"Ma'am Janine, nariyan ho si Sir Patrick!"Kaagad siyang bumangon at inayos ang anak na natutulog pa. Kinarga ito ng katulong para dalhin sa kabilang kwarto. "Pinapasok niyo na?!""Nasa gate pa lang ho at bumusina."Mabuti na lang talaga alisto ang mga katulong. Wala pang alas sais ng umaga at magkakape pa lang dapat siya. Pero siguradong ang hindi niya pagsagot sa mga tawag at text nito ang dahilan kung bakit napasugod si Patrick sa bahay ng Mama niya nang ganito kaaga.Kakausapin pa lang niya dapat ang Mama niya na babalik na sila ni Jace sa Canada. Hindi niya na hihintayin pa ang pagbabalik ni Jane dahil ayaw niyang biglang sugurin nito si Patrick kapag nalaman na mayroon silang anak. Kapag nagkahinala pa si Jane na may relasyon sila ay magwawala ito at mapapahiya siya sa lahat ng tao. Masisira pa ang relasyon nilang magkapatid. Kunwari ay nasa komedor siya at nagkakape. Abala ang katulong sa pagluluto ng almusal habang ang Mama niya ay tulog pa rin. Pagpasok pa lang ni Patrick s
"I have a meeting with Harvey. Saka na tayo mag-usap ulit.""Harvey na naman? Hindi ka na ba tatantanan ng kliyente mong 'yan? He had your time yesterday. That was enough." Umikot ito sa desk niya hanggang nasa harap na siya nito. Inangkin nito ang mga labi niya na hindi niya naiwasan. Pero bago pa 'yun humantong sa kung saan ay itinulak niya na ang dibdib nito."May pag-uusapan kaming bagong transaksyon para sa bago nilang kompanya. Let's work first before pleasure, Patrick.""I miss you so much. Puwede bang umuwi ka sa condo natin mamaya?" pakiusap nito. Bago pa siya makasagot ay may kumakatok nang malakas sa pinto ng opisina niya. Pareho silang napatingin doon at lumakad si Patrick para buksan ang pinto."Sir, nariyan ho si Ma'am Jane. Hinahanap ho kayo." Si Lindsay ang nasa labas."Jane?! What is she doing here?!""Babalik na daw ho siya sa trabaho."Napalingon si Patrick sa kanya habang siya ay napatda na lang sa kinatatayuan. Ibig sabihin ay desidido na ang kakambal niya na baw
Two years later..."Good morning, Miss Edejer, here's your cappuccino and focaccia bread." Ibinaba ng staff ng hotel sa mesa ang isang tasa ng kape at tinapay na in-order niya sa coffee shop doon. "Thank you, Lily." Isang Pilipina kasi ang staff na iyon na nakakwentuhan niya dahil dalawang beses siyang magkape sa isang araw. At pangatlong araw na nila dito sa Hong Kong bago sila babalik sa Pilipinas mamayang hapon.Nasa Hong Kong sila ng anak niya dahil ipinasyal niya ito sa Disneyland para sa katatapos nitong ika-apat na kaarawan. Dapat ay sa Paris niya ito ipapasyal kung hindi lang siya nakatanggap ng tawag mula sa Pilipinas na nasa ospital ang Mama niya matapos atakehin sa puso. Her mother's only wish is to see her and Jace. Pinutol niya muna kasi ang anumang ugnayan niya sa Mama niya at kay Jane mula nang bumalik siya sa Canada. Her life for two years had been hard. Mas mahirap kaysa noong una siyang umalis sa Pilipinas. Si Jace lang ang nagsilbing lakas at katatagan niya. May m
"May balita ka na ba kung kailan dadating si Janine?" tanong ng Papa niya pagkauwi niya sa bahay. Marahan lang siyang umiling. Halos araw-araw siyang bumabalik sa bahay ng mga Edejer sa pag-asang uuwi ito pero hanggang ngayon ay naghihintay silang lahat. Umaasa pa rin silang lahat."Aakyat na muna ho, Papa." Gusto niyang iwasan ang mga tanong ng ama. Dalawang buwan na mula nang manggaling siya sa Canada at makita ng mismong mga mata na may iba na itong lalaking hinahalikan. Nawala ang lahat ng pag-asa niya na ibabalik niya dito si Janine at ang kaisa-isa niyang anak. Gusto man niyang komprontahin si Janine sa paglilihim tungkol kay Jace pero kinain na siya ng sakit na hindi niya ito kayang harapin. Umuwi siya sa Pilipinas na dala ang sakit na iyon na hanggang ngayon ay hindi na naalis sa dibdib niya."Pero ang sabi ay uuwi siya para dumalaw sa Mama niya, hindi ba?""Wala hong sinabi kung anong eksaktong araw." Gustong kumawala ng luha niya sa mata. "Hindi niya naman matitiis ang Mama
"Yeah, we're here already. Jace is fine." Kausap ni Janine si Davis sa telepono habang nagpapahinga sila sa silid niya. "I will finish my business here and I will fly to Philippines the day after tomorrow. How about that?""You will come here? I planned to stay here for only a week, Davis." Wala naman talaga siyang balak magtagal dito dahil hindi niya matatagalang kasama si Jane sa bahay ng Mama niya. Na-realize niyang hindi na sila katulad ng dati ng kakambal niya. Naging malaking pader si Patrick na nagpalayo sa loob nilang dalawa. "I want to visit some beautiful beaches there before we start with the opening of classes again. You've been working so hard for the last two years since you came back. This is the first time you visit your town again. Why don't we stay for a couple of days?.""It's okay, I don't live here anymore anyway.""Okay, but I will come to meet your mother before we marry. It's a tradition in the Philippines and I know it is important to you somehow.""M-marry?
