Nagsalita si Rose, sinasabi, “Ayos lang ‘yon, Ginoong Administrator. Aalis na lang ako.”Pagkatapos no’n, tumalikod siya upang harapin si Sera Severe. “Walang kinalaman dito ang Matron, Miss Severe, kaya pakiusap ay pakawalan niyo siya. Isa siyang mabuting nurse.”Tinanggap ito ni Sera. “Basta’t aakuhin mo ang lahat ng kasalanan, wala akong reklamo na balewalain ang problemang ‘to.”Kaya, nagsimula nang mag-impake si Rose. Noong paalis na siya ng kwarto ng ospital kasama ang kaniyang mga gamit, nakasalubong niya si Jay na napagdesisyunan na biglaang bumisita.Nalilitong tumitig sa kaniya si Jay. Ang pula sa mga mata ni Rose ay pinahalata ang sakit sa kaniyang puso.“Sino’ng nang-away sa ‘yo?” Tumayo si Jay sa harap niya. Ang kaniyang katawan ay napupuno ng galit sa sandaling ‘yon, at wala na siyang ibang gusto pa kung ‘di ang wasakin ang may sala.Wala sa wisyo na pangalagaan si Jay, naglakad si Rose paikot kay Jay.Gayunpaman, biglang hinila ni Jay si Rose sa tenga. “Bingi ka na ba?”
Naglakad si Jay papasok ng kwarto habang si Rose ay nanatiling nakatago sa labas ng pintuan.Napagtantong hindi na nakasunod sa kaniya si Rose na parang isang anino, muling napakunot ang mga kilay ni Jay.“Pumasok ka.” Nainis si Jay.Pagkatapos no’n ay saka lamang pumasok nang marahan si Rose.Ang makita si Rose ay nagsanhi kay Sera na magulat.Gayunpaman, ang galit na tono ni Jay ay muling nagsanhi kay Sera na mabaliw sa pagmamahal sa lalaki.“Brother Jay, hindi ako makapaniwala na ang care worker na ‘to ay napagdesisyunan na patagong turukan ang lolo ko.”Nagsalita si Jay, “Kaya nireklamo mo siya?”Ang kaniyang tono ay nababalot ng lamig.Si Sera ay natuliro. Ang aura ni Jay ay bahagyang naiiba ngayong araw.Dati ay kinamumuhian ni Jay ang mga taong lumalabag sa kaniyang patakaran.“Siya ang care worker na itinalaga kong mag-alaga kay Old Master Severe. May problema ba?”Namutla nang bahagya ang mukha ni Sera noong sabihin niya, “Paano ako magkakaproblema, Brother Jay? Sadyang… bago
Gayunpaman, ang mga apoy ay muling naglaho noong tumingin siya sa mga nanlaking mga mata ni Rose.Sa huli, pinilit niyang sabihin ang mga salitang, “Mukhang may utang ako sa ‘yong gantimpala para sa paghihirap mo.”Hindi ‘yon ang ninais niyang sabihin!Tumitig si Rose kay Jay, hindi alam kung ano ang tinutukoy nitong ‘gantimpala’.“May gusto ka ba?” Tumingin si Jay sa masigasig na mga mata ni Rose.Nagsinungaling si Rose at sinabi, “Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Ginoong President. Hindi na kailangan ng gantimpala.”Iniisip na gusto ni Rose ng pera, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Jay. “Gusto mo ba ng pera?”Ang ningning sa mga mata ni Rose ay agad na naglaho.Napakunot ang mga kilay ni Jay. Hindi ba siya kulang sa pera nitong nakaraang mga araw?“Hindi mo kailangan ng dagdag na pera?” Tanong ni Jay.Tumango si Rose.Dahil dito, nagulat si Jay, ‘Hindi ba’t sinabi niya kay Empire Without Sunset na kulang siya sa pera?‘Marahil ay nakakuha siya ng tulong sa iba.’Si Sera ay diretso sa
Nagsalita si Jay, “‘Wag kang mag-alala. Tinawag kita rito para tulungan ang pasyente sa pagpapayo.”Napabuntong-hininga sa ginhawa si Rose.Gayunpaman, tumitig siya nang nakanganga kay Jay pagkatapos ng isang sandali noong maintindihan na niya ang mga salita ni Jay. Nauutal niyang sinabi, “Pagpapayo?”Paano niya papayuhan ang pasyente kung hindi pa niya kailanman napag-aralan ang psychology?Tumango si Jay. “May problema ba?”Natatakot na ang paggalit sa diyos na ‘to ay nangangahulugan na mapapatalsik siya, walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang maglakas-loob.“Pwede kong subukan.”Umuupo sa upuan sa uluhan ng kama, nagdekwatro si Jay at tumitig sa kaniya nang may nanlaking mga mata.Samantala, si Sera sa dulo ng kama ay handa nang matuwa sa paghihirap ni Rose.Naipit sa bawat gilid, si Rose ay nakaramdam ng matindinig bigat. Mayroon siyang milyong-milyong mga bagay na gustong sabihin sa kaniyang lolo ngunit walang ideya kung paano ‘yon sasabihin.“Old… Old Master Severe, ma-... maar
