“Paano kapag ayaw ko?” Tumingin sa kaniya nang masama si Rose.Ang kamay ni Jay ay napunta sa itim niyang buhok, hinihimas ang bawat hibla na para bang tinatrato ito na isang mahalagang diyamante.Naisip ni Rose noong hinila ni Jay ang kaniyang buhok at minanhid ang kaniyang ulo. Ito ay nagsanhi sa kaniya na kabahan.Hinila nang mahina ni Jay ang kaniyang buhok, at ang peke niyang mga buhok ay walang kahirap-hirap na natanggal.Pagkatapos no’n, siya ay parang isang bata, isa-isang tinatanggal ang kaniyang mga buhok.Nag-panic si Rose dahil sa sakit. “Ginoong Ares, mamahalin ‘yang mga ‘yan…”Natatawang sumagot si Jay, “Hindi ka ba napapagod na magmakeup araw-araw habang kasama siya?”“Handa ako.” Nagbigay si Rose ng isang malinaw na sagot.“Ganoon mo siya kagusto?”Natahimik si Rose.Sa kaniyang puso, kaya siyang pasayahin ni Jay sa loob ng dalawang buhay.Dati, siya ay parang isang aso. Basta’t ngingiti at kakaway sa kaniya si Jay, tatakbo siya patungo kay Jay.Hindi niya kailanman nai
Sa basurahan ay isang mamahalin na kahon ng likido na nasa tabi ng syringe.Nang maisip ni Rose na magkakaroon siya ng kahiya-hiyang sakit na ito, siya ay napuno ng pighati.Bumalik siya sa kaniyang nirentahang bahay sa dismaya.Noong isara niya ang pinto, ang kaniyang mga emosyon ay sumabog na parang sirang dam.Umupo siya sa sahig habang bumabagsak nang malaya ang kaniyang mga luha.“Paano mo ‘to nagawa sa ‘kin?”Ang kanyang telepono ay walang pigil na tumunog. Tinanggal ito ni Rose sa kaniyang bag at nakita ang mga salitang ‘Josephine Ares’. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at sinagot ang tawag.“Hipag…”“Huwag mo akong tawaging ganiyan.”Ang kaniyang tono ay parang nagmamakaawa, at ang kaniyang paos na boses ay nagsanhi kay Josephine na matuliro.“May ginawa ba ang kuya ko sa ‘yo?”“Josephine, iiwan ko na ang tatlo kong mga anak sa ‘yo. Pakiusap ay alagaan mo silang mabuti para sa ‘kin.” Humikbi si Rose. “Saka, sabihin mo sa kuya mo na anak niya si Zetty. Sabihin mo sa kaniya n
“Sa Parket Hotel.” Pagkatapos mahanap ni Jay kung saan nakatira si Rose, pakiramdam niya ay nanggaling siya sa isang mahabang giyera. Siya ay pagod. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa upuan at pinahinga ang kaniyang mga mata.Patagong tumingin si Josephine kay Jay gamit ang salamin. Sa sandaling ‘yon, ang kaniyang puso ay nagkakagulo. Ang kaniyang hipag ay naglakas-loob na kalabanin ang Pamilya Ares. Ayon sa kung paano pinangalagaan ng kaniyang kuya ang ganitong klase ng bagay dati, siguradong pahihirapan niya si Rose.Dapat ba siyang magmakaawa para sa kaniyang hipag?“Kuya, noong makipagtulungan si hipag sa Bell Enterprises para nakawin ang negosyo ng Ares Enterprises, sa tingin ko ay hinahawakan niya ang kayamanan ni Jean. Walang lakas ng loob si hipag na hawakan ang mahahalaga sa ‘yo…”Binuksan ni Jay ang kaniyang mga mata. Ang matigas niyang mga mata ay biglang nagliwanag muli.Gano’n ba talaga ang iniisip niya?Ang matamlay niyang itsura ay nagliwanang nang bahagya.“Tumigil ka ng
Hinawakan ni Rose ang kamay ni Jay at nilagay ito sa kaniyang mukha.Ang mga mata ni Josephine ay nanlaki noong tumingin siya kay Jay nang may sindak sa kaniyang mga mata.Kung kaya itong tiisin ngayon ng kaniyang kuya, kakainin ni Josephine ang kaniyang paa para sa almusal.Si Jay ay hindi nagalit. Sa halip, binigay niya kay Rose ang iba pa niyang mga daliri, hinahawakan ang pulang-pula niyang mukha.Malambing na tanong ni Jay, “Alam mo ba kung kaninong kamay ‘to?”“Alam ko,” bulong ni Rose.“Jaybie.”Napasigaw si Josephine, “Ah!”Tinakpan niya ang kaniyang bibig at tumingin kay Jay, nasisindak.Ito ang pinagbabawal na palayaw ni Jay.Mayroong isang babae na ganoon ang tawag sa kaniya dati. Sa huli, ang kaniyang reputasyon ay lubos na sinira ng kaniyang kuya at siya ay namatay.Si. Rose. Loyle. Ay. Yari.Gayunpaman, ang malamig na mga mata ni Jay ay naging mainit. Isang malambing na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha.“Rose, sumama ka sa ‘kin pauwi,” malambing na sabi ni Jay.Nang bi
“Pinainom niya ako ng liquid HIV. Lumayo ka para hindi kita mahawaan,” sabi ni Rose.Namutla ang mukha ni Josephine. “Hipag, hindi ka naman nagsisinungaling sa ‘kin, hindi ba? Sinukahan mo ako kahapon. Nakitulog din ako sa tabi mo.”“Bakit ako magsisinungaling sa ‘yo? Ang g*go mong kuya ay sumosobra na. Kung ayaw niya sa ‘kin, pwede naman niya akong patayin na lang. Bakit pa siya gumagawa ng ganoong walang hiyang pamamaraan?”Kapag mas nagsasalita si Rose, mas nagagalit at nalulungkot siya. Ang kaniyang mga luha ay hindi kailanman tumigil sa pagbuhos. “Ngayong may ganitong klase na ako ng sakit, kahit mamatay ako ay walang maglilibing ng bangkay ko. Sa wakas ay nakita ko na ang kasamaan at karahasan niya.”Natuliro si Josephine.Nang makita niya si Rose na magkwento nang may taos-pusong tono at narinig ang nakakayanig-puso niyang mga hikbi, mukhang hindi naman ito kasinungalingan. Kaya, napaiyak din si Josephine.“Parusa nga ito ng kalangitan. Gustong maghiganti sa ‘yo ng kuya ko, ngay
Isang ngiti ang lumitaw sa mga mata ni Jay.Ang mga bata ay mabilis na tumawid ng kalsada sa pananabik.Gayunpaman, ang bintana ay mabilis na nagsara.Nagdilim ang ekspresyon ni Jay...Napagdesisyunan niyang magpunta sa Garden of A Diary pero ayaw makita ang kaniyang mga anak, ano’ng ibig niyang sabihin dito?Lumapit si Jay nang may madilim na ekspresyon sa kaniyang mukha.Ang mga bata ay kumakatok sa kotse habang umiiyak.“Mommy…”“Mommy, bakit ayaw mong lumabas?”“Mommy, miss na kita…”Sina Zetty at Robbie ay halos wala nang hininga mula sa patuloy na paghiyaw at pag-iyak.Si Jenson ay tumayo sa gilid, habang ang maganda niyang mga mata ay puno ng mga luha.Tinakpan ni Rose ang kaniyang mukha at umiyak. “Nagsisisi na ako. Josephine, hindi dapat tayo pumunta rito.”Umiyak si Josephine kasama siya. “Ate, hindi mo ‘yon kasalanan.”“Josephine, tara na,” sabi ni Rose, ayaw magtagal nang kahit isa pang sandali.Ang tunog ng pag-iyak ng kaniyang mga anak ay winasak siya.Pinatakbo ni Joseph
Inangat ni Rose ang kaniyang mangas, pinapakita ang dalawa niyang braso na mayroong namumulang mga pantal. Sinabi niya kay Jay, “Kita mo ‘to? Ang lahat ng ‘to ay dahil sa ‘yo!”Nanliit ang mga mata ni Jay noong hawakan niya ang braso ni Rose. “Ano’ng mayroon dito?”Noong hawakan ng mga daliri ni Jay ang kaniyang kutis, nakakita si Rose ng bakas ng pag-aalala sa mga mata ni Jay.Isa ba ‘yong ilusyon?Wala siyang lakas ng loob na parusahan si Jay, ngunit sinipa pa rin niya ang pagitan ng mga binti ni Jay nang buong lakas.Hindi mapigilan ni Jay na mapaatras—“Josephine, andar,” nababaliw na sigaw ni Rose.Ang tunog ng busina ng kotse ay mahaba at malakas.Sa kabilang banda, ang mga bata ay hinabol ang kotse habang umiiyak. “Mommy, mommy, bumalik ka, pwede bang ‘wag mo kaming iwan?”Basang-basa ng luha ang mukha ni Rose noong umiyak siya sa kawalan ng pag-asa.Pinanood ni Jay ang kotse na dumiretso sa kalayuan; ang desperadong iyak ng kaniyang mga anak ay sinindihan ang nagliliyab niyang
Silang dalawa ay tumayo sa abalang kalsada habang patuloy silang maging malapit sa isa’t isa. Inakit nito ang atensyon ng lahat ng nasa paligid nila.Ipinikit ni Jay ang kaniyang mga mata, nilagay ang kaniyang kamay sa baywang ni Rose, at umabante.Silang dalawa ay magkadikit sa isa’t isa.Noong magsawa na si Rose, tinulak niya si Jay palayo.“Rose Loyle, alam mo ba kung ano ang mangyayari pagkatapos nito?” Tanong ni Jay habang hinahawakan niya ang kaniyang mga labi; siya ay lubos na nang-aakit.Napansin ni Rose ang mga tao sa paligid na nakaturo sa kaniya. “Ito pala ang babaeng gusto ni Ginoong Ares. Sila ang usapan noong nakaraang ilang araw, ah. Nagha-honeymoon ba sila?”Nakalabas ang mga cellphone at paulit-ulit na kumislap ang mga ilaw kay Jay.“Ang astig ni Ginoong Ares. Mas astig pa siya sa mga supermodel na ‘yon. Para sa babae na ‘yon na makuha ang pabor ni Ginoong Ares, naligtas ba niya ang kalawakan sa nakaraan niyang buhay?”…….Ang puso ni Rose ay nagsimulang yumanig at man