Ang tatlong mga bata ay tumayo sa harap ni Rose noong siya ay naglalakad palabas ng bahay ng Pamilya Ares habang hinihila ang kaniyang bagahe.“Ayaw kong umalis ka, Mommy,” tumakbo si Jens patungo sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.Sina Robbie at Zetty ay lumapit din at hinawakan ang mga kamay ng kanilang Mommy.Lumuhod si Rose at nilagay ang kaniyang mga kamay sa mga pisngi ni Jens. “Jens, kapag si Mommy ay maayos na sa bago niyang tirahan, pwede mong dalhin si Daddy at madalas bisitahin si Mommy, ha?” Mahinhin niyang sabi.Si Jens ay tahimik. Tumingin siya kay Jay.Tumango si Jay.Araw-araw niyang iistorbohin si Jay.Maraming katanungan si Rose noong magpatuloy siyang maglakad paalis habang kasunod sina Robbie at Zetty.Inasahan ni Rose na pipigilan siya ni Jay na dalhin si Robbie palayo, ngunit siya ay nagulat na hindi siya nanlaban.‘Hindi ganito ang isitilo niya!’Ang kotse ni Sean ay nakaparke na sa harap ng mansyon habang ang likod nito ay nakabukas. Ninais ni Rose na ilag
Inikot ni Sean ang kotse at nagmaneho patungo sa malapit na Cloudy Dreams Estate.“Ang lugar na ito ay napakalapit lamang sa Horizon Colors.”Hindi matandaan ni Rose ang bilang ng beses na lumipat siya ng bahay sa nakalipas na pitong taon. Sa tuwing siya ay liliipat, siya ay nalulungkot na siya ay parang isang dahon na dinadala ng hangin; palaging gumagala, hindi kailanman nagagawang manatili sa isang lugar.Napagdesisyunan niya sa kaniyang isip noong tumingin siya sa Cloud Dreams. Siya ay nag-iipon ng sapat na pera at bibili ng bahay para sa kaniyang sarili.Sina Robbie at Zetty ay mabubuting mga bata. Tinulungan nilang tanggalin ang mga paghihirap ng kanilang Mommy sa tuwing kaya nila.Dinala ni Sean si Rose sa bago niyang bahay. Ang bahay ay hindi kasing yayamanin ng mansyon ni Jay, ngunit ang bahay na mayroong apat na silid ay lubos na yayamanin pa rin para kay Rose.“Salamat, Ginoong Bell,” nagpapasalamat na sinabi ni Rose.Ngumiti si Sean. “Binigyan ako ni Ginoong Ares ng renta n
Binatawan ni Jay ang pisngi ni Rose. Naglakad siya papasok sa bahay na para bang ito ay sarili niyang bahay at umupo sa sofa.Nalilito si Rose. ‘Bakit ba narito ang lalaking ‘to?’“Si Jens ay nagugutom,” sabi ni Jay habang nakatingin kay Rose.Si Rose ay walang masabi.“Bakit hindi mo siya paglutuan?” Kalaunan ay sumagot siya.Alam niya naman kung paano magluto, eh.“Sanay na siya sa mga luto mo, at ayaw niya sa kahit anong niluluto ko,” sabi niya.Si Jens ay walang masabi.‘Ginagamit mo na ako bilang palusot ngayon? Kahit ano ay gusto kong kainin, basta’t galing ‘to mula sa inyong dalawa!’Tumingin si Rose kay Jens, at ang kaniyang mga mata ay naging ‘di kapani-paniwalang magiliw. “Paglulutuan ka na ni Mommy ngayon, Jens.”“Hindi pa rin kumakain si Daddy!” Tumingin si Jens sa kaniyang Mommy nang may nagmamakaawang mga mata. “Pwede mo rin bang lutuan si Daddy, Mommy?” Pagmamakaawa niya.Tumingin si Rose kay Jay. “Walang problema,” mapagbigay niyang sinabi. Si Jay ang nagbayad ng pangre
Ang empleyado sa hardware section ay nirekumendahan siya ng iba’t ibang klase ng kandado. “Ibigay mo na lang sa ‘min ang pinakamahal,” nakangiting sinabi ni Rose.Ang empleyado ay binigay ang kaniyang pinakamamahalin na fingerprint lock, at nilagay ito ni Rose sa kaniyang shopping cart.Noong umalis sila sa hardware section, sinabi sa kaniya ni Jay, “Dati ay may gawain ako na palaging bilhin ang pinakamahal na bagay na gusto kong bilhin, pero may isang tusong babae na nagsabi sa ‘kin na ang pinakamahal ay hindi palaging ang pinakamaganda. Simula no’n ay binago ko ang gawain ko kasi hindi siya tumitigil sa pagkulit sa ‘kin tungkol do’n. Ngayon, palagi ko nang sinusuri ang pinaka-angkop na bagay sa halip ng pagbili sa pinakamahal.”Si Rose ay nabigla.“Palitan ko ba ‘to?” Siya ay lubos na nahiya.“Huwag na, mahihirapan pa tayo,” walang bahalang sabi ni Jay.Ngumuso si Rose. “Tama naman ang tusong babae na ‘yon. Siguro nga ay mayaman ka, pero hindi ka dapat mauto na gumastos nang higit pa
Pag-uwi sa bahay, pagkatapos ilagay ni Jay ang apat na bag ng mga pinamili, nilabas niya ang fingerprint lock, naghanap ng isang kahon ng kagamitan, at mabilis na kinalas-kalas ang tanso na kandado sa pinto.Si Rose ay ‘di makapaniwalang nagulat at mabilis siyang pinigilan. “Bahay ‘to ni Sean, Ginoong Ares. Pwede bang ‘wag mo ‘tong sirain nang walang pahintulot niya?”Ang mga kamay ni Jay ay hindi tumigil sa pagkilos. “Ang tansong mga kandado ay hindi kasing ligtas ng mga fingerprint lock,” diretso niyang sinabi.“Bakit hindi ligtas ang tansong mga kandado?” Nagtaka si Rose.Tumingin sa kaniya si Jay at nagsabi ng ilang salita. “Wala ‘yon sa kandado, nasa nagmamay-ari ng lupa.”Tumawa si Rose.Akala niya ay nag-aalala si Jay tungkol sa kaligtasan ng mga bata. “Kung gayon, nakakita ka na ba ng isang masamang tao na kasing maginoo at yaman ni Ginoong Bell?”Binagsak ni Jay ang kagamitan na hawak niya sa sahig at ‘di natutuwang tumingin kay Rose. “Kung gayon, nakakita ka na ba ng masamang
Magiging masikip kung makikitulog sina Jay at Jens.Si Jay ay humihigit pa sa anim na talampakan ang tangkad. Hindi siya papayag na matulog sa pambatang kama.“Hindi,” determinado siyang tinanggihan ni Rose, “Wala kang matutulugan dito.”Tumayo si Jens at nanghihimok na sinabi sa kaniyang Mommy, “Mommy, pwede kami magkasya ni Daddy sa iisang kama.”Hindi naniwala si Rose at tumingin kay Jay. Tumango naman si Jay.Nanatiling nag-aalala si Rose, na para bang mayroon siyang tinatagong sasabog na bomba sa tabi niya.Kinagabihan, pumasok si Robbie sa silid ni Jens at masayang naglaro ng kanilang mga laruan. Naglaro sila hanggang sa sila ay mapagod, at sila ay nakatulog sa kama.Samantala, natulog si Zetty sa silid ni Robbie.Ang lahat ay tahimik sa madilim na gabi.Si Rose ay nakahiga sa kaniyang kama nang bigla niyang marinig na bumukas ang kaniyang pinto. Akala niya ay pumasok ang isa sa kaniyang mga anak, ngunit sa sumunod na sandali, nakita niya si Jay na inangat ang kaniyang kumot at h
Kalaunan, hindi na magawa ni Rose na hayaang bukas ang kaniyang mga mata at nakatulog.Narinig ni Jay ang mahinang paghinga ni Rose at binuksan ang kaniyang mga mata.Ginilid niya ang kaniyang katawan at tumingin sa natutulog na mukha ni Rose. Ang kaniyang itsura ay lubos na naiiba, ngunit ang pagkaparehas nito kay Angeline ay hindi maitatanggi.Kahit kailan ay hindi niya tiningnan si Rose nang diretso sa mukha, marahil ay dahil hindi pareho ang itsura nito, paano pa kaya ang intindihin siya noong nakaraang pitong taon, noong siya ay sumuko nang pakasalan si Jay.Siguro ay nagugol nila ang kanilang oras nang magkasama at masaya, ngunit sinira niya ang lahat ng iyon.Sinaktan niya nang lubos si Rose, at si Rose naman ay natutong itago ang kaniyang mga sugat.Inangat ni Jay ang kaniyang kamay at magiliw na hinawakan ang pisngi ni Rose.Ang babaeng sinaktan niya nang lubos ay ang babaeng minahal niya rin ng lubos.Nilapit at niyakap niya si Rose sa kaniyang katawan, hinahayaan ang kaniyan
“Eh ‘di, kapag kinawawa kita, tatanggapin mo kahit sabihin ko lang na sorry?” Tanong ni Jay nang may mahinang boses.Si Jay ay natutuwa na ang tusong babae ay uto-uto.“... Ikaw ‘tong pumasok sa kwarto ko kagabi, Ginoong Ares,” siya ay lubos na naiinis.“Sinasabi mo ba na pumunta ako sa silid mo para kawawain mo ako?” Isang bakas ng ngiti ang lumitaw sa tahimik na mukha ni Jay.“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin, Ginoong Ares,” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang kaniyang sarili.Bumangon si Jay at umupo sa kama. Hindi natutuwang nakakunot ang kaniyang mga kilay noong makita niya na suot-suot pa rin niya ang puti niyang damit.Nakakaramdam si Rose ng masamang aura na lumalabas mula sa lalaking ito. Lumalabas na ang masamang gising ni Jay.“May mali ba, Ginoong Ares?” ‘Di mapakaling tanong ni Rose.“Palitan mo dapat ang lahat ng nasa higaan na ‘to bago maging gabi, ah,” sabi ni Jay.Ang mga mata ni Rose ay napatingin sa puting balot ng kama. Ito ay malambot, komportable, at gawa