tinulak si Robbie, nagmamalaking sinubukang takutin siya. “Tattletale, kung gusto mong humingi ka ng tawad, gumapang ka muna sa ilalim ng mga binti ko.”Si Ro
Ito ang unang pagkakataon simula noong pumasok si “Jenson” sa eskwela na ang kanyang mga magulang ay pinapatawag.Kaya, nang matanggap ni Jay ang tawag ng guro ng kindergarten, si Jay ay nagulat. “Ano’ng nangyari kay Jenson?”“Hindi tama kung pag-uusapan na ‘tin ito sa telepono. Mas maganda kung pupunta ka sa eskwela, pakiusap.” Sa isang magulang na walang mahalagang pinanggalingan, ang guro ay sapat lamang na magalang.Dali-daling nagtungo si Jay sa kindergarten.Sa opisina ng guro, nakita niya si “Jenson” na nakatayo habang nakaharap sa puting pader, pinipilit na pag-isipan ang kaniyang mga nagawa.Nang makita ng guro si Jay, napapigil siya ng kaniyang hininga dahil sa kagandahan ng itsura ni Jay. Ang kaniyang matangkad at payat na katawan, pati na rin ang hangin ng kataas-taasan ang maaamoy sa kaniya, ay nagsanhi sa kaniya na hindi makapagsalita sa loob ng ilang sandali.Ang daddy ni Jenson ay isang nakakatulala!Siya ay mas gwapo pa kaysa sa lahat ng mga malalaking artista.Diyos k