Share

Kabanata 205

Ang Rolls-Royce ay nag-park sa harap ng pinto. Noong inangat ni Rose ang kaniyang kamay upang buksan ang pinto, si Jay, na bihirang galante, ay inangat din ang kaniyang kamay. Pagkatapos no’n ang kamay ng dalawa ay sabay na lumapag sa hawakan.

Agad na hinila ni Rose ang kaniyang kamay at tumingin kay Jay habang nanginginig.

‘Sinusubukan ba niyang buksan ang pinto para sa ‘kin?’

Agad niyang tinanggi iyon. Ang lalaking ito ay isang taong malayo sa reyalidad at isang malaking negosyante. ‘Bakit niya bubuksan ang pinto ng kotse para sa ‘king hampaslupa?’

Nakita ni Jay kung paano naging maingat si Rose at nakaramdam ng inis.

Tumayo siya sa pinto nang matagal, ngunit tumitig lamang si Rose sa kaniya. Siya ay natatakot na pumasok sa loob ng kotse nang walang pahintulot ni Jay.

Ang kamay ni Jay ay matagal na nasa hawakan bago niya sabihin, “Pumasok ka.” Ang malalim niyang boses ay mayroong bakas ng pagkainis.

Si Rose ay muling natuliro.

‘Gusto niya talaga buksan ang pinto para sa ‘kin? Ano’ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status