Share

Kabanata 218

Upang matulungan si Zayne, handa si Rose na putulin ang kaniyang koneksyon kay Jay Ares.

“Rose, kailangan mo ‘tong pag-isipan nang mabuti. Kung aalis ka sa bahay ng mga Ares, kahit kailan ay hindi mo na makikitag muli ang mga anak mo.” Babala sa kaniya ni Jay.

Sinubukan ni Rose ang kaniyang makakaya na pigilan ang pagbuhos ng kaniyang luha. Siya ay lubos na naguguluhan.

Siya ay naaawa para sa kaniyang kapatid at lolo. Sa sandaling iyon, ang naiisip lamang ni Rose ay ang pagbayaran ang sakit na dinulot niya sa Pamilya Severe.

Naaawa niyang sinabi, “Hindi ba’t ‘yon naman ang gusto mo?”

Si Jay, na noong una ay masayang pumunta rito para lamang makisali sa gulo, ay nagalit nang marinig ang mga salita ni Rose. Pagalit niyang sinabi, “Handa kang iwan ang mga anak mo para sa walang kwentang trabaho na ‘to? ‘Yon ba ang gusto mong sabihin?”

Tumingin si Rose kay Jay, ang kaniyang mga luha ay gumuguhit na sa kaniyang mukha. “Kung gusto kong kuhain ang mga anak ko, ibibigay mo ba sila sa ‘kin? Kun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status