“Rose Loyle, handa ka bang pakasalan muli si Jay?” Diretsong sabi ni Grand Old Master Ares.Nanlaki ang mga mata ni Rose sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Sigurado ay nagkamali siya ng pagkakarinig?Ang pagkakataon na makamit ang dati niyang pangarap na maging Ginang Ares ay biglang lumitaw sa harap niya.Dati, siguro ay tumatalon-talon na siya sa tuwa.Gayunpaman, ngayon ay hindi man lang siya nakaramdam ng kahit kaunting saya.Ang nakaraan niyang kasal kay Jay ay isang sakuna.Sa mga panahon na iyon, siya ay nagpakumbaba, nagtiis ng sakit, at naghirap.Ang maalab niyang pagmamahal kay Jay ay pinisa ng pagiging walang puso at kawalan ng bahala ni Jay.Sa panahon na iyon, hindi man lang niya magawang magkasakit. Kung magkakasakit siya, ang pagiging walang bahala ni Jay ay masyadong mahirap para sa kaniya na tiisin.“Hindi,” mahina niyang sinabi.Akala ni Jay ay masayang sasabihin ni Rose na oo, ngunit sa ‘di malamang kadahilanan, tinanggihan siya nito?Ang mapakasa
Noong umabot si Jay upang kuhain ang tela, biglang tumaob si Rose at tinakpan ang buong drawing board gamit ang kaniyang katawan. Ang kaniyang mga kamay ay nakahawak nang mahigpit sa tela.“Ano’ng kalaswaan na naman ang ginuhit mo ngayon?” Umupo si Jay sa harap niya at naghihinalang nagtanong.Tumingala si Rose upang tumingin sa kaniya at nahihiyang sinabi. “Pangit ako gumuhit. Mas gugustuhin ko kung hindi mo ‘to makikita.”Bigla siyang binuhat ni Jay gamit ang dalawa niyang mga kamay. Ang kaniyang mukha ay namutla sa gulat, pero mahigpit pa rin ang yakap niya sa drawing board.Kapag mas mahigpit ang hawak ni Rose sa drawing board, mas gustong malaman ni Jay kung ano ang laman nito. “Bitawan mo.” Sinusubukan ni Jay ang kaniyang makakaya na pigilan ang kaniyang pagtawa noong makita niya ang ekspresyon ni Rose, na para bang ang buhay nito ang nakadepende kung makikita niya ang larawan o hindi.Bigla niyang tinaob si Rose at pinakita ang mukha ni Rose.Sumandal siya papalapit. Ang kaniya
“Mm,” sumasang-ayon siyang tumango.Ang telepono ni Rose ay biglang tumunog. Nakita ni Rose ang pangalan ni Sean sa telepono at nabigla.Naaalala niya na ang hacker na nakapasok sa network ng Eminent Honor ay mayroong isang IP na nanggaling mula sa Bell Enterprise.Sinubukan ni Rose na manatiling kalmado sa abot ng kaniyang makakaya at sinagot ang telepono. Ang kaniyang boses ay kasing lamig at maayos ng pag-agos ng tubig sa tagsibol.“Ginoong Bell!”“Hindi na tayo mga estranghero, Rose. Bakit ang pormal mo? Sean na lang ang itawag mo sa ‘kin,” ang masiglang boses ni Sean ay maririnig sa telepono.“Sige, Sean,” sabi ni Rose.“Narinig ko na nariyan sa Horizon Colors ang Grand Old Master, ah. Binibigyan ka ba niya ng problema?” Nababahalang tanong ni Sean.“Hindi naman,” kalmadong sagot ni Rose, “Pero sabi niya na hindi na angkop para sa akin na manirahan dito.”Si Sean ay agad na nanabik. “Eh ‘di, plano mong lumipat ng bahay? ‘Wag kang mag-alala, Rose, marami ang pagmamay-ari kong mga l
Ang tatlong mga bata ay tumayo sa harap ni Rose noong siya ay naglalakad palabas ng bahay ng Pamilya Ares habang hinihila ang kaniyang bagahe.“Ayaw kong umalis ka, Mommy,” tumakbo si Jens patungo sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.Sina Robbie at Zetty ay lumapit din at hinawakan ang mga kamay ng kanilang Mommy.Lumuhod si Rose at nilagay ang kaniyang mga kamay sa mga pisngi ni Jens. “Jens, kapag si Mommy ay maayos na sa bago niyang tirahan, pwede mong dalhin si Daddy at madalas bisitahin si Mommy, ha?” Mahinhin niyang sabi.Si Jens ay tahimik. Tumingin siya kay Jay.Tumango si Jay.Araw-araw niyang iistorbohin si Jay.Maraming katanungan si Rose noong magpatuloy siyang maglakad paalis habang kasunod sina Robbie at Zetty.Inasahan ni Rose na pipigilan siya ni Jay na dalhin si Robbie palayo, ngunit siya ay nagulat na hindi siya nanlaban.‘Hindi ganito ang isitilo niya!’Ang kotse ni Sean ay nakaparke na sa harap ng mansyon habang ang likod nito ay nakabukas. Ninais ni Rose na ilag
Inikot ni Sean ang kotse at nagmaneho patungo sa malapit na Cloudy Dreams Estate.“Ang lugar na ito ay napakalapit lamang sa Horizon Colors.”Hindi matandaan ni Rose ang bilang ng beses na lumipat siya ng bahay sa nakalipas na pitong taon. Sa tuwing siya ay liliipat, siya ay nalulungkot na siya ay parang isang dahon na dinadala ng hangin; palaging gumagala, hindi kailanman nagagawang manatili sa isang lugar.Napagdesisyunan niya sa kaniyang isip noong tumingin siya sa Cloud Dreams. Siya ay nag-iipon ng sapat na pera at bibili ng bahay para sa kaniyang sarili.Sina Robbie at Zetty ay mabubuting mga bata. Tinulungan nilang tanggalin ang mga paghihirap ng kanilang Mommy sa tuwing kaya nila.Dinala ni Sean si Rose sa bago niyang bahay. Ang bahay ay hindi kasing yayamanin ng mansyon ni Jay, ngunit ang bahay na mayroong apat na silid ay lubos na yayamanin pa rin para kay Rose.“Salamat, Ginoong Bell,” nagpapasalamat na sinabi ni Rose.Ngumiti si Sean. “Binigyan ako ni Ginoong Ares ng renta n
Binatawan ni Jay ang pisngi ni Rose. Naglakad siya papasok sa bahay na para bang ito ay sarili niyang bahay at umupo sa sofa.Nalilito si Rose. ‘Bakit ba narito ang lalaking ‘to?’“Si Jens ay nagugutom,” sabi ni Jay habang nakatingin kay Rose.Si Rose ay walang masabi.“Bakit hindi mo siya paglutuan?” Kalaunan ay sumagot siya.Alam niya naman kung paano magluto, eh.“Sanay na siya sa mga luto mo, at ayaw niya sa kahit anong niluluto ko,” sabi niya.Si Jens ay walang masabi.‘Ginagamit mo na ako bilang palusot ngayon? Kahit ano ay gusto kong kainin, basta’t galing ‘to mula sa inyong dalawa!’Tumingin si Rose kay Jens, at ang kaniyang mga mata ay naging ‘di kapani-paniwalang magiliw. “Paglulutuan ka na ni Mommy ngayon, Jens.”“Hindi pa rin kumakain si Daddy!” Tumingin si Jens sa kaniyang Mommy nang may nagmamakaawang mga mata. “Pwede mo rin bang lutuan si Daddy, Mommy?” Pagmamakaawa niya.Tumingin si Rose kay Jay. “Walang problema,” mapagbigay niyang sinabi. Si Jay ang nagbayad ng pangre
Ang empleyado sa hardware section ay nirekumendahan siya ng iba’t ibang klase ng kandado. “Ibigay mo na lang sa ‘min ang pinakamahal,” nakangiting sinabi ni Rose.Ang empleyado ay binigay ang kaniyang pinakamamahalin na fingerprint lock, at nilagay ito ni Rose sa kaniyang shopping cart.Noong umalis sila sa hardware section, sinabi sa kaniya ni Jay, “Dati ay may gawain ako na palaging bilhin ang pinakamahal na bagay na gusto kong bilhin, pero may isang tusong babae na nagsabi sa ‘kin na ang pinakamahal ay hindi palaging ang pinakamaganda. Simula no’n ay binago ko ang gawain ko kasi hindi siya tumitigil sa pagkulit sa ‘kin tungkol do’n. Ngayon, palagi ko nang sinusuri ang pinaka-angkop na bagay sa halip ng pagbili sa pinakamahal.”Si Rose ay nabigla.“Palitan ko ba ‘to?” Siya ay lubos na nahiya.“Huwag na, mahihirapan pa tayo,” walang bahalang sabi ni Jay.Ngumuso si Rose. “Tama naman ang tusong babae na ‘yon. Siguro nga ay mayaman ka, pero hindi ka dapat mauto na gumastos nang higit pa
Pag-uwi sa bahay, pagkatapos ilagay ni Jay ang apat na bag ng mga pinamili, nilabas niya ang fingerprint lock, naghanap ng isang kahon ng kagamitan, at mabilis na kinalas-kalas ang tanso na kandado sa pinto.Si Rose ay ‘di makapaniwalang nagulat at mabilis siyang pinigilan. “Bahay ‘to ni Sean, Ginoong Ares. Pwede bang ‘wag mo ‘tong sirain nang walang pahintulot niya?”Ang mga kamay ni Jay ay hindi tumigil sa pagkilos. “Ang tansong mga kandado ay hindi kasing ligtas ng mga fingerprint lock,” diretso niyang sinabi.“Bakit hindi ligtas ang tansong mga kandado?” Nagtaka si Rose.Tumingin sa kaniya si Jay at nagsabi ng ilang salita. “Wala ‘yon sa kandado, nasa nagmamay-ari ng lupa.”Tumawa si Rose.Akala niya ay nag-aalala si Jay tungkol sa kaligtasan ng mga bata. “Kung gayon, nakakita ka na ba ng isang masamang tao na kasing maginoo at yaman ni Ginoong Bell?”Binagsak ni Jay ang kagamitan na hawak niya sa sahig at ‘di natutuwang tumingin kay Rose. “Kung gayon, nakakita ka na ba ng masamang