Na parang natamaan ng kidlat, si Rose ay nagliyab sa labas ngunit nanlambot sa loob.Kung hindi siya nagpanggap na isang lalaki, hindi niya kailanman malalaman na si Jay ay mayroong ganitong panlasa.“Ano’ng pangalan mo?” Ang mga mata ni Jay ay napatingin sa kaniyang mga hikaw, at isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga mata.“Ange Lin.”“Ange Lin?” ‘Angeline?’Mas lumaki ang ngiti ni Jay. “Gandang pangalan.”Pagkatapos no’n, ang malakas niyang kamay ay pwersahang pinisil ang kaniyang baba. “Sabihin mo sa ‘kin, ano’ng kailangan mo kay Jean Ares?”Si Rose ay napilitan na tumingin sa kaniya. Nakita niya ang galit sa mga mata ng lalaki, si Rose ay nanginig sa takot.“Gusto ko sanang hiramin ang kasalukuyang sikat na artista ng Celestial Films, si Flora—” Si Rose ay hindi pa tapos sa kaniyang pangungusap bago siya pigilan ng naiinip na boses ni Jay.“Eh ‘di, tayo na lang ang gumawa. Ano sa tingin mo?”Namula si Rose sa mga salita niya na iyon. ‘Pwede bang mag-ingat ang lalaking ‘to sa kani
Dahan-dahang pinikit ni Rose ang kaniyang mga mata.Ayaw na niyang buksan ang mga ito. Nararamdaman na lamang niya ang kakaibang bilang ng sarap na binibigay sa kaniya ni Jay.Siya ay magiliw na para bang siya ay may kaharap na isang babasagin na porselanang manika. Gayunpaman, ang madalas na kawalan ng kontrol ay nagsanhi sa kaniya na masobrahan, at sa huli, hindi na niya magawang tiisin ang pagod. Siya ay inantok at nakatulog.Sa oras na siya ay nagising, pakiramdam niya ay wasak na ang kaniyang katawan.Siya ay nagbato ng ‘di mabilang na sumpa kay Jay sa sandaling ito. Ninais niyang dalhin siya sa labas at bugbugin siya.Gaano katagal ang kailangan niyang pahinga bago niya magawang lumabas at magtrabaho?Mukhang bukang-liwayway na sa labas ng bintana.Inabot si Rose ng matinding paghihirap upang makabangon. Ang mahinang hangin ay nagdala ng sariwang pakiramdam sa kaniyang katawan, at doon niya napagtanto na siya ay walang kasuotan. Ang mukha ni Rose ay agad na nagbago.Tiyak na nala
“Nakikilala mo ako?” Hinawakan ni Rose ang kaniyang buhok at nagpigil ng luha.Pinaputol pa niya ang maganda niyang buhok para matagumpay na iwasan si Jay. Ngunit, isang araw pa lang ang nakakalipas bago siya nito matuklasan?Siya ay mayroong makapal na makeup at mayroong labis-labis na hairstyle upang maloko siya nang matagal.Hay, nabigo na naman.“Paano mo ako nakilala?” Sinubukan siyang tanungin nang maingat ni Rose, para malaman ang kaniyang pagkabigo at upang mas protektahan ang kaniyang sarili sa susunod.Inangat ni Jay ang kaniyang kamay at kinurot ang kaniyang manipis na tainga. Sa ilalim ng liwanag na nanggagaling sa bintana, ang kaniyang magandang tainga ay nagliliwanag. “Rose Loyle, ‘wag mo na subukang tumakas ulit. Natatandaan ko ang bawat marka na mayroon ka sa katawan mo. Kahit na maging abo ka pa, makikilala pa rin kita!”Si Rose ay nanghahamon. “Gusto mo bang subukan ang teorya na ‘yon?”Ang ngiti ni Jay ay nagmukhang mahina noong tumingin siya sa ‘di mapakali at makul
Kapag nalaman ni Jay na patago niya itong hinawakan, hindi kaya siya mamamatay sa kahihiyan?Hinila niya nang malakas ang kaniyang kamay, ngunit pumulupot sa kaniya si Jay at niyakap siya. Ang baba ni Jay ay pumatong sa kaniyang noo.Ang pagkilos na ‘to ay nakikita lamang sa mga magkasintahan, hindi ba?Hindi naglakas-loob si Rose na gumalaw.“Nagugutom ka ba?” Ang tono ng kaniyang boses dahil sa paggising ay lubos na matamlay. Ito ay nakakaakit.Tanghali na. Sa sobrang gutom ni Rose ay makakakain siya ng isang kabayo.Gayunpaman, siya ay naaadik sa yakap ni Jay at ayaw na bumangon.Kaya, umiling siya. “Hindi ako nagugutom.”Ang magiliw at masarap na sandali na iyon ay kalaunang winasak ng isang biglaang pagsipol na ginagawa ni Jean Ares. Si Jean ay nagagalit na kumakatok sa pinto sa baba.“Jay Ares, lumabas ka kung nasaan ka man!”Napatayo si Rose sa gulat at mabilis na sinuot ang kaniyang camisole dress.Marahan na bumangon si Jay at hinila siya pabalik sa kama. “Pwede kang magpatulo
Tumingin nang masama si Jay kay Jean, hinihiwa siya nang milyong beses gamit ang kaniyang tingin.Sinuot muli ni Jean ang kaniyang basang damit. “Sige na, sige na. Tinanggal ko lang naman ang damit ko. Hindi naman kita pinagsasamantalahan, bakit ang sama ng tingin mo?”“Bakit ka narito?” Tanong ni Jay bago maglakad patungo sa kusina.Na parang buntot ni Jay, sinundan siya ni Jean saanman siya magpunta. “Alam na alam mo kung bakit ako narito. Kamag-anak mo ako, pero nagpunta ka sa teritoryo ko para nakawin ng lalaki ko?”Pinapanood si Jean na isara ang pinto sa likod niya, bumalik si Jean upang buksan muli ang pinto ng kusina para marinig ng babae ang usapan ng dalawang magpinsan.Nagsimulang magsalita si Jean, “‘Wag kang magpanggap na walang nangyari. Pagkatapos mo akong patulugin kagabi, kinuha mo si Ange. Kahit ang mga tao ilang palapag ang layo ay naririnig ang mga ungol ni Ange. Sabihin mo sa ‘kin. Ano’ng ginawa mo sa kaniya?”Nakatayo sa harap ng lababo, sumagot si Jay sa isang ka
“Paano mo nagawang maging bastos sa ate mo, Jean Ares?” Naiinis na tanong ni Rose.Nakagugulat na ngumiti si Jean. “Oh? Ang bait mo namang tao, pinaglalaban ang aking kaawa-awang hipag? Hindi ko naman siya sinasadyang insultuhin. Si Jay mismo ang nagsabi sa ‘kin kung gaano kagaspang at ignorante ang aking hipag. Siya ay isang mababaw at walang nalalaman na probinsyana. Hindi ba, Jay?”Ang nag-aasam na tingin ni Rose ay napunta kay Jay noong titigan niya ito nang may malaking mga mata.Tumitig si Jean sa kaniyang pinsan, hinihintay si Jay na tulungan siya.Kaswal na sumagot si Jay, “Ang hipag mo ay mabait, maganda, at masayang kasama mabuhay. Hindi ko kasalanan na masyado kang masama na magsabi ng maganda tungkol sa ibang tao.”Walang masabi si Jean.Wala ring masabi si Rose.Kinalikot ni Jean ang kaniyang mga tainga. “Pasensya na, ano ulit? Hindi ‘yan ang sinabi mo dati, Jay. Sigurado ako na tinawag mo ang ate ko na isang ordinaryong tao at malapit sa linya na ang dahilan kung bakit mo
Nalungkot si Rose.Dahil kay Jean, alam na niya na ang lahat ng nasa Pamilya Ares ay iniisip siya bilang isang tanga.Dahil do’n, ang ‘tanga’ na ito ay nagnais na may gawing napakahusay na pasasabugin ang isipan ng mayayabang na mga taong ‘to.Ang kaniyang mga mata ay nag-aalab sa kahihiyan nang makita ang kadena sa kama.Ayaw na niyang manatili pa sa lugar na ‘tong iniwan na ng Diyos.‘Kung sa tingin ni Ginoong Ares ay kaya niya akong ikulong dito, maaari lang siyang managinip.’Binuksan ni Rose ang bintana at nakita na ang distansya sa pagitan ng ikalawang palapag at ng lupa ay halos limang metro.Tinatali ang isang dulo ng bakal na kadena sa kaniyang sarili at ang kabilang dulo sa bintana, bumaba si Rose sa pader sa labas na para bang siya ay si Spider-man.Sa sala sa unang palapag.Nagulat at walang masabi sa mga salita ni Jay, nakakita si Jean ng isang malaking anino.“Spider-man?” Hiyaw ni Jean habang nakatitig kay Rose sa salamin na bintana.Habang nakatalikod sa salamin na bint
Napahiyaw si Jean, “Paano ito nagkataon lang? Isipin mo. Sa lahat ng oras na pwedeng tumakas si Ate, ngayon niya napagdesisyunan na tumakbo. Siguro ay pinagplanuhan niya ito kasama si Sean Bell para masundo siya nito mula rito. Mali ba ako?”Naiinis na tumingin nang masama sa kaniya si Jay. “Tumahimik ka bago kita mapatay.”Sumagot lamang si Jean sa isang ‘di natutuwang tono, “Ayos lang ‘yan. Ano naman kung umalis si Ate? Narito pa naman ako, hindi ba? ‘Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihian tungkol sa iskandalo na ‘to. Gano’n, basta’t ibabalik mo si Ange sa ‘kin.”Nagliyab ang galit sa mga mata ni Jean habang pinapanood niya ang kotse ni Sean Bell na maglaho mula sa kaniyang paningin.Pagkatapos magpatakbo ng 120 mph sa buong daan, naglakas-loob lamang si Sean an iparke ang kaniyang sportscar sa tabi ng kalsada pagkatapos masiguro na walang nakasunod sa kanila.“Hindi ugali ni Ginoong Ares na hindi tayo sundan.” Nag-isip si Sean.Si Rose, gayunpaman, ay hindi sumang-ayon, dahil
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto