Share

Chapter 6 - Curiosity

Author: Rouzan Mei
last update Huling Na-update: 2023-02-18 00:04:23

Shitarika's POV

Kasalukuyan kaming kumakain pang-breakfast nina Souzi, Mendel at Cali rito sa cafeteria. Parang normal sa lahat ang nangyari kagabi. Pagtapos ng halos nakakamatay na klase, ngayon na umaga na, bumalik sa normal ang lahat. Parang walang nangyari.

Kanina pa ako tahimik habang abala naman sa pagsasalita si Cali at Souzi. Nakayuko lang ako at nakatuon sa pagkain ko. Parang nanumbalik ang kilos ko hindi tulad kagabi. Pati takot at kaba ko, para ko na ring kasa-kasama.

At bukod pa rito, dala ko na rin ang sugat ko sa kaliwang mata ko. Nandoon pa rin ang pagkakatali ng telang puti at itim. Hindi ko ginalaw at hindi ko rin siya pinatignan pa. Hindi na rin nagpumilit silang tatlo na makita ang natamo ko.

"Souzi, ilan ang napatay mo kagabi?" tanong ni Cali. Seryoso? Ito ang pinag-uusapan sa harapan ng pagkain? Parang normal na kwentuhan lang.

"Nasa labing-isa. Buti nga't may sobra pang isa e," tugon naman ni Souzi sabay higop ng soup niya. At ngayon ko lang pansin na halos karamihan pala na naririto sa cafeteria ay pinag-uusapan ang tungkol sa night class.

Pero bigla na lang pumasok sa isipan ko yung naka-red hoodie jacket. Yung in-offer-an ako na maging doppelganger ko raw siya. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon. Paano?

Dahil sa pangangalay ng batok ko, inangat ko ang tingin ko. Napansin ko na lang bigla si Mendel na nag-iwas ng tingin. Teka, kanina pa ba niya ako tinitignan?

"Mamaya, magpupulong na naman ang lahat ng professors to know who did great from night class. After one week, makikita na natin ang night class results natin," sabi ni Cali.

"Sino kayang may maraming napatay, 'no? Sa tingin mo, may bagong mauupo kaya sa Octapetala?" ~Souzi.

Habang nakikinig ang tainga ko sa kanilang dalawa, napukaw naman sa pansin ko ang pagdating ni Margarret na kasalukuyan kong nakaka-eye to eye. Kita ko pa ang pananalisik ng mga mata niya. Pansin ko rin na parang nabawasan ng tatlo ang mga babaeng kasama niya

Namatay kaya sila sa night class?

Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Souzi kagabi? Nakita ko silang naglalaban bago sila nawala sa pansin ko.

Hindi ko napansin na matagal na pala akong nakatitig kay Margarret kaya't iniwas ko na ang tingin ko. Nagsisimula na naman akong makaramdam ng kaba. Ngunit kasabay nito ay ang pagkirot naman ng sugat ko sa mata. Napahawak pa ako sa telang nakatakip dito.

"Shitarika, are you okay?"

"Gusto mo bang dalhin ka namin sa clinic?"

Tanong nina Souzi at Cali habang si Mendel ay nakatingin lang sa 'kin pero bakas ang pag-aalala niya.

Inilingan ko lang sila bilang sagot ko.

Hindi ko alam pero muli kong sinulyapan ang kinaroroonan ni Margarret. Pansin ko na naroroon ang iba pang mga Octapetala maliban kay Ligen na wala doon.

NAGPAALAM na rin ako sa tatlo matapos mag-breakfast. Time na para sa unang subject. Mag-isa kong tinatahak ang daan habang nakatingin sa sahig at nakahawak sa magkabilang string ng bag ko.

Habang naglalakad, panay ang pagpikit at dilat ko dahil nanlalabo ang paningin ko sa kanang mata ko. Inilapat ko pa ang kamay ko sa ulo ko kung nahihilo lang ba ako o ano.

Naramdaman ko na lang kalaunan na may umalalay sa 'kin. Hinawakan ako sa braso at likod ko. Nakita ko na lang si Loaf na nasa gilid ko. "Okay ka lang b--teka, anong nangyari sa kaliwang mata mo? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" pag-aalalang tanong niya pero inilingan ko lang siya.

Hindi raw magagamot ng clinic ang mata ko. 'Yon ang sabi no'ng nakasalubong ko kagabi.

Hindi ko nga alam kung anong dahilan ko para sundin siya. Basta ang pakiramdam ko, mukhang hindi maganda kapag sumuway ako sa kaniya.

