Humihikab akong nagmulat ng mata kinabukasan. Hindi ako sigurado kung anong oras kami natulog kagabi. Basta’t ang malinaw ay ang walang humpay na pangungulit sa akin ni Criza. Dito na rin siya natulog at kumain. Wala namang masama dahil bukod sa bakla iyon ay matagal ko nang subok ang pagiging magalang at mabait niya. Kaya panatag akong safe ako sa kaniya.
Papaanong hindi, eh mas maarte pa iyon sa akin! Sa aming dalawa ay siya pa ang mas babaeng kumilos. Pero dito lang iyon sa loob ng bahay ko nakapaglalabas ng tunay niyang anyo. Masyado kasing mahigpit ang kaniyang mga magulang. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang sundalo. Kaya’t kahit anong kagustuhan niyang lumantad ay hindi puwede. Bukod sa pagtatago ng kaniyang sikreto ay wala na siyang problema sa mga magulang. Mapagmahal ang mga iyon bagay na isa sa kinaiinggitan ko sa kaniya.
Saglit pa akong nag-inat bago tuluyang tumayo. Ayaw ko man ay kailangan ko nang kumilos. Ang isang buong day off ko ay hindi ko puwedeng gugulin lang sa paghiga. Dahil ang mga gawaing bahay ay ayon at kumakaway na.
Basta ko nalang itinali ang mahaba kong buhok at saka diretso nang nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nang igala ko ang paningin sa buong bahay ay inaasahan ko nang wala akong madadatnang tao bukod sa akin. Ngunit mukhang nagkamali ako.
“Oh? Problema mo? Umagang umaga ang pangit mo!” kunwaring pagtataray ko sa ngayon ay nakabusangot nang bakla.
“Hindi mo ba ako aaluking kumain?” tanong niyang inilingan ko agad. Isa pa sa ipinagtataka ko sa taong ito ay kung bakit nag-uumapaw naman ng makakain sa bahay nila ay mas pinipili niyang sa akin pa makikain, eh halos kulang pa sa kaniya ang dalawang beses ng pagkain ko.
“Ayokong kumain sa bahay! Kakauwi lang nina mommy e…" Halos matawa ako sa hitsura niya nang sabihin iyon.
“Bakit kasi hindi mo pa sabihin ang totoo? Kung tangapin ka nila ay maganda! Kung hindi naman eh di tiisin mo. Ginusto mo iyan, eh," sabi ko habang sinisimulan ang pagpapainit ng tubig at nang makapagkape manlang bago kumilos dito sa bahay. Pabuntong hininga naman siyang tumayo galing sa kinauupuang maliit na sofa at saka kumuha ng dalawang tasa. Habang binubuksan niya ang dalawang sachet ng kape ay kumuha naman ako ng walis para mabawasan na ang gagawin ko. Tutal naman ay hindi pa kumukulo ang tubig.
“Alam mo namang hindi puwede e… Bet mo bang ma-jombag ang beauty ko?” Bagama’t nagbibiro ay mahahalata ang lungkot sa kaniyang tinig.
Sa totoo lang ay guwapo siya. Ang bilugan niyang mukha ay talagang agaw pansin. Singkit ang kaniyang mata na may mahahabang pilik. Ang ilong niya ay hindi katangusan ngunit sadyang bumagay sa kaniya. Maging ang makakapal niyang kilay na bagama’t magulo ang pagkakakorte ay dumagdag sa lakas ng kaniyang dating. Kung sa katawan naman ay talagang may sinasabi ang sa kaniya. Palibhasa’y palaging babad sa gym dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang. Sa tuwing magkasama nga kami ay madalas na mapagkamalan siyang boyfriend o hindi kaya’y manliligaw ko.
Maliit lang ang espasyo ng bahay ko. Kaya’t ilang saglit lang ay nakaupo na ako kaharap si Criza. Sumimsim muna ako sa umuusok pang kape bago ko siya sinagot.
“Sa totoo lang kasi ay ako ang nahihirapan sa sitwasyon mo. Papaano kung sa iba pa nila nalaman?” Bago pa niya sagutin ang sinabi ko ay napapitlag kaming pareho dahil sa pagtunog ng cellphone ko! Magrereklamo pa sana siya nang tumayo na ako para sagutin ang tumatawag. At mas lalo pa akong naalarma nang makitang ang katrabaho ko iyon!
“Rita. Napatawag ka?” bungad ko agad pagkatapos kong pindutin ang answer button.
“Kent. P pasensya ka na, ah? Alam kong off mo at wala ka pang pahinga. K kaya lang kasi…” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay humagulhol na siya sa pag-iyak.
“Anong nangyari, Rita?” nag-aalala talagang tanong ko.
“S-si tatay kasi… W-wala na siya… Kaya hindi ako m-makakapasok ngayon. K-kung okay lang s-sanang ikaw muna?” Mabilis naman akong tumango sa kaniya. Bagama’t alam kong hindi niya iyon nakikita ay ginawa ko parin.“Sige, sige. Kumalma ka, ha?”
“Salamat talaga, Kent!” Kahit umiiyak ay hindi maitago ang sensiridad sa kaniyang tono. Nang ibaba na niya ang cellphone ay dali-dali na akong nag-ayos. Alas-kuwatro ang shift ni Rita. At nang sulyapan ko ang wall clock ay alas dyes na ng umaga. Napaka dami ko pang gagawin. At paniguradong kukulangin ako sa oras pero bahala na.
“Ano, wonder woman? May nangangailangan nanaman ng tulong mo?” pang-aasar ni Criza sa akin. Tumango lang ako sa kaniya dahil sa pagmamadali kong matapos ang kahit kalahati lang ng nakatambak kong gawain. Hindi na rin naman siya nangulit pa at sa halip ay tinulungan nalang niya akong matapos ang pagliligpit ng mga ilang damit na noong isang lingo ko pa nilabhan, ngunit ngayon lang matutupi dahil sa kawalan ng oras.
Ang ibang mabibigat na gawain ay napagpasyahan kong sa susunod na day off ko na. Kulang na kulang kasi kami sa tao kaya’t hindi talaga maiwasan ang ganitong pagkakataon na kailangang mag-duty ng isa kung wala ang isa. Sa trabaho namin, sapat na ang may apat na oras na tulog. At sa tantiya ko naman ay labis pa roon ang sa akin kagabi. Pagkatapos ng ilang gawain na pinagtulungan namin ay nagpaalam na rin si Criza na babalik na sa kanila. Ang hindi niya pag-uwi kagabi ay magagawan pa niya ng lusot. Ngunit ang hindi niya pagsabay sa hapunan sa mga magulang ngayon ang malamang ay hindi.
Alas dos y media na ng makaalis siya. Ako naman ay wala nang sinayang na sandali at agad nang naghanda para sa pagpasok. Limang minuto bago mag alas kuwatro ng hapon ay nasa pasilyo na ako papasok ng ospital. Nang mabungaran ang madalas na kabiruang guwardya ay mabilis lang akong nakipag-kumustahan at saka ay nag log in. Patakbo kong tinungo ang elevator dahil hindi na ako puwedeng maghagdan pa sa loob ng tatlong minuto. Sa OB department kami naka assign ni Rita. Kaya walang problema dahil kabisado ko naman ang trabaho niya. Nang makapasok ay agad kong pinindot ang close button. Ngunit ang tuluyang pagsasara ng elevator ay nahinto nang swabeng pumasok ang isang lalaking kahit nagmamadali ay hindi mo kakitaan ng pagka haggard sa hitsura. Guwapong-guwapo parin ito sa suot na uniform na parang palaging bagong plantsa sa pagkakalapat sa kaniya.
“Hindi aakyat ang lift kung tititig ka lang sa akin, mis.” Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa pagkapahiya! Kung bakit nga ba naman kasi tumitig pa ako?
Nagkunwari akong walang narinig at patay malisyang pinindot ang third floor. Saglit lang ang inilagi namin sa loob niyon, ngunit iyon na yata ang pinaka-mahabang byahe ng buhay ko. Papaano kasi ay napaka-tahimik sa loob at gustuhin ko mang sulyapan ang katabi ko ay hindi ko magawa dahil sa ilang.
Nahahapo akong umupo pagpasok ko ng nurse quarter. Inilabas ko ang bote na may lamang tubig at saka dire-diretso iyong ininom. Kakaunting oras palang ang ipinagpapahinga ko ay agad na nilang kinailangan ang aking tulong. Masyadong maraming pasyenteng buntis ngayon. Ang iba ay manganganak ngayong lingo at ang iba naman ay halos kabuwanan na. Kaya naman sa bawat isang nurse ay tatlo o apat na pasyente ang hinahawakan.
“Kent!” humahangos na tawag sa akin ng head nurse namin na si ma’am Gladis. Agad ko namang sinenyasan ang kasama kong katatapos lang sa isang pasyente na lumapit. Ipinasa ko sa kaniya ang hawak na steril gloves. Katatangal ko lang no'n sa plastic at hindi ko pa naisusuot.
“Ikaw na muna ang magtuloy ng pag-IE kay ma’am, ah?” sabi ko sabay turo sa isang cubicle sa kaniya kung nasaan ang pasyenteng tinutukoy ko. Nang tumango siya sa akin ay mabilis naman akong naglakad papuntang nurse quarter para kausapin si ma’am Gladis. Pagkatapos kasi niya akong tawagin ay dali-dali siyang pumasok dito.
“Bakit po, ma’am?” tanong ko sa kaniya habang naglalagay ng alcohol sa kamay pataas sa braso.
“Magpalit ka muna ng department ngayon. Kailangan ka sa surgery building.”
Kinakabahan man ay hindi ko puwedeng ipahalata iyon. Wala kaming magagawa kung dumating ang mga pagkakataong tatawagin kami para tumulong sa ibang department. Kasama naman iyon sa training namin ngunit hindi ko parin maiwasang matakot. Sa lahat ng department ay sa surgery ko ipinagdarasal na huwag mapunta. Dahil sa lahat ay iyon ang may pinaka-mabigat at kumplikadong trabaho. Hindi lang sa aming mga nurse kung hindi lalo’t higit sa mga doctor doon.
Marahan akong tumango at nakinig sa ilang mga bilin ni ma’am. Pagkatapos ay walang dalawang salita akong nagtungo sa ika-apat na palapag para simulan ang trabaho. Pero ang kabang nararamdaman ko kanina pa ay mas lalong nadagdagan nang madatnan ko ang doctor na siyang may hawak ng chart ng pasyente at masusi iyong sinusuri. Gustuhin ko mang humakbang papasok ay parang nag-ugat na ako sa aking kinatatayuan.
“Move.” Parang papel sa gaan ang katawan ko nang lakad takbo akong pumasok sa operating room. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa may pinto. Habang papalapit sa kamang kinalalagyan ng pasyente ay umaalingawngaw pa sa pandinig ko ang isang salitang iyon na halos magpatindig sa lahat ng aking mga balahibo. Hindi naman niya isinigaw iyon ngunit parang mabibingi ako sa diin ng pagkakabitaw niya doon.Nang tuluyang masulyapan ang pasyente ay agad na nagbalik ang isip ko sa totoong sitwasyon. Naghanap ako ng gagawin upang makatulong. At sa kalilinga ko sa paligid ay muling nahagip ng paningin ko ang doctor na ngayon ay nagsusuot na ng isang malinis na guwantes. Tinangkang tumulong ng isang babaeng nurse na kasama namin ngunit napaatras lamang siya nang masama siyang tingnan ng supladong doctor. Gusto kong umismid dahil sa kasupladuhan niya ngunit hindi ko na lang ginawa sa takot na baka may makakita.Nang masulyapan ko ang gagamitin ko upang i-monitor ang bl
Hanggang sa matapos sa pagkain at makabalik sa trabaho ay iyon pa rin ang laman ng isip ko. Tuloy ay madalas akong mapuna ng mga kasamahan ko. Para makaiwas sa pagtatanong nila ay parati akong humahanap ng magagawa. At laking pasasalamat ko nang sa ikapitong oras ko sa trabaho ay ilipat muli ako ng department. Ibinalik na ako sa OB secsion kaya ang galak sa puso ko ay ganoon na lang.Sa lahat ng department sa ospital ay ito talaga ang pinaka-gusto ko. Hindi matawaran ang saya ko sa tuwing may isang bata ang maipanganganak ng ligtas at malusog. Minsan nga ay talagang napapaluha pa ako kapag dadaan sa hirap ang ina at sa huli ay mapagtatagumpayan niyang ilabas ang kaniyang anak. Ayon tuloy at madalas akong tuksuhin na parang ako daw ang nanganak kung makaluha ako.“Wala munang uuwi, guys!” malakas na sambit ng head nurse pagpasok niya sa nurse quarters. Ang lahat ng naka-duty ay pare-parehong naka-upo at nagkakape pagkatapos ng nakakapagod na shift. Ala-una na nang madalin
Kahit nagulat ay nagawa ko pang balikan ng tingin ang kaniyang mga labi. Ngunit hindi ko na nakita ang hinahanap ko. Ang naiwan na lang sa kaniyang mukha ay ang blankong ekspresyon. Tuloy ay gusto kong isipin na namamalik mata lang ako. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na baka ganoon nga. Marahil ay dala ng sobrang pagod at antok kaya kung ano-ano na ang nakikita ko. Isa pa ay bakit naman niya sasabihin iyon? Hindi kami magkakilala at ang ganoong mga kataga ay para lang sa isang kaibigan, kakilala o… Hindi ko na itinuloy pa ang takbo ng isip ko nang tumahop ng hindi inaasahan ang aking dibdib. Dahil sa mga isipin ay hindi ko na nasundan pa ang ibang announcement sa meeting. Nakuha ko lang makasabay sa kasalukuyang takbo ng oras nang tapikin ako ni Michelle sa balikat. “Ano, girl? Dito ka na lang?” Sa sinabi niyang iyon ay napatayo ako. Nang lingunin ko ang bawat sulok ng hall ay halos iilan na lang kaming naiwan. Karamihan pa ay mga taga maintainance te
Ilang saglit pa akong natulala sa kanina pang umalis na sasakyan ni doc Andrue. Nang mapagtantong talagang wala na siya ay saka ko lang binalingan ang lalaking hangang ngayon ay yakap ko. Unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin at nang mapagmasdan ko ang kaniyang hitsura ay kumunot ang noo ko sa lungkot na nababanaag ko sa kaniyang mga mata. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya habang pinauupo ko siya sa sofa matapos naming makapasok sa bahay. Hindi pa man siya nakasasagot ay dumiretso na ako sa kusina para ikuha siya ng maiinom. Dahil wala naman akong stock ay tanging malinis na tubig lang ang naiabot ko sa kaniya. Sandali pa niya iyong tinitigan bago tuluyang tinangap. Matapos niyang uminom ay marahan niyang ibinaba ang baso sa kaniyang kandungan at saka wala sa sariling tumitig doon. S-sina mommy..." Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay magkakasunod nang tumulo ang kaniyang luha. Maging ang pagkibot-kibot ng kaniyang putok na labi ay napagmas
Kung ang puso’y umibig at naghangad na ibigin pabalik,At ang inaasahang matangap kahit sa kalahati’y hindi humigit.Susuko nalang ba dahil masakit?O patuloy na magmamahal kahit walang kapalit.Sa pagsintang tinakpan ng pait ang tamis,At ang galak ay natabunan ng hapis.Mga luhang sa pagtulo’y walang mintis,Sa tahimik na gabing puno ng pagtangis.Sa mga larawang kasama bawat araw,Daan sa mga alaalang pilit tinatanaw.Kahit sa bawat buklat dulot ay pamamanglaw,Sa minsang pagdaan ng ligaya’y hindi kayang bumitaw.Sa pagpuno ng maraming bagay sa isipan,At pag’ikot ng mga tagpong kay hirap kalimutan.Mga tanong na hindi mahanap ang kasagutan,Hanggang kailan, hanggang saan?Isang tipid na ngiti ang dumaan sa aking mga labi nang isara ko ang libro pagkatapos kong basahin ang huling pahina. Hindi lang sa sampung beses ko na itong binasa ngunit tila kahapon ko lang ito isinulat. Ang pakiramdam ng magkahalong sakit at saya ay
Halos bumalikwas ako dahil sa lamig na dumampi sa aking pisngi. Nang magmulat ako ay nakatunghay na sa akin ang nakangising lalaki. Sa kabila ng magulo niyang buhok ay hindi kayang itago ang angkin nitong kagwapuhan.“D-did you K kiss me?” natataranta kong tanong. Ang mga mata ko ay hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Agad akong nahiya dahil sa katotohanang nakatulog ako! Nang sulyapan niya ang nasa kandungan ko ay mabilis bumaba doon ang aking paningin. At halos mapamura ako sa pagkakagusot ng chart na hawak ko!“I-I’m sorry… This is…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya gamit ang hintuturong daliri ang aking bibig.“What time is your out?” sa halip ay tanong niya sa akin. Doctor siya at nurse ako. At ang hindi pagsagot sa tanong niya ay kabastusan.“Eight AM…” hindi parin makatinging sagot ko. Mula sa pagkakalagay ng kaniyang dalawang kamay sa parehong gilid ng kinauupuan ko ay tumayo siya ng tuwid.“Go home, then. And don’t make

Humihikab akong nagmulat ng mata kinabukasan. Hindi ako sigurado kung anong oras kami natulog kagabi. Basta’t ang malinaw ay ang walang humpay na pangungulit sa akin ni Criza. Dito na rin siya natulog at kumain. Wala namang masama dahil bukod sa bakla iyon ay matagal ko nang subok ang pagiging magalang at mabait niya. Kaya panatag akong safe ako sa kaniya.Papaanong hindi, eh mas maarte pa iyon sa akin! Sa aming dalawa ay siya pa ang mas babaeng kumilos. Pero dito lang iyon sa loob ng bahay ko nakapaglalabas ng tunay niyang anyo. Masyado kasing mahigpit ang kaniyang mga magulang. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang sundalo. Kaya’t kahit anong kagustuhan niyang lumantad ay hindi puwede. Bukod sa pagtatago ng kaniyang sikreto ay wala na siyang problema sa mga magulang. Mapagmahal ang mga iyon bagay na isa sa kinaiinggitan ko sa kaniya.Saglit pa akong nag-inat bago tuluyang tumayo. Ayaw ko man ay kailangan ko nang kumilos. Ang isang buong day off ko ay hindi ko