Ang pagsasama ay may kasamang paalam!Ang maikling oras ng pagsasama nila ay nagwakas sa isang dramatikong paghihiwalay.Noong paalis na sina Rose at Josephinee ng Garden of A Diary, niyakap ni Zetty ang mga binti ng kaniyang mommy, ayaw umalis. “Mommy, hindi kita hahayaang umalis.”Niyakap din ni Robbie ang baywang ng kaniyang mommy.Para naman kay Jenson, siya ay nakatayo sa gitna ng daan, hinaharangan si Rose.Pabalik-balik na naglakad si Josephine nang ilang beses bago tumingin kay Rose at sa mga bata. Nagtanong siya nang malungkot, “Aalis na rin ako, bakit walang humihiling sa ‘kin na manatili?”“Hoy, hindi ko kayo kailanman minaltrato, paano niyo nagawang tatlong walang pusong mga bata na hindi magpakita ng kalungkutan kapag aalis na ako?”Binigyan ni Rose si Jay, na nakatayo sa gilid, ng tingin ng paghingi ng tulong. Si Jay naman ay pinapanood ang buong gulo na parang isang manunuod.Wala pa ring balak si Jay na kumilos at nanatiling tahimik.Niyakap ni Rose ang kaniyang mga ana
“Pumayag ba rito ang kuya mo?”Sinabi ni Josephine, “Sa tingin ko ay may bagong pagkakaintindi ang kuya ko sa pag-ibig at hindi na masyadong hinuhusgahan si Zayne. Sabi niya na kung mahuhulog ako, dapat kong iuwi ang lalaki upang ipakita sa mga magulang namin. Hindi niya binanggit na pinagbabawalan niya akong makita si Zayne.”Nabigla si Rose. Dati ay ayaw ni Jay tuwing ang walang kwentang si Zayne ay lumalapit sa minamahal niyang nakababatang kapatid.Ano’ng nagsanhi sa kaniya na magbago ang isip?“Tapusin ko muna ang trabaho ko at hahanap ako ng oras na sumama sa ‘yo,” alok ni Rose.Natuwa si Josephine. “Ang galing mo, ate.”Umalis si Josephine pagkatapos ibaba si Rose sa nirentahan niyang bahay.Noong dumating si Rose sa pinto, nakita niya si Sean na nakasandal dito. Mukha itong hindi maayos.Hindi nila nakita ang isa’t isa sa loob ng ilang araw. Ang kaniyang mukha ay mukhang magulo, at ang kaniyang mga damit ay gusot-gusot. Dagdag dito, hindi naahit ang bigote niya, at siya ay mukh
Pagkatapos umalis ni Sean, agad na nagpadala si Rose sa kaniyang ama, si George Severe. Si George Severe ay nasa Swallow City at si Rose naman ay ginagamit ang pangalang Ange Lin.“Ang screenplay ng The Moonlit Sky ay hawak na natin. Ginoong Severe, bilisan mong pumunta sa Imperial Capital. Basta’t susundin mo ang mga sasabihin ko, hindi ka mabibigo.”Sa Swallow City.‘Di makapaniwalang nakatingin si George sa kaniyang phone.Ang screenplay ng The Moonlit Sky ay ang pinakabagong sikat na IP screenplay. Ang dalawang malalaking kumpanya sa pelikula, ang Ares Films at Bell Films, ay naglalaban dito.Ano’ng paraan ang ginamit ni Ange Lin upang makakuha ng ganoong sikat na IP script upang mahulog sa mga kamay ng Severe Enterprise?Sa sumunod na araw, umalis si George ng Swallow City noong umaga. Sinundan niya ang mga sinabi ni Ange Lin at binisita si Sean Bell.Tumingin si Sean kay Orchid at nalaman na siya ang tumawag kay George, kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, “Tito George, hindi
Makikita sa mga mata ni Jay ang kawalan ng magawa. “Kung handa kang makipagtulungan sa Ares Enterprise, kaya kong…”Hindi na maitago pa ni George ang kaniyang galit. “Hindi na kailangan. Ang kinahinatnan naming mga Severe ngayong araw ay dahil sa ‘yo.”Napakunot ang mga kilay ni Jay at ‘di siya mapakaling napatingin kay ‘Orchid’.‘Gano’n din kaya ang iniisip niya?’Si Rose ay nanatiling kalmado at walang emosyon. Siya ay hindi nagulat sa sinabi ni George.‘Ang ibig sabihin ba no’n ay sumasang-ayon siya na ang pagbagsak ng Pamilya Severe ay dahil sa ‘kin?’“Binibining Orchid, maraming salamat. Mauuna na ako.” Ang ekspresyon ni George ay nanatiling malamig noong pumasok siya sa elevator noong malapit na itong magsara.Tumitig si Jay kay Orchid gamit ang matalas niyang mga mata, umaasang mabasa ang mukhang kalmado niyang itsura. Sa kasamaang palad, siya ay dalubhasa sa pagtatago ng kaniyang mga emosyon.“Master Ares, dito po ang daan.” Nag-angat si Rose ng isang kamay at yumuko nang bahag
