Home / Mistery / Thriller / She's A Rose (TAGALOG) / Chapter 5 - Red Hoodie Jacket

Share

Chapter 5 - Red Hoodie Jacket

Author: Rouzan Mei
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Shitarika's POV

Patuloy lang kami ni Souzi sa paglalakad sa madilim na daang tinatahak namin. Zero degree talaga ang nakikita ko. Walang-wala.

At dahil na rin sa takot ko, naihanda ko ang inabot ni Cali sa 'kin na kutsilyo. Mahirap na. Baka mapatay akong bigla. Mas mainam nang maging alerto.

Bigla na lang akong halos matalisod dahil sa ngalay kaya't napabitiw ako sa pagkakahawak sa damit ni Souzi, wala pang limang segundo nang muli ko siyang hawakan. Baka mawala ako.

"Pasensya na, muntik lang ako matalisod e," pabulong kong sabi sa kaniya.

Patuloy pa rin kami sa pagmamasid at paglalakad nang maramdaman ko ang pagliko namin ni Souzi. "Saan tayo pupunta?" pabulong kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.

Halos mabigla na lang ako nang makarinig ako ng isang malakas na alingawngaw ng pagputok ng baril sa may kalayuan mula sa pwesto namin ni Souzi. "Sino kaya 'yon? May tao yata sa banda roon, Souzi," pabulong kong sabi ulit sa kaniya pero muli, hindi siya tumugon.

Bakit hindi siya sumasagot? Napakatahimik namang magmasid at maging alerto ni Souzi.

"N-Nasa saan ka, Shitarika?"

Nahinto pa akong bigla sa paglalakad nang marahan nang marinig ko ang boses ni Souzi. Kaparehong distansya ng layo sa nadinig kong putok ng baril kanina.

Sigurado akong boses niya 'yon!

Teka...

Kung si Souzi ang taong 'yon, sino naman ang kasa-kasama ko?

Nabigla na lang ako nang may humawak sa braso ko at saka mabilis na naglakad. Pati paglalakad ko, bumilis din. Kinakabahan ako. S-Sino 'tong kasama ko?!

Sa bawat paglalakad ko, nakakarinig na lang ako ng mga pagd***g ng mga estudyante. Mga d***g na parang naatake sila ng kung sino. Mukhang nagkakapatayan na sila sa gitna ng dilim.

"A-Aww..." d***g ko nang patulak akong binitiwan ng kung sinong humila sa 'kin. Nahiga na lang ako sa sahig. Kinapa ko pa ang braso ko dahil ito ang unang tumama sa pagbagsak ko.

Nagsunod-sunod na lang din ang pagtibok ng puso ko sa kaba sa bawat maririnig kong yapak ng sapatos papunta sa 'kin. S-Sino ba ang--

Walang iba ang may masamang balak sa 'kin kundi si Margarret lang.

H-Hindi kaya, s-si Margarret ang kasama ko?!

"M-Margarret, h-h'wag mo akong p-papatayin. P-Pakiusap."

Nauutal kong pagpapakiusap sa kaniya habang nakaupo akong umaatras. At sa bawat pagdapo ng mga palad ko sa sahig, naramdaman ko na lang ang parang petal. Mga talulot na parang nalaglag mula sa bulsa sa may dibdib ng damit ko.

Muli kong kinapa ang sahig at akmang kukunin ang mga nalaglag na talulot nang makaramdam ako ng isang malakas na pagtapik sa kamay ko. Kaagad kong binawi ang kamay ko at halos maluha-luha ko pa 'yong hinimas sa sakit.

"M-Margarret, pakiusap, ayoko pang mamatay," muli kong pagpapakiusap sa kaniya pero wala pa ring tugon ang taong ito.

Dahil sa sobrang pagkatakot ko, naiyak na lang ako.

"Don't be afraid. I'm not gonna hurt you."

Tumahan na lang ako nang marahan dahil sa pagsasalita ng taong 'to. Pero hindi ko malaman kung babae ba siya o lalaki dahil kakaiba ang boses niya. Boses malalim na parang demonyo. Parang may kung anong nasa lalamunan niya.

"S-Sino ka? K-Kung balak mo man akong patayin, p-pakiusap, h'wag. Hindi pa ako handang mamatay," sambit ko sa kaniya.

