Janine...""Mama." Kaaagad siyang yumakap sa ina nang gising na ito pagpasok niya sa kwarto."Mabuti at bumalik na kayo ni Jace. Miss na miss ko na kayo, anak.""We miss you too, Ma." Pinahid niya ang luha sa magkabilang pisngi nang hindi maiwasang maging emosyonal. Ngayon lang yata yumakap ang Mama niya sa pagdating niya."Araw-araw kaming naghihintay ni Patrick sa pagbabalik niyo. Nasaan si Jace?""Nasa itaas pa ho, natutulog." Tinulungan niya ang Mama niya na bumangon at umupo sa kama. Kinuha nitong muli ang kamay niya para paupuin siya sa tabi nito."Patawarin mo ako kung noon palaging si Jane ang pinapaboran ko, anak."Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang paghingi ng tawad ng Mama niya. Marahil ay sinabi ni Patrick dahil ito lang naman ang pinagsabihan niya ng hinaing noon. Kahit kailan ay hindi siya naglabas ng sama ng loob sa mismong ina."Kalimutan niyo na ho 'yun.""Palagi ka lang kasing tahimik noon at hindi gustong ibinibida ng Papa mo dahil mahiyain ka. Akala namin m
Patrick, please..." Kaagad niya itong itinulak bago pa siya mawala sa paninindigan niya."I need you, Janine, I love you. My life has no meaning without you.""M-may boyfriend na ako.""I won't let you go away, Janine! You love me. I know you still love me! Kung kinakailangan kong lumuhod sa 'yo, magmakaawa---""Oh, please... Umuwi lang ako dito para dalawin si Mama.""Regardless of what is your reason of coming back, you belong to me, Janine. You and Jace. Dadaan sila sa bangkay ko kung gusto kang makuha at si Jace.""Are you fighting?" Kaagad pinahid ni Patrick ang mata nang lingunin sila ni Jace."No, son. Your Mama and I are planning for your future.""My future? What is future?""Your school in Canada. You want to attend school already, right?""Hmmm, maybe.""Or we can travel to Paris and visit Disneyland?""Yes! I like to go to Disneyland!" namilog ang mata nito sa tuwa. Kinarga naman kaagad ni Patrick ang anak."Huwag mong i-brainwash ang bata," pabulong niyang wika. Lumingon
Patrick---"Naputol ang sasabihin niya kay Patrick nang paglabas niya sa kotse ay nasa front door na sina ang mga magulang ni Patrick. Kaagad pang sumalubong ang ina ni Patrick nang makita si Jace."Ohhh... My grandson." Lumakad din si Darius palapit sa tatlo dahil karga ni Patrick si Jace. Para siyang nanonood sa pelikula sa pagkikita ni Jace at Lolo at Lola nito. May namumuong luha sa gilid ng mata ni Darius na hindi niya natagalang tingnan. Lumingon naman ang anak sa kanya na tila humihingi ng saklolo o nagpapaalam kung puwede ba itong sumama sa taong estranghero dito."Mama...""It's okay, baby. Mama's here too.""And we are your Lolo and Lola," pakilala ni Mama ni Patrick sa anak. Nang pumayag ang anak na kargahin ng Mama ni Patrick ay tuloy-tuloy na dinala ang anak niya sa loob. Si Darius ay nanatiling nakatayo at tila sinenyasan si Patrick bagama't hindi niya alam kung para saan.Tuloy-tuloy din si Patrick na nakasunod sa ina. Bago siya makapasok sa loob ng bahay ay tinawag ni
Naghanda si Janine ng gamit nilang mag-ina dahil napilitan siyang pumayag na sa bahay ng mga Romano sila matutulog sa gabing iyon. Pumayag na siya dahil kapag dumating na si Davis ay hindi ma siya puwedeng makitulog pa sa bahay ni Patrick."Janine..." Naramdaman niya ang dalawang kamay ni Patrick na lumapat sa magkabila niyang baywang. Kaagad niyang inilayo ang katawan.""Nasaan si Jace?" Kanina ay karga lang ni Patrick ang anak nila habang kausap ang Mama niya."Gusto raw makalaro sandali ni Mama. I just want to thank you for forgiving my family especially Papa. And for giving us the chance to correct our mistakes.""May pagkakamali din naman ako, Patrick. At lumalaki na rin si Jace. Panahon na para makilala niya ang kalahati ng pagkatao niya. Pero gusto ko lang sanang linawin na anumang pagbibigay ko ng pagkakataon sa inyo na makasama si Jace ay hanggang doon lang. Si Jace na lang ang paglaanan mo ng atensyon.""Why? My feelings hasn't changed.""But mine is. May boyfriend na ako at
"I don't want to sleep, Mama," pakiusap ni Jace sa ina nang ipanhik niya na ito sa silid. Enjoy na enjoy kasi ito sa paglalaro sa playground nito sa garden."It's already nine o'clock, baby" sagot naman ni Janine sa anak. "But I want to play with Papa." "Let's sleep early so we can play early tomorrow, okay?" pangungumbinsi naman ni Patrick sa anak. Siya man ay ayaw pang matulog dahil sabik na sabik siya kay Jace. Pero hindi niya gustong kontrahin si Janine kung paano nito dinidisiplina ang anak. Gusto niyang magkasundo sila sa lahat ng bagay. Lumapit naman si Jace sa kanya nang umupo siya sa gilid ng kama. Isiniksik nito ang sarili sa dibdib niya kaya't iniyakap niya ang dalawang braso sa musmos nitong katawan."This is heaven..." Hindi niya itinago ang pagngilid ng luha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang pagiging emosyonal. May anak na siyang sarili niyang dugo at laman. At nayayakap niya na ito at nahahagkan. Napakasarap sa pakiramdam. Si Janine na lang ang kulang sa bu
"Good morning, honey." Kaagad humalik si Davis na hindi alam ni Janine kung paano tutugunin dahil nagkataon na inihatid sila ni Patrick sa bahay ng Mama niya. Napaaga ang dating ni Davis kaya't nagmadali din silang umalis sa bahay ng mga Romano. "Hi... I didn't know you were serious when you said you're coming." Napilitan siyang ngumiti dahil nakatingin ang lahat sa kanya. Kasama na si Jane na naghihintay lang yatang sukuan siya ni Patrick."Didn't I say I came to marry you?" Nanatiling nakaakbay si Davis sa kanya. Iginiya niya ito kaagad papasok sa bahay nila para makaiwas siya sa mapanuring mga mata ni Patrick. "It's too early for that. Besides, my mother is still sick. I want to take care of her first before I go back to Canada."Ipinakilala niya si Davis sa Mama niya at kay Jane. Pero si Patrick ay nasa labas lang. Tinungo ni Jane ang dating asawa habang siya ay abala sa pag-istima kay Davis. Hiniling niyang sana'y umalis na lang si Patrick dahil hindi niya alam kung paano kikil
Sa halip na pumayag si Patrick na mag-usap sila sa isang coffee shop ay maaga itong nasa bahay ng Mama niya para hiramin si Jace sandali. Papasok daw ito sa opisina ng alas dyes. Umakyat ito sa silid niya pero parang hangin itong dinadaanan niya lang."Huwag kang magalit sa 'kin. Halata namang gusto ng boyfriend mo na iwanan mo na lang si Jace sa 'kin," wika ni Patrick sa kanya na humarang bago siya pumasok sa banyo. "So? Ganoon naman talaga sa Canada, Patrick. What do you expect? Hindi siya Pinoy mag-isip at para sa kanila, mas importante na maging independent ang mga bata sa murang edad pa lang. Pero hindi ibig sabihin na papayag ako sa gusto ni Davis. My son, my rule!""Okay, fine. I'm sorry." Iniyakap nito ang dalawang braso sa baywang niya. Bawat hakbang niya paatras ay hakbang naman nito paabante."Let me go!""Not until you say you forgive me.""No! Bumaba ka na dahil tulog pa ang anak mo.""I won't let you go. C'mon, Janine, ngayon nga lang tayo nagkasama magagalit ka pa sa '
Ipinaubaya ni Jane ang kotse nito kay Davis at sumabay na ito kay Patrick sa pagpasok sa opisina. Ginugol naman niya ang maghapon sa pag-aalaga sa Mama niya at kay Jace na wala namang ginawa kung hindi ang hanapin ang Papa Patrick nito. Si Davis naman ay abala sa laptop nito dahil kinukumusta nito ang mga negosyong naiwan sa Canada.Alas siyete ng gabi ay umalis na sila ni Davis sa bahay. Gusto daw nito na mag-dinner muna sila sa labas bago sila makipagkita kay Patrick at Jane sa Zenclub. Dinala siya nito sa isang fine dining restaurant na nadaanan nila patungong club. Mula kaninang umaga ay inaanalisa niya na kung gusto pa ba niyang ituloy ang pakikipagrelasyon niya kay Davis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagdesisyon. Gusto niyang pagbalik nila sa Canada na siya magdesisyon. Baka nabubulagan lang ang puso niya dahil palaging sumusingit si Patrick sa eksena.Pagdating nila sa Zenclub ay naroon na sila Patrick at Jane. Nakakawit ang kamay niya sa braso ni Davis dahil gusto
Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Where's Papa?" tanong pa ni Jace nang maalala ang ama na wala sa kabilang side nito. Napahugot tuloy si Patrick sa kamay na nasa ilalim ng unan."I'm here, baby. But it is time for you to sleep because we will be out on the beach early morning. Okay?""I want you here." Inilapat nito ang kamay sa kabilang side ng higaan."Now that Mama and Papa is married, I need to sleep beside Mama once in a while.""Kay..." Muli namang pumikit ang anak nila na hindi na nagtanong pa. Bumalik sa pwesto ang kamay ni Patrick at hinintay na pumikit na si Jace.Hindi na pinakawalan ni Patrick ang mga labi niya habang nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng kamison niya. Habang lumalalalim ang halik nito'y dumidiin din ang pagmasahe nito sa dibdib niya. Nang mainip ay ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kamison niya. "G-gising pa ang anak mo," bulong niya kay Patrick. "Stay still..." Hindi naman niya magawang hindi umayon ang katawan. Nang pisilin nito ang n'pple niya ay napahawak siya sa hita ng asawa
Nasunod nga ang gusto ni Janine na intimate wedding. Pamilya lang nila ni Patrick ang naroon, ilang pares ng ninong at ninang, at mga malalapit lag na kaibigan. Wala pang isandaang miyembro ang nasa wedding venue. At nagaganap ang kasal nila habang nagbubukang-liwayway. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. Higit para sa sarili niya, nakita niya kung paanong masayang-masaya si Jace dahil kasama nila ang totoo nitong ama. Maayos nang muli ang relasyon sa pagitan ng pamilya Edejer at Romano. Si Jace ang naging tulay para lumambot muli ang puso ng Mama't Papa ni Patrick sa pamilya nila. She and Patrick also helped restore that bond that faded when Jane cheated on Patrick.Pagkatapos ng kasal ay mamamalagi pa sila ng ilang araw sa Hacienda Luna kung saan puwede silang maglibot sa malawak na manggahan at bakahan doon. Puwede rin silang mamasyal sa palibot ng isla gamit ang yate ng resort. "I hope I made you happy, love... This isn't the wedding I first planned. Pero alam kong ito an
Pag-akyat nila sa suite ay muli niyang tinawagan si Patrick sa telepono. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't tinawagan niyang muli ang Mama't Papa nito."Hindi ugali ni Patrick ang hindi sumasagot sa telepono, Papa. Puwede bang tawagan ang hotel na tinutuluyan niya ngayon?""We're going there now. Do you like to come with us?""Now? In Singapore?""Yes. You can bring Jace with you. Siguradong gusto rin niyang makita ang Papa niya.""P-paano? May flight bang---""Ang chopper ng Albano Hotel ang gagamitin natin patungong airport. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Zane nang ma-assist kayo kaagad."Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay may tawag na siyang natanggap sa receptionist ma may susundo sa kanilang mag-ina. Ilang sandali ulit ang lumipas, ang staff ng hotel naman ang nasa labas ng pinto ng suite.Panay ang tanong ni Jace kung saan sila pupunta pero hindi niya masagot. Ang tanging sinasabi niya lang ay makikita nito ang ama pagkatapos. At kahit ipinasundo na silang mag-ina sa chop
"Mama, where's Papa?" tanong ni Jace nang dalawang araw na ay wala pa rin si Patrick sa bahay ng mga magulang nito. Dalawang araw daw ang conference nito sa Singapore kaya't ilang araw nang hindi nagkikita ang mag-ama. Hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sinabi ni Patrick na dalawang linggo muna siyang sulitin ang oras sa anak bago sumabak sa trabaho.Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin niyang bigyan ng atensyon si Jace. At mula nang magkaayos sila ni Patrick ay lalo niyang nakita ang sigla sa mga mata ng anak niya. Ganoon pala 'yun. Iba pa rin ang kontribusyon ng isang ama sa mga anak. Bagama't kontento naman si Jace noon kahit silang dalawa lang ang palaging magkasama, may dagdag saya sa puso ng anak ngayong nakakasama rin nito ang ama.At pagdating sa pag-aalaga kay Jace ay wala siyang maipipintas kay Patrick. Hindi lang kay Jace. Sinisikap rin nitong maging ama kay Patricia dahil siya na ang kinilalang ama ng anak ni Jane. And speaking of Jane, nasa Hong Kong naman ito
"Then, admit that you love me. We will get married and we'll spend a honeymoon in Europe as I had planned. Kapag hindi ko narinig 'yang 'I love you' mo, uunahin ko talaga 'yang honeymoon natin.""Bakit lagi mo akong dinadaan sa pananakot?" Hindi na siya kumawala nang ikulong siya sa mga bisig ni Patrick. "Because it worked the first time I did?" natatawa nitong sagot. "Ah ganun...""I was just kidding. And I'm sorry. Defense mechanism ko lang 'yun dahil hindi ko alam tanggapin ang rejection na galing sa 'yo. I've failed in my first attempt to find my true love I don't want it to happen again to us. I want you to be my forever, Miss Janine Edejer.""Sige, pero sa isang kundisyon.""Ang babaeng mahilig sa kundisyon," natawa nitong sabi. "Gumaganti lang naman ako sa 'yo ah...""Okay, whatever it is.""Are you sure?""Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto mo.""I want a simple wedding. No lavish celebration. Just you and me and our immediate families.""Why? Hindi mo ba gustong
Nakatulog na si Jace pero si Janine ay hindi pa. Nang bumangon si Patrick ay bumangon din siya para lumabas sa silid. Gusto niyang panindigan na naiinis siya. Hindi pa rin niya matanggap na siya pa ang umuwi imbes na si Patrick ang sumundo sa kanya sa Canada."Halika nga. Saan ka na naman pupunta?" Hinila ni Patrick ang kamay niya patungo sa balkonahe. "Matutulog na 'ko." Pilit siyang kumakawala pero nakayakap ito nang mahigpit sa katawan niya kasama ang dalawa niyang braso. "Kanina pa 'ko nanggigigil sa 'yo sa garden. Where's my kiss?""Kiss my ass...""Kiss your ass, really?""What do you want, Patrick? Nandiyan na ang anak mo, hindi ko naman ipinagkait sa 'yo.""I want you.""I'm not the girl I used to be." Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot. Kahit kanina pa ipinagdidiinan ni Patrick ang damdamin nito sa kanya, parang may kulang pa rin."What do you mean? Nabawasan na ang pagmamahal mo sa 'kin?""Hindi sa ganun...""I love you. I want to make things right for us. Kung an
"Are you sure you want to sleep here?" muling tanong ni Patrick kay Janine. Hindi siya sumasagot. Gusto pa niyang magmatigas dahil naiinis pa rin siya sa hindi nito pagsunod sa Canada kung totoong mahal pala siya nito. Kung noon ay nakuha siya ni Patrick nang mabilisan, ngayon ay pahihirapan talaga niya ito."I had no choice. Para na kaming hinostage dito eh," tila angal niya kay Patrick."Ikaw naman ang pinaka-maswerteng hinostage," sagot nito. "Ako ang alipin mo. Kahit anong iutos mo susundin ko.""Susundin?! Sabi ko ngang iuwi mo kami sa bahay ni Mama ayaw mo naman. Anong gagawin namin ni Jace dito?""Anong gagawin? Bukas pupunta tayo sa opisina para palitan mo si Jane sa posisyon niya.""Paanong maging maswerteng hostage ako kung isasalang mo din ako kaagad sa trabaho?""Ikaw ang maysabing gusto mo ng gagawin.""I want to visit my mother. And my friends.""Sige, saan mo pa gustong pumunta? I will go with you.""No! Ako na lang at si Jace," agad naman niyang tanggi."May nakita ka
"Kailan ba dadating? Baka naman araw na ng kasal ko wala pa akong engagement ring? I need to propose right away, Ivy." Hindi niya inaasahan na uuwi kaagad si Janine. Ang plano niya ay pupuntahan niya ito sa Canada para doon mag-propose at pauwiin ito sa Pilipinas. Dalawang buwan pa ang dating ng singsing na in-order niya kay Ivy Burman. Manggagaling pa kasi ang dyamante nito mula aa United Kingdom.Kampante naman siya na babalik si Janine sa Pilipinas. Ang sabi ni Jane ay nakipaghiwalay na ito kay Davis bago pa umalis sa Pilipinas ang dalawa. At bagama't may mga naiwan pang investment doon si Janine, desidido na daw itong umuwi na lang sa Pilipinas dahil hinahanap siya ng anak niya.Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Sa sandaling panahon na nagkakilala sila ni Jace ay nagkaroon kaagad siya ng puwang sa puso ng anak niya."Nandito na nga 'yun sa susunod na araw. I will call you as soon as it arrives.""I hope so. Thank you, Mrs. Burman. Give my regards to Wael." Matap