Share

Chapter 3

Author: SweetCaroline
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Move.” Parang papel sa gaan ang katawan ko nang lakad takbo akong pumasok sa operating room. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa may pinto. Habang papalapit sa kamang kinalalagyan ng pasyente ay umaalingawngaw pa sa pandinig ko ang isang salitang iyon na halos magpatindig sa lahat ng aking mga balahibo. Hindi naman niya isinigaw iyon ngunit parang mabibingi ako sa diin ng pagkakabitaw niya doon.

Nang tuluyang masulyapan ang pasyente ay agad na nagbalik ang isip ko sa totoong sitwasyon. Naghanap ako ng gagawin upang makatulong. At sa kalilinga ko sa paligid ay muling nahagip ng paningin ko ang doctor na ngayon ay nagsusuot na ng isang malinis na guwantes. Tinangkang tumulong ng isang babaeng nurse na kasama namin ngunit napaatras lamang siya nang masama siyang tingnan ng supladong doctor. Gusto kong umismid dahil sa kasupladuhan niya ngunit hindi ko na lang ginawa sa takot na baka may makakita.

Nang masulyapan ko ang gagamitin ko upang i-monitor ang blood pressure ng pasyente ay tumalikod na ako upang damputin iyon. “Guwapo nga, masungit naman!” Bulong ko sa sarili habang nakatungong inaayos ang pang-BP.

“What did you say?” Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita! At nang mag-angat ako ng paningin ay ayon at madilim ang mga matang nakatitig sa akin ang supladong doctor! Mangangatwirin na sana ako ngunit nabitin sa ere ang sasabihin ko nang magtuloy siya sa paglalakad papunta sa parting uluhan ng pasyente.

Ang lahat ng mga kasama ko ay nagsimula na sa kani-kaniyang gawain. Kaya wala na akong nagawa kung hindi gawin na rin ang nakatoka sa akin. Ako ang naatasang kumuha ng BP ng pasyente. Sa boong oras ng operasyon ay dalawa lang ang tinitingnan ng mga mata ko. Ang screen ng pang-BP na gamit ko at ang doctor na swabeng ginagawa ang kaniyang tungkulin. Gustuhin ko mang tingnan ang pasyente ay hindi ko kaya. Hindi dahil sa takot kung hindi dahil ayoko na… Ayokong bumalik sa ganoon.

Nang matapos ang operasyon ay dali-dali akong lumabas ng operating room upang maghugas ng kamay. Sa pagpasok ko sa rest room ay doon ko hinayaan ang sarili kong manghina. Doon, nagpaubaya ako sa emosyong akala ko ay natabunan na ng maraming taon. Sakit na akala ko’y hindi ko na mararamdaman dahil sanay na. Pero hindi… Hindi pa…

5-years ago:

“Ano ito, ma?” Tanong ko nang ipatawag niya ako ng biglaan. Kinailangan ko pang mag-under time sa trabaho para lang mabilis na makarating sa bahay. Hindi kailan man tumawag si mama para sa isang emergency. Kaya’t parang sasabog ang puso ko sa kaba nang pauwi ako.

“Kent Chan…” malumanay na banggit niya sa boong pangalan ko. Napaka-ganda niyong pakingan ngunit sa kabila niyon ay mas tumitinding kaba ang bumabalot sa puso ko.

“A-ano iyon, ma?” Sinubukan kong pigilan ang garalgal sa aking tinig ngunit bigo ako. Hinatak niya ang kamay ko paupo sa tabi niya. Masyadong maliit ang aming sofa ngunit kakatwang nagkakasya kami dito. Idinantay niya ang kaliwang braso sa balikat ko at ang isang kamay niya’y hawak ng mahigpit ang pareho kong palad.

“Ang ganda mo, anak. Pati ang pangalan mo ay bagay na bagay sa iyo. Ikaw ang nag-iisang kayamanan ni mama tandaan mo iyan, ha?” Sabay na pumatak ang kaniyang luha sa magkabila niyang pisngi nang sabihin iyon. Kahit nakatitig sa akin ay hindi ko na pinilit pang pigilan ang pag-iyak. Kung gaano karahan ang paghaplos niya sa buhok ko ay ganoon naman karahas ang pagtulo ng aking mga luha. Alam ko na ito, eh. At hindi ko kayang tangapin. Hindi pa…

“Alam kong alam mo na. Pasensya ka na kung naglihim si mama sa iyo. Natatakot kasi ako, eh. K-Kasi umaasa pa ako. N-na baka may paraan pa? N-na baka p-puwedeng hindi kita iwan? Kasi aaw ko. Ayaw ko…” garalgal ang boses na pahayag niya na talagang bumasag ng husto sa puso ko. Simula nang lumaki ako ay parating matatag si mama. At ngayong umiiyak siya at nanghihina ay halos hindi ko kayanin.