"I won't kill you. I'll help you, instead. And promise me that you'll help me," muling pagtugon ng taong 'yon na boses demonyo.

A-Ano?

I-Ibig sabihin, hindi niya nga ako papatayin?

Pero bakit?

At--At ano namang ang ino-offer niya sa 'kin? Kapalit ba 'to sa hindi niya gagawing pagpatay sa 'kin?

"A-Anong klaseng tulong ang kailangan mo?" tanong ko rito ngunit isang nakakalokong pagtawa ang natanggap ko. Kahit mahina, nagbigay pa rin 'yon ng kilabot sa 'kin.

Naramdaman ko na lang kalaunan ang pag-tap niya sa balikat ko nang dalawang beses. Sakto nito ay biglang nagbukas ang lahat ng ilaw. Bumalik na yata ang electricity ng university.

Nang tignan ko naman kung sino ang taong kausap ko, nahinto na lang ako. Para akong nasimentuhan nang makita ko ang isang taong nakasuot ng red hoodie jacket at maskarang puti na may dugo-dugo pang marka. Nakapantalon din siya na may mantsa ng dugo. Ni hindi ko rin makita ang mga mata nito dahil sa may mata ng maskara ay may parang itim na telang nakaharang.

Nakakatakot ang pananamit ng taong 'to. Kung sino man ang estudyanteng 'to, mukhang marami na siyang napatay.

"Shitarika? Shitarika?"

Nabuhayan na lang ako nang marinig ko ang boses ni Souzi na tila papalapit sa kinaroroonan ko. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko nga si Souzi. "Souzi!" pagtawag ko sa kaniya kaya't dali-dali siyang lumapit. Halos mag-alala siya nang sobra nang makita ang ayos ko. "S-Souzi, m-may nakasalubong ako na ano... na tao e. H-Hindi ko alam pero... pero ano e--"

"Sshhh..." pagpapatigil sa 'kin ni Souzi. "Dahan-dahan lang. Ano ang gusto mong sabihin?" tanong niya sa 'kin.

"E siya kas--" hindi ko na lang natuloy ang balak kong sabihin dahil nang tignan kong muli ang unahan ko, wala na ang taong naka-red hoodie jacket. Teka... "N-Nasaan na 'yon?" tanong ko na lang sa sarili ko.

"Dapat, hindi ka bumitiw kanina. Sobra-sobra akong nag-alala sa 'yo nang mamataan kong hindi ka na nakakapit sa 'kin. Akala ko, kung napaano ka na," buong pag-aalalang sabi ni Souzi sa 'kin.

"Ang alam ko lang naman kanina, natalisod ako e. Tapos kaagad din akong lumapit. Pero ang hindi ko alam, iba na pala ang kinapitan ko at hindi na ikaw. Nakita ko na lang na kasama ko yung--yung naka-red hoodie jacket. Hindi ko kilala kung sino siya," paliwanag ko naman sa kaniya.

Sino ba ang naka-red hoodie jacket na 'yon?

At bakit gano'n ang naramdaman ko kanina?

Yung malakas na presensya kaninang naramdaman ko bago kami umakyat ni Souzi, gano'n na gano'n ang presensyang naramdaman ko sa kaniya at hindi isang Octapetala.

Naramdaman ko na lang ang paghaplos ni Souzi sa buhok ko. "Mabuti't hindi ka niya pinatay," mahinang sabi niya sa 'kin. Nakita ko na lang ang pagtingin niya sa isang direksyon. Sa direksyon kung saan ko nakita ang naka-red hoodie jacket. Dahil sa kuryosidad kaya't tinignan ko rin 'yon. Marahan pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kutsilyong binigay sa 'kin ni Cali kanina. Nasa may 'di kalayuan na 'to mula sa 'kin at bakas na bakas ang dugo nito sa talim na tumutulo sa sahig. "Tama ang ginawa mo para mabuhay ka sa gabing 'to," dinig ko pang sabi ni Souzi sa 'kin.

Teka, anong tama ang ginawa ko?

Ang pagpatay ba ang itinutukoy niya?

Pero hindi ko alam kung paano? Ni hindi ko nagamit ang kutsilyong 'yon para pumatay ng kapwa ko estudyante. Hinding-hindi ko kaya.

Naramdaman ko na lang ang pag-alalay sa 'kin ni Souzi dahil siