Noong gabing iyon, hindi umuwi si Jay.Pagkatapos patulugin ni Rose ang mga bata, bumalik siya sa kwartong hinanda ni Jay para sa kaniya. Kahit na humiga siya sa kama, hindi niya magawang makatulog.Naawa siya sa kaniyang sarili at nag-alala kay Josephine.Sa kalagitnaan ng gabi, ang pinto ng kaniyang kwarto ay biglang bumukas. Kasunod nito, si Rose ay nagulat.Noong buksan niya ang mga ilaw, nakita niya si Jenson na nakatayo sa pinto, nakatitig sa kaniya. “Mommy, pwede ba akong tumabi sa ‘yo?”Ngumiti si Rose kay Jenson at inabot ang kaniyang kamay. “Halika.”Sinara ni Jenson ang pinto sa likod niya at humiga sa tabi ni Rose.Tumingin si Rose sa orasan upang tingnan ang oras. ‘Hating-gabi na, pero gising pa rin si Jenson?’Hinimas niya ang maliit na mga tainga ni Jenson at mahinhin na nagtanong, “Pwede mo ba sabihin sa ‘kin kung bakit hindi ka makatulog?”Inayos ni Jenson ang kaniyang katawan sa kama at humiga patagilid upang tumingin kay Rose.Sa kaniyang mga mata, nakikita ni Rose a
Si Zetty ay sanay na sa pagtawag kay Jay na Tito. At saka, hindi pa binubunyag ni Jay ang kaniyang pagkakakilanlan o napagdesisyunan na makasama muli si Zetty.Mabilis na bumangon si Rose ngunit hindi nagkaroon ng sapat na oras upang takpan ang kapaguran sa kaniyang mukha.Noong kabibihis niya lamang, lumitaw si Jay sa harap ng kaniyang pinto. Ito ay nakasandal sa pintuan at nagpapakita ng isang maliit na ngiti.Naiinis na hinawakan ni Rose ang magulo niyang buhok.Sina Robbie at Zetty ay nakalimutan na isara ang pinto pagkatapos pumasok sa kaniyang kwarto upang batiin siya ng magandang umaga.“Magandang umaga, Ginoong Ares.” Nahihiyang ngumiti si Rose.Mayroong mga bakas ng pait sa kaniyang ngiti.Tumingin si Jay kay Rose. Ang kaniyang mga mata ay napaka-ganda, ngunit hindi ito sapat upang itago ang itim na mga bilog sa paligid ng mga ito. At saka, ang pag-aalala ay makikita sa kaniyang mga mata.“Hindi ka nakatulog nang maayos kagabi?” Tanong ni Jay.Alam ni Rose na hindi niya ito ma
Ang sports car ay mabilis na dumiretso sa malawak na kalsada.Paminsan-minsan, susulyap si Sean Bell sa likod upang tumingin kay Rose Loyle na nakaupo sa likod. Siya ay natutuwa kaya inasar niya ito.“Ano’ng gusto mong sabihin ko sa ‘yo? Ang lahat ng kababaihan sa Imperial Capital ay desperado na lumapit sa kaniya. At saka, maglaway sa kaniya. May pagkakataon ka na maging ang dakilang si Ginang Ares, gayunpaman, pinili mong tanggihan siya. Pwede ko bang sabihin na ikaw ay tuso, mangmang, o hangal?"“Ano’ng dakila sa pagiging Ginang Ares? Kung kailangan kong tumingin lagi sa nakasimangot na mukha na ‘yon, baka magkaroon pa ako ng sakit sa endocrine o sakit sa utak.” Si Rose ay nagkaroon ng pagnanais na maghiganti. Kung hindi niya makuha si Jay, ano pala ang nagustuhan niya sa kaniya?Hindi mapigilan ni Sean na tumawa. “Hehe.”Noong lumiko ang sports car sa Middle Ring Road ng Imperial Capital, pinaalalahanan ni Sean si Rose, “Malapit na ang kumpanya. Kung ayaw mong bigyan ka ng gulo ng
Nagsimulang tumibok ang mga ugat sa gilid ng ulo ni Sean.Nagsimulang magdagdag si Nancy sa gulo. “Ama, siya ang naghimok kay Kuya na nakawin ang screenplay at impluwensya ng Ares Enterprises, sinasadyang magsanhi ng alitan sa pagitan ng Bell Enterprise at Ares Enterprise. Sa palagay ko, siguradong isa siyang espiya na pinadala ng iba!”Isang malamig at nagbabalak na kunot ang lumitaw sa gwapo at desididong ekspresyon ni Stanley. “Guards, itali niyo siya at ipadala sa Ares Enterprises bilang paghingi ng tawad.”Nakita ni Sean na nagiging masama ang sitwasyon. Mabilis niyang hinila si Rose sa likod niya. “Ama, si Rose ay hindi isang espiya. Siya… Siya ang babaeng gusto ng anak mo!”Tumitig si Stanley kay Sean sa gulat. “Ano’ng sinabi mo?”“Ang sabi ko, siya ang kasintahan ko!” Matalas na sabi ni Sean.Sa sobrang bigla ni Nancy ay napanganga. “Baliw ka na ba, Kapatid? Naisip mo ba ang mangyayari kapag ninakaw mo ang babae ni Master Ares?”Si Stanley ay hindi makapaniwala, at sa sobrang g
Pagkatapos ng ulan, ang lamig ng tagsibol ay naglaho at sinimulan ang taglamig.Si Nancy ay nakaupo sa isang swivel chair nang may hawak na phone. Paulit-ulit niyang pinipindot ang screen, pagkatapos ay paulit-ulit niya itong pinapatay.Sa huli, naglakas-loob si Nancy at binuksan ang screen ng kaniyang phone. Nakita niya ang pangalan ni Jay Ares sa kaniyang contacts at tinawagan ito.Ang telepono ay tumunog nang matagal bago marinig ang malamig na boses ni Jay sa kabilang linya, “Ano?”Sa sobrang kaba ni Nancy ay nagsimulang pagpawisan ang kanyang mga palad. “Master Ares…. May…. Mayroon akong sasabihin sa ‘yo.”“Sabihin mo.” Si Jay ay mukhang naiinip.“Ang kuya ko at si Rose ay magkasintahan.” Kinagat ni Nancy ang kaniyang labi. Hindi siya naniniwala na hindi magiging interesado si Jay sa mensahe na ‘to.Tulad ng inaasahan niya, nilapit ni Jay ang phone at naging mas malinaw ang kaakit-akit niyang boses. Gayunpaman, naging malamig din ito. “Ano’ng sinabi mo?”Mula sa kabilang linya, na
Tumingin nang malamig si Jay kay Jean. Inabot niya ang kaniyang kamay at sinabi, “Bigay mo ‘yan sa ‘kin.”Pinasa sa kaniya ni Jean ang mga dokumento na hawak nito at mayabang na sinabi, “Pinsan, gumaganda na ang French ko. Kung hindi ka naniniwala sa ‘kin, pwede mo ako subukan!”"Dégagé!" Malamig na sabi ni Jay.Sumagot si Jean, “Alam ko ibig sabihin n’yan. Layas, hindi ba? Hindi ba’t ang ibig sabihin no’n ay ‘lumayas ka sa harap ko’?”Hindi mapigilan ni Grayson na matawa.Napagtanto ni Jean na siya ay niloloko ng kaniyang pinsan, at ang mayabang niyang ekspresyon ay biglang naglaho. “Kuya, hindi ka ba pwedeng magbahagi ng kagiliwan ni hipag sa ‘kin?”Noong banggitin niya si Rose, ang ekspresyon ni Jay ay mas nagdilim.Tumingin si Jean sa malamig na ekspresyon ng kaniyang pinsan at inasar ito. “May babae pala sa mundong ‘to na hindi mo kayang pangalagaaan. Haha, ang mga babaeng tulad ni hipag. Hindi mo kayang ikulong ang kaniyang puso, pero pwede mo siya ikandado bilang tao…”Si Jay ay
Si Rose Loyle ay nag-iisip. Pumayag si Jay na makipagtulungan sa Severe Enterprise. Gayunpaman, ang kontrata ay hindi pa napipirmahan. Paano kung umatras siya?Kailangan niyang himukin ang Severe Enterprises na gawin ito sa lalong madaling panahon.Dumating si Rose sa Eminent Honor Co. Ltd. upang hanapin si Zayne Severe. Mula sa kalayuan, nakikita niya sina Zayne at Josephine na magkalapit sa isa’t isa.“Zayne, kailan ka pupunta sa bahay ko at humingi ng basbas para sa kasal natin?” Tumingin si Josephine kay Zayne, ang kaniyang mga mata ay nagniningning sa pag-aabang.Hinawakan ni Zayne ang mukha ni Josephine at sinabi, “Kung pupunta ako sa bahay niyo at humingi ng basbas, hindi ba ako patatalsikin ng kuya mo?”Nagliwanag si Josephine. “Depende na lang ‘yon kung seryoso ka. Kung hindi ka seryoso, baka habulin ka ng kuya ko nang may hawak na pamalo!”Isang natatakot na ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Zayne. “Masyado kang protektado ng kuya mo. Hindi ba siya magsisisi kapag ikaw ay na
Binigyan niya ng hustisya si Josephine Ares.Hinawakan ni Zayne ang kaniyang ilong, tumitingin kay Rose nang masama at nag-uusok sa galit. “Rose Loyle, sa tingin mo ba ay wala akong lakas ng loob na manakit ng babae? Sinasabi ko sa ‘yo, ‘wag mo akong hamunin. Kapag nagalit ako, hindi ako nagpapakita ng awa sa sarili ko, sa ‘yo pa kaya.”Nagsalita siya nang marahas, ngunit hindi siya kumilos.Naintindihan ni Rose na si Zayne ay hindi ang klase ng tao na pagbubuhatan ng kamay ang isang babae.“‘Wag mong paglaruan ang nararamdaman ni Josephine,” muli siyang binalaan ni Rose.Sumagot si Zayne, “Si Jay Ares ay pwedeng paglaruan ang kapatid ko, pwede bawal ko paglaruan ang kaniya? Ano’ng lohika ‘yon?”Sa sobrang galit ni Rose ay sinipa niya si Zayne, pinapatumba si Zayne.“P*tcha, ‘wag kang sumobra. Kapag inatake mo ulit ako, ‘wag mo akong sisihin kapag binawian kita.”Umupo si Rose sa tabi niya, nakatingin sa kaniyang magulong itsura. “Mangako ka sa ‘kin na hindi ka na makikipagkita kay Jos
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto