Inangat ni Rose ang kaniyang mangas, pinapakita ang dalawa niyang braso na mayroong namumulang mga pantal. Sinabi niya kay Jay, “Kita mo ‘to? Ang lahat ng ‘to ay dahil sa ‘yo!”Nanliit ang mga mata ni Jay noong hawakan niya ang braso ni Rose. “Ano’ng mayroon dito?”Noong hawakan ng mga daliri ni Jay ang kaniyang kutis, nakakita si Rose ng bakas ng pag-aalala sa mga mata ni Jay.Isa ba ‘yong ilusyon?Wala siyang lakas ng loob na parusahan si Jay, ngunit sinipa pa rin niya ang pagitan ng mga binti ni Jay nang buong lakas.Hindi mapigilan ni Jay na mapaatras—“Josephine, andar,” nababaliw na sigaw ni Rose.Ang tunog ng busina ng kotse ay mahaba at malakas.Sa kabilang banda, ang mga bata ay hinabol ang kotse habang umiiyak. “Mommy, mommy, bumalik ka, pwede bang ‘wag mo kaming iwan?”Basang-basa ng luha ang mukha ni Rose noong umiyak siya sa kawalan ng pag-asa.Pinanood ni Jay ang kotse na dumiretso sa kalayuan; ang desperadong iyak ng kaniyang mga anak ay sinindihan ang nagliliyab niyang
Silang dalawa ay tumayo sa abalang kalsada habang patuloy silang maging malapit sa isa’t isa. Inakit nito ang atensyon ng lahat ng nasa paligid nila.Ipinikit ni Jay ang kaniyang mga mata, nilagay ang kaniyang kamay sa baywang ni Rose, at umabante.Silang dalawa ay magkadikit sa isa’t isa.Noong magsawa na si Rose, tinulak niya si Jay palayo.“Rose Loyle, alam mo ba kung ano ang mangyayari pagkatapos nito?” Tanong ni Jay habang hinahawakan niya ang kaniyang mga labi; siya ay lubos na nang-aakit.Napansin ni Rose ang mga tao sa paligid na nakaturo sa kaniya. “Ito pala ang babaeng gusto ni Ginoong Ares. Sila ang usapan noong nakaraang ilang araw, ah. Nagha-honeymoon ba sila?”Nakalabas ang mga cellphone at paulit-ulit na kumislap ang mga ilaw kay Jay.“Ang astig ni Ginoong Ares. Mas astig pa siya sa mga supermodel na ‘yon. Para sa babae na ‘yon na makuha ang pabor ni Ginoong Ares, naligtas ba niya ang kalawakan sa nakaraan niyang buhay?”…….Ang puso ni Rose ay nagsimulang yumanig at man
“Magkakaroon ng maling akala ang mga tao sa ‘kin,” sabi ni Rose habang kinakagat niya ang kaniyang mga labi. Kasabay nito, nagsimulang maluha ang kaniyang mga mata, nagpapakita ng isang kaawa-awang itsura sa kaniyang mukha.“Ano’ng maling akala?” Kumunot ang mga kilay ni Jay.‘Nanggaling ba siya sa kalawakan? Bakit ang lahat ng lumalabas sa kaniyang bibig ay misteryoso at nakakalito?’Ang itim at makintab na mga mata ni Rose ay tumingin nang masama sa kaniya. “Ikaw ang dahilan nito. Kung gusto mo akong mamatay, pwede mo namang sabihin sa ‘kin. Pwede akong tumalon sa gusali, tumalon sa dagat, o hiwain ang pulso ko. Libo-libo ang paraan na pwede mong ikatuwa. Bakit pinuwersa mo akong inumin ang kadiring bagay na ‘yon?”Pinreno ni Jay ang Rolls-Royce, tumitigil sa gilid ng kalsada.Tumingin si Jay sa kaniya, ang maliit na babae na may mga luha sa kaniyang mukha, at hindi malaman kung dapat ba siyang tumawa o umiyak.“Ang ibig mong sabihin ay pinainom ko ang likidong HIV sa ‘yo, binibigyan
Nag-isip nang sandali si Jay bago idagdag, “At saka, hayaan mo siyang magsagawa ng isang HIV test!”Ang mata ng doktor ay naging hindi malarawan.‘Ang presidente ay mayroong ganoon kalinis na personalidad kaya ang ganoong bagay ay kailangan ng kaniyang babae?’Tinanggihan ni Rose ang kaniyang suhestyon, “Um… Hindi ko kailangan no’n.”Tumingin si Jay kay Rose at isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha. Si Rose naman ay sobrang baba ng yuko sa puntong lulubog na siya sa lupa kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.‘Ganoon ba siyang mahiyain?’“Susuriin lang naman. At saka…” Ang tingin ni Jay ay napunta kay Josephine na nakatayo sa likod niya. “Ipa-checkup mo na rin siya.”Napatalon si Josephine. “Kuya, ano’ng ibig sabihin nito? Ang kapatid mo ay nagsasanay ng kalinisan at namumuhay na parang isang madre. Paano mo nagawang maghinala sa ‘kin?”Kumalma si Jay sa kaniyang upuan sa sandaling ibigay na niya ang kaniyang mga utos.Sa kabilang banda, sina Rose at Josephine ay sumuko na lamang.‘D
Mabilis na binuksan ni Josephine ang pinto ng Rolls Royce at umupo sa likod na parang isang isda. “Gusto ko ring summa. Namimiss ko na sina Jens, Robbie, at Zetty.”Sa kabilang banda, si Rose ay nag-aalinlangan na magtungo sa kotse.Siya ay nag-aalala na may gagawing masama sa kaniya si Jay, ngunit masyado niyang namimiss ang kaniyang mga anak.Tumingin si Jay sa dalawang babae na nakaupo sa likod at malamig na sinabi, “Ayaw kong magmaneho.”Nagkatinginan sina Josephine at Rose; iyon ay nangangahulugan na ang isa sa kanila ay kailangang tumabi sa demonyo.Pagkatapos ng isang sandali, lumabas ng kotse si Rose at sinabi, “Ako na ang magmamaneho.”Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa ang tumabi kay Jay.Tinanong siya nang malamig ni Jay, “May lisensya ka ba?”Malungkot na bumalik si Rose sa kaniyang upuan.Si Angeline ay mayroong lisensya at marunong magmaneho. Gayunpaman, siya ay hindi si Rose Loyle.Napabuntong-hininga si Josephine. “Sige, ako na ang magmamaneho.”Nagsisimula siyang m
Ang Rolls Royce ay nalalapit nang tumigil sa Garden of A Diary. Gayunpaman, lumabas si Rose ng kotse bago pa man ito ganap na tumigil.Nang makita ng mga bata ang kanilang mommy, sila ay nananabik na tumakbo sa kaniya.“Mommy, mommy!”Binuksan ni Rose nang malawak ang kaniyang mga braso at niyakap nang mahigpit ang tatlo niyang mga anak.Umiyak nang malakas si Zetty, “Mommy, miss na miss na miss na kita!”Lumitaw ang pagsisisi sa puso ni Rose.Hindi siya mapayapa sa loob noong iniwan niya ang kaniyang mga anak.Biglang nagsalita si Robbie, “Mommy, sinabi ni Daddy na may sakit ka at iyon ang dahilan kung bakit nagtatago ka mula sa ‘min. ‘Wag kang matakot, Mommy. Kahit ano pa ang mayroon ka, hindi kami magagalit sa ‘yo.”Si Rose ay nagulat noong mag-init ang kaniyang puso.Ito ay isang pakiramdam na sabay-sabay na binigay sa kaniya ni Jay at ng kanilang mga anak. Siya ay nagpapasalamat na pinanatili ni Jay ang dignidad niya sa harap ng mga bata.Sinabi ni Jenson, “Pagod si Mommy. Papasuk
Binigyan ni Robbie si Rose ng isang tasa ng mainit na tsaa. “Mommy, uminom ka.”Malambing na minasahe ni Zetty ang likod ni Rose.Si Jenson ay nakatayo sa gilid, hindi alam kung ano ang gagawin.Si Rose ay natuwa sa pagmamahal ng kaniyang mga anak at nabuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.“Mommy, dito ka na lang,” kinagat ni Jenson ang kaniyang mga labi at biglang nagsalita.Tumingin si Rose kay Jenson at tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. Inabot niya ang kamay, at nilapitan siya ni Jenson at niyakap.Noong pumasok si Jay, nakita niya ang grupo ng mag-ina na magkakasama. Kasunod nito, tumigil siya nang sandali sa paglalakad bago umakyat sa taas.Sa study, sa upuan ni Jay, makikita si Jay na nakasandal at nakatingin sa puting kisame.Ano ang dapat niyang gawin para mapanatili si Rose?Isang katok ang maririnig sa kaniyang pinto.Napatingin si Jay upang makita si Josephine na may hawak na isang tasa ng tsaa. ‘Di nagtagal, nagtanong siya, “Kuya, pwede ba akong pumasok?”Tumango
Kalaunan, sinubukan niyang gumamit ng pakikipagtalik upang hindi umalis si Rose.Napansin ni Josephine ang bumabang ekspresyon sa mukha ng kaniyang kuya ay bumuntong-hininga nang malalim. “‘Wag mong sabihin na ginawa mo ang dalawang pagkakamali na ‘yon?”Napasampal si Josepine sa kaniyang noo at sinabi bago umalis nang may malungkot na ekspresyon sa kaniyang mukha, “Kung gayon ay yari ka.”Sa labas ng bintana, makikita si Rose na nakikipaglaro sa mga bata sa hardin.Ang pagtawa ng mga bata ay maaaring marinig mula sa study ni Jay. Lumapit si Jay sa bintana, binuksan ang kurtina, at tahimik silang inobserbahan.Napapalibutan ng kaniyang mga anak, si Rose ay mayroong maliwanag na ngiti sa kaniyang mukha. Para bang wala siyang anumang kahinaan o inaalala kapag kasama niya ang kaniyang mga anak.Nagpakita si Jay ng magandang ngiti.Sa sandaling makapagluto na si Ginang Zonder ng tanghalian, dinala ng mga bata si Rose sa hapag-kainan.Si Rose ay hindi mapalagay noong tumingin siya kay Jay n