Share

Kabanata 3

Penulis: Yan An
Nang simulan ni Rose na magtawag ng taksi sa gilid ng kalsada, lumapit si Jay sa kaniya kasama ang magandang dalaga sa kaniyang tabi.

“Tabi.”

Nagsalita siya nang may malalim, malambing, at mala-cello na boses na kayang magsanhi sa obaryo ng babae na pumutok.

Gayunpaman, naglalaman pa rin ito ng bakas ng pagmamataas na mayroon ang mga mayayaman.

Biglang napagtanto ni Rose na siya at ang kaniyang mga anak ay nakaharang nga sa kanilang daanan—sila ay nakatayo sa harap ng isang Rolls-Royce na mayroong Spirit of Ecstacy na ornamento sa takip ng makina nito.

Hinila ni Rose ang kaniyang bagahi sa isang kamay at ang kaniyang mga anak sa kabila. Nang makita niya si Jay, si Rose ay tila hindi mapakali, at natatagalan na tumabi—

Napasalita ang seksing babae sa isang nangungutyang tono, “Siguro ay may iniiwasan kang malaking gulo kaya balot na balot kang ganyan. Sige, magsuot ka ng salamin kung gusto mo, nugnit bakit mo pupuwersahin ang mga anak mo na magsuot din habang naglalakad? Hindi ba iyon delikado, hindi ka ba nag-aalala na baka madapa sila o kung ano?”

Nainis si Rose. ‘Hindi naman ako magsusuot nang ganito kung hindi ko kailangang iwasan ang mga salot na tulad mo.’

Ang mga salita ng babae ay ikinagalit ni Zetty—Para sa kaniya ay laging tama ang kaniyang Mommy.

Ang sinumang magsalita ng masama kay Mommy ay magdudulot ng galit kay Zetty at agad siyang magbabago mula sa isang batang anghel sa isang batang demonyo.

Sa sandaling iyon, binangga ni Zetty ang kaniyang sarili sa babae.

Ang pagbangga na iyon ay nagsanhi ng paglaglag ng kaniyang salamin.

Dali-dali na napaatras ang babae, at ang maliit na katawan ni Zetty ay napabangga kay Jay.

Sinimulang atakihin ni Zetty si Jay gamit ang maliliit niyang mga kamay, sumisigaw gamit ang kaniyang kaaya-aya ngunit galit na boses, “Nag-aalala lamang si Mommy na dadakipin kami ng mga taong tulad mo. ‘Yon ang dahilan kung bakit pinagsusuot niya kami ng salamin upang protektahan ang aming mga sarili. Hindi ko hahayaan ang mga masasamang tulad mo na pagsalitaan ng masama si Mommy, siya ang pinakamagaling na mommy sa buong mundo.”

Napatingin nang masama si Jay kay Rose. “Sinabi mo ba sa kaniya na nandadakip ako ng tao?”

Nang makaharap ang nang-aakusang tanong ni Jay, ang utak ni Rose tila naubusan ng hangin.

Siyempre, ang sagot ay oo. Sa totoo lang, para sa kaniya ay mas nakatatakot pa si Jay kaysa sa sinumang masamang tao.

Kapag nalaman ni Jay na si Zetty ay ang kaniyang anak, malamang ay magsasanhi siya ng malaking eksena ngayon, baka humingi pa ng proteksyon ng bata.

Hindi naglakas-loob si Rose na magsalita dahil natatakot siya na baka makilala ni Jay ang kaniyang boses.

Ang kaniyang katahimikan ay walang nagawa kung ‘di kumpirmahin lamang ang asumpsyon ni Jay.

Naging seryoso ang mukha ni Jay. Tinatawag ba siya ng babaeng ito bilang isang mandadakip ng tao?

“Ito ba ang itinuturo mo sa iyong mga anak?” Wika niya.

Nanliit si Rose na parang isang pugo ngunit hindi niya mailabas ang kaniyang tapang na harapin si Jay dahil ang kaniyang isipan ay nagkakagulo.

Kamukha ni Zetty ang kaniyang ina, kaya baka hindi ito makilala ni Jay.

Gayunpaman, si Robbie ay tila isang maliit na bersyon ni Jay. Kahit anong mangyari ay hindi dapat maipakita ni Robbie ang kaniyang mukha kay Jay.

Niyakap ni Rose si Robbie at hinawakan siyang maigi; siya ay nag-aalala na baka siya ay mawalan din ng kontrol tulad ni Zetty.

Tinulak palayo ni Jay si Zetty at pinagpagan ang parte ng kaniyang damit na hiawakan ni Zetty, bakas sa mukha ang pandidiri. Pagkatapos no’n ay binuksan niya ang pinto sa harap para sa babae, at sumakay silang dalawa at umalis nang wala nang ibang sinasabi.

Si Robbie, na siya pa ring yakap-yakap ni Rose, ay tumingin sa numero sa plaka ng lisensya nito at tinandaan ito.

Ang lalaking iyon ay kamukhang-kamukha niya.

“Mommyyy, bakit wala kang sinagot kanina?” Sa sobrang galit ni Zetty ay napapaluha siya.

Sa tuwing siya ay nakukutya dati, ang kaniyang Mommy ay haharapin ang mga mapang-api na iyon upang bigyan sila ng laksyon.

“Mommy, para kang lampa ngayong araw.” Ang kaniyang anak na si Robby ay tinanggal ang kaniyang salamin at inirapan ang kaniyang ina na hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon.

Walang masabi si rose. Pinapagalitan siya ng dalawa niyang anak ngayon?

Si Jay ay ang kaniyang kalaban, kahit anupaman ang ibig sabihin ng salitang iyon. Sa sandaling siya ay lumitaw, hindi na siya tinitingala ng kaniyang mga anak.

Mukhang hindi talaga naiiwasan ang mga peste.

Tulala, nagtawag si Rose ng isang taksi at ang talo ay nagtungo sa distrito ng Splendid Town sa Third Ring Road ng City North, sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang kaniyang ina.

...

Sa loob ng mamahaling Rolls-Royce.

Nakahalukipkip ang mga braso ni Josephine Ares habang siya ay nakatingin sa labas ng bintana upang obserbahan ang pamilyang puro nakasuot ng salamin hanggang sa makasakay sila sa taksi at umalis.

Ang pangyayari kanina ay tila isinawalang-bahala niya lamang.

Gayunpaman, nang pagmasdan niya ang batang babae, isang pamilyar na mukha ang pumasok sa kaniyang isipan.

“Jay, hindi ba mukhang pamilyar ang batang babae na iyon? Ang mga mata niya ay parang... parang kay hipag!”

Napahigpit ang hawak ng kuya niyang si Jay sa manubela nang siya ay sumagot, “Hipag? Sino’ng hipag?”

“Kuya, hindi ba nagpakasal ka dati, tanda mo?” Pinaalala sa kaniya ni Josephine.

Ang imahe ni Rose ay pumasok sa isipan ni Jay, at pinagkumpara niya ang mukha ng batang babae kay Rose.

Biglang tumigil ang Rolls-Royce.

Si Rose? Ang babaeng iyon, ang taong nagpapagalit sa kaniya kahit isipin niya lamang siya?

“Aray!” Nasubsob si Josephine mula sa pwersa at ang kaniyang noo ay tumama sa likod ng upuan.

“Kuya, ba’t mo nagawang saktan ang maganda mong kapatid nang ganoon? Paano kung may nangyari sa akin? Aalagaan mo ba ako habang-buhay?”

Tumigil ang Rolls-Royce sa gilid ng kalsada. Agad-agad na lumabas si Jay at tumingin sa direksyon ng paliparan.

Binaba ni Josephine ang binata at mahinang sinabi, “Hayaan mo na. Nakita ko silang sumakay sa isang taksi kanina lamang. Papunta tayong timog at sila ay papuntang hilaga. Hindi mo sila mahahabol kahit na bumalik ka ngayon.”

Dahan-dahang bumalik si Jay sa kaniyang upuan at sinara ang pinto.

Nananabik na nagsalita si Josephine, “Si Rose ba talaga ang babae na iyon kanina, Kuya?”

Inayos ni Jay ang salamin sa ibabaw niya para siya ay direktang nakatingin kay Josephine. Mula sa salamin, malinaw na nakikita ni Josephine ang yelo na nakabalot sa mukha ng kaniyang kuya.

Hindi mapigilan ni Josephine na matawa. “Oo nga, si Rose nga lang talaga ang magpapabaliw sa ‘yo nang ganito. Oo nga pala, tinawag ka pa niyang masamang tao."

Pinag-isipan itong mabuti ni Jay at napagtanto na iyon ay isang bagay na gagawin ng mga taong tulad ni Rose.

Ang rasyonal na pag-iisip ng mga lalaki at ang emosyonal na pag-iisip ng mga babae ay dalawang magkaiba at magkalayong mga bagay. Napakunot ang noo ni Jay at nag-isip kung ano ang tsansa ng paglitaw ni Rose sa parte na ito ng siyudad.

“Hindi maaaring siya ‘yon. Limang taon na siyang patay.” Kahit na iyon ang sinabi sa kaniya, hindi siya makahanap ng paliwanag sa pagkabalisa na nararamdaman niya.

“Jay, sa tingin mo ba hindi kataka-taka ang paraan ng pagkamatay ni Rose?” Sabi ni Josephien. “Wala sa ‘tin ang nakakita ng litrato niyang talagang patay. Ang isang litrato ay hindi sapat para patunayang patay na siya. Isipin mo. Araw-araw gumaganda ang mga teknolohiyang tulad ng Photoshop.”

“Nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Kung hindi pa siya patay, bakit walang taong nakakahanap sa kaniya?” Inapakan ni Jay ang akselerador, pinabilis ang makina, at namaneho palayo.

Umangat ang mga kilay ni Josephine at matagal itong pinag-isipan. “Ang tracking system ng Pamilya Ares ay kahanga-hanga, pero baka nakahap pa rin siya ng paraan upang makatakas sa lambat.”

Malamig na sinabi ni Jay, “Masyado mong minamalaki ang probinsyana na iyon.”

Nagkibit-balikat si Josephine. “Kahit na nanggaling si Rose sa probinsya, hindi mo maitatanggi na ang galing ng paraan kung paano ka niya pinaglaruan.”

Sa sobrang higpit ng hawak ni Jay sa manubela ay namumutla na ang kaniyang mga buko-bukong.
Komen (1)
goodnovel comment avatar
dolly Colance
subrang malalim Ang pagsalin mo sa tagalog author. Minsan parang Ang hirap unawain. Ang purong Tagalog author kahit pilipino Ka mahirap din intindihin. sana yon natural lang na Tagalog Ang ginamit mo para kasing boring magbasa Ng ganito hehehehe para sakin lang ha Ewan ko lang sa iba...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 4

    Pagkatapos ng kalahating oras.Nakaparada ang Rolls-Royce sa harap ng Mountain’s Fork Cemetry.Sa loob ng sasakyan, nababasa ni Josephine ang tatlong malalaking salitang, Mountain’s Fork Cemetry, at ang kaniyang magandang mukha ay namutla.Ang rason para sa kaniyang pag-uwi ay upang bisitahin ang kaniyang may malubhang sakit na lola. Maliban na lang kung si lola ay…“Narito si Lola?” Napahingal si Josephine.“Si Rose narito.” Pagtatama sa kaniya ni Jay.“Si Rose? Si Rose ay nakalibing dito?”Napabuntong-hininga si Josephine. Pagkatapos no’n, napatanong siya, “Hindi naman Qingming Festival ngayon, ah, bakit tayo narito?” (TN: Ang mga intsik ay bumibisita sa libingan ng kanilang mga ninuno tuwing Qingming Festival upang linisin ito, ipagdasal ang kanilang mga ninuno, at maglagay ng mga handog.)Biglang napatili sa kilig si Josephine, “Sabi ko na, eh! May nararamdaman ka pa rin para kay Rose! Saka, paano mo ipapaliwanag ‘yong henyong batang si Jenson?”Si Jay ay naglalakad na palayo patun

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 5

    Sa Grand Asia Hospital.Pumunta si Jay sa monitoring room. Pagpasok pa lang niya ay binati siya ng isang binata at ibinigay ang kanyang ulat."Master Ares, pumasok na sa aming system ang impormasyon ng pasyente dalawampung minuto na ang nakalipas. Ginawa namin ang iyon iniutos at naglagay up ng isang tracker upang masundan ang taong nagbigay ng kanyang impormasyon. Gayunpaman, ang babaeng ito ay mukhang ibang-iba ang itsura kumpara sa larawan na binigay mo sa amin…"Ang mga mata ni Jay ay maiging nakatitig sa monitor. Ginalaw ng binata ang mouse at isang babaeng nakasuot ng pang-punk na istilo ang makikita sa screen.Napa-kunot ng noo si Jay at maingat na pinagmasdan ang babaeng may magandang ayos ng buhok, mga labi na pulang-pula sa kolorete at may mala-pusang eyeshadow, sinusubukang pigilan ang kakaiba niyang nararamdaman."I-zoom mo!" Biglang wika ni Jay.Lumaki ang mukha ni Rose sa monitor at ang malinaw na malinaw litrato ay nagpapakita ng isang malinaw na tanawin ng kanyang

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 6

    "Kagatin ka? Wala akong balak ilagay ang bibig ko sa anumang bagay na kasing dumi mo. ” Tinaas ni Jay ang kaniyang kilay.Tumayo siya mula sa itim na upuan at nilapitan si Rose ng paunti-unti. May pagmamalaki siyang sumilip kay Rose mula sa kanyang tangkad na 185cm na taas."So, Rose. Paano mo babayaran ang ginawa mo sa ‘kin noong nakaraang limang taon?" Masungit na tanong ni Jay.Malinaw na malinaw ang alaala ni Rose sa gabing iyon. Limang taon na ang nakakaraan, nang may kaunting dagdag na lakas ng loob mula sa alkohol, ginayuma...Ginayuma niya ang lalaking iyon, at pagkatapos ..."B-binayaran na kita!" Galit na sinubukan ni Rose na mangatuwiran sa lalaki.Kaunting bakas ng inis ang lumitaw sa dumidilim na mukha ni Jay. "Paano kung suklian kita nang sampung beses at patulugin ka kasama ng ibang lalaki, hm?" Umabot ni Jay at hinawakan ang kanyang munting baba. Ang kanyang galit ay tulad ng isang inaantok na leon, tila handang umatake sa anumang oras.Nasulyapan ni Rose ang p

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 7

    Binuhat ni Jay si Rose at itinapon siya sa ilalim ng lamesa. Hinubad niya ang kaniyang asul na kurbata at tinali ang mga kamay ni Rose sa paahan ng mesa.Pagkatapos ay kumuha siya ng isang tela mula sa mesa at itinakip ito sa bibig ni Rose.Walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang patuloy na umatake kay Jay gamit ang dalawa niyang mga binti.Sa kasamaang palad, ang kaniyang paglaban ay walang kabuluhan dahil sa malaking pagkakaib ng kanilang mga lakas.Nang mahuli ang kaniyang biktima sa kaniyang lambat, napangisi si Jay. “Rose, hindi mo na kailangan pang magsinungaling.” Malupit niyang sinipa ang maiikling mga binti ni Rose.Pansamantalang nasisiyahan, bigla niyang nilabas ang kaniyang selpon at tinawagan ang kaniyang anak na lalaki.Ang mga buhok ni Rose ay gulo-gulo, ang kaniyang mga damit ay punit-punit, at ang kanina’y puting-puti niyang mga binti ay nababalot na ng mga gasgas.Tumingin siya nang masama kay Jay at sinubukang humiyaw kahit na natatakpan ng tela ang kaniyang bibig.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 8

    Napansin ng receptionist na nurse sa mesa ang maliit na bata. Siya ay may isang magandang itim na buhok at may damit na kulay puti na may nakalagay na sandata sa kanyang dibdib, isang pares ng pantalon na kulay itim, at isang itim na maskara. Ang istilo niyang gumagamit lamang ng isang kulay ay pinapaganda ang kaniyang itsura, tulad ng isang bagay na mula sa isang larawan na pininta ng isang pintor. Naisip ng nurse na siya ay parang katulad ng isang maliit na prinsipe mula sa isang comic book. ‘Ang cute naman niya!’ "Sino‘ng hinahanap mo, bata?" Lumapit ang nurse at binati siya ng isang mainit na ngiti at kaniyang banayad na boses. "Hinahanap ko ang aking — aking tatay!" Mabilis na sinabi ng batang lalaki.'Sinasabi ni Mommy na dapat akong laging mag-ingat kapag nasa labas ako. 'Huwag sabihin sa mga hindi kakilala ang totoo, maliban sa mga opisyal ng pulisya, siyempre.'Ang maliit na lalaki ay inosenteng tumingin sa nurse, "Binibini, alam mo ba kung nasaan ang aking ama

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 9

    Pagkatapon no’n ay saka lamang napagtanto ni Jay na ang robot ay ang imahe ng isang magandang dalaga.‘Namimiss na naman ba ng batang ito ang kaniyang mommmy?’ Naiinis niyang sabi sa kaniyang isipan.“Jenson, gusto mo ba talagang makita ang iyong mommy--” Bulalas ni Jay nang hindi nag-iisip.Nalulumbay na tumayo si Jenson sa hagdan, ang kaniyang maliit na katawan ay tila nalulungkot at hindi mapakali. Lumingon siya upang tumingin kay Jay at malungkot na tumango.Itinikom ni Jay ang kaniyang mga labi. Naisip niya na siya ay maswerte’t hindi pa niya dinadala si Rose sa isang brothel. Kung ‘di, hinding-hindi siya patatawarin ng makasariling ugali ni Jenson kapag nalaman niyang kinakawawa ng kaniyang ama ang kaniyang mommy.Gayunpaman--Namimiss lamang ni Jenson ang kaniyang mommy bilang isang resulta ng maling desisyon na ginawa ni Jay.Noong nakaraang ilang taon, naniniwala si Jay na hindi pa patay si Rose ngunit ayaw na mabuhay si Jenson sa isang mundo na puno ng galit. Kaya siya ay nag

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 10

    Pagkatapos ibigay ang kaniyang mahaba at masigla niyang paliwanag, tumingin si Grayson kay Ginoong Ares nang may isang nagmamalaki at may inaasahang tingin.Nang maisip niya na pupuriin na siya ni Jay sa kaniyang katalinuhan, bigla siyang binigyan ni Jay ng tingin na puno ng patalim.“OCD? Autism?” Kalmado ang tono ni Jay ngunit tiyak na mayroong nakatagong galit dito.Nagsimulang magpawis ang noo ni Grayson.Kinagat ni Grayson ang kaniyang dila. Kahit na si Master Jenson ay isang makulit na bata, siya pa rin ay ang minamahal na anak ni Ginoong Ares. Ang nag-iisang tao na maaaring husgahan si Master Jenson ay si Ginoong Ares.Kung may sinumang maglakas-loob na pagsalitaan ng masama si Master Jenson, hinuhukay nila ang sarili nilang mga libingan.Kumalaunan, nagsalita si Jay sa isang nakatatakot na boses, “Grayson, mukhang kilalang-kilala mo si Jenson, ah. Paano kung ibigay ko na lang sa’yo ang responsibilidad ng pag-aalaga kay Jenson?”Sa sandaling sabihin iyon ni Jay, napayuko si Gray

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 11

    Sa sandaling matanggap ni Jay ang balita, binuksan niya ang homepage ng Grand Asia Hospital.Nang makita niya ang hamon, ang kaniyang mga mata ay tila kayang pumatay ng tao.“Master Robbie?” Nanliit ang mga mata ni Jay at ang kaniyang mga labi ay naging manipis. “Hehe. Naging masyadong mabait ba ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi pa rin takot ang mga taong maghukay ng sarili nilang mga libingan?”Ang silid ay tila lumamig at ang lahat ng tao na naroon ay pinigil ang kanilang paghinga. Lahat sila ay natatakot na sila ang susunod na maging biktima ng galit ng presidente.‘Masyadong mabait? Sino, si Ginoong Ares? Sino’ng magsasabi no’n,’ Sabi ni Grayson sa kaniyang isipan. ‘Lahat ng tao rito ay sumasang-ayon na siya ang muling pagkabuhay ng Hari ng Impyerno. Walang sinuman ang maglalakas-loob na hawakan kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok!’Siyempre, hindi kasama roon si Rose.Ang mapagmataas, at malamig na mga mata ni Jay ay napunta sa pagitan ni Grayson at ng monitor. “Nalama

Bab terbaru

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status