“Mayroon ka bang contact ni Ginoong Severe?” Makikita na siya ay nanunuri mula sa kaniyang tingin.“Nakalagay ito sa kontrata, ngunit hindi ko ‘to natandaan,” sagot ni Rose.Sabi ni Jay, “Oh, gano’n ba? Paki-pasa ng isang mensahe sa kaniya na ang Ares Films ay handang mag-invest sa pelikula. Gayunpaman, ang kikitain ay paghahatian ng 50-50.”Si Rose ay nagulat.Ang balita bang ito ay isang biyaya para sa Severe Enterprise na gipit sa pera?Tumingin sa kaniya si Rose nang may maraming katanungan sa kaniyang isipan. “Narinig ko na si Master Ares ay isang negosyante na kita lamang ang iniisip, kaya bakit mapagbigay ka sa Severe Enterprise?”Tumingin sa kaniya si Jay. Ang malamig at matalas niyang mga mata ay naging malambot noong sabihin niya, “Isipin mo na lang na may utang ako sa babae at gusto ko itong pagbayaran.”Inisip ito ni Rose at sinabi, “Sasabihin ko sa kaniya ang alok ni Master Ares.” Pagkatapos no’n, tumalikod siya upang umalis.“Orchid!” Biglang tinawag siya ni Jay.Tumaliko
Si Rose ay natuliro...Bakit may ganoon katinding galit si Zayne kay Jay?Kung gusto nilang sisihin ang pagkamatay ni Angeline kay Jay, hindi ito patas para sa lalaki.“Kalma. Hindi dapat maging makitid ang isip natin tungkol sa maliliit na bagay na ‘to kung gusto nating magtagumpay,” payo ni Rose kay Zayne.Nagdilim ang ekspresyon ni George. “Ange Lin, hindi mo naintindihan ang alitan na mayroon ang Pamilya Ares at Severe sa isa’t isa…”Mahinang sinabi ni Rose, “May kaunti akong alam.”Tumingin sa kaniya nang masama si George at sinabi nang mas malakas, “Hindi, hindi mo naintindihan.”Tumingin si Rose kay George na nag-uusok na sa galit. Siya ay nanahimik noong mapansin niya ang galit at namumulang mga mata ng kaniyang ama na madalas ay mahinhin at magiliw.Mayroon pa bang ibang nakatagong problema na hindi niya alam?“Ginoong Severe, pakiusap ay linawin mo,” nanginig ang boses ni Rose noong magsalita siya.Masakit na sinabi ni George, “Ang pagkamatay ng anak ko, si Angeline, ay may k
Umiiyak si Rose noong magsalita siya, “Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pagkatapos ng aksidente, nagising ako bilang si Rose Loyle!”Si George ay natuliro sa loob ng matagal na sandali...“Isa ‘tong kalokohan. Ang anak kong si Angeline ay namatay sa aksidente na ‘yon. Nilibing ko siya sa Mountain’s Fork Cemetery, pero sinasabi mo sa ‘kin ngayon na ikaw ang anak ko… lumilitaw sa harap ko habang nasa loob ng ibang katawan…”Kahit na ito ay hindi kapani-paniwalang nakakabaliw, hindi ganap na maitanggi ni George ang posibilidad ng pagpasok ni Angeline sa katawan ni Rose.Naalala niya noong una niyang makausap si Ange Lin na nilaro ang larong ‘nasaan ang gitnang daliri’. Naalala niya ang eksena kung saan sina Angeline at Rose ay magkahawak kamay sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.Wala siyang ibang magawa kung ‘di maniwala na ito ay isang bagay na ginawa ng kapalaran.“Rose, patunayan mo sa ‘kin na ikaw ang anak kong si Angeline.” Tumingin siya kay Rose na nakatayo nang diretso at m
Ngayon, may pinaghahatian silang tatlong mga bata. Kaya niyang pwersahin ang kaniyang sarili na lumayo kay Jay, gayunpaman, paano niya magagawang layuan ang sarili niyang laman at dugo?Naging emosyonal si George. “Para kang gamugamo na lumalapit sa apoy kapag lumapit ka sa kaniya. Hinahanap mo ang sarili mong pagkawasak.”Nanginig si Rose. “Ama, sabihin mo sa ‘kin ang dahilan kung bakit lubos mo siyang kinamumuhian. Kung ‘di, hindi ko kaya…”Inipon ni George ang lahat ng kaniyang lakas upang pwersahin ang kaniyang mga salita, “Ang aksidente ay isang farewell gift na binigay ng Pamilya Ares sa ‘yo.”“Ilang araw pagkatapos ng pagkamatay mo, nagkaroon ng balita tungkol sa kasal ni Jay. Pinapunta ka niya sa Imperial Capital ngunit magpapakasal siya sa ibang babae. Nahuhulaan mo ba ang intensyon niya?”Nanginig ang katawan ni Rose. “Ang taong gusto niya… ay hindi ako.”“Kung ‘di dahil sa mala-baliw na pag-uugali ni Zayne ng pagwawala sa bahay ng mga Ares hinihiling sa kanila na bayaran ang
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto