Pagkatapos maipadala sa kanila ang gown, tumingin si Rose sa magandang pagkakagawa na kahon at biglang natuliro.Ito ay isang limited edition na Milan HY na nagkakahalagang 10,000 euro.Kahit kailan ay hindi niya ito magagawang bayaran kapag aksidente niyang nadumihan o nasira ito.“Mas maganda kung kalimutan mo na ‘to, Ginoong Ares. Ang gown na ‘yan ay masyadong mahal.”Tumitig si Jay sa kaniya gamit ang matalas niyang mga mata. “Paano mo nalaman na mamahalin ‘yan?”Napagtanto ni Rose na mayroon siyang nabunyag na hindi niya dapat binubunyag.“Nahulaan ko,” sumagot siya nang may nagsisising konsensya.Ang pagdududa sa mga mata ni Jay ay mas tumindi, at ang mga tingin na binabato niya kay Rose ay nagiging mas malalim.“Hindi naman ‘yan labis-labis. At para sa ‘yo ‘yan.”Tumingin si Rose sa kaniya sa paghanga.‘Ang lalaking ito ay handa na bigyan ako ng ganitong mamahaling gown? Marahil ang bisitida sa loob ng ginawang kahon ay hindi orihinal?’Magiliw at mainit na binuksan ni Rose ang
Ang Rolls-Royce ay nag-park sa harap ng pinto. Noong inangat ni Rose ang kaniyang kamay upang buksan ang pinto, si Jay, na bihirang galante, ay inangat din ang kaniyang kamay. Pagkatapos no’n ang kamay ng dalawa ay sabay na lumapag sa hawakan.Agad na hinila ni Rose ang kaniyang kamay at tumingin kay Jay habang nanginginig.‘Sinusubukan ba niyang buksan ang pinto para sa ‘kin?’Agad niyang tinanggi iyon. Ang lalaking ito ay isang taong malayo sa reyalidad at isang malaking negosyante. ‘Bakit niya bubuksan ang pinto ng kotse para sa ‘king hampaslupa?’Nakita ni Jay kung paano naging maingat si Rose at nakaramdam ng inis.Tumayo siya sa pinto nang matagal, ngunit tumitig lamang si Rose sa kaniya. Siya ay natatakot na pumasok sa loob ng kotse nang walang pahintulot ni Jay.Ang kamay ni Jay ay matagal na nasa hawakan bago niya sabihin, “Pumasok ka.” Ang malalim niyang boses ay mayroong bakas ng pagkainis.Si Rose ay muling natuliro.‘Gusto niya talaga buksan ang pinto para sa ‘kin? Ano’ng
Ang gown ay nahila sa lupa, tila nalilinisan ito noong siya ay maglakad. Naiinis na tumingin sa kaniya si Jay at nagpakita ng isang ngisi.Si Grayson ay nababahala tungkol sa sampung libong euro na evening gown na nahihila nang ganoon. ‘May tadhana talaga ‘yon na masayang lang.’Mayroong ngiti sa mga mata ni Jay noong sinabi niya, “Isang babae lamang na mayabang ang aapak-apakan nang ganoon ang magandang bagay na binigay ko.”Si Grayson ay nanigas sa kaniyang kinatatayuan.‘Pinagyayabang ba ni Ginoong Ares si Rose Loyle?’Bakit bigla niyang naramdaman na sa pagtulong niya kay Ginoong Ares na maltratuhin si Rose ay nagiging isang kasalanan lamang sa kaniyang sarili at hindi siya mabubuhay dahil dito?Umaasa na lamang siya na iyon ay isang ilusyon.Sa sandaling pumasok si Rose sa pasukan ng handaan, agad niyang naakit ang atensyon ng lahat.Ang kaniyang kagandahan ay pambihirang kakaiba, at ang evening gown na suot-suot niya ay tinulungan siya na maging agaw-pansin sa mga tao.Si Rose ay
Si Josephine ay nakatitig sa magkapares na kasuotan nina Rose at Jay. Mabilis niyang sinabi, “May suot kayo ng magkasintahan, ah. Ikaw ba ang kapares ni Jay sa sayaw ngayon?”Magpapaliwanag na sana si Rose, ngunit inangat ni Jay ang malaki niyang mga kamay at hinawakan ang braso ni Rose. Hinili niya ito sa gilid at pabulong na nagbabala, “Ang mga Bell at Ares ay sinusubukan ang kanilang makakaya na gawing totoo ang pagpapakasal nina Josephine at Sean. Mas maganda kung hindi mo babanggitin ang tungkol sa pagiging kapares ni Sean sa sayaw, Rose Loyle.”Si Rose ay mayroong nakahihiyang napagtanto. Kung magkapares sina Josephine at Sean, hindi angkop na siya ay maging kapares sa sayaw ni Sean.Noong mapansin ni Jay ang pagkakaintindi ni Rose, ang mga sulok ng kaakit-akit at maalindog niyang mga labi ay napangiti.Hinihintay pa rin ni Josephine ang sagot ni Rose, kaya naglakas-loob siya na humawak sa braso ni Jay. Pagkatapos no’n, nakangiti siyang bumalik kay Josephine. “Oo.”Agad na nagpak
Noong una ay pinlano niya na baguhin ang kaniyang kasuotan ngunit hindi niya magawang makuha ang susi para sa silid kung saan pwede magpalit. Kaya, napabalik na lamang siya.Natutuwang sinabi ni Josephine, “Pasensya na, Sean. Mukhang ang kapares mo sa sayaw ay ninakaw na ng kuya ko. Para maipahayag ang paghingi ko ng tawad, pwede akong maging pansamantalang kapares mo sa sayaw… Kung ayos lang sa ‘yo.”Pinag-isipan ito ni Sean at tumango. “Sige.”Noong maglakad sina Josephine at Sean patungo sa pagdiriwang, agad nilang nakabangga sina Jay at Rose.Sinayang ni Jay ang ‘di karapat-dapat niyang kalamangan noong sinabi niya, “Bagay talaga sa ‘to ang pula, Sean Bell.”Walang magawa si Sean kung ‘di ang maghirap nang tahimik. Mapait ang kaniyang nararamdaman.“Rose, ‘wag mong kalimutan ang pagpayag mo na sumayaw kasama ako.” Nakangiting tumingin si Sean kay Rose, ang kaniyang tono ay magiliw.Pinanood ni Jay ang dalawang mag ‘landian’ sa harap niya, at mayroong ningning ng masamang ngisi sa k
Si Jay ay allergic sa alkohol, kaya ang kaniyang mga labi ay hindi hinahawakan ito.Gayunpaman, sinadya niyang lumapit at batiin ang lahat at hindi tumanggi sa kahit sinong tumagay sa kaniya. Walang magawa si Rose kung ‘di ang humakbang para kay Jay at inumin ang alkohol para kay Jay.Kasunod nito, nalimutan na ni Rose kung ilang baso na ng wine ang nainom niya. Ang kaniyang tiyan ay napupuno sa dami ng nainom niya, at nagsimula nang sumama ang nararamdaman niya. Sa huli, siya ay napasuko na at humingi ng tulong kay Jay.“Hindi ko na kayang uminom, Ginoong Ares.” Hinawakan niya ang kaniyang tiyan nang may maputlang mukha. Ang pawis ay lumalabas mula sa kaniyang noo.Tumingin si Jay sa maputlang mukha ni Rose, at ang kaniyang mga mata ay malamig. Ang tono na ginamit niya ay mas malamig. “Ang tibay ng tiyan mo, ‘di ba? Nakainom ka pa ng 12 na baso ng alak!”Ito ay isang walang lakas na pang-aasar para sa inis na nararamdaman niya.‘Bakit ka uminom nang ganito karami kung hindi mo naman t
‘Bakit ko tinulungan na kawawain si Rose dati?’Sa loob ng villa, umakyat na ang tatlong mga bata sa kanilang mga kama upang matulog.Binuhat ni Jay si Rose pabalik sa sarili niyang silid. Sa sandaling ilagay niya ito sa kaniyang kama, biglang binuksan ni Rose ang inaantok niyang mga mata.Humili si Jay ng isang upuan at umupo sa harap ni Rose. Nagbabala siya sa isang seryosong tono, “Tandaan mo ‘to, Rose. Anim na baso lamang ng alak ang pwede mong inumin, at ang red wine na iinumin mo dapat ay mas malamig pa normal na temperatura.”Akala ni Jay ay gising at may malay si Rose, ngunit pagkatapos tumingin nang tulala kay Jay sa loob ng mahabang oras, inangat ni Rose ang kaniyang kamay at hinimas ang mukha ni Jay.“Jaybie!” Mahina niyang tawag.Sa sobrang sindak ni Jay ay nanigas siya na parang isang istatwa.Tanging ang kaniyang Angeline lamang ang tumatawag sa kaniya ng ganoon.Kahit si Angeline ay walang lakas ng loob na tawagin siya nang ganoon.“Ikaw ba si Angeline?” Pinigilan niya a
“Rose Loyle!”Aabutin na sana ni Rose ang hawakan ng pinto noong marinig niya ang matamlay na boses ni Jay na nagsanhi sa kaniya na mapabalik. “Natulog ka kasama ako, tapos ngayon gusto mong tumakas?”Tumalikod si Rose at nanliit. Ang kaniyang boses ay bahagyang nanginginig. “Hindi ko sinasadya, Ginoong Ares!”Tinanggal ni Jay ang kaniyang kumot, at ang kaniyang mga binti ay lumabas sa ilalim ng kaniyang bathrobe. Naglakad siya patungo sa tabi ni Rose at tinulak ang pinto gamit ang isang kamay.Ang pinto ay agad na nakandado.Pakiramdam ni Rose ay para siyang isang ibon sa kulungan. Pagkatapos no’n, naisip niya kung paano nagalit si Jay pagkatapos niyang matulog kasama ito dati. Natatakot siya na imposible nang makatakas siya ngayon.“Patawarin mo ako, Ginoong Ares. Lumagpas ako sa linya kagabi.” Si Rose ay pinipigilan na ang kaniyang mga luha sa puntong ito.“Rose Loyle.” Inangat ni Jay ang kaniyang baba. Pinilit siya nito na tumitig sa kaniyang matigas at seryosong mga mata.“Mula ng