"Hmm... Sige, sabay na tayong pumasok," sabi pa ni Loaf ngunit hindi ko na siya sinagot pa. Ilang sandali lang nang makarating kami sa classroom. Pinaupo niya ako sa may desk ko habang siya ay naupo naman sa seat niya na nasa unahan ko.

Tinignan ko si Loaf na nakatingin sa 'kin. Teka, wala siyang sugat? Mukhang maayos na maayos pa ang lagay niya sa kabila ng nangyari kagabi.

"A-Anong nangyari sa 'yo kagabi s-sa night class?" tanong ko sa kaniya kahit ramdam ko pa ang hilo ko. Ngunit hindi kasing-tindi gaya kanina.

Ngumiti siya sa 'kin. Ngiting hindi ko alam kung anong ibig sabihin. "Ginawa ko lang naman kung ano ang dapat," tanging sagot niya sa 'kin. Kahit gusto ko pang magtanong, tumango na lang ako sa kaniya. "E ikaw? 'Yan bang nangyari sa kaliwang mata mo, galing sa night class?" tanong niya sa 'kin. Hindi kaagad ako nakaimik. Parang nahihiya ako na nag-aalangang sumagot pero tinugunan ko pa rin siya ng isang pagtango. "Sino ang may gawa?"

Huminga ako nang malalim kasabay ng pag-iling. "Patay na," tipid kong sagot sa kaniya.

Pansin ko na parang nagulat siya sa isinagot ko. Yung hindi makapaniwala. Teka, iniisip ba niya na ako ang pumatay?

"P-Paano?" takhang tanong niya. Pero dahil sa ayoko nang pahabain pa ang usapan, hindi ko na lang siya tinugunan. Ayokong gumulo pa ang isipan ko. Ang dami ko pang tanong sa sarili ko.

Alam ko naman na walang magiging klase sa first subject. Walang pakialam ang lahat ng estudyante rito kapag day class unlike sa night class. Mas prioritize nila ang pumatay nang pumatay ng kung sino.

Pero hindi naman lahat ng subject, walang nagtuturong professor. Ang iba, meron. Piling-pili lang.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko nang makita ako ni Loaf. "Saan ka pupunta?" takhang tanong niya.

"Sa restroom. Aayusin ko lang 'tong tela ko. Gusto ko na ring umihi," walang emosyon kong tugon.

"Samahan na kita sa paglalakad. Baka mahilo ka na nam--"

"Kaya ko ang sarili ko. Salamat na lang," huli kong sabi sa kaniya bago ako nagsimulang maglakad. Mag-isa kong tinahak ang hallway.

At habang naglalakad, pansin ko na naman ang mga estudyanteng nakatuon ang atensyon sa 'kin. Hindi lahat pero karamihan. At ang hindi ko maintindihan, para akong naiirita.

Parang kahit hindi ko marinig ang mga pinagbubulungan ng iba, pakiramdam ko, naririnig ko na puro mga negative ang sinasabi nila sa 'kin. Na baka kung ano-ano ang sinasabi nila tungkol sa 'kin.

Naiirita ako sa kanila!

Unti-unti kong binilisan ang paglalakad ko. Halos pinipikit ko na ang mga mata ko para lang hindi sila mapansin. Para hindi ko isipin na may masama silang sinasabi tungkol sa 'kin.

Ano 'tong nararamdaman ko?!

Sa pagbilis ng paglalakad ko, bigla ko na lang naramdaman na may biglang humablot sa braso ko. Sa lakas no'n ay nasama pati katawan ko. Ramdam ko na lang din ang mabilis kong pagsandal sa pader at pagkakulong sa magkabilang bisig ng taong humablot sa 'kin. "Sino ka ba talaga?"

Halos manlaki ang mga mata ko at tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil kaharap ko mismo si Ligen Huber. Nasa harapan ko siya habang nakatingin nang matalim diretso sa mga mata ko. At ang boses niya, napakaseryoso.

Nanumbalik ang pagkakaba ko at pagkatakot. Kusa ko na lang naibaba ang tingin ko dahil nakaka-eye to eye ko siya.

"P-Pakiusap, h'wag mo po akong p-papatayin," tanging nasambit ko sa sobrang takot.

At ni isa, wala akong narinig na tugon niya.

Kalaunan nang kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Nanginginig din ang katawan ko sa takot sa kaniya. Bakit ganito ang presensya ng isang nangungunang Octapetala?

"Ligen, don't coerce her to answer you. She's totally afraid of you right now."

Dinig ko na lang na sabi ng isang lalaki. Ilang segundo lang nang maramdaman ko ang pag-alis ni Ligen ng magkabilang braso niya mula sa pagkakakulong sa 'kin.

"Miss, don't worry, hindi ka namin sasaktan. Pwede mo kaming tignan," sabi pa ng lalaking 'yon. Umiling lang ako sa kaniya bilang tugon. Hindi ko kaya.

Ngunit sa ilang saglit ang lumipas, naramdaman ko na lang na may humawak sa baba ko at unti-unting inangat ang mukha ko. Hindi ko na nagawa pang pumalag. Nakita ko na lang na si Ligen pala ang nakahawak sa baba ko habang nakatingin siya nang seryoso sa 'kin. Pansin ko rin ang isang lalaking kasamahan niya.

Kaagad ding tinanggal ni Ligen ang kamay niya pagtapos.

"I'm Dather Saldimonde. I'm the second Octapetala next to Ligen. It's nice meeting you. Shitarika, right?" pagpapakilala niya sa sarili niya. Natango na lang ako nang bahagya nang tanungin niya ang pangalan ko.

Mukha siyang mabait. Hindi seryoso tulad ni Ligen. Maporma rin siyang kumilos. Medyo mas magaan ang pakiramdam ko sa kaniya kahit Octapetala siya.

"And where are you going at this time?" tanong namang bigla ni Ligen.

"P-Pupunta lang naman ako sa restroom e. G-Gusto kong tignan kung kumusta na itong--itong sugat ko," nauutal ko pang sagot sa kaniya kasabay ng paglunok ng laway.

Hindi na sila nakatugon pa. Kahit na umiiwas pa rin ako ng tingin, sinusulyapan ko na lang sila. Pansin ko na nakatingin sila sa 'kin -- sa mismong mata kung saan may tela. Para silang mga may iniisip. Nagtinginan pa sila pagtapos no'n.

"Bunga ba 'yan ng night class?" tanong nung Dather. Dahil alam ko namang mauutal ako kapag nagsalita ako, tumango na lang ako.

Muli na naman silang nagtinginan at nag-isip. Bakit? Anong meron? Bakit parang hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko?

"A-Ahmm... Mauuna na ako. K-Kailangan ko pang bumalik sa room ko pag--pagtapos e. Sige," pagpapaalam ko sa kanila at akmang aalis nang muli, hinablot ni Ligen ang braso ko. Nahinto na lang ako sa kinatatayuan ko nang magtanong naman siya.

"Si Margarret ba ang may gawa n'yan?" seryoso niyang tanong habang sa ibang direksyon siya nakatingin.

"Hindi," tanging tugon ko rito.

"Then who?" takhang tanong naman ni Dather. Para siyang curious na curious kung sino.

"Hindi ko siya kilala, pero patay na siya," walang emosyon kong tugon. Hindi na sila nakasagot pa. At hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para umalis mula sa kanila na parang wala lang. Mabuti at hindi na nila ako pinigilan pa.

Kalaunan, nang makarating ako sa restroom, kaagad akong humarap sa salamin. Nanlalabo na naman ang kanang mata ko habang kumikirot naman ang kaliwang mata ko.

"How are you?"

Mabilis na lang akong napalingon kung saan nagmula ang mala-demonyong boses na 'yon. Nakita ko na lang ang naka-red hoodie jacket na lumabas mula sa may pinakadulong cubicle. Sumandal pa siya sa pader at nag-cross arms.

"Sumasakit ang mata ko. Bakit gano'n? Nanlalabo naman yung kanang mata ko?" buong pagtatakhang tanong ko sa kaniya.

Nagsimula naman siyang maglakad nang dahan-dahan sa 'kin habang nagsasalita. "Natural lang 'yan. Lalo na sa 'yo. At once na maghilom na 'yang sugat mo, malalaman mo ang lahat-lahat," paliwanag niya.

Hindi ko siya maintindihan. Ano ang mga sinasabi niya?

"A-Ano ba ang ibig mong sabihin?" tanong ko ulit.

"Hmm... Alam mo ba ang dahilan bakit ka napasok dito sa impyernong 'to? Tsk! Malamang hindi. Kasi weird lang naman ang nangyari at merciless lang naman ang may gumawa no'n. 'Yon lang naman ang dahilan kaya ka napasok dito," paliwanag niya.

"Ano bang pinupunto mo? N-Na nakapatay ako gaya ng nagawa ng mga estudyante rito?" tanong ko naman sa kaniya pero tumugon lang siya ng isang pagkibit-balikat.

"Tulad nga ng sinabi ko, malalaman mo ang lahat kapag naghilom na ang sugat mo. Ikaw na mismo ang makakakita at makakarinig ng lahat," tanging sagot niya. Kahit ni isa, wala akong makuhang ideya. Hindi ko makuha ang ipinupunto niya.

Nakatingin lang siya sa 'kin, habang ako, napapaisip sa lahat ng sinabi niya.

Hindi ko alam kung paano nga ba ako napunta rito.

Paano kaya kung tawagan ko si tita Judie? Pero bawal ang gadgets dito. Wala akong cellphone.

Pero baka... Baka pwede akong humingi ng tulong sa office? Sa mismong headmistress?

Natango na lang ako sa sarili ko. Tumalikod ako para lumabas na sa restroom nang sa hindi sinasadya ay nakabangga ako ng isang babaeng estudyante. Tinulak pa niya ako nang bahagya at mukhang galit pero humingi na lang ako ng sorry. Mabuti at nakalabas ako sa restroom at hindi niya ako binalak na gawan ng masama.

Ngunit sa paglabas ko, napansin ko sa peripheral vision ko ang pamilyar na pigura. Si Loaf. Mukhang nakatingin sa direksyon ko.

Hindi ko siya pinansin, sa halip, kaagad akong naglakad para kaagad na makarating sa office ng Headmistress.

KALAUNAN, pagkatapat ko sa pintuan ng office, hindi ko na nagawa pa ang kumatok, sa halip, kaagad kong pinihit ang busol ng pinto at bumungad sa kanila. Nakita ko ang Headmistress, si Mr. Martin at ang dalawang lalaki't isang babae. Mga Octapetala. Halos gulat na gulat din sila nang makita ako.

"P-Pasensya na po, ma'am," paghingi ko ng paumanhin at akmang aalis nang magsalita ang Headmistress.

"No, no, dear. Come in. Anong maipaglilingkod ko sa 'yo?" tanong ng Headmistress habang sinesenyas niya sa 'kin ang pumasok. Naglakad naman ako papunta sa harapan ng mesa niya matapos kong isara ang pinto.

"P-Pwede ko po bang ma-contact ang tita Judie ko? May gusto lang po sana akong itanong," magalang kong pakiusap sa kaniya. Napansin kong sandali siyang nahinto at tila nag-isip habang nakangiti pa rin sa 'kin. Samantala, ang tatlong Octapetala naman ay tila nagsesenyasan sa kanilang mga tingin. Hindi ko sila pinansin kahit ramdam na ramdam ko ang presensya nilang nakakatakot.

"I'm sorry, dear, but hindi pwede. Nobody's allowed to use gadgets. Kahit na kaming mga nasa kinauukulan. I hope you understand," sabi nito sa mahinahong pananalita. Tumango-tango na lang ako nang marahan. "Why, miss Morven? Ano ba ang gusto mong itanong sa tita mo?" tanong naman ng Headmistress sa 'kin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Something very important lang po. Tungkol lang po sa 'kin," tugon ko naman. Tila napaisip ang Headmistress habang dahan-dahang tumatango.

"Bakit naman?" tanong muli niya. Huminga muna ako nang marahan bago ko siya sagutin.

"Naku-curious lang po. Hindi na po bale, baka ako na rin po siguro ang makakaalam," tugon ko.

At ang hindi ko maintindihan, pa-weird nang pa-weird ang ihip ng hangin dito sa room. Ang tatahimik nila. May nasabi ba akong mali?

"Hmm... Sige po," pagpapaalam ko na lang dahil mukhang wala na silang balak pa na magsalita. Tumalikod na ako sa kanila at lumabas. Saktong paghawak ko sa busol, nagsalita naman ang Headmistress.

"Naku-curious ka ba about sa mga bagay-bagay rito sa university? Hija, you're now here. All you have to do is to study hard to learn a lots of things. Maybe you can answer your question kung ano man ang nakaka-curious sa 'yo. Just save yourself."

Lumingon ako sa Headmistress, pansin ko na lahat sila ay nakatingin sa 'kin maliban kay Mr. Martin na nakayuko lang. Ngumiti ako sa kaniya at marahang tumango. Ikalawang araw ko pa lang naman dito kaya't hindi pa maliwanag sa 'kin ang lahat.

Pinihit ko na ang busol at lumabas mula sa office. Huminga ako nang malalim. Sana, may malaman na ako sa mga susunod pang araw. Hindi na ako makakilos nang maayos dahil sa samut-saring tanong na nasa isipan ko.

Una doon ay kung bakit nga ba ako pina-transfer ni tita Judie rito?

Sino yung doppelganger ko? Yung naka-red hoodie jacket.

Hanggang kailan ako rito? Dito na ba ako mamatay?

At marami pang iba.

Umaasa ako na sa mga tanong kong 'to, may makakalap akong kasagutan.

Kaugnay na kabanata

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 7 - Reasons

    Shitarika's POV English class na pero wala ako sa sarili ko. Nakatulala ako sa isang direksyon habang nagtuturo ang professor. Ramdam ko naman ang paligid pero sadyang ayoko lang sirain ang pagkatulala ko.At isa pa, nararamdaman ko ang presensya ng isang Octapetala. Kasama ko rito si Ligen. Pero ang pinagkaibahan lang, kahit papaano ay humupa ang takot ko sa kaniya.Sa kalagitnaan ng pagkaklase, bigla na lang natuon ang atensyon namin sa labas. Nakita kong may mga estudyanteng papunta sa isang direksyon na parang may pinagkakaguluhan. Nagbubulungan sila at kung ano-ano pero hindi ko maintindihan. Dahil na rin siguro sa curious ng professor namin, tinawag niya ang isang estudyante."What's happening?""Sir, may patay po na estudyante sa restroom ng girls." Dahil sa sinabi niyang ito na dinig na dinig naming lahat, nagbulungan ang mga kaklase ko rito sa room."Sino kaya ang may gumawa no'n?""Tsk! Dapat parusahan ng Headmistress kung sino man 'yon. Wala pang night class, ah?""Baka ma

    Huling Na-update : 2023-02-18
  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 8 - Normal Day

    Shitarika's POV Third day ko na sa university na 'to pero ngayon ko lang naramdaman ang gana sa buong pakiramdam ko 'di tulad no'ng mga nakaraang araw. Stress na stress sa kakaisip at kung ano-anong bagay na pumapasok sa isipan ko. Pinapakalma ko nga muna 'tong utak ko at baka kung mag-isip na naman ako nang kung ano-ano.Sabi ni Cali kaninang umaga, a-absent muna siya for the whole day dahil ipaghahanda niya kaming tatlo ng masusuot namin this coming Saturday. Sinukatan niya pa kaming tatlo. Hindi ko alam kung gagawa siya o bibili. Ewan ko sa kaniya. Mukha ngang balak pa niyang mag-perform.Kasalukuyan akong nasa first class which is art pero nagdo-drawing lang ako sa sketch pad ko. Wala naman ang professor kaya nililibang ko na lang ang sarili ko."Ano 'yang dino-drawing mo?" tanong ni Loaf na nanonood pala sa ginagawa ko."Nagdo-drawing, syempre. Puro action poses lang lahat 'to," sagot ko habang siya ay tumatango-tango lang."Hindi na ba masakit 'yang sugat mo?" tanong ulit niya

    Huling Na-update : 2023-05-01
  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 1 - Transferee

    Shitarika's POV Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang bawat madaraanan namin. Nakaupo ako sa passenger seat habang si tita ay abala sa pagmamaneho. Ni hindi ko magawang magsalita dahil wala rin naman akong balak. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong pinalipat ng school. Kagabi niya sinabi sa 'kin at kaninang umaga, pinaghanda na niya ako para mag-impake. Basta ang sabi lang niya, ni-recommend lang daw niya ako sa Headmistress nitong papasukan kong bago.At sa hinaba-haba ng pagbabyahe namin, bumungad na lang sa paningin ko ang mga punong halos sakupin na ang buong view ko. Maraming mga nakakalat na tuyong dahon sa sahig. Yung mga ibang punong nadaraanan namin, nagkakalagas na. Para kaming pumapasok sa masukal na gubat. Ang creepy naman."Shitarika, from now on, sa University ka na mamamalagi, ha? Tita will do busy e. And unfortunately, gadgets are not allowed there. I hope you understand," sabi ni tita sa 'kin pero hindi ko siya nagawang sagutin

    Huling Na-update : 2022-08-03
  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 2 - Threat

    Shitarika's POV After ng lunch, kaagad na rin kaming bumalik dito sa dorm. Medyo kabisado ko na ang mga pupuntahan ko bukas sa mga magiging schedule ko. Buti nga at nag-aya silang i-tour ako rito sa University na 'to. At least, hindi na ako maliligaw bukas.Maya-maya, may kumatok sa pinto. Nang magbukas 'yon, nakita ko si sir. Martin at tila sinesenyasan ako na lumapit kaya lumapit ako sa kaniya. "Ito na ang class schedule card mo para bukas and your two types of uniform. Doble ang uniform mo for school para may extra ka," sabi niya sa 'kin sabay abot sa mga ito. Nasa kanang kamay ko ang maliit na card para sa class schedule ko bukas habang nasa kaliwa naman ang tatlong naka-plastic na damit. Mukhang bago pa."Salamat po, sir Martin," sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin bago siya umalis kaya't sinara ko na ang pinto. Hindi pa ako nakakabalik nang bigla namang tumakbo papalapit sa 'kin sina Souzi at Cali."Patingin kami ng class schedule mo," sabi ni Cali. Wala pa namang akong sago

    Huling Na-update : 2022-08-03
  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 3 - First Day Class

    Shitarika's POV Excited na excited ako sa araw na 'to dahil ito ang unang araw ko sa pagpasok ko sa University na 'to na walang specific name. Kasalukuyan akong naliligo sa may girls' shower room sa may dulo mismo nitong floor namin. Bawat floor kasi ay may shower at fitting room. Para kapag natapos maligo, diretso bihis kaagad. Mag-aayos na lang ako sa room.After kong maligo, kaagad ko nang sinuot ang uniform na ibinigay sa 'kin ni sir. Martin kahapon. Namangha na lang ako sa sarili ko nang makita ko ang reflection ko sa salamin. Naka-black mini-skirt, white long-sleeves at may black coat kami. Bagay na bagay ito sa mahabang black na medyas at shoes ko. Parang mga Sailor Moon kami in black version.Matapos kong gawin ang natitirang pag-aayos ko sa sarili ko, kumain kami nina Mendel, Souzi at Cali sa cafeteria ng breakfast bago kami maghiwa-hiwalay. Papasok na kami sa mga first subject class namin.Hindi mawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa matuntong ko ang fourth floor para sa f

    Huling Na-update : 2022-08-03
  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 4 - First Night Class

    Shitarika's POV Hindi na ako pinatuloy ni Mendel sa mga natitira kong klase at ipinaalam sa office dahil sa nangyari. Kanina pa ako iyak nang iyak hanggang ngayong hapon. Hindi ko mapigilan."Sshhh... Shitarika, tahan na." "May araw rin 'yong Margarret na 'yon. H'wag ka nang umiyak." Pagpapatahan sa 'kin nina Souzi at Cali. Panay rin ang paghaplos nila sa likod ko at pagpunas sa mga luha ko."B-Bakit gano'n? Anong nagawa ko kay Margarret? Bakit siya gano'n magalit sa 'kin e wala namang akong sinabihan na kung sino. Hindi ko naman idinaldal ang narinig ko sa kaniya sa restroom e," Umiiyak kong sabi habang ipinupunas ang braso ko sa mga mata ko.Pansin ko na lang ang pagtititigan nilang tatlo sabay tingin sa 'kin. Bakit? Anong problema ni--Teka?N-Nasabi ko ba ang hindi ko dapat sabihin?Medyo nanlaki pa ang mga mata ko dahil nadulas ako sa sinabi ko. Mukha sila ngayong mga curious na curious. N-Nasabi ko ba?"Anong narinig mo kay Margarret?" takhang tanong ni Mendel sa 'kin. Binali

    Huling Na-update : 2022-08-03
  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 5 - Red Hoodie Jacket

    Shitarika's POV Patuloy lang kami ni Souzi sa paglalakad sa madilim na daang tinatahak namin. Zero degree talaga ang nakikita ko. Walang-wala.At dahil na rin sa takot ko, naihanda ko ang inabot ni Cali sa 'kin na kutsilyo. Mahirap na. Baka mapatay akong bigla. Mas mainam nang maging alerto.Bigla na lang akong halos matalisod dahil sa ngalay kaya't napabitiw ako sa pagkakahawak sa damit ni Souzi, wala pang limang segundo nang muli ko siyang hawakan. Baka mawala ako."Pasensya na, muntik lang ako matalisod e," pabulong kong sabi sa kaniya.Patuloy pa rin kami sa pagmamasid at paglalakad nang maramdaman ko ang pagliko namin ni Souzi. "Saan tayo pupunta?" pabulong kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.Halos mabigla na lang ako nang makarinig ako ng isang malakas na alingawngaw ng pagputok ng baril sa may kalayuan mula sa pwesto namin ni Souzi. "Sino kaya 'yon? May tao yata sa banda roon, Souzi," pabulong kong sabi ulit sa kaniya pero muli, hindi siya tumugon.Bakit hindi s

    Huling Na-update : 2022-08-03

Pinakabagong kabanata

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 8 - Normal Day

    Shitarika's POV Third day ko na sa university na 'to pero ngayon ko lang naramdaman ang gana sa buong pakiramdam ko 'di tulad no'ng mga nakaraang araw. Stress na stress sa kakaisip at kung ano-anong bagay na pumapasok sa isipan ko. Pinapakalma ko nga muna 'tong utak ko at baka kung mag-isip na naman ako nang kung ano-ano.Sabi ni Cali kaninang umaga, a-absent muna siya for the whole day dahil ipaghahanda niya kaming tatlo ng masusuot namin this coming Saturday. Sinukatan niya pa kaming tatlo. Hindi ko alam kung gagawa siya o bibili. Ewan ko sa kaniya. Mukha ngang balak pa niyang mag-perform.Kasalukuyan akong nasa first class which is art pero nagdo-drawing lang ako sa sketch pad ko. Wala naman ang professor kaya nililibang ko na lang ang sarili ko."Ano 'yang dino-drawing mo?" tanong ni Loaf na nanonood pala sa ginagawa ko."Nagdo-drawing, syempre. Puro action poses lang lahat 'to," sagot ko habang siya ay tumatango-tango lang."Hindi na ba masakit 'yang sugat mo?" tanong ulit niya

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 7 - Reasons

    Shitarika's POV English class na pero wala ako sa sarili ko. Nakatulala ako sa isang direksyon habang nagtuturo ang professor. Ramdam ko naman ang paligid pero sadyang ayoko lang sirain ang pagkatulala ko.At isa pa, nararamdaman ko ang presensya ng isang Octapetala. Kasama ko rito si Ligen. Pero ang pinagkaibahan lang, kahit papaano ay humupa ang takot ko sa kaniya.Sa kalagitnaan ng pagkaklase, bigla na lang natuon ang atensyon namin sa labas. Nakita kong may mga estudyanteng papunta sa isang direksyon na parang may pinagkakaguluhan. Nagbubulungan sila at kung ano-ano pero hindi ko maintindihan. Dahil na rin siguro sa curious ng professor namin, tinawag niya ang isang estudyante."What's happening?""Sir, may patay po na estudyante sa restroom ng girls." Dahil sa sinabi niyang ito na dinig na dinig naming lahat, nagbulungan ang mga kaklase ko rito sa room."Sino kaya ang may gumawa no'n?""Tsk! Dapat parusahan ng Headmistress kung sino man 'yon. Wala pang night class, ah?""Baka ma

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 6 - Curiosity

    Shitarika's POV Kasalukuyan kaming kumakain pang-breakfast nina Souzi, Mendel at Cali rito sa cafeteria. Parang normal sa lahat ang nangyari kagabi. Pagtapos ng halos nakakamatay na klase, ngayon na umaga na, bumalik sa normal ang lahat. Parang walang nangyari.Kanina pa ako tahimik habang abala naman sa pagsasalita si Cali at Souzi. Nakayuko lang ako at nakatuon sa pagkain ko. Parang nanumbalik ang kilos ko hindi tulad kagabi. Pati takot at kaba ko, para ko na ring kasa-kasama.At bukod pa rito, dala ko na rin ang sugat ko sa kaliwang mata ko. Nandoon pa rin ang pagkakatali ng telang puti at itim. Hindi ko ginalaw at hindi ko rin siya pinatignan pa. Hindi na rin nagpumilit silang tatlo na makita ang natamo ko."Souzi, ilan ang napatay mo kagabi?" tanong ni Cali. Seryoso? Ito ang pinag-uusapan sa harapan ng pagkain? Parang normal na kwentuhan lang."Nasa labing-isa. Buti nga't may sobra pang isa e," tugon naman ni Souzi sabay higop ng soup niya. At ngayon ko lang pansin na halos kara

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 5 - Red Hoodie Jacket

    Shitarika's POV Patuloy lang kami ni Souzi sa paglalakad sa madilim na daang tinatahak namin. Zero degree talaga ang nakikita ko. Walang-wala.At dahil na rin sa takot ko, naihanda ko ang inabot ni Cali sa 'kin na kutsilyo. Mahirap na. Baka mapatay akong bigla. Mas mainam nang maging alerto.Bigla na lang akong halos matalisod dahil sa ngalay kaya't napabitiw ako sa pagkakahawak sa damit ni Souzi, wala pang limang segundo nang muli ko siyang hawakan. Baka mawala ako."Pasensya na, muntik lang ako matalisod e," pabulong kong sabi sa kaniya.Patuloy pa rin kami sa pagmamasid at paglalakad nang maramdaman ko ang pagliko namin ni Souzi. "Saan tayo pupunta?" pabulong kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.Halos mabigla na lang ako nang makarinig ako ng isang malakas na alingawngaw ng pagputok ng baril sa may kalayuan mula sa pwesto namin ni Souzi. "Sino kaya 'yon? May tao yata sa banda roon, Souzi," pabulong kong sabi ulit sa kaniya pero muli, hindi siya tumugon.Bakit hindi s

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 4 - First Night Class

    Shitarika's POV Hindi na ako pinatuloy ni Mendel sa mga natitira kong klase at ipinaalam sa office dahil sa nangyari. Kanina pa ako iyak nang iyak hanggang ngayong hapon. Hindi ko mapigilan."Sshhh... Shitarika, tahan na." "May araw rin 'yong Margarret na 'yon. H'wag ka nang umiyak." Pagpapatahan sa 'kin nina Souzi at Cali. Panay rin ang paghaplos nila sa likod ko at pagpunas sa mga luha ko."B-Bakit gano'n? Anong nagawa ko kay Margarret? Bakit siya gano'n magalit sa 'kin e wala namang akong sinabihan na kung sino. Hindi ko naman idinaldal ang narinig ko sa kaniya sa restroom e," Umiiyak kong sabi habang ipinupunas ang braso ko sa mga mata ko.Pansin ko na lang ang pagtititigan nilang tatlo sabay tingin sa 'kin. Bakit? Anong problema ni--Teka?N-Nasabi ko ba ang hindi ko dapat sabihin?Medyo nanlaki pa ang mga mata ko dahil nadulas ako sa sinabi ko. Mukha sila ngayong mga curious na curious. N-Nasabi ko ba?"Anong narinig mo kay Margarret?" takhang tanong ni Mendel sa 'kin. Binali

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 3 - First Day Class

    Shitarika's POV Excited na excited ako sa araw na 'to dahil ito ang unang araw ko sa pagpasok ko sa University na 'to na walang specific name. Kasalukuyan akong naliligo sa may girls' shower room sa may dulo mismo nitong floor namin. Bawat floor kasi ay may shower at fitting room. Para kapag natapos maligo, diretso bihis kaagad. Mag-aayos na lang ako sa room.After kong maligo, kaagad ko nang sinuot ang uniform na ibinigay sa 'kin ni sir. Martin kahapon. Namangha na lang ako sa sarili ko nang makita ko ang reflection ko sa salamin. Naka-black mini-skirt, white long-sleeves at may black coat kami. Bagay na bagay ito sa mahabang black na medyas at shoes ko. Parang mga Sailor Moon kami in black version.Matapos kong gawin ang natitirang pag-aayos ko sa sarili ko, kumain kami nina Mendel, Souzi at Cali sa cafeteria ng breakfast bago kami maghiwa-hiwalay. Papasok na kami sa mga first subject class namin.Hindi mawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa matuntong ko ang fourth floor para sa f

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 2 - Threat

    Shitarika's POV After ng lunch, kaagad na rin kaming bumalik dito sa dorm. Medyo kabisado ko na ang mga pupuntahan ko bukas sa mga magiging schedule ko. Buti nga at nag-aya silang i-tour ako rito sa University na 'to. At least, hindi na ako maliligaw bukas.Maya-maya, may kumatok sa pinto. Nang magbukas 'yon, nakita ko si sir. Martin at tila sinesenyasan ako na lumapit kaya lumapit ako sa kaniya. "Ito na ang class schedule card mo para bukas and your two types of uniform. Doble ang uniform mo for school para may extra ka," sabi niya sa 'kin sabay abot sa mga ito. Nasa kanang kamay ko ang maliit na card para sa class schedule ko bukas habang nasa kaliwa naman ang tatlong naka-plastic na damit. Mukhang bago pa."Salamat po, sir Martin," sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin bago siya umalis kaya't sinara ko na ang pinto. Hindi pa ako nakakabalik nang bigla namang tumakbo papalapit sa 'kin sina Souzi at Cali."Patingin kami ng class schedule mo," sabi ni Cali. Wala pa namang akong sago

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 1 - Transferee

    Shitarika's POV Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang bawat madaraanan namin. Nakaupo ako sa passenger seat habang si tita ay abala sa pagmamaneho. Ni hindi ko magawang magsalita dahil wala rin naman akong balak. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong pinalipat ng school. Kagabi niya sinabi sa 'kin at kaninang umaga, pinaghanda na niya ako para mag-impake. Basta ang sabi lang niya, ni-recommend lang daw niya ako sa Headmistress nitong papasukan kong bago.At sa hinaba-haba ng pagbabyahe namin, bumungad na lang sa paningin ko ang mga punong halos sakupin na ang buong view ko. Maraming mga nakakalat na tuyong dahon sa sahig. Yung mga ibang punong nadaraanan namin, nagkakalagas na. Para kaming pumapasok sa masukal na gubat. Ang creepy naman."Shitarika, from now on, sa University ka na mamamalagi, ha? Tita will do busy e. And unfortunately, gadgets are not allowed there. I hope you understand," sabi ni tita sa 'kin pero hindi ko siya nagawang sagutin

DMCA.com Protection Status