Share

Sinira ng First Love niya ang Kasal ko
Author: Mr. Prosperity

Kabanata 1

Author: Mr. Prosperity
Nang makauwi ako, hatinggabi na.

Kumalat sa loob ng sala ang malamlam na liwanag ng buwan, na nagbigay ng malamig, at malungkot na ilaw sa lugar.

Sa pagod ko, kinaladkad ko ang sarili ko papunta sa kwarto, ngunit sinalubong ako ng makulay na wedding decor sa mga pader.

Nakakatawa, sabi ko sa isip ko.

Hindi pa naalis ang makukulay na ribbon sa kama, ngunit masyado akong pagod para pakialaman ito. Hinawi ko ang mga ito paalis ng kama at bumagsak ako sa malambot na mattress, naramdaman ko ang bigat ng buong araw na nakadagan sa’kin.

Nang isaksak ko ang phone ko para magcharge, isang notification ang “nagkataong" nakakuha ng atensyon ko—isang post mula kay Susie McKinney sa kanyang social feed.

"Nagpapasalamat ako na kasama kita, walang nasayang na sandali” ang caption.

Makikita sa naka attach na photo na hawak siya ni Hank sa kanyang mga bisig, nakatitig silang dalawa sa mga mata ng isa’t isa, halos ilang sentimetro lang ang pagitan nila, malapit nang magdikit ang kanilang mga labi. Kumikislap ang magkaparehas na couple rings sa kanilang mga daliri.

Kung nangyari ito noon, baka sinugod ko sila at humingi ako ng eksplanasyon mula sa kanya.

Pero ngayon? Tahimik kong pinatay ang aking phone, gumulong ako, at natulog.

Lumipas ng tahimik ang mga sumunod na araw. Hindi ako nakatanggap ng kahit isang message mula kay Hank.

Sa halip, ang feed ko ay napuno ng mga update ni Susie—mga larawan nila na naghahalikan, nagshoshopping, nagtatawanan, na para bang pinangangalandakan nila sa mundo ang kasiyahan nila.

Hindi ako nagreact, hindi ako nakaramdam ng galit o lungkot. Sa halip, tumawag ako ng abogado at nagsimula akong maghanda para sa divorce.

Walong taon na kaming nagsasama ni Hank Dawson, mula pa noong university days namin. Bagaman kailan lang kami naghost ng wedding ceremony namin, yung totoo, legal kaming nagpakasal pagkatapos mismo ng graduation namin.

Isa itong tahimik at padalos-dalos na sandali. Walang sere-seremonya, walang mga regalo, walang alahas—tanging ang mapusok na damdamin ng dalawang kabataang nagmamahalan.

Pero ngayon, ang damdamin na iyon ay matagal nang naglaho, wala itong ibang iniwan kundi isang kalat na kailangang linisin.

*

Pagkaraan ng halos dalawang linggo, nakaupo ako sa bahay, binabasa ko ang draft na hinanda ng abogado ko para sa divorce.

Tahimik ang bahay, ngunit biglang sinira ng tunog ng pagpihit ng susi sa lock ang katahimikan.

Inangat ko ang tingin ko, at heto na nga sila—pumasok si Hank habang magkahawak-kamay sila ni Susie.

Nagtagpo ang aming mga mata, at nakakita ako ng bakas ng pagkailang sa kanyang mukha. Agad niyang binitawan ang kamay ni Susie, kabado ang boses niya habang sinusubukan niyang magpaliwanag.

"Hindi pa nakapunta sa beach si Susie, kaya dinala ko siya dun. Isa pa, buntis ka… hindi ba sinabi ng doktor na dapat mag-ingat ka…”

Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nilihis ko ang tingin ko, bumalik ang mga mata ko sa legal documents sa harap ko.

Tumango ako, halos hindi ako interesado.

“Mm. Okay," sagot ko, walang pakialam.

“Sige lang…”

Anupaman ang balak niyang sabihin ay bumara sa lalamunan niya. Nang makita niya akong nakaupo doon, kalmadong nakatutok sa screen ng computer, at walang pakialam, tila lalo siyang nagalit.

Naging malamig ang kanyang boses, at nagwala siya, "Kailangan mo ba talagang gawin ‘to? Sinabi ko na sayo, hindi pa nakapunta sa beach si Susie—kaya dinala ko siya doon! Maliit na bagay lang ‘yun. At bakit ka gumagawa ng eksena? Para namang hindi tayo maghoneymoon anumang oras! Ano bang problema mo?”

Nagpatuloy siya sa pagsasalita, malinaw ang inis sa kanyang boses. “At gaano karaming beses ko ba dapat sabihin sayo na, walang namamagitan sa’min ni Susie—”

Pinutol ko siya sa pagsasalita, pagod na ako sa kasinungalingan niya.

"Parang magkapatid lang kayong dalawa. Oo na, alam ko.”

Tumingin ako sa kanya, kalmado at walang pakialam ang ekspresyon ko. Walang kahit kaunting bakas ng galit.

Gayunpaman, lalong lumamig ang ekspresyon ni Hank, nagsalubong ang mga kilay niya sa inis. Ang boses niya, na puno ng inis, ay umalingawngaw sa buong silid.

"Kung ganun, anong kinakagalit mo ngayon?”

“Busy ako," sagot ko, muling bumaling ang atensyon ko sa draft sa harap ko, hindi ako interesadong tumingin sa mga mata niya.

Nang makita ang tensyon sa pagitan namin, agad na namagitan si Susie, hinawakan niya ang braso ni Hank ng may pekeng pag-aalala. Ginatungan niya ang sitwasyon gamit ng kanyang matamis, at malambing na tono.

"Pakiusap, Pearl, huwag kang magalit. Hindi ka dapat makipagtalo kay Hank dahil sa’kin. Hindi ka man isinama ni Hank sa pagkakataong ito, pero binilhan ka niya ng espesyal na regalo mula sa beach!”

Humarap siya kay Hank, peke ang pagiging inosente ng kanyang boses. “Hank, dalian mo at ipakita mo sa kanya ang regalo!"

Si Hank, na gustong-gustong magyabang, ay inilabas ang isang maliit na kahon mula sa bulsa niya. Binuksan niya ito at itinulak ito palapit sa’kin na para bang may ginawa siyang napakaganda.

"Binili ko ‘to para lang sayo. Sige na, tingnan mo ito.”

Napuno ng pagmamalaki ang kanyang mukha na para bang umaasa siya na magpapasalamat ako sa kanya.

Tiningnan ko ang kahon. Naglalaman ito ng isang simpleng pares ng mga hikaw na hugis bulaklak, na nilinyahan ng malliliit na dyamante, at ang mga petals nito ay gawa sa blue gemstone. Maliit at maselan ang mga ito.

Tiningnan ko ito, pagkatapos ay itinulak ko ito pabalik sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

"Hindi na kailangan. Hindi ako interesado sa pangongolekta ng mga trinket.”

Natahimik ang buong silid. Napuno ng tensyon ang paligid at dumilim ang mukha ni Hank.

"Anong ibig mong sabihin dun, Pearl Jennings?”

Kaugnay na kabanata

  • Sinira ng First Love niya ang Kasal ko   Kabanata 2

    Tumingin ako sa mamahaling diamond bracelet na nakasuot sa kamay ni Susie, yung klase ng alahas na sumisigaw ng pitong digits ang halaga. Muling bumaling ang mga mata pabalik sa mukha ni Hank, walang emosyon at walang pakialam, bago ako nagsalita."Kung ano ang sinabi ko ‘yun ang ibig kong sabihin. Binigyan mo siya ng bracelet, at ako—ano? Isang trinket? Sa tingin mo ba kasing halaga lang ako ng isang mumurahing regalo?”Nabigla si Hank, kumurap ang mga mata niya, malinaw na hindi niya inasahan na sisitahin ko siya ng ganun.Ngunit nagsalita si Susie bago pa siya makabawi, ang boses niya ay umaapaw sa pekeng tamis na iyon."Pearl, huwag kang magalit. Binigay lang sa’kin ni Hank ang bracelet dahil gustong-gusto ko ito. Pero kung hindi mo ito gusto, ibabalik ko ito. Pakiusap, huwag mong hayaan na mamagitan ito sa inyong dalawa—maliit na bagay lang ito.”Napakainosente ng mga salita niya, ngunit hindi kumilos ang mga kamay niya upang hubarin ang bracelet. Sa halip, kumurap siya kay H

  • Sinira ng First Love niya ang Kasal ko   Kabanata 3

    Hindi umuwi si Hank kagabi.Hindi ako nagulat. Hindi ito ang unang pagkakataon.Pero habang patapos na ako sa banyo, nakita ko siyang pumasok na may dalang almusal, at kasunod niya si Susie.Nang makita niya ako, inilapag niya ang almusal sa dining table, at sa unang pagkakataon, nagpaliwanag siya.“Napuyat kami kagabi. Natatakot si Susie na mag-isa, kaya hinatid ko siya pauwi. Hatinggabi na noon, kaya doon na lang ako nakitulog.”Si Susie, na nakakapit sa kanyang braso, ay sumingit, peke ang pagiging inosente ng kanyang tono."Tama ‘yun, Pearl. Hindi ka naman galit, di ba?"Tumango ako nang hindi nagsasalita.Parang napansin ni Hank ang aking malamig na pakikitungo, at sa bihirang lambing sa kanyang boses, inilapag niya ang almusal at sinubukan niyang muli."Hindi ba sinabi mo na gusto mong panoorin yung bagong movie? May oras ako ngayon, pwede kitang samahan."Ang movie na ‘yun—na pinuri ng lahat mula nang ilabas ito—ay isang bagay na hiniling ko sa kanya, ng paulit-ulit. S

  • Sinira ng First Love niya ang Kasal ko   Kabanata 4

    "Pearl, sinabi ko na ito sa'yo dati," bulyaw ni Hank, matalim ang tono. "Hindi mo pwedeng gamitin ang pagbubuntis mo bilang dahilan sa mga tantrums mo. Humingi ka ng tawad kay Susie ngayon din, o maghihiwalay tayo agad!"Natawa ako sa galit at hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Inabot ko ang aking bag, kinuha ang mga divorce papers na matagal ko nang inihanda, at inihagis ito sa mesa sa harap niya."Sige, maghiwalay na tayo. Ngayon na."Naging madilim ang ekspresyon ni Hank nang makita niya ang mga papel. Tinitigan niya ako nang masama, ang kanyang mood ay lumipat mula sa kayabangan patungo sa isang mas malamig na damdamin."Pearl, dala mo pa rin ang ating anak," sabi niya. "Masyado ka lang sensitibo dahil sa pagbubuntis. Mapapatawad kita sa iyong padalos-dalos na pagkilos."Tinalikuran ko ang kanyang titig, hindi natitinag, at pagkatapos ng mahabang paghinto, nagsalita ako."Hank, wala nang mas nakakaalam pa sa'yo kung ako'y pabigla-bigla o hindi."Nagtigilan ang kanyang mu

  • Sinira ng First Love niya ang Kasal ko   Kabanata 5

    Galit niyang hinawakan ang braso ko."Ano bang klaseng ugali ito? Ako ang ama ng bata! Ako ang asawa mo! Wala ba akong karapatang malaman ang resulta ng checkup ng sarili kong anak?"Sinubukan kong bawiin ang kamay ko, pero mahigpit na humawak si Hank. Sawa na, sinampal ko siya sa mukha."Hank! Akala mo ba handa ka nang maging ama?"Galit na galit, pinigilan niya ang aking pulso, ang kanyang boses ay puno ng galit."Bakit hindi? Hayaan mong sabihin ko sa'yo, Pearl, kahit magdiborsyo tayo, lalabanan ko ang kustodiya ng ating anak. Wala ka nang pagkakataong makita sila muli. Ako—"Bago pa niya matapos ang kanyang banta, bumalik ang aking ama, hawak ang tubig na kinuha niya. Pagkakita sa eksena, hindi siya nag-atubili—nagbigay siya ng suntok na tumama nang diretso sa mukha ni Hank."Hayaan mong sabihin ko sa iyo—nawala na ang bata!" sigaw ng aking ama. "Kung gusto mo ng kustodiya, maghanap ka sa basurahan!"Tumingin si Hank sa akin na may pagdududa, nanginginig ang kanyang kamay h

  • Sinira ng First Love niya ang Kasal ko   Kabanata 6

    Pagkatapos nilang umalis, tiningnan ako ng aking ina nang may hindi pagsang-ayon."Pearl, talagang mananatili ka kay Hank?" tanong niya, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Natatakot ka ba na pagkatapos ng diborsyo, wala ka nang mapupuntahan? Huwag kang mag-alala. Kahit na magdiborsyo ka sa kanya, kami pa rin ng iyong ama ang mag-aalaga sa iyo."Naantig ako sa kanyang mga salita, napuno ng luha ang aking mga mata. Pero nilingon ko siya at mahinahong pinakalma siya."Mom, huwag kang mag-alala. Hindi ako mananatili kay Hank. May dahilan ako kung bakit ko ito ginagawa."Mukhang handa na siyang makipagtalo pa, pero nang makita niya ang determinasyon sa aking mga mata, nagbuntong-hininga siya at umiling sa kawalang-pag-asa.Sa mga sumunod na araw, tinupad ni Hank ang kanyang salita. Pinutol niya ang lahat ng ugnayan kay Susie, binura at hinarangan ang bawat kontak sa harap ko. Nagsimula siyang alagaan ako araw-araw, palaging nagtatanong kung okay ako, na parang takot na takot na baka may

  • Sinira ng First Love niya ang Kasal ko   Kabanata 7

    Sa sandaling hawak ko ang sertipiko ng diborsyo sa aking kamay, isang alon ng ginhawa ang bumuhos sa akin.Parang lumiit ang pakiramdam ko, na parang may bigat na naalis mula sa aking mga balikat.Nang hindi man lang lumingon sa maputlang mukha ni Hank, lumakad ako palabas ng korte, ang mga hakbang ko'y mabilis at puno ng layunin.Nang malapit na akong makalabas, may humatak sa aking pulso. Paglingon ko, nakita ko siya—magulo ang buhok, ang mga mata ay may pulang bilog, tinitingnan ako na may kaawa-awang ekspresyon ng kawalan ng pag-asa."Pearl… bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, please," pakiusap niya, ang boses ay nanginginig sa pag-asa. "Maayos ko ang lahat, swear ko. Basta magtiwala ka sa akin."Pinagpag ko ang kamay niya na may ngiti, malamig at matalim ang boses ko. "Hank, ano bang sinasabi mo? Hiwalay na tayo. Wala nang pagkakataon."Binuksan niya ang kanyang bibig na parang may sasabihin pa, pero wala akong interes na pakinggan siya.Tapat sa aking salita, iniwan ko

Pinakabagong kabanata

  • Sinira ng First Love niya ang Kasal ko   Kabanata 1

    Nang makauwi ako, hatinggabi na.Kumalat sa loob ng sala ang malamlam na liwanag ng buwan, na nagbigay ng malamig, at malungkot na ilaw sa lugar.Sa pagod ko, kinaladkad ko ang sarili ko papunta sa kwarto, ngunit sinalubong ako ng makulay na wedding decor sa mga pader.Nakakatawa, sabi ko sa isip ko.Hindi pa naalis ang makukulay na ribbon sa kama, ngunit masyado akong pagod para pakialaman ito. Hinawi ko ang mga ito paalis ng kama at bumagsak ako sa malambot na mattress, naramdaman ko ang bigat ng buong araw na nakadagan sa’kin.Nang isaksak ko ang phone ko para magcharge, isang notification ang “nagkataong" nakakuha ng atensyon ko—isang post mula kay Susie McKinney sa kanyang social feed."Nagpapasalamat ako na kasama kita, walang nasayang na sandali” ang caption.Makikita sa naka attach na photo na hawak siya ni Hank sa kanyang mga bisig, nakatitig silang dalawa sa mga mata ng isa’t isa, halos ilang sentimetro lang ang pagitan nila, malapit nang magdikit ang kanilang mga labi

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status