“Iyon ay marahil dahil sa pagpapabaya ko kagabi. Ang paparazzi ay nagawa akong pagsamantalahan.” Nabalot ng lamig ang gwapong mukha ni Jay.Sa mukha ni Grand Old Master Ares na puno ng paghihirap ay lumitaw ang isang matalas na tingin na kayang basahin ang kahit kaunting mga pagbabago. “Jay, maraming taon na ka nang nabubuhay nang tahimik. Ang paparazzi sa Imperial Capital ay walang awtoridad, o kahit kapangyarihan. Sino’ng maglalakas-loob na apakan ang mga paa mo?”“Naintindihan ko, Lolo.” Ang mga mata ni Jay ay puno ng kadiliman. “Ilalabas ko rin ang katotohanan tungkol dito.”“Nakakainis na talaga ang paparazzi, ngunit bilang isang Ares, dapat kang maging maingat sa iyong mga salita at kilos. ‘Wag mong bigyan ang mga uod na ‘yon ng pagkakataong saktan ka,” nagpatuloy si Grand Old Master Ares.“Narinig ko mula sa iyong ina na umalis na si Rose sa Garden of A Diary?”“Opo,” nagsisising sabi ni Jay.Tumingin si Grand Old Master Ares sa hindi tagong naiinis na ekspresyon ng kaniyang apo
Ang ngiti sa mga sulok ng mga mata ni Grand Old Master Ares ay nanigas. “Hindi ka na nag-aalinlangan na makipag-away sa lolo mo dahil sa kaniya. Para bang nababaliw at nabubulag ka na ng pag-ibig. Dapat pa ba kitang hayaan na pakasalan siya?”Emosyonal na sumagot sa kaniya si Jay, “Lolo, hindi sa nababaliw na ako sa pag-ibig. Hindi ko lang talaga magawang bayaran ang lahat ng bait at pabor na binigay niya sa ‘kin.”Napakunot ang mga kilay ni Grand Old Master Ares sa pagdududa. Iisang babae lang ba ang pinag-uusapan nila?“Sa isang pitik ng daliri, marami ang mga babae sa Imperial Capital na magiging mabait sa ‘yo,” bahagyang naiinis na sinabi ni Grand Old Master Ares.Umiling si Jay. “Hindi. Walang babaeng katulad niya na mamahalin ako nang kasing laki ng karagatan.”Si Grand Old Master Ares ay mas nalito. Naaalala niya na sinabi na ni Jay ang pangungusap na ‘to dati, ngunit ang taong pinag-uusapan nila noong oras na iyon ay hindi si Rose. “Siya ba ay mas maganda kaysa sa iyong Angelin
Noong bumukas ang pinto ng VIP room, ang mga taong naghihintay sa labas ng pinto ay agad silang pinalibutan. Ang mga mata ng lahat ay nakatingin sa ekspresyon nina Grand Old Master Ares at Jay.Sa kasamaang palad, sina Grand Old Master Ares at Jay ay dalubhasa sa pagtatago ng kanilang mga emosyon. Ang kanilang mga ekspresyon ay tulad ng kadalasan—malamig at seryoso. Para bang walang nangyari sa pagitan nila.Ang mga mata ni Grand Old Master Ares ay napasulyap patungo sa kwarto ni Zetty. Pagkatapos no’n, sinabi niya kay Jay, “Dahil wala rito ang kaniyang ina, kailangan mo munang magtiis sa loob ng ilang araw. Sa sandaling makaalis na ang bata sa ospital, dalhin mo siya sa Tourmaline Estate para maglaro. Dalhin mo na rin sina Jens at Robbie. Namimiss ko na sila. Pagsama-samahin natin silang lahat.”Tumango si Jay. “Opo, Lolo.”Ang lahat ay lubos na nagtataka sa eksena na ‘yon. Hindi lamang hindi na nag-aaway ang mag-lolo, ngunit sila ay hindi rin nila inaasahan na magkabati.Bumulong si
Gayunpaman, ang batang ito ay hindi sinasamahan ng kaniyang pamilya. Kaya, ang bagay na ito ay bahagyang kahina-hinala para sa massage therapist.Nais malaman ni Jay kung ano’ng klase ng Daddy ang gusto ni Zetty sa kaniyang puso. Kaya, ang mahaba niyang mga binting lalabas na sana ay agad na bumalik.Yumuko si Zetty at bumulong, “Narito si Daddy kanina, pero lumabas siya ulit.”“Ah.” Tumigil ang therapist sa pagtatanong. Hindi nakakagulat para sa kaniya na ang bata ay mayroong pabayang mga magulang.Gayunpaman, ang lalaki sa likod ng kurtina ay nagulat sa sagot ni Zetty.Malinaw na alam ni Zetty na siya ang kaniyang ama, hindi ba?Bakit tinatawag pa rin siya nitong Tito?“Zetty, ang ganda-ganda mo at nakakatuwa. Mahal na mahal ka siguro nina Mommy at Daddy,” nakipag-usap ang therapist kay Zetty. Ito ay upang ilayo ang bata sa pagkabalisa, at naisip niya rin na cute talaga si Zetty.“Mahal ako ni Mommy, pero hindi ako mahal ni Daddy,” walang emosyon na sagot ni Zetty.Napabuntong-hining
Nang matitigan nang ganoon karaming tito at tita, si Zetty ay bahagyang nahihiya. Nahihiya niyang binaon ang kaniyang ulo sa dibdib ni Jay. Pagkatapos no’n, binuksan niya ang isa niyang mata at tumingin sa paligid ng hindi pamilyar na lugar.Ang nahihiya niyang kilos at nagsanhi kay Jay na mapangiti. “Nahihiya ka ba?”Niyakap ni Zetty ang kaniyang leeg at mahinang tinanong, “Tito, bakit nila ako tinitingnan?”Tumingin si Jay sa paligid nang may matigas na tingin, at ang mga tauhan ay agad na bumalik sa kanilang mga ginagawa.Sinabi ni Jay kay Zetty, “Siguro kasi masyado kang cute.”Napatitig si Zetty kay Jay.“Bakit?” Tanong sa kaniya ni Jay.“Tito, ito ang unang beses na pinuri mo si Zetty.” Hindi maitago ni Zetty ang gulat sa kaniyang mga mata.Napakunot ang kilay ni Jay. “Gano’n ba?”Sa sandaling iyon, ninais niyang kalimutan ang lahat ng alaala niya ng pagiging walang paki kay Zetty dati.“Tatandaan ko nang palagi kang purihin mula ngayon at hindi ko na susubukang pigilan ang mga p
Umupo si Grayson sa harap ng mag-ama.Napansin ni Zetty si Grayson at agad na sinabi nang malambing, “Magandang araw sa ‘yo, Tito.”Sa sobrang bigla ni Grayson ay muntik nang bumagsak sa sahig ang kaniyang panga. ‘Ano ito… Marahil sa wakas ay nagbago na ang lahi ng Pamilya Ares?’Ang malamig at nangingibabaw na lahi na hindi malapitan sa wakas ay naging makatao na.“Zetty, lumaki ka ba nang kumakain ng matatamis? Bakit ang lambing-lambing mo?” Si Grayson ay lubos na natutuwa kay Zetty sa puntong hindi niya mapigilan na umabot at hawakan ang buhok ni Zetty.Ang masamang tingin ni Jay ay tumusok sa kamay ni Grayson.“Ilayo mo ‘yan, marumi ang mga kamay mo.”Nakaramdam si Grayson ng kutsilyo!“Kahuhugas ko lang ng mga kamay ko, Ginoong Ares.”“Lumayo ka sa Baby Zetty ko.”Tumingin si Zetty sa agresibong si Jay at sa kaawa-awang si Grayson. Nang bigla, umabot siya at nilagay ang kamay ni Grayson sa kaniyang ulo.Walang masabi si Jay, ‘Ginagawa na naman ba niya ‘yon para labanan siya?’Wala
Sa Swallow City, sa patyo ng Pamilya Severe.Ang istilo ng arkitektura ay pinaglapit-lapit ang mga bahay sa isa’t isa. Ang sinaunang puno ay umaabot sa langit habang ang mga baging ay gumagapang sa itim na mga hawakan na mayroong bakal at bato. Ang bougainvillea flowering season ay ramdam na ramdam na, at sa abot ng nakikita ng mga mata, ang pulang mga bulaklak ay tinatangay ng hangin.Maliban sa mga bougainvillea na mga flower belt, ang patyo ay napupuno ng hangin ng taglagas. Ang mga nahulog na dahon ay nalanta na, at ang mga dilaw na dahon sa lupa ay nagbibigay ng nasisirang hangin.Ang Pamilya Severe ay dating napakaganda—tulad ng tanawin sa patyo na ‘to. Mula sa kanilang makulay na estado patungo sa kawalan ng sigla, ang tanawin na ito ay magsasanhi sa mga tao na mapabuntong-hininga.Sa labas ng mabigat na gate ay mayroong isang maganda at nakakaakit na batang lalaki. Siya ay mayroong hugis almond na mga mata at kulay trigo na kutis. Mayroong isang nunal sa sulok ng kaniyang labi,
Nakatulalang tumitig sa kaniya si Rose. Ito ba ang parehong gwapong ama na kaniyang naaalala?Pagkatapos siyang hindi makita sa loob ng ilang taon, siya ay tumanda na. Siya ay wala pa sa 60 taong gulang, pero siya ay mukha nang 70 taong gulang na.Naglakad si George patungo sa leather na sofa at marahan na umupo. Tinuro niya ang sofa sa kabilang gilid at sinabi kay Rose, “Halika’t umupo.”Pinili na lamang ni Rose na umupo sa sofa sa tabi niya, na pinakamalapit sa upuan ni George.Inutusan ni George si Anne, “Magdala ka nga ng inumin para sa ating mga bisita.”Sumingasing nang malamig si Anne. “Mahal, wala tayong maibibigay sa bisita dito sa bahay.”Agad na sinabi ni Rose, “Ayos na po ang tubig.”Kaya, umalis si anne upang magdala ng baso ng tubig kay Rose habang siya ay nagsasalita nang walang pigil, “Kung ‘di dahil sa mga anak ko, hindi man lang namin magagawang magbayad para sa tubig. Hmph. Nasaan na ba ang minamahal na mga anak ng Pamilya Severe? Paano silang ‘di maaasahan sa ganito