Noong marinig ni Lori ang drama ni Xiara, alam na agad niya ang dapat gawin. Sumakay siya sa drama ng kaibigan at kunwari ay nagdrama rin. Nagkunwari siyang malungkot at nagpanggap na umiiyak. "My bracelet, 'yon na lang ang alaala ko sa lola ko. Sobrang mahal ako ng lola ko nung nabubuhay pa siya. Alam ng Diyos ang kalungkutan at sakit na naramdaman ko noong nawala siya. Buti nga at nariyan ang bracelet na 'yan para maalala ko si Lola. Farrah, paano mo naman ito nagawa sa akin? Sinabi ko lang naman na maging maayos ka sana kay Kuya Hector, tapos nagagalit ka. Pwede naman sanang sinigawan mo ako o kaya ay sinaktan na lang ako, pero sinira mo ang bracelet ko." Mabilis na lumapit si Xiara kay Hector. Tiim bagang siya na lumapit dito para isumbong si Farrah sa mga ginawa nito. "Kuya, maniwala ka kay Lori! Hindi lang ang bracelet ang sinira niya. Pati ang braso ko ay nabali niya rin. Tignan mo ito. Ang sakit talaga!" Bumaling si Hector kaya Farrah para kum
Hindi mapakali si Xiara at tumingin kay Lori na halata rin ang pagkabalisa at parang hindi na mapakali. "Kuya Hector, kalimutan na lang natin ang tungkol sa CCTV. Malapit rin si Farrah kay Lolo Naldo. Paniguradong si Lolo ang haharapin namin kung hindi man si Farrah." Umiiwas na sagot ni Lori. "At yong bracelet ko pala, ayod na iyon. Wala na rin naman tayong magagawa kahit itabi ko iyon e hindi naman na mabubuhay pa ang lola ko." Palusot pa niya. "Hindi na ako makikipagtalo kay Farrah sa bagay na ito, para kay Lolo Naldo." Pagmamalinis pa nito. Pagkasabi noon ay hinila niya sa braso si Xiara palabas at sinabing, "Xiara, tara na." Sa mga oras na iyon ay umalingawngaw ang boses ni Hector para pigilan sila. "Sinong nagsabing aalis na kayo?" Parehong natigilan si Lori at Xiara st nagkatinginan. Hindi nila alam kung bakit ayaw sila pakawalan ni Hector? Paano naman kayang ang isang napakatalinong lalaki ay magkakagusto sa probinsiyanang ito! I
Medyo gulat at hindi pa sigurado si Hector sa nakikita, kaya mas lumapit pa siya sa bintana upang matanaw pa sana ang lalaki. Ngunit nakapasok na rin ang lalaki sa sasakyan at mabilis na itong umalis. "Paanong nangyaring magkakilala sila ni Luis Logro?" Napapailing na kausap ni Hector sa sarili niya. Si Luis Logro ang personal bodyguard ni Scholar T. Paanong naging kasama siya ngayon ni Farrah? Nasilaw lang siguro siya. ~~~ ~Rolls-Royce~ Kamusta? Nabubully ka ba sa bahay ng mga Hontiveros?" Nag-aalalang tanong ni Luis kay Farrah. Nakakatawa ang tanong na iyon para kay Farrah. "Sa tingin mo, may kayang mambully sa akin sa mundong ito?" Hindi pa panatag si Luis sa kalmadong sagot ni Farrah. "May ginawa ba sa'yo si Hector? Baka siya ang nambully sa 'yo?" "Hindi ah, kaswal lang kami sa isa't isa. Parang acquaintance lang." "Mabuti naman." Pero, isipin mo lang, tinulungan nga niya ako, kanina lang." "Tinulungan? Bakit? Ano
Nahuli ni Farrah ng tingin ang lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya at nagsalubong ang kanilang mga tingin. Nagulat ang lalaki at mabilis na umiwas ng tingin, nagkunwari siyang walang nangyari. Ibinaling sa iba ang tingin at nagkunwaring abala sa pag-aantay. "Nag-umpisa na ang pagsubok. Pumila kayo ng dalawang linya at kakalabanim ang isa't isa." Anunsiyo ng mayordomo ng bahay ng Hontiveros. Nag-umpisa na ang laban ng bawat isa ayon sa utos. Pagkatapos noon ay kalahati ang natanggal sa unang round. Isang round pa ulit ang nangyari at hanggang sa dalawampu't apat ang natirang tauhan. "Ayos na siguro ito." Tumango tango pa ang mayordomo. "Magsipahinga muna kayo. Pagkatapos ng dalampung minuto, pipiliin ko sa into ang magiging kapitan." Makalipas ang dalampung minuto. Iniutos ng mayordomo na maglaban laban ang lahat. Sa lahat ng naroroon ang dalawang matatangkad na lalaki ang natira. Tatlong suntok at dalawang sipa ay napabagsak ng isa ang k
Nagulat si Farrah at tumitig sa mayordomo. Itinaas nito ang baba at parang nagmamalaki gamit ang edad nito. "Miss Farrah, hindi basta basta si Master Logro. Bigatin iyon." "Napakahusay niya sa martial arts at matapang na personalidad. Paano mo namang naikumpara rito sa bodyguard na ito? Mag-ingat ka sa binibitawan mong salita, kung ayaw mong may makarinig sa'yo at pagsisihan mo!" "Yeah, mahusay talaga si Master Logro." Nakangiting sang-ayon ni Farrah." Butil butil ang pawis ni Luis na nagpapanggap na Sonny. Pinigilan niya ang sarili na patulan ang mayordomo dahil sa panghahamak kay Farrah kaya nanatili na lang siya roon at hindi kumikibo. Hindi pa tapos na magsalita ang mayordomo. "Mayroong boss na hindi basta basta si Master Luis Logro, ito ay walang iba kun 'di si Scholar T, na kilala dahil sa nagawa niyang nanomaterials. Kung may masabi kang hindi maganda laban kay Master Logro, para mo na ring sinabi iyon kay Scholar T." "Kung may masabi kang
Nakatitig si Farrah kay Luis na naghahanda sa pakikipaglaban. "Kung ako ang lalaban sa kaniya, paniguradong wala akong tiyansang manalo sa kaniya." Kinagulat ni Hector ang narinig mula kay Farrah. "You may start!" Malakas na sigaw ng mayordomo na nagsisilbing referee. Mabilis na nakalapit si Fred kay Luis. Masidhi ang naging labanan ng dalawang. Mainit iyon at walang nais magpatalo. Ngayon ay naniniwala na si Hector sa sinabi ni Farrah. "Totoong mahusay pala siya." Habang nanonood si Farrah sy tahimik niyang naiisip na kung hindi nagpapanggap at nagpipigil itong si Luis ay paniguradong kanina pa bumagsak na itong si Fred. Makalipas ang limang minuto, parehong huminto na sa paglalaban ang dalawa. Umatras silang pareho ng dalawang hakbang palayo sa isa't isa "Good job! Mahusay ka nga! Saludo ako sa 'yo!" Humalakhak ng malakas si Fred at tinapik tapik ang balika ni Luis, bilang papuri. Pasimpleng sumulyap si Luis sa kamay ng lalaking nakapatong sa may balikat niya. Kung
Umirap si Farrah at hindi alam kung ano ang sasabihin. "Kung gusto ko man siya o hindi, sa tingin ko ay wala ka nang pake room, hindi ba?" Sa gulat niya ay hawak na ni Hector ang kanang pulsuhan niya. "Ah, crush mo nga siya!" Nagulantang si Farrah sa titig na binibigay sa ka niya ni Hector. Arogante at kagalang laginsi Hector, laging kalmado at malamig ito kung tumingin. Ngunit sa mga oras na iyon... Galit ang mababanaag sa mga mata nito! Mukhang mali ang intindi ng binata sa sinabi niya. "Mr. Hontiveros, bakit ka naman bigla biglang nagagalit? Baka nakalimutan mo ang kasunduan natin." Kita sa mga mata nito ang pagkalito. Pero maya-maya ay nakabawi rin ito. Malamig ang mga matang sumulyap si Hector kay Farrah. "Pero sinabi ko ring sa loob ng isang buwan, akin ka lang. You are my, fiancée! Sana ay hindi mo nalilimutan ang mga tungkulin mo bilang fiancée ko!" "Okay, promise! I wont cheat on you this whole one month duration."
Chess lang naman ang lalaruin namin, wala naman sigurong kakaibang mangyayari? Hindi naman siya kakainin ni Hector. Kumatok si Farrah sa pinto ng kwarto ni Hector. Malamig at malalim na tinig ni Hector ang narinig, "Pasok ka na." Matapos buksan ni Farrah ang pintuan, ay lumakad na siya papasok. Sinalubong siya ng mabangong amoy ng cologne ng binata. Nagustuhan niya ang amoy na iyon. May pagkametikuloso si Hector. Umupo sa kahoy na upuan si Hector sa harap ng chessboard na nakaayos na. May tsaa na ring nakahanda sa kaniyang tabi. He took a sip in his cup. Umuusok iyon sa paghinga niya. Dahil room ay mas nabigyan ng emphasize ang kakisigan niya. "Inom ka nitong tsaa, bagong gawa lang ito ng taga brew sa bahay. Subukan mo." "Okay." Hindi na nagpanggap pa si Farrah. Kinuha ang tea cup at sumimsim. "Masarap ang pagkakagawa nito, gusto ito." Tumaas ang kilay ni Hector at sa palarong tono ay nagtanong. "Do you know this tea's flavor
02042025 Farrah Torres 750 points! Perfect Score! Top scorer in the 2025 college entrance examination in the City! Kinagulat ng lahat ng naroroon ang nakita sa malaking screen. Halos hindi makagalaw ang naroroon sa matinding pagkagulat. Sa mga oras na iyon, kahit ang maliit na papel sa na mahulog sa sahig ay maririnig. "Hala, hindi- hindi siguro ito totoo. Baka nagkamali ako ng nabuksan, sa ibang tao siguro ang resulta nito." Nanginginig ang boses nito, habang nakatitig sa pangalan sa malaking screen. Farrah Torres Iyon talaga ang nakasulat roon. Baka may kapareho ng pangalan? Kinalimutan na ni Faith ang maling spelling na naiiisip niya dahil imposibleng magkamali ang ibinigay ni Quina sa kaniya na admission ticket. Siguradong ang walang kwentang si Farrah talaga ang nasa results. Nagbabaga ang mga mata ni Quina habang ang kamay nito ay hinihila na ang damit ni Faith. Hindi ito maaari... anong basehan? Paanong si Farrah ay napakahusay sa exam? Wala naman talaga siy
"Oo nga, noong nakita ko ito sa tingin ko ay totoo ito. Pero sabi ni Quina hindi raw iyon totoo. Doon ko napagtanto na paano magiging totoo iyon. Paano magkakaroon ng kopya noon si Farrah kung hindi sila magkakilala ni Mez Sanchez? So naisip kong baka nga may punto si Quina!" Komento ng isa. "Sa tingin ko rin. Kasalanan talaga iyo ni Quina. Kung hindi niya di niya sinabi iyon, malamang ay hindi ito pinunit ni Gng. Torres. Milyon ang halaga ng painting na iyon! Pero nasira lang ng ganoon." Sabad rin ng isa pa. "Hindi ito usapin ng halagang perang katumbas ng painting na iyon. Pero walang katumbas na halaga ang gawa ni Mr. Sanchez at mahirap makakuha ng mga gawa niya. Maraming mayayaman o kilalang angkan ang nag-aasam magkaroon nito, pero hindi sila basta bastang nakakakuha. Hindi rin basta basta o madali makarequest ng painting sa kaniya. Pero nasira lang ng ganoon." "Shh, huwag kang maingay. Magagalit si Mr. Sanchez kung marinig niya ito. Anong mangyayaris sa mga Torres?" Si Z
Hindi na narinig pa ang sagot nito dahil mabilis na lumapit si Farrah sa matanda. At masayang sumigaw. "Master! Natutunan ko na ang ilang moves na itinuro niyo sa akin noon. Ipapakita ko kapag may oras tayo." "Oo." Sagot ni Mr. Sanchez habang tumatango-tango. Ang lahat ng naroroon ay nagulat! Hindi kaya ang tinutukoy nito ay si Farrah? Hindi ito makatotohanan! Nakatulala si Caius kay Farrah at hindi makapaniwala. Samo't sari ang emosyon nila. Lumapit rin ang matanda kay Farrah at magalang na tumungo. "Master Farrah, it's been a while." "Pasenya na po kayo kung naabala ko kayo noong nakaraan." Magalang na sabi ni Farrah at tumango. "Pinakiusapan ako ng aking apo na si Yukari na tulungan kita para sa regalo mo sa iyong mga lolo at lola. Isang painting lang naman. Kahit sampung painting pa. It's okay with me!" Gulantang ang lahat sa narinig! Si Farrah pala talaga ang tinutukoy kanina pa ni Sonny Sanchez! Matigilan ang lahat! Napatingin ang lahat sa basurahn kon
Isang malakas na galabig ang narinig. Hinampas ni Zandro ang ang lamesa at galit na sumigaw kay Farrah. "Ang lakas pa ng loob mo, e peke naman ang binigay mo sa akin. Ang tigas talaga ng ulo mo!" "Okay, okay, huwag na po kagong magalit Lolo. Hindi makakabuti iyan sa kalusugan ninyo. Para sa akin, hinfi maganda ang epekto ng matinding galit sa inyo." Nagmamadaling lumapinto si Quina sa mantanda at tinatapik ito sa likuran upang kumalma. Galit rin si Lina sa pangyayari. Lumapit ito at sa nagtstagis na bagang ay pinunit ang painting at itinapon sa basurahan. Tuwang tuwa ang kalooban ni Quina dahil sa nangyayari kay Farrah. Wala ring sayasay ang pagpapasikat nito para sa mga bisita at sa kanilang mga Lolo at Lola. Kaunting drama lang e nawalan ng saysay ang pagbibida no Farrah. Hindi siya makapapayag na masapawan lang ng isang probinsiyang gaya ni Farrah! Nagpanggap siyang nag-aaalala at sinubukang mag-recommend ng solusyon. "Lolo at Lola, malaking usapin ito. Kailangan
Mukhang inosente ang mukha ni Faith, at kunwari ay concern para hindi maisip na nanghahamak siya kay Farrah. Pero ang totoo gusto niya lang namang pagmukhahing masama si Farrah. Nakisawsaw na rin ang iba na akala mo'y nakikipagbiruan. "Oo nga! Kahit anogn klase pa iyan, regalo pa rin iyan ng inyong apo. Kaya tignan niyo pa rin ho, kasi magiging malungkot si Farrah." Kumindat pa si Francia kay Farrah, para iparating na huwag ipahiya ang sarili at itago ang dalang painting. Hindi napansin ni Farrah ang sensyas ng ina. At kalmadong nagsalita "Lo, paano kaya kung tulungan kitang bukasan ito?" Hindi malaman ng mag-asawang Juanito at Francia ang mga ginagawa ng anak. Para silang namimilipit na hindi mawari dahil sa pagkakapahiya. Kung alam lang nila na ganito ang gagawin ng anak, sana pala aya tinulungan na lamang nila itong bumili ng regalo nito para sa mag-asawa. Nakakahiya man pero paniguradong iba na ang tingin ng mga tao sa panganay na anak ng pamilya. Hindi siguro dapa
Tiramisu ang flavor ng cake na binigay ni Hector kay Farrah. At mula ito sa paborito niyang bakeshop. Sikat ang bakeshop na ito. Kaya madalas ubusan ang stocks nila at limited per day. Sikat ang mga endorsers nito, kaya hindi rin basta at kailangan pa ng reservation para makabili rito. Kahit nga magpa-assist ka roon ng maaga e panoguradong matangal pa rin ang paghihintay. "Paano mo nalaman ang favorite kong flavor?" "Hinulaan ko." Nakataas ang sulok ng labi na ngumiti si Hector. Pero hindi naniniwala si Farrah roon. "Bagong gawa iyan. Kaya kainin mo na agad." Medyo irita pa si Farrah dahil sa ginawa ni Hector kanina, pero sayang naman kung hindi siya kakainin itong tiramisu na pinaghirapan niya sigurong mabili. Binuksan niya ang box ng cake, sumandok ng kaunti gamit ang tinidor at tinikman iyon. Mas nag-enjoy siya g kainin ito kaysa sa binigay sa kaniyang yogurt drink kanina. "Kamusta ang exams mo?" Tanong ni Hector. Mabilis at kalmadong sumagot si Farrah. "Kung wa
"Kalimutan niyo na po ang offer na iyan. Masyado po iyang complicated for me." Medyo nadisappoint ang principal sa sinagot ni Farrah. "Okay tapos na ang usapan natin." Natigilan si Farrah sa narinig sa matanda. "Pero may ididiscuss po akong importanteng bagay sa inyo." "Nagbago ba ang isip mo, hija?" "Hindi po." "Okay end the call, then." Hindi muli nakakibo si Farrah. Kahit hindi interesado ang matanda sasabihin ni Farrah ay hindi naman ito nagbababa ng tawag. "Ano ba iyon?" "May suggestion lang po sana ako. Huwag po sana ninyo bigyan ng chance ang mga bumagsak na anak ng mga mayayaman sa mga susunod na pagkakataon. Dahil nakakasira iyon ng reputasyon ng school na ito." Naalala niya kasi ang nasabi noon ni Stephen na dahil professor roon ang lolo niya ay kaya nitong gawan ng paraan na makapasok ang kahit sino. Ganoon rin ang sinabi ni Hector sa kaniya
Habang pinag-uusapan si Farrah ay nauna ang dalawang itong makarating sa maindoor ng mga Hontiveros. Nasa may hindi kalayuan nila si Farrah. Sa loob ng mansiyon ay hindi mapakali si Aries Go, habang nag-aantay. "Wala pa ba iyong kainigan mong gumagawa ng tsaa?" Saktong napabaling si Hectoe sa pinto at napansin ang papalapit na si Farrah. Parang nanginang ang mga mata niya nang makita ang babae. "She's already here." Tumayo si Aries at tumingin sa pintuan, na-excite na siyang mameet ang babae. "Ikaw?!" Pagkapasok pa lang ni Lori sa living room ay nakita niya na ang excitement ni Mr. Go. Napaisip siya kung may ideya ito na, mas magaling na siya ngayon kaysa last year. Na-excite kaya ito na nakita siya? Isang matamis na ngiti ang binigay niya at mag-uumpisa na sanang magpakilala noong papalapit ito sa kaniya. Pero nilagpasan siya nito at si Farrah ang nilapitan. "Ikaw ba talaga iyan! Master Farrah! Actually
Bago pa man matapos ni Francia sa sinasabi ay napahinto na ito dahil sa matalas na mga totog ni Farrah. Nakaramdam talag siuys ng takot. Sobrang irita na si Farrah, pero bigla siya naging malamig at tahimik. "Diyan po kayo magaling, sa pagsasalita. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay hindi ko kayo ina, mukhang kaaway kita." Medyo napahiya si Francia sa sinabi ng anak. Kahit naman hindi nila gusto ang ugali ni Farrah, siya pa rin naman ay sariling laman at dugo nila. Nakakahiya man iyong ipagmalaki. Hindi talaga balak ni Francia ang humingi ng tawad, pero napipilitang sinabi niya. "Huwag ka nang mainis, Farrah. Nag-aaalala lang ako bilang ina mo. Aminin mo sa akin ang totoo, saan ba nanggaling ang perang ito?" "Kinita ko iyan." Wala na sa mood si Farrah paranpa makipag-usap, kaya tumayo na siya para umalis. "Aalis na ako. Kailangan ko pa maghanda para sa college entrance exam ko bukas." Wala nang nagawa si Francia kung hindi ang bumuntong