Nang maiwan silang dalawa ni Patrick na nakatayo sa loob ng silid ay hindi na alam ni Janine kung ano ang gagawin. Malaki ang ipinayat ni Patrick ngayon. Mahaba rin ang balbas at tingin niya'y tumanda ito ng ilang taon. Hindi ba ito naging masaya sa paghihiwalay nito at ni Jane?"Why?" halos pabulong ni Patrick na dahan-dahang lumapit sa kanya. Nangangalumata rin ito na tila hindi nakakatulog nang maayos."Why? A-anong why?""Bakit tuwing may problema ka sa 'kin ang alam mo lang tumakbo palayo at iwanan ako?""That's the best thing to do. May asawa ka. Umuwi lang naman talaga ako noon para tulungan si Jane at isalba ang pera namin sa kumpanya...""That's it?! Pinasakay mo lang ako dahil may kailangan ka?!""Sandali. Bakit parang malaki ang kasalanan ko sa 'yo? You were married to Jane, Patrick, let me remind you," kaagad niyang depensa."But I was willing to give up that marriage for you! Kaya ako nag-file ng annulment dahil gusto kong malaya na kitang ipagsigawan sa buong mundo nang
"So, tama nga ang bali-balitang may relasyon kayo ni Patrick noon habang kasal kami?"Hindi na siya nagtaka sa tono ng pananalita ni Jane. Wala na rin siya sa mood na makipagtalo. Kay Patrick pa lang kanina ay naubos na yata ang lakas niya sa pag-uusap nila."A short-lived affair if you may call it. He had been a long-time crush, you know." Pinunasan niya ang pisngi na may bakas pang luha. "At sinamantala mo na kasalukuyan akong nag-aalaga kay Jadie?! How dare you!""Hindi ako ang nang-akit sa dati mong asawa kung 'yan ang gusto mong tukuyin, Jane." Sa kabila ng galit ni Jane ay nanatili na siyang kalmado. "He asked me to be his mistress in replace of his wife who cheated on her even before the marriage. Bakit ako pumayag? Dahil puputulin na ng mga Romano ang anumang sustentong ibibigay niya sa 'yo, kay Mama, sa lahat ng gastusin dito. Isasara na rin nila ang kompanya at magde-declare ng pagkalugi nang tuluyang wala na tayong mapakinabangan! Kaya huwag mo akong susumbatan na niloko k
Janine...""Mama." Kaaagad siyang yumakap sa ina nang gising na ito pagpasok niya sa kwarto."Mabuti at bumalik na kayo ni Jace. Miss na miss ko na kayo, anak.""We miss you too, Ma." Pinahid niya ang luha sa magkabilang pisngi nang hindi maiwasang maging emosyonal. Ngayon lang yata yumakap ang Mama niya sa pagdating niya."Araw-araw kaming naghihintay ni Patrick sa pagbabalik niyo. Nasaan si Jace?""Nasa itaas pa ho, natutulog." Tinulungan niya ang Mama niya na bumangon at umupo sa kama. Kinuha nitong muli ang kamay niya para paupuin siya sa tabi nito."Patawarin mo ako kung noon palaging si Jane ang pinapaboran ko, anak."Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang paghingi ng tawad ng Mama niya. Marahil ay sinabi ni Patrick dahil ito lang naman ang pinagsabihan niya ng hinaing noon. Kahit kailan ay hindi siya naglabas ng sama ng loob sa mismong ina."Kalimutan niyo na ho 'yun.""Palagi ka lang kasing tahimik noon at hindi gustong ibinibida ng Papa mo dahil mahiyain ka. Akala namin m
Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Where's Papa?" tanong pa ni Jace nang maalala ang ama na wala sa kabilang side nito. Napahugot tuloy si Patrick sa kamay na nasa ilalim ng unan."I'm here, baby. But it is time for you to sleep because we will be out on the beach early morning. Okay?""I want you here." Inilapat nito ang kamay sa kabilang side ng higaan."Now that Mama and Papa is married, I need to sleep beside Mama once in a while.""Kay..." Muli namang pumikit ang anak nila na hindi na nagtanong pa. Bumalik sa pwesto ang kamay ni Patrick at hinintay na pumikit na si Jace.Hindi na pinakawalan ni Patrick ang mga labi niya habang nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng kamison niya. Habang lumalalalim ang halik nito'y dumidiin din ang pagmasahe nito sa dibdib niya. Nang mainip ay ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kamison niya. "G-gising pa ang anak mo," bulong niya kay Patrick. "Stay still..." Hindi naman niya magawang hindi umayon ang katawan. Nang pisilin nito ang n'pple niya ay napahawak siya sa hita ng asawa
Nasunod nga ang gusto ni Janine na intimate wedding. Pamilya lang nila ni Patrick ang naroon, ilang pares ng ninong at ninang, at mga malalapit lag na kaibigan. Wala pang isandaang miyembro ang nasa wedding venue. At nagaganap ang kasal nila habang nagbubukang-liwayway. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. Higit para sa sarili niya, nakita niya kung paanong masayang-masaya si Jace dahil kasama nila ang totoo nitong ama. Maayos nang muli ang relasyon sa pagitan ng pamilya Edejer at Romano. Si Jace ang naging tulay para lumambot muli ang puso ng Mama't Papa ni Patrick sa pamilya nila. She and Patrick also helped restore that bond that faded when Jane cheated on Patrick.Pagkatapos ng kasal ay mamamalagi pa sila ng ilang araw sa Hacienda Luna kung saan puwede silang maglibot sa malawak na manggahan at bakahan doon. Puwede rin silang mamasyal sa palibot ng isla gamit ang yate ng resort. "I hope I made you happy, love... This isn't the wedding I first planned. Pero alam kong ito an
Pag-akyat nila sa suite ay muli niyang tinawagan si Patrick sa telepono. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't tinawagan niyang muli ang Mama't Papa nito."Hindi ugali ni Patrick ang hindi sumasagot sa telepono, Papa. Puwede bang tawagan ang hotel na tinutuluyan niya ngayon?""We're going there now. Do you like to come with us?""Now? In Singapore?""Yes. You can bring Jace with you. Siguradong gusto rin niyang makita ang Papa niya.""P-paano? May flight bang---""Ang chopper ng Albano Hotel ang gagamitin natin patungong airport. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Zane nang ma-assist kayo kaagad."Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay may tawag na siyang natanggap sa receptionist ma may susundo sa kanilang mag-ina. Ilang sandali ulit ang lumipas, ang staff ng hotel naman ang nasa labas ng pinto ng suite.Panay ang tanong ni Jace kung saan sila pupunta pero hindi niya masagot. Ang tanging sinasabi niya lang ay makikita nito ang ama pagkatapos. At kahit ipinasundo na silang mag-ina sa chop
"Mama, where's Papa?" tanong ni Jace nang dalawang araw na ay wala pa rin si Patrick sa bahay ng mga magulang nito. Dalawang araw daw ang conference nito sa Singapore kaya't ilang araw nang hindi nagkikita ang mag-ama. Hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sinabi ni Patrick na dalawang linggo muna siyang sulitin ang oras sa anak bago sumabak sa trabaho.Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin niyang bigyan ng atensyon si Jace. At mula nang magkaayos sila ni Patrick ay lalo niyang nakita ang sigla sa mga mata ng anak niya. Ganoon pala 'yun. Iba pa rin ang kontribusyon ng isang ama sa mga anak. Bagama't kontento naman si Jace noon kahit silang dalawa lang ang palaging magkasama, may dagdag saya sa puso ng anak ngayong nakakasama rin nito ang ama.At pagdating sa pag-aalaga kay Jace ay wala siyang maipipintas kay Patrick. Hindi lang kay Jace. Sinisikap rin nitong maging ama kay Patricia dahil siya na ang kinilalang ama ng anak ni Jane. And speaking of Jane, nasa Hong Kong naman ito
"Then, admit that you love me. We will get married and we'll spend a honeymoon in Europe as I had planned. Kapag hindi ko narinig 'yang 'I love you' mo, uunahin ko talaga 'yang honeymoon natin.""Bakit lagi mo akong dinadaan sa pananakot?" Hindi na siya kumawala nang ikulong siya sa mga bisig ni Patrick. "Because it worked the first time I did?" natatawa nitong sagot. "Ah ganun...""I was just kidding. And I'm sorry. Defense mechanism ko lang 'yun dahil hindi ko alam tanggapin ang rejection na galing sa 'yo. I've failed in my first attempt to find my true love I don't want it to happen again to us. I want you to be my forever, Miss Janine Edejer.""Sige, pero sa isang kundisyon.""Ang babaeng mahilig sa kundisyon," natawa nitong sabi. "Gumaganti lang naman ako sa 'yo ah...""Okay, whatever it is.""Are you sure?""Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto mo.""I want a simple wedding. No lavish celebration. Just you and me and our immediate families.""Why? Hindi mo ba gustong
Nakatulog na si Jace pero si Janine ay hindi pa. Nang bumangon si Patrick ay bumangon din siya para lumabas sa silid. Gusto niyang panindigan na naiinis siya. Hindi pa rin niya matanggap na siya pa ang umuwi imbes na si Patrick ang sumundo sa kanya sa Canada."Halika nga. Saan ka na naman pupunta?" Hinila ni Patrick ang kamay niya patungo sa balkonahe. "Matutulog na 'ko." Pilit siyang kumakawala pero nakayakap ito nang mahigpit sa katawan niya kasama ang dalawa niyang braso. "Kanina pa 'ko nanggigigil sa 'yo sa garden. Where's my kiss?""Kiss my ass...""Kiss your ass, really?""What do you want, Patrick? Nandiyan na ang anak mo, hindi ko naman ipinagkait sa 'yo.""I want you.""I'm not the girl I used to be." Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot. Kahit kanina pa ipinagdidiinan ni Patrick ang damdamin nito sa kanya, parang may kulang pa rin."What do you mean? Nabawasan na ang pagmamahal mo sa 'kin?""Hindi sa ganun...""I love you. I want to make things right for us. Kung an
"Are you sure you want to sleep here?" muling tanong ni Patrick kay Janine. Hindi siya sumasagot. Gusto pa niyang magmatigas dahil naiinis pa rin siya sa hindi nito pagsunod sa Canada kung totoong mahal pala siya nito. Kung noon ay nakuha siya ni Patrick nang mabilisan, ngayon ay pahihirapan talaga niya ito."I had no choice. Para na kaming hinostage dito eh," tila angal niya kay Patrick."Ikaw naman ang pinaka-maswerteng hinostage," sagot nito. "Ako ang alipin mo. Kahit anong iutos mo susundin ko.""Susundin?! Sabi ko ngang iuwi mo kami sa bahay ni Mama ayaw mo naman. Anong gagawin namin ni Jace dito?""Anong gagawin? Bukas pupunta tayo sa opisina para palitan mo si Jane sa posisyon niya.""Paanong maging maswerteng hostage ako kung isasalang mo din ako kaagad sa trabaho?""Ikaw ang maysabing gusto mo ng gagawin.""I want to visit my mother. And my friends.""Sige, saan mo pa gustong pumunta? I will go with you.""No! Ako na lang at si Jace," agad naman niyang tanggi."May nakita ka
"Kailan ba dadating? Baka naman araw na ng kasal ko wala pa akong engagement ring? I need to propose right away, Ivy." Hindi niya inaasahan na uuwi kaagad si Janine. Ang plano niya ay pupuntahan niya ito sa Canada para doon mag-propose at pauwiin ito sa Pilipinas. Dalawang buwan pa ang dating ng singsing na in-order niya kay Ivy Burman. Manggagaling pa kasi ang dyamante nito mula aa United Kingdom.Kampante naman siya na babalik si Janine sa Pilipinas. Ang sabi ni Jane ay nakipaghiwalay na ito kay Davis bago pa umalis sa Pilipinas ang dalawa. At bagama't may mga naiwan pang investment doon si Janine, desidido na daw itong umuwi na lang sa Pilipinas dahil hinahanap siya ng anak niya.Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Sa sandaling panahon na nagkakilala sila ni Jace ay nagkaroon kaagad siya ng puwang sa puso ng anak niya."Nandito na nga 'yun sa susunod na araw. I will call you as soon as it arrives.""I hope so. Thank you, Mrs. Burman. Give my regards to Wael." Matap