Tinapon ni Jay ang maskara ni Rose sa basurahan.Nanlaki ang mga mata ni Rose noong sundan niya ang paghulog ng maskara, ang kaniyang puso ay nagsisimulang mawalan ng laman.Hindi siya binibigyan ng oras na malunod sa awa sa sarili, nagsalita si Jay, “Sumama ka sa ‘kin.”“Saan tayo pupunta?” Sinundan niya si Jay palabas ng kwarto.Isang mga tao ang paminsan-minsang naglalakad mula sa kabilang direksyon sa mahabang patyo.Sa mga ganoong oras, napapansin ni Rose ang kaniyang sarili na humaharap sa pader, para maiwasan ang iba na makita ang pangit niyang mukha.Sa tuwing nangyayari ‘yon, ang mga sulok ng mga mata ni Jay ay humahapdi.Dinala niya si Rose sa opisina ng isang propesyonal na terapista.Tumitig si Rose sa plaka sa pinto na nagsasabing ‘Psychology’. Sa isang iglap, may matinding pagtanggi ang naramdaman niya at hindi niya ninais na pumasok sa kwarto.“Bakit mo ako dinala rito, Ginoong President? Ang… ang isipan ko naman ay malusog.”Tumatalikod, sumagot si Jay, “Si Old Master S
Iyon ang klase ng sakit na nakakasakal!Paglabas ng psychology ward, hinila ni Rose ang walang sigla niyang katawan pabalik sa kanilang hotel.Tumingin si Josephine kay Rose. “May mali ba, Ate Angeline?”Umuupo sa kama, niyakap ni Rose ang kaniyang mga binti sa kaniyang dibdib at binulong, “Hindi mo pwedeng sabihin sa kuya mo ang tungkol sa mukha ko, ah, Josie.”Ang saging sa bibig ni Josephine ay bumagsak sa lupa noong balutin siya ng kaniyang konsensya.Sinabi na niya sa kaniyang kuya ang nasirang itsura ng kaniyang Ate Angeline noong nakaraan pa.Hindi lamang ito nakita ng kuya niya, ngunit hinawakan pa niya ito.Nalulungkot na tanong ni Josephine, “Bakit hindi, Ate Angeline?”“Baka hindi siya masayahan.” Tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Rose.Napaupo nang mahina si Josephine sa upuan...Sa sandaling ‘yon, marahil ay naintindihan na niya kung bakit ang walang emosyon niyang kuya ay umiyak ng ginto pagkatapos makita ang mukha ng kaniyang hipag.Nananakit siguro ang puso niya p
Sinabi ni Empire Without Sunset sa chatbox, ‘Gusto mo bang makipagkita minsan?’Naalarmang tumitig si Rose sa screen.Hindi kailanman pumasok sa kaniyang isipan na makipagkita kay Empire Without Sunset.Pagkatapos no’n...Mabilis siyang nag-log off at binaon ang kaniyang ulo sa unan.Isang bakas ng pagkainis ang lumitaw sa mga mata ni Empire Without Sunset noong tumitig siya sa gray na profile icon ni Rose.‘Duwag.’...Si Rose ay may masamang nararamdaman.Bilang kaniyang ‘escort’, nagpakahirap si Josephine na maibalik ang ngiti sa mukha ni Rose.Dagdag sa pagsundo kay Rose mula sa trabaho, nagdala rin siya at nagpadala ng 999 na mga roses sa ibang mga pasyente.Kaakit-akit at maganda man si Josie sa pambabaeng damit, siya ay mukha ring kaakit-akit at gwapo sa panlalaking damit. Ang mga kababaihan ay nababaliw sa kaniya.Mayroong puting kasuotan, naglakad siya patungo at palabas ng medical department ayon sa pangangailangan ni Rose, nagsasanhi sa ibang mga manggagawa na siya ang manli
Ang kaakit-akit na mukha ni Jay ay mas nagdilim.“Gusto kong ipatapon ang mga bulaklak na ‘to.” Ang tono ni Jay ay katakot-takot.Biglang naririnig ang boses ni Jay, napatalon si Rose sa gulat.Ilang gwapong mga lalaki na may itim na kasuotan at may sunglasses ang pumasok sa kwarto at mabilis na tinanggal ang mga rosas, walang iniiwan na kahit isa.Natigilan sa kaniyang kinatatayuan, nagpipigil na tumulo ang mga luha sa mga mata ni Rose dahil sa pagkabalisang nararamdaman niya.Tumitig sa kaniya si Jay, nag-uusok sa galit. “Hindi mo ba alam na ang ibang pasyente ay maaaring allergic sa bulaklak?”Binuksan ni Rose ang kanyang bibig ngunit nanatiling tahimik.Gusto ba siya nitong awayin? Alam na alam naman ni Jay na ang lolo niya ay hindi allergic.“Opo, ginoo. Naintindihan ko. Hindi na ‘to mauulit,” sabi ni Rose, natatakot.Nang makita na muli na naman niyang napaiyak si Rose, naramdaman ni Jay ang apoy ng inis na nagwawala sa kaniyang dibdib.“Sino’ng nagpadala sa mga ‘to?” Malamig niy
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto