Share

Kabanata 579

Author: Yan An
Si Jack ay lubos na nagulat. “Ano?”

Ang balitang ‘yon ay ginulat siya, tinatanggal ang kaninang masaya niyang sarili at pinagmumukha siyang hinigop ng mga demonyo ang kaniyang kaluluwa. Siya ay mukhang pagod at walang lakas.

“Paano ‘yon nangyari?” ‘Di makapaniwalang bulong ni Jack sa kaniyang sarili.

Sinadya ni Jack na bumuo ng isang pangkat ng pinakamhusay na mga hacker upang mapasok ang networking system ng Grand Asia. Ginugol nila ang bawat araw sa pag-iimbestiga at paghahanap ng kamalian sa system.

Ang mga hacker niyang ito ay may kakayahan na pumasok sa network ng Grand Asia dati. Ang nag-iisang dahilan kung bakit walang nangyari dati ay dahil lumalaki ang Grand Asia at natatakot siya na paghihinalaan siya ni Jay.

Akala niya ay ito na ang tamang sandali upang atakihin ang Grand Asia ngayong lubos na sugatan si Jay sa ospital. Hindi niya inasahan na magagawa nilang ibalik ang nakakandado nilang network sa loob lamang tatlong oras.

Alam na mayroon isang mahusay na propesyonal na bin
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 580

    Sinundan sila ni Grayson palabas ng pasilyo sa lungkot.Sa mga bulag, ang lalaking may isang mata ang hari!Agad na tumigil si Jack sa pagpapanggap upang utusan ang administrator. “Administrator, ibigay mo sa akin ang mga dokumento upang i-discharge ang aking anak. Gusto kong lumipat ng ospital!”Ipinikit ni Grayson ang kaniyang mga mata sa kawalan ng pag-asa.Gayunpaman, sa sandaling ‘yon, ang mga pinto ng elevator ay biglang bumukas. Isang rosas na pabango ang bumalot sa hangin, inaakit ang tingin ng lahat na naroon.Isang itim na takong ang unang lumabas nang may nakasisindak na aura, sinundan ng isang magandang piguro sa isang pulang one-piece na bestida. Sa kabila ng kaakit-akit na damit at itim na belo na misteryosong binabalot ang kaniyang mukha, ang nangingibabaw na aura na lumalabas sa kaniya ay hindi ito hinarangan dahil sinindak pa rin naman nito ang hangin.Hindi namalayan ng mga pulis na sila ay napagilid sa pader, binibigyan ang babae ng malawak na daan upang tahakin.Gay

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 581

    “Hindi maaaring siya si Angeline Severe, ‘di ba?” Biglang sigaw ni Jack. “Si Angeline Severe ay siyam na taon nang patay.”Ang mga pulis ay naghihinalang nagtinginan, ang kanilang mga tingin ay papalit-palit kina Jack at Angeline.“Ang isa sa inyong dalawa ay nagsisinungaling.”Tinuro ni Jack si Angeline. “Siya ‘yon. Siya ang sinungaling. Hindi siya si Angeline Severe. Pwede niyong tingnan ang mga papeles niya, officer.”Noong ilabas ng pulis ang kaniyang phone upang humingi ng tulong sa ibang departamento, mabilis na lumapit si Angeline upang pigilan siya.Lumalapit kay Ginoong Carter na nakatayo sa tabi ni Jack, inabot ni Angeline ang papel sa kamay nito. Kinuha niya ang isang marriage certificate at binigay ito sa pulis.“Hindi ko na kayo pahihirapan. Tingnan niyo ang araw sa marriage certificate namin ng asawa ko. Sinasabi niyan sa inyo kung ako ba ang manugang ng Pamilya Ares o hindi.”Pagkatapos no’n, binuksan niya ang folder upang ipakita ang unang pahina ng certificate kung saa

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 582

    Nang makita si Old Master Severe, agad na lumapit si Jack nang may pekeng ngiti sa kaniyang mukha. “Dali, Tito Severe, tingnan mo ‘tong babae na nagpapanggap bilang minamahal mong apo. Tingnan mo siya. Paanong nangyari na siya ang apo mo?”Inangat ni Old Master Severe ang kaniyang ulo upang tumingin kay Angeline na nasa harap niya.Hindi mapigilan ni Angeline na maluha sa tuwa noong panoorin niya ang kaniyang lolo na igalaw ang kaniyang ulo nang malaya at nang mag-isa habang ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa patungan ng wheelchair. “Lolo.” Lumapit nang marahan si Angeline upang lumuhod sa harap ni Old Master Severe nang may luha sa kaniyang mga mata.Nag-abot si Old Master Severe ng nanginginig na kamay upang himasin ang pisngi ni Angeline habang may mga luha na lumalabas mula sa kaniyang mga mata. “Masakit ba?”Marahil para sa isang lalaki tulad ni Old Master Severe na maraming naranasan sa buhay, hindi lamang itsura ang kailangan niya upang makilala ang isang tao, dahil ang m

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 583

    Ang dating walang kapantay na kakisigan ay naiwan ng mapanghimagsik na gulo.Tumitig sa kaniya si Angeline sa gulat habang ang kaniyang mga luha ay malayang bumabagsak.Sa sobrang pagkapuno ng kaniyang mga emosyon ay kinailangan niyang takpan ang kaniyang bibig ng kaniyang kamay para ang kaniyang mga paghikbi ay hindi maririnig.Sa huli ay gumugol siya ng 18 na oras kasama si Jay, tahimik na pinapanood siya nang hindi umiinom ng tubig o kumakagat ng pagkain.Ilang beses siyang hinimok ng doktor, ngunit palagi niyang natatanggap ang ‘di mapalagay na sagot mula kay Angelie. “Hayaan mong tumabi muna ako sa kaniya nang mas matagal.”Hindi niya kailanman naisip na makinig kay Jay sa buhay na ito. Palaging mag-iisip si Jay na itali siya sa kaniya, habang siya naman ay mag-iisip ng palusot para lang iwan si Jay.Marahil ay hindi makakaranas nang ganito si Jay kung ‘di dahil sa kakulitan at katigasan ng kaniyang ulo. Kahit na hindi matatakasan ni Jay ang ambush, nasa tabi sana siya ni Jay noon

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 584

    “Gusto kong makita si Grayson.” Si Jay ay hindi isang tao na nag-aaksaya ng enerhiya sa bagay na walang patutunguhan. Kung hindi gagaling ang kaniyang mga binti, tatanggapin na lamang niya iyon.Mayroong mas mahalagang mga bagay na kailangan niyang gawin sa sandaling ‘yon.Ang doktor ay pinasa ang mensahe ng presidente kay Grayson, na mabilis na pumasok sa kwarto.“Gusto ko nang ma-discharge.”Ang mga mata ni Grayson ay lumaki sa kahilingan ng presidente. “Ngayon mismo, Ginoong Presidente? Sabi ng doktor ay kailangan pang magamot ng mga binti mo. Kailangan mo rin ng mahabang physical therapy at post-treatment.”Maaaring mahina nga si Jay sa sandaling ‘yon, ngunit ang matalas na liwanag sa kaniyang mga mata ay hindi humina noong tumingin siya nang masama kay Grayson. “Bakit kailangan mong mag-aksaya ng oras sa isang bagay na maaaring walang ibigay na resulta?”Sumagot si Grayson, “Kailangan pa rin nating subukan, Ginoong President.”“Grayson!” Mabangis na sigaw ni Jay, “Lumalabag ka na

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 585

    Nagsimulang hikayatin ni Angeline si Grayson gamit ang lohikal at emosyonal na mga pamamaraan. “Kasi, Grayson, ang boss mong ‘to ay mukhang mahirap lapitan dahil sa kaniyang ekspresyon at iba pa, pero ako lang ang nakakaintindi sa kaniya. Hindi naman siya laging walang pakialam tulad ng itsura niya. Sa katunayan, lubos siyang nagmamahal at nag-aalala sa inyong lahat.”Ang mga salita ni Angeline ay naabot ang kaibuturan ng puso ni Grayson. Maaari ngang matigas sa kanila ang presidente, ngunit siya ay magaling at marami silang natutunan mula sa kaniya.Habang mukha nga siyang malamig sa mga taga-labas, ang ‘di mahahawakan niyang ekspresyon ay isang maskara lang na ginagamit niya pagdating sa kaniyang mga tauhan.Nagdagdag pa si Angeline para mas makasiguro, “Minsan iniisip ko na kung ang dahilan sa likod ng pagiging tahimik niya ay dahil sa ‘di nalinang na kaisipan noong bata pa lang siya. Maaaring bigyan niya kayo ng ilusyon na siya ay mabangis, ngunit nangangako ako sa ‘yo na ang lahat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 586

    “Wala akong paki kung sino pa ‘yan. Gusto kong lumabas at walang makakapigil sa ‘kin.”Isang pares ng galit na pulang mga mata ang tumingin nang masama kay Grayson. “Pipirmahan mo ang mga dokumento para sa isang discharge kung ayaw mong mawala ang trabaho mo.”Lubos na nagulat, mabilis na tumango si Grayson. “Opo, opo, syempre po, Ginoong President. Gagawin ko na agad.”Tumakbo palabas si Grayson ng kwarto at nakaharap si Angeline.“Ano’ng nangyari? Nagbago ba ang isip ng presidente?”Ang gulat ay nanatili sa mukha ni Grayson at tulalang umiling. “Nakapagpasya na ang presidente, Missus. Wala na akong magagawa.”Nakatingin kay Angeline, nagmakaawa si Grayson, “Palagi namang nakikinig sa ‘yo ang presidente, Missus. Sigurado akong magbabago ang isip niya kapag ikaw ang nanghikayat sa kaniya.”Naramdaman ni Angeline ang panghihina niya. “Ang tigas naman ng ulo. Bakit ba ayaw niyang makinig sa katwiran? Siguro ako na lang ang manghihikayat sa kaniya?”Napabuntong-hininga sa ginhawa si Grays

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 587

    Ang pintuan ng kwarto ay nagsimulang tumunog, para bang mayroong umuutot. Ito ay may kasamang paninigas.Napakunot ang mga kilay ni Jay sa ‘di pagkatuwa. Ang balisang nararamdaman niya ay tumitindi sa bawat sandali.Nagpapadala ng malamig at naiinip na tingin sa pintuan, pinanood niya ang maliit na puwang na gumawa ng tunog habang marahan itong bumubukas.Pagkatapos ng mahabang sandali ay saka lamang ito naging kasing laki ng isang palad.Naramdaman ni Jay ang pagbagsak ng kaniyang nararamdaman dahil sa matagal na pagbukas ng pinto.Nang sapilitan, pinigilan niya ang galit na kumukulo sa loob niya at naghintay nang may matinding pasensya para sa taong nagbubukas ng pinto.Babawian niya ang taong ‘yon para sa inis na binibigay nito sa kaniya.Sa sandaling ‘yon, isang ‘di inaasahang kamay na may puting surgical gloves ang lumitaw sa puwang. Ang maliit na sukat nito ay pinapahiwatig na ito ay mula sa isang babae.Agad na nakumpirma ni Jay na ito ay isang care worker.Nilipat niya ang kani

Pinakabagong kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status