“Seryoso ka ba?” Tumitig si Rose kay Jay.‘Sa tingin ba ng lalaki na ito ay kayang gawin ng Grand Asia ang lahat ng gusto nila sa Imperial Capital?’Tumango nang seryoso si Jay.Walang magawa si Rose. “Ginoong Ares, bahay ‘to ni Sean. Nangungupahan lamang ako, at ikaw ay daddy lamang ng anak ko at isang bisita. Ano ang karapatan mo na magdikta ng pagbabago sa bahay na ‘to?”Tumingin nang masama si Jay kay Rose. Kailan pa siya naging ganoong walang bahala?Napagtanto ni Rose kung sino ang kausap niya noong makita niya na maging delikado ang tingin ni Jay.Tinago niya ang kaniyang mga pangil at nagpakita ng isang ngiti sa kaniyang mukha.Tinanggal ni Jay ang kumot at umalis ng kama. Ang gwapo niyang mukha ay nanatiling mayroong ‘di natutuwang ekspresyon.Si Rose ay walang magawa sa pabago-bagong mood ni Jay. Ang magagawa niya lamang ay magpakumbaba upang sundin ang mga kagustuhan ni Jay. “Sige, wala akong problema kung gusto mong baguhin ang bahay, pero umaasa ako na makukuha mo muna ang
Nanliit ang mga mata ni Grayson. “Mukhang tayo ang malulugi kahit saang anggulo ko ‘to tingnan, sir.”Alam niya na ang mga presyo ng mga lupain sa Cloudy Dreams ay ilang milyon lamang.Samantala, ang investment sa gagawing pelikula ni Sean Bell ay nagkakahalaga ng mga bilyon.Nagbato si Jay ng matigas na tingin kay Grayson. “Kinukuwestyon mo ba ang desisyon ko?”Pinunasan ni Grayson ang malalalamig na mga pawis sa kaniyang noo. “Gagawin ko na ‘to ngayon.”Hindi ito maintindihan ni Grayson noong siya ay naglakad palayo. “Hindi ko kailanman na laman na handa siyang malugi sa isang investment,” bulong niya sa kaniyang sarili.Tinawagan ni Grayson si Sean at sinabi rito ang alok ni Ginoong ares. Akala niya ay mabilis na papayag si Sean, ngunit agad na nagprotesta si Sean noong marinig niya ang alok. “Ano’ng ibig niyang saihin? Mayroon ba siyang reklamo sa pagpaparenta ko sa Cloudy Dreams kay Rose Loyle?”Sa wakas ay naintindihan na ni Grayson ang dahilan sa likod ng ‘pangit’ na desisyon n
Pagkatapos ibaba ni Jay ang tawag ay hinawakan ni Sean ang kaniyang noo.Kaswal na pumasok si Nancy sa opisina. Tinatamad na tumingala si Sean at tumingin sa kaniyang kapatid na mula sa ibang ina.“Narinig ko na ang mga value ng price ay naabot na ang mababang limit?” Naghalukipkip si Nancy sa harap niya noong dumating ito sa harap ng mesa ni Sean.Umayos ng tindig si Sean at tumango sa kaniya.Ang mga sulok ng labi ni Nancy ay nangungutyang umangat. “Isang matapang na kilos para sa bagong presidente ng ating kumpanya, kuya ko.”Tumingin nang masama si Sean kay Nancy. “Narinig ko na ilang taon mo nang pinepeste si Ginoong Ares?”Ang nangingibabaw na ekspresyon ni Nancy ay biglang nagbago. “Wala kang pake do’n,” sabi niya.Ngumiti si Sean nang makita niyang galit si Nancy. “Hindi mo ba alam? Binili ni Ginoong Ares ang Cloudy Dreams mula sa ‘kin kanina. Alam mo ba ang dahilan sa likod no’n?”Nagulat si Nancy. “Bakit niya binili ang Cloudy Dreams? Hindi ba’t mayroon lamang ‘yong mga bahay
“Ano’ng balak mong gawin?” Tanong ni Rose.Gusto niyang malaman kung may layunin ba si Jay sa pagbili ng bahay mula kay Sean.Si Jay ay walang masabi. Ano naman kung si Jay ang nagmamay-ari ng lupa na ‘yon? Ang gusto niya lang naman ay ang manirahan si Rose nang bahagyang mas komportable.“Wala akong binabalak,” sabi niya.Si Rose ay nalito. Ang lalaking ‘to ay palaging mayroong malinaw na layunin sa kaniyang mga investment at kailanman ay hindi gagawa ng mga bagay na may kaakibat na panganib, kaya ano ang tunay niyang dahilan sa pagbili ng bahay?Napakunot ang mga kilay ni Jay noong tumingin siya sa pagod na babae.“Saan ka nanggaling?” Malamig niyang tanong.Nainis si Rose. “Hindi ako lalabas kung ang Kamahalan ay hindi inutos sa ‘kin na kumuha ng bagong kama at higaan para sa kaniya.”Si Jay ay nagulat. “Nagtungo ka sa bilihan?”“Bakit hindi ka na lang bumili online?” Sabi niya, tila hindi natutuwa.Napa-upo si Rose sa sofa. Inalog niya ang pagod niyang mga paa.Ang kaniyang pagigin
Patuloy na tumatakbo ang oras sa orasan.Halos oras na para sunduin ang mga bata mula sa kindergarten.Tumingin si Jay kay Rose na nakasandal sa sofa. Siya ay tahimik na tumayo at naglakad patungo sa pinto. “Susunduin ko ang mga bata.”Tumingin sa kaniya si Rose nang may matinding pasasalamat. “Maraming salamat!” Pakiramdam ni Rose ay tinatamad siyang gumalaw buong araw.Nakatanggap si Rose ng tawag mula kay Sean ‘di katagalan pagkatapos umalis ni Jay.“Libre ka ba ngayon, Rose? Gusto sana kita kausapin.”Naglakad si Rose patungo sa malaking bintana sa sala. Hinila niya sa gilid ang mga kurtina at nakita ang Ferrari ni Sean sa labas, nakaparke sa gilid ng kalsada.“Sige, pupunta ako d’yan,” binaba ni Rose ang linya at sandaling natulala.Mayroon siyang dahilan sa paglapit kay Sean. Ang kaniyang konsensya ay nagsasanhi sa kaniya na hindi mapakali.Tapos na sa pagkabit ng kama ang taga-kabit. Siya ay magalang na nagpaalam kay Rose. “Ayos na ang kama, binibini. Kung may problema ka man dit
Nagtira sina Robbie at Jens ng kanilang spaghetti at nilagay ito sa plato ni Zetty.Napansin ito ni Jay at pinagalitan sila. “‘Wag niyo siyang kunsintihin.”Ang magagawa lamang nina Robbie at Jens ay ang ibalik ang kanilang mga spaghetti sa kanilang mga plato.“Hmph!” ‘Di natutuwang sumingasing si Zetty. Tumakbo siya sa kaniyang kwarto at kinalabog ang pinto.Ang biglaang malakas na ingay ay nagsanhi sa puso ni Jay upang tumigil sandali.Lumingon siya upang tumingin sa nakasaradong pinto. “May naalala ba kayo sa pangit niyang pasensya?” Seryoso niyang sinabi.Sina Robbie at Jens ay inuubos ang laman ng kanilang mga lato. Tumingala sila mula sa kanilang mga plato at kumurap. “Ang ama niya,” sabi nila nang sabay.Nagulat si Jay. Nag-isip siya nang sandali at tumango. “Oo nga. Hindi naman maikli ang pasensya ng mommy niyo, eh. Namana siguro ni Zetty ang pagpapasensya niya mula sa masama niyang ama.”Sabay na tumawa sina Robbie at Jens.“Ano’ng tinatawa-tawa niyong dalawa?” Naghihinalang t
Binaba ni Rose ang telepono. Halata ang pagod sa kaniyang mukha.Nakangiti siyang binigyan ni Sean ng isang baso ng red wine. “Uminom ka muna. Baka malimutan mo ang mga inaalala mo.”Kinuha ni Rose ang baso, ngunit noong maalala niya na pinagbawalan siya ni Jay na uminom pagkatapos niyang malasing noong nakaraan, nilagay niya ang baso sa mesa.“Hindi ako magaling sa alkohol. Tumigil na ako sa pag-inom,” diretsong sabi ni Rose.Tumingin si Sean sa malinaw at nagniningning na mga mata ni Rose. Naalala niya kung paano nito tinanggihan ang ‘di makatuwiran niyang kahilingan noong una silang magkita. Ang hindi nagpapatalo nitong prinsipyo ay binigyan siya ng nagtatagal na impresyon.“Bakit ka naghahanap ng trabaho?” Tanong sa kaniya ni Sean.Nagulat si Rose. Hindi niya inasahan na matatandaan ni Sean na hiniling niya rito na tulungan siyang maghanap ng trabaho noong nakaraang ilang araw.Nag-isip nang sandali si Rose at sumagot, “Ang ibang tao ay nagtatrabaho para mabuhay, at ang iba naman a
“Pasensya na, Sean. Ayaw kitang iwan, pero lumalala kada araw ang anxiety disorder ko. Natatakot ako na masasaktan kita. Patawarin mo sana si Mommy mo sa pag-iwan sa ‘yo.”Noong hindi pa siya masyadong bata o masyadong matanda. Siya ay nasa yugto ng pagiging rebelde.Siya ang pinakamakulit na bata sa eskwela, at madalas siyang gumagawa ng gulo dahil sa pakikipag-away at pang-aasar. Akala ng lahat ay isa siyang pabaya, ngunit walang sinuman ang nakakaalam na ginawa niya ang lahat ng ito upang makuha ang atensyon ng kaniyang mga magulang.Madalas na humahanap ng ginhawa ang kaniyang ama sa ibang babae. Ang kabit ng kaniyang ama ay tatawagan ang kaniyang ina sa telepono araw-araw at gagalitin ito gamit ang mga pangit na lenggwahe.Ang mabait at mahinhin niyang ina ay hindi kinaya ang stress at kalaunan ay nagkaroon ng depression at anxiety disorder.Sumama ang kaniyang kalusugan, at ang kaniyang pasensya ay sumama.Akala ni Sean na noong sinabi ng kaniyang Mommy na siya ay ‘aalis nang maa