Chapter: Chapter 6Ilang saglit pa akong natulala sa kanina pang umalis na sasakyan ni doc Andrue. Nang mapagtantong talagang wala na siya ay saka ko lang binalingan ang lalaking hangang ngayon ay yakap ko. Unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin at nang mapagmasdan ko ang kaniyang hitsura ay kumunot ang noo ko sa lungkot na nababanaag ko sa kaniyang mga mata. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya habang pinauupo ko siya sa sofa matapos naming makapasok sa bahay. Hindi pa man siya nakasasagot ay dumiretso na ako sa kusina para ikuha siya ng maiinom. Dahil wala naman akong stock ay tanging malinis na tubig lang ang naiabot ko sa kaniya. Sandali pa niya iyong tinitigan bago tuluyang tinangap. Matapos niyang uminom ay marahan niyang ibinaba ang baso sa kaniyang kandungan at saka wala sa sariling tumitig doon. S-sina mommy..." Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay magkakasunod nang tumulo ang kaniyang luha. Maging ang pagkibot-kibot ng kaniyang putok na labi ay napagmas
Last Updated: 2022-01-08
Chapter: Chapter 5:Kahit nagulat ay nagawa ko pang balikan ng tingin ang kaniyang mga labi. Ngunit hindi ko na nakita ang hinahanap ko. Ang naiwan na lang sa kaniyang mukha ay ang blankong ekspresyon. Tuloy ay gusto kong isipin na namamalik mata lang ako. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na baka ganoon nga. Marahil ay dala ng sobrang pagod at antok kaya kung ano-ano na ang nakikita ko. Isa pa ay bakit naman niya sasabihin iyon? Hindi kami magkakilala at ang ganoong mga kataga ay para lang sa isang kaibigan, kakilala o… Hindi ko na itinuloy pa ang takbo ng isip ko nang tumahop ng hindi inaasahan ang aking dibdib. Dahil sa mga isipin ay hindi ko na nasundan pa ang ibang announcement sa meeting. Nakuha ko lang makasabay sa kasalukuyang takbo ng oras nang tapikin ako ni Michelle sa balikat. “Ano, girl? Dito ka na lang?” Sa sinabi niyang iyon ay napatayo ako. Nang lingunin ko ang bawat sulok ng hall ay halos iilan na lang kaming naiwan. Karamihan pa ay mga taga maintainance te
Last Updated: 2021-07-11
Chapter: Chapter 4Hanggang sa matapos sa pagkain at makabalik sa trabaho ay iyon pa rin ang laman ng isip ko. Tuloy ay madalas akong mapuna ng mga kasamahan ko. Para makaiwas sa pagtatanong nila ay parati akong humahanap ng magagawa. At laking pasasalamat ko nang sa ikapitong oras ko sa trabaho ay ilipat muli ako ng department. Ibinalik na ako sa OB secsion kaya ang galak sa puso ko ay ganoon na lang.Sa lahat ng department sa ospital ay ito talaga ang pinaka-gusto ko. Hindi matawaran ang saya ko sa tuwing may isang bata ang maipanganganak ng ligtas at malusog. Minsan nga ay talagang napapaluha pa ako kapag dadaan sa hirap ang ina at sa huli ay mapagtatagumpayan niyang ilabas ang kaniyang anak. Ayon tuloy at madalas akong tuksuhin na parang ako daw ang nanganak kung makaluha ako.“Wala munang uuwi, guys!” malakas na sambit ng head nurse pagpasok niya sa nurse quarters. Ang lahat ng naka-duty ay pare-parehong naka-upo at nagkakape pagkatapos ng nakakapagod na shift. Ala-una na nang madalin
Last Updated: 2021-05-24
Chapter: Chapter 3“Move.” Parang papel sa gaan ang katawan ko nang lakad takbo akong pumasok sa operating room. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa may pinto. Habang papalapit sa kamang kinalalagyan ng pasyente ay umaalingawngaw pa sa pandinig ko ang isang salitang iyon na halos magpatindig sa lahat ng aking mga balahibo. Hindi naman niya isinigaw iyon ngunit parang mabibingi ako sa diin ng pagkakabitaw niya doon.Nang tuluyang masulyapan ang pasyente ay agad na nagbalik ang isip ko sa totoong sitwasyon. Naghanap ako ng gagawin upang makatulong. At sa kalilinga ko sa paligid ay muling nahagip ng paningin ko ang doctor na ngayon ay nagsusuot na ng isang malinis na guwantes. Tinangkang tumulong ng isang babaeng nurse na kasama namin ngunit napaatras lamang siya nang masama siyang tingnan ng supladong doctor. Gusto kong umismid dahil sa kasupladuhan niya ngunit hindi ko na lang ginawa sa takot na baka may makakita.Nang masulyapan ko ang gagamitin ko upang i-monitor ang bl
Last Updated: 2021-05-24
Chapter: Chapter 2Humihikab akong nagmulat ng mata kinabukasan. Hindi ako sigurado kung anong oras kami natulog kagabi. Basta’t ang malinaw ay ang walang humpay na pangungulit sa akin ni Criza. Dito na rin siya natulog at kumain. Wala namang masama dahil bukod sa bakla iyon ay matagal ko nang subok ang pagiging magalang at mabait niya. Kaya panatag akong safe ako sa kaniya.Papaanong hindi, eh mas maarte pa iyon sa akin! Sa aming dalawa ay siya pa ang mas babaeng kumilos. Pero dito lang iyon sa loob ng bahay ko nakapaglalabas ng tunay niyang anyo. Masyado kasing mahigpit ang kaniyang mga magulang. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang sundalo. Kaya’t kahit anong kagustuhan niyang lumantad ay hindi puwede. Bukod sa pagtatago ng kaniyang sikreto ay wala na siyang problema sa mga magulang. Mapagmahal ang mga iyon bagay na isa sa kinaiinggitan ko sa kaniya.Saglit pa akong nag-inat bago tuluyang tumayo. Ayaw ko man ay kailangan ko nang kumilos. Ang isang buong day off ko ay hindi ko
Last Updated: 2021-05-24
Chapter: Chapter 1Halos bumalikwas ako dahil sa lamig na dumampi sa aking pisngi. Nang magmulat ako ay nakatunghay na sa akin ang nakangising lalaki. Sa kabila ng magulo niyang buhok ay hindi kayang itago ang angkin nitong kagwapuhan.“D-did you K kiss me?” natataranta kong tanong. Ang mga mata ko ay hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Agad akong nahiya dahil sa katotohanang nakatulog ako! Nang sulyapan niya ang nasa kandungan ko ay mabilis bumaba doon ang aking paningin. At halos mapamura ako sa pagkakagusot ng chart na hawak ko!“I-I’m sorry… This is…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya gamit ang hintuturong daliri ang aking bibig.“What time is your out?” sa halip ay tanong niya sa akin. Doctor siya at nurse ako. At ang hindi pagsagot sa tanong niya ay kabastusan.“Eight AM…” hindi parin makatinging sagot ko. Mula sa pagkakalagay ng kaniyang dalawang kamay sa parehong gilid ng kinauupuan ko ay tumayo siya ng tuwid.“Go home, then. And don’t make
Last Updated: 2021-05-24