Tinanggal ni Peter ang maskara sa mukha ni Rose. Sinukat niya ang mukha ni Rose gamit ang kaniyang mga kamay at umabot upang pumisil-pisil dito. “Nabiyayaan ka ng Diyos. Mukhang ang pinsala sa mukha mo ay nasa ibabaw lang ng kutis mo. Sige, pwede kitang ibalik sa dati mong itsura.”Gayunpaman, nagpakita si Rose ng isang larawan. “Mabuti naman, kung gano’n ay pakiusap gawin mo akong kamukha niya.”Tumingin si Peter sa babae sa larawan. Naakit sa kagandahan, nagising lamang siya pagkatapos ng mahabang sandali.“May ganyan kagandang babae sa mundong ‘to?” Napahiyaw si Peter.Ang babae sa larawan ay si Angeline Severe, at ang kaniyang kagandahan ay naiiba kay Rose Loyle. Sa sobrang ganda niya ay naiiba ito sa karaniwang babae. Sa larawan, ang kaniyang mga mata ay puno isang walang iniisip na ngiti.Sa isang sulyap, siya ya isang bata na minamahal ng marami.Si Rose ay maganda, ngunit ang kagandahan niya ay may halong kabaitan. Sa sobrang ganda niya ay nakakasakit ito ng tao.Tumingin si Pe
Ang mukha ni Sera ay pulang-pula.Pagalit na binato ni Jay ang baso sa sahig.Ang itsura niya noong mawalan siya ng pasensya ay parang isang leon na nagising mula sa 1,000 taon ng pagkakatulog—may matinding gutom habang ninanais kainin ang bawat nabubuhay na bagay.Nanginig si Sera sa takot, ngunit natandaan na ito ang pinaka-mahinang oras para kay Jay ngayon. Ito rin ang pinakamagandang pagkakataon para sa kaniya na pagsamantalahan ang sandaling ‘to.Naglakas-loob siya at sinabi, “Kuya Jay, alam ko rin namang masama ang intensyon ni Tita. Pero ‘wag kang mag-alala, ang dahilan ng pagpunta ko sa Tourmaline Estate ay hindi para mapalapit sa ‘yo. Narito lang ako… para kay Ate Angeline.”Napalapit si Sera sa pamamagitan ng pag-atras, at dahil sa katalinuhan niya, alam niya kung paano gamitin ang pampaamo ni Jay. Dahil dito, ang pag-aalala ni Jay sa kaniya ay naglaho.“Narito ka para kay Angeline?” Isang liwanag ng galit at malamig na liwanag ang lumabas sa mga mata ni Jay.Sa sandaling ‘yo
Sa gabi, pagkatapos makatulog ng lahat. Pumunta si Jay sa kwarto sa ikalawang palapag na matagal nang walang gumagamit.Sa oras na ‘yon, noong nakita niya si Rose sa kwarto na ‘to, ang ekspresyon ng babae ay bahagyang kakaiba noong magsinungaling ito sa kaniya, sinasabi na siya ay naliligaw. Dati pa man ay pinagkakatiwalaan niya si Rose, kaya hindi niya ito masyadong inisip.Nagbabalik-tanaw ngayon, tiyak na alam ni Rose na mayroong kakaiba sa bahay na ‘to, ngunit hindi siya pinagkakatiwalaan nito at sa huli ay nalagpasan ang pinakamagandang pagkakataon na humingi sa kaniya ng tulong.BIlang resulta, iyon ang nagsanhi ng aksidente niya na nahulog sa ikalawang palapag kalaunan.Nang may mahinang liwanag na lumalabas mula sa gilid na lampara sa pasilyo, lumapit si Jay sa pintuan ng kwarto.Noong buksan niya ang pinto, ang flashlight ng kaniyang phone ay sabay ding bumukas. Isang linya ng liwanag ang pumasok sa kwarto. Ang kadiliman sa kwarto ay naglalaho habang ang bawat sulok ng kwarto
Isang malabong boses ang biglang nanggaling sa likod niya. Nababalot ng malamig na hangin, ang boses ay nagbigay ng madilim at kakaibang pakiramdam.Noong tumalikod si Jay, nakita niya ang hardinero ng Fragrant Vessel Court, si Giovanni, nakatayo sa mga gate ng kastilyo. Habang may hawak na isang flashlight sa kaniyang kamay, yumuko siya nang magalang kay Jay.“Master, sa wakas ay nakabalik ka na. Noong nakaraang ilang araw, ang pangit ng panahon, puno ng kulog at kidlat. Ang malalakas na hangin ay sinira ang paulownia na puno sa Tourmaline Estate. Sa kasamaang palad, tumama ito sa isang poste ng kuryente, nagsasanhi sa kuryente ng buong Tourmaline Estate na masira. Ang iba pang mga Court Garden ay nasira dahil din sa kawalan ng kuryente. Hiniling sa ‘kin ng Old Master na tanungin sa ‘yo kung may kailangan kang ipaayos sa Fragrant Vessel Court?”Ang matalas na mga mata ni Jay ay puno ng katalasan. Ang kaniyang mga labi at ngipin ay bahagyang bumukas at isang walang emosyon na boses ang
Kahit malabo pa ang kaniyang isipan, pakiramdam ni Jay ay bumalik siya sa oras sa kaniyang kabataan.Kaya niyang makipaglandian kay Angeline nang walang pag-aalinlangan. “Ako lang ang pwedeng magbigay sa ‘yo ng mga rosas, naintindihan mo?”“Hindi ko makuha,” sabi ni Angeline. Ang kaniyang mga mata ay malaki at makintab, ang kaniyang mukha ay puno ng pagkalito.“Kahit si Zayne ay hindi ako pwedeng bigyan ng mga rosas?”“Hindi ka niya bibigyan ng rosas. Maliban na lang kung mauntog sa pinto ang utak niya.”Tumitig sa kaniya si Angeline sa pagtataka, ang mga mata nito ay nagniningning tulad ng mga bituin sa langit...Pinagsamantalahan ni Jay ang pagiging mangmang ni Angeline at nagyabang sa harap ng kasing-talino niyang si Angeline.Marahil ay dahil sa kaniyang ka-cute-an na hindi mapigilan ni Jay na halikan siya. Sa oras na ‘yon, si Jay ay isang masiglang binata, kaya ang kaniyang mukha ay namula pagkatapos ng halik.“Kuya, namumula ka.” Tumawa si Angeline.Ang mukha niya ay kasing pula
“Mm!” Kinurot ni Jay ang matalino niyang anak sa mukha, ang kaniyang sagot ay kalmado.“Bakit pumunta kayong lahat dito?” Tanong ni Jay.Dati, hindi niya alam na ang Tourmaline Estate ay isang lugar ng panganib, kaya hindi siya nag-aalala na manatili rito ang mga bata.Ngayon, gayunpaman, ay gustong-gusto niyang ‘wag nang bumalik ang mga bata sa lugar na ‘to.Sumagot si Jenson, “Nagmakaawa ako kay Lolo na dalhin kami rito.”Si Jay ay bahagyang nabigla.Si Jenson ay palaging ayaw bumalik sa Tourmaline Estate. Gayunpaman, ngayon ay siya na ang nakaisip ng ideya na ‘yon, masyado itong kakaiba.Tumingin si Jay sa kalmadong ekspresyon ni Jenson. Matagal na niyang hindi natitingnan nang mabuti ang kaniyang mga anak. Napagtanto niya na ang mga mata ni Jenson ay malalim at misteryoso rin.“Para saan?” Tanong ni Jay.Nanatiling tahimik si Jenson.Sinabi ni Robbie, “Sabi ni Jens ay hindi ligtas si Daddy na mag-isa sa Tourmaline Estate.”Nang marinig ‘yon, hinila niya si Jenson sa harap niya. “Ba
Tumingin si Rose sa hindi perpekto niyang kutis at humiyaw, “Peter, gumastos ako ng maraming pera rito. ‘Wag mo akong biguin, ha?”Sumagot si Peter, “Rose, ‘wag kang masyadong magmadali. Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas. Ang isang kumpletong metamorphosis sa mukha mong ‘to ay aabutin nang hindi bababa sa tatlong taon.”Tatlong taon… Ipinikit ni Rose ang kaniyang mga mata. Iyon ay isang napakahabang panahon!Gayunpaman, noong naisip niya na makakabalik siya kay Jay gamit ang mukha na gustong-gusto nito, naisip niya na kaya niyang tiisin ang lahat ng ‘yon.“Peter, gusto kong magbasa ng libro!”Ninais niya na patalinuhin ang kaniyang sarili at magkaroon ng kaalaman at karanasan para siya ay maging isang pambihirang babae na karapat-dapat na tumayo sa tabi ni Jay.Sumagot si Peter, “Basta’t ipapahinga mo nang maayos ang mga mata mo, sige.”“Peter, gusto kong magsanay ng Taekwondo.” Ninais niyang maging mas malakas para magawa niyang protektahan si Jay. Kahit sa araw na ang pinanggalin
Kinuyom ni Robbie ang kaniyang mga kamao. “Sinabi ni Mommy na hindi dapat awayin ng mga lalaki ang mga babae, pero kung ganiyan kasama ang mga babae, nararapat lang sa kanila ang mabugbog.”Tumingin nang masama si Zetty sa grupo ng mga babae na mayroong makapal na makeup. “Ang mga lalaki ay hindi pwedeng manakit ng babae, pero sa tingin ko ay pwedeng saktan ng mga babae ang ibang babae.”Noong sabihin niya ‘yon, pagalit siyang naglakad patungo sa kanilang direksyon.Sumunod sa likod niya si Robbie, “Hindi ka pa isang matandang babae, alam mo?”Nang makita ito, si Robbie ay kinakabahang pinagpawisan at lumingon kay Jenson upang humingi ng tulong. “Ang babaeng ‘yon ay maselan. Isang mahinang hawak lang at iiyak na siya. Ngayon, gusto niyang makipag-away?”Sumagot si Jenson, “Tulungan mo siya.”Tumingin si Robbie kay Jenson na nakatayo roon nang hindi gumagalaw. “Paano ka naman?”Sumagot si Jenson, “Nasusuka ako sa pandidiri kapag nakahawak ako ng katawan ng isang estranghero.”“Ano ‘tong