Mahigpit naming niyakap ang isa’t isa. Para bang sa ganoong paraan kami humuhugot ng lakas para parehong labanan ang sakit na hindi namin alam kung kakayanin naming talunin. 

May brain tumor si mama. Ayon sa nabasa kong record niya ay matagal na. Ngunit wala pang isang buwan nang malaman ko iyon. Kung hindi pa niya nakalimutang isarado ang kaniyang tukador ay hindi ko makikita ang lahat ng mga dati pa niyang ultrasound. Pati ang mga reseta ng gamot ay kumpleto. Hindi ko siya magawang kumprontahin sa nalaman ko dahil ako mismo ay takot. Takot na tangapin na dalawang buwan na lang ang itatagal niya.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kaniya nang maisip ang taning ng sakit niya. Si mama na lang ang nag-iisang pamilya ko. Pareho naming hindi alam kung nasaan si papa. At hindi ko alam kung mahahanap pa namin siya.

“Basta, ipangako mong ipagpapatuloy mo ang propesyon mo kahit anong mangyari. Alam ko kung gaano mo kamahal ang pagliligtas ng buhay…” Tumango ako sa kaniya dahil iyon din talaga ang sinasabi ng puso ko. Nakalulungkot lang dahil kahit ako ang nakaaalam kung ano ang maaaring gawin tungkol sa sakit ni mama ay hindi ko naman kontrolado ang plano ng panginoon sa kaniya.

Nang makatulog na siya sa mga bisig ko ay maingat akong tumayo at binuhat siya papunta sa maliit niyang kama. Hindi ganoon kabigat si mama dahil sa mabilis na pagbaba ng kaniyang timbang. Ilalapag ko na sana siya nang matigilan ako. Hindi ko pa man nakakayang tangapin ay wala na. Hindi na ako nabigyan ng pagkakataong lumaban. Dahil ang kaisa-isang taong kayamanan ko ay binawi na…

“M-ma…” Basag ang boses ngunit tahimik na sambit ko sa tawag ko sa kaniya. Gustuhin ko mang isigaw ang lahat ng sakit ay tila nanghihina ako. Maging ang pagpatak ng mga luha ko ay inuubos ang aking tatag. Marahan ko siyang inilapag sa kama at saka doon wala sa sarili kong pinagmasdan ang kaniyang mukha. Sa ganoong ayos ako lumuha nang lumuha.

Hinayaan kong bugbugin ako ng kalungkutan. Hindi ko iniwasan o pinilit kalimutan. Dahil hindi ko kaya. Hindi pa…

Kasalukuyan:

Labing limang minutong pagbabalik sa nakaraan ngunit parang ang lahat ng pakiramdam ay buhay na buhay. Gustuhin ko mang ipagpatuloy ang pagpapaalipin sa sakit ay hindi puwede. Walang ibang makatutulong sa akin kung hindi ang aking sarili. Kaya’t puwersahan kong pinatibay ang dibdib at ipinagpatuloy ang trabaho bilang nurse. Dahil sa bawat buhay na nadudugtungan sa tulong ko ay parang isang kahilingan ni mama ang natutupad.

Halos apat na oras din ang itinagal ng operasyon. Kaya naman nang makalabas ako ay pag-aayang kumain agad ang sumalubong sa akin. Tulad ng dati, parang walang nangyari akong ngumiti at nakihalubilo sa mga kasamahan ko. Masaya naming pinagkuwentuhan ang karanasan namin sa pagiging nurse.

Sa canteen ng ospital na kami kumain. Pinili naming maupo sa isang pang-waluhang lamesa. Marami kami at ayaw naman naming magkakahiwalay na kumain. Lampas alas nuwebe na ng gabi ngunit ang lahat ay buhay na buhay pa. Tila ba ang ganitong oras ng pagtratrabaho ay normal lang gayong sa totoo lang ay halos ikasira na ng aming mga katawan ang ganitong sistema.

“How was the operation, handsome?” Ang malambing na tinig na iyon ang nagpalingon sa aming lahat na nasa lamesa. Sa entranda ay papasok ang isang maganda at sopistikadang doctor kasama si doctor Andrue Zo. Halos suminghap ang lahat nang i-angkla ng babaeng doctor ang braso niya sa braso ni dok Andrue.

“Hala! Baka makatikim din si dok ganda ng kasupladuhan ni dok Andrue!” Kumento ng katabi kong si Michelle. Maging ako ay iyon ang inaasahan dahil talagang walang kinakausap na babae iyan dito maliban na lang kung tungkol sa trabaho. Ngunit kasabay ng mga malalakas na singhapan sa paligid, ay ang munting pagkirot ng dibdib ko.

Nilingon lang ni dok Andrue ang kamay ng babae sa kaniyang braso at dire-diretso nang naglakad upang maupo sa puwesto nila. Hindi pa man nag-iilang sigundo ay mabilis na akong humarap sa pagkain. Masyado na akong matanda para hindi matukoy ang naramdaman kanina. Pero bakit? Papaano gayong hindi naman kami magkakilala?

Related chapters

  • Sheltered Memory    Chapter 4

    Hanggang sa matapos sa pagkain at makabalik sa trabaho ay iyon pa rin ang laman ng isip ko. Tuloy ay madalas akong mapuna ng mga kasamahan ko. Para makaiwas sa pagtatanong nila ay parati akong humahanap ng magagawa. At laking pasasalamat ko nang sa ikapitong oras ko sa trabaho ay ilipat muli ako ng department. Ibinalik na ako sa OB secsion kaya ang galak sa puso ko ay ganoon na lang.Sa lahat ng department sa ospital ay ito talaga ang pinaka-gusto ko. Hindi matawaran ang saya ko sa tuwing may isang bata ang maipanganganak ng ligtas at malusog. Minsan nga ay talagang napapaluha pa ako kapag dadaan sa hirap ang ina at sa huli ay mapagtatagumpayan niyang ilabas ang kaniyang anak. Ayon tuloy at madalas akong tuksuhin na parang ako daw ang nanganak kung makaluha ako.“Wala munang uuwi, guys!” malakas na sambit ng head nurse pagpasok niya sa nurse quarters. Ang lahat ng naka-duty ay pare-parehong naka-upo at nagkakape pagkatapos ng nakakapagod na shift. Ala-una na nang madalin

  • Sheltered Memory    Chapter 5:

    Kahit nagulat ay nagawa ko pang balikan ng tingin ang kaniyang mga labi. Ngunit hindi ko na nakita ang hinahanap ko. Ang naiwan na lang sa kaniyang mukha ay ang blankong ekspresyon. Tuloy ay gusto kong isipin na namamalik mata lang ako. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na baka ganoon nga. Marahil ay dala ng sobrang pagod at antok kaya kung ano-ano na ang nakikita ko. Isa pa ay bakit naman niya sasabihin iyon? Hindi kami magkakilala at ang ganoong mga kataga ay para lang sa isang kaibigan, kakilala o… Hindi ko na itinuloy pa ang takbo ng isip ko nang tumahop ng hindi inaasahan ang aking dibdib. Dahil sa mga isipin ay hindi ko na nasundan pa ang ibang announcement sa meeting. Nakuha ko lang makasabay sa kasalukuyang takbo ng oras nang tapikin ako ni Michelle sa balikat. “Ano, girl? Dito ka na lang?” Sa sinabi niyang iyon ay napatayo ako. Nang lingunin ko ang bawat sulok ng hall ay halos iilan na lang kaming naiwan. Karamihan pa ay mga taga maintainance te

  • Sheltered Memory    Chapter 6

    Ilang saglit pa akong natulala sa kanina pang umalis na sasakyan ni doc Andrue. Nang mapagtantong talagang wala na siya ay saka ko lang binalingan ang lalaking hangang ngayon ay yakap ko. Unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin at nang mapagmasdan ko ang kaniyang hitsura ay kumunot ang noo ko sa lungkot na nababanaag ko sa kaniyang mga mata. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya habang pinauupo ko siya sa sofa matapos naming makapasok sa bahay. Hindi pa man siya nakasasagot ay dumiretso na ako sa kusina para ikuha siya ng maiinom. Dahil wala naman akong stock ay tanging malinis na tubig lang ang naiabot ko sa kaniya. Sandali pa niya iyong tinitigan bago tuluyang tinangap. Matapos niyang uminom ay marahan niyang ibinaba ang baso sa kaniyang kandungan at saka wala sa sariling tumitig doon. S-sina mommy..." Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay magkakasunod nang tumulo ang kaniyang luha. Maging ang pagkibot-kibot ng kaniyang putok na labi ay napagmas

  • Sheltered Memory    Prologue

    Kung ang puso’y umibig at naghangad na ibigin pabalik,At ang inaasahang matangap kahit sa kalahati’y hindi humigit.Susuko nalang ba dahil masakit?O patuloy na magmamahal kahit walang kapalit.Sa pagsintang tinakpan ng pait ang tamis,At ang galak ay natabunan ng hapis.Mga luhang sa pagtulo’y walang mintis,Sa tahimik na gabing puno ng pagtangis.Sa mga larawang kasama bawat araw,Daan sa mga alaalang pilit tinatanaw.Kahit sa bawat buklat dulot ay pamamanglaw,Sa minsang pagdaan ng ligaya’y hindi kayang bumitaw.Sa pagpuno ng maraming bagay sa isipan,At pag’ikot ng mga tagpong kay hirap kalimutan.Mga tanong na hindi mahanap ang kasagutan,Hanggang kailan, hanggang saan?Isang tipid na ngiti ang dumaan sa aking mga labi nang isara ko ang libro pagkatapos kong basahin ang huling pahina. Hindi lang sa sampung beses ko na itong binasa ngunit tila kahapon ko lang ito isinulat. Ang pakiramdam ng magkahalong sakit at saya ay

  • Sheltered Memory    Chapter 1

    Halos bumalikwas ako dahil sa lamig na dumampi sa aking pisngi. Nang magmulat ako ay nakatunghay na sa akin ang nakangising lalaki. Sa kabila ng magulo niyang buhok ay hindi kayang itago ang angkin nitong kagwapuhan.“D-did you K kiss me?” natataranta kong tanong. Ang mga mata ko ay hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Agad akong nahiya dahil sa katotohanang nakatulog ako! Nang sulyapan niya ang nasa kandungan ko ay mabilis bumaba doon ang aking paningin. At halos mapamura ako sa pagkakagusot ng chart na hawak ko!“I-I’m sorry… This is…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya gamit ang hintuturong daliri ang aking bibig.“What time is your out?” sa halip ay tanong niya sa akin. Doctor siya at nurse ako. At ang hindi pagsagot sa tanong niya ay kabastusan.“Eight AM…” hindi parin makatinging sagot ko. Mula sa pagkakalagay ng kaniyang dalawang kamay sa parehong gilid ng kinauupuan ko ay tumayo siya ng tuwid.“Go home, then. And don’t make

  • Sheltered Memory    Chapter 2

    Humihikab akong nagmulat ng mata kinabukasan. Hindi ako sigurado kung anong oras kami natulog kagabi. Basta’t ang malinaw ay ang walang humpay na pangungulit sa akin ni Criza. Dito na rin siya natulog at kumain. Wala namang masama dahil bukod sa bakla iyon ay matagal ko nang subok ang pagiging magalang at mabait niya. Kaya panatag akong safe ako sa kaniya.Papaanong hindi, eh mas maarte pa iyon sa akin! Sa aming dalawa ay siya pa ang mas babaeng kumilos. Pero dito lang iyon sa loob ng bahay ko nakapaglalabas ng tunay niyang anyo. Masyado kasing mahigpit ang kaniyang mga magulang. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang sundalo. Kaya’t kahit anong kagustuhan niyang lumantad ay hindi puwede. Bukod sa pagtatago ng kaniyang sikreto ay wala na siyang problema sa mga magulang. Mapagmahal ang mga iyon bagay na isa sa kinaiinggitan ko sa kaniya.Saglit pa akong nag-inat bago tuluyang tumayo. Ayaw ko man ay kailangan ko nang kumilos. Ang isang buong day off ko ay hindi ko

Latest chapter

  • Sheltered Memory    Chapter 3

    “Move.” Parang papel sa gaan ang katawan ko nang lakad takbo akong pumasok sa operating room. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa may pinto. Habang papalapit sa kamang kinalalagyan ng pasyente ay umaalingawngaw pa sa pandinig ko ang isang salitang iyon na halos magpatindig sa lahat ng aking mga balahibo. Hindi naman niya isinigaw iyon ngunit parang mabibingi ako sa diin ng pagkakabitaw niya doon.Nang tuluyang masulyapan ang pasyente ay agad na nagbalik ang isip ko sa totoong sitwasyon. Naghanap ako ng gagawin upang makatulong. At sa kalilinga ko sa paligid ay muling nahagip ng paningin ko ang doctor na ngayon ay nagsusuot na ng isang malinis na guwantes. Tinangkang tumulong ng isang babaeng nurse na kasama namin ngunit napaatras lamang siya nang masama siyang tingnan ng supladong doctor. Gusto kong umismid dahil sa kasupladuhan niya ngunit hindi ko na lang ginawa sa takot na baka may makakita.Nang masulyapan ko ang gagamitin ko upang i-monitor ang bl

  • Sheltered Memory    Chapter 2

    Humihikab akong nagmulat ng mata kinabukasan. Hindi ako sigurado kung anong oras kami natulog kagabi. Basta’t ang malinaw ay ang walang humpay na pangungulit sa akin ni Criza. Dito na rin siya natulog at kumain. Wala namang masama dahil bukod sa bakla iyon ay matagal ko nang subok ang pagiging magalang at mabait niya. Kaya panatag akong safe ako sa kaniya.Papaanong hindi, eh mas maarte pa iyon sa akin! Sa aming dalawa ay siya pa ang mas babaeng kumilos. Pero dito lang iyon sa loob ng bahay ko nakapaglalabas ng tunay niyang anyo. Masyado kasing mahigpit ang kaniyang mga magulang. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang sundalo. Kaya’t kahit anong kagustuhan niyang lumantad ay hindi puwede. Bukod sa pagtatago ng kaniyang sikreto ay wala na siyang problema sa mga magulang. Mapagmahal ang mga iyon bagay na isa sa kinaiinggitan ko sa kaniya.Saglit pa akong nag-inat bago tuluyang tumayo. Ayaw ko man ay kailangan ko nang kumilos. Ang isang buong day off ko ay hindi ko

  • Sheltered Memory    Chapter 1

    Halos bumalikwas ako dahil sa lamig na dumampi sa aking pisngi. Nang magmulat ako ay nakatunghay na sa akin ang nakangising lalaki. Sa kabila ng magulo niyang buhok ay hindi kayang itago ang angkin nitong kagwapuhan.“D-did you K kiss me?” natataranta kong tanong. Ang mga mata ko ay hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Agad akong nahiya dahil sa katotohanang nakatulog ako! Nang sulyapan niya ang nasa kandungan ko ay mabilis bumaba doon ang aking paningin. At halos mapamura ako sa pagkakagusot ng chart na hawak ko!“I-I’m sorry… This is…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya gamit ang hintuturong daliri ang aking bibig.“What time is your out?” sa halip ay tanong niya sa akin. Doctor siya at nurse ako. At ang hindi pagsagot sa tanong niya ay kabastusan.“Eight AM…” hindi parin makatinging sagot ko. Mula sa pagkakalagay ng kaniyang dalawang kamay sa parehong gilid ng kinauupuan ko ay tumayo siya ng tuwid.“Go home, then. And don’t make

  • Sheltered Memory    Prologue

    Kung ang puso’y umibig at naghangad na ibigin pabalik,At ang inaasahang matangap kahit sa kalahati’y hindi humigit.Susuko nalang ba dahil masakit?O patuloy na magmamahal kahit walang kapalit.Sa pagsintang tinakpan ng pait ang tamis,At ang galak ay natabunan ng hapis.Mga luhang sa pagtulo’y walang mintis,Sa tahimik na gabing puno ng pagtangis.Sa mga larawang kasama bawat araw,Daan sa mga alaalang pilit tinatanaw.Kahit sa bawat buklat dulot ay pamamanglaw,Sa minsang pagdaan ng ligaya’y hindi kayang bumitaw.Sa pagpuno ng maraming bagay sa isipan,At pag’ikot ng mga tagpong kay hirap kalimutan.Mga tanong na hindi mahanap ang kasagutan,Hanggang kailan, hanggang saan?Isang tipid na ngiti ang dumaan sa aking mga labi nang isara ko ang libro pagkatapos kong basahin ang huling pahina. Hindi lang sa sampung beses ko na itong binasa ngunit tila kahapon ko lang ito isinulat. Ang pakiramdam ng magkahalong sakit at saya ay

DMCA.com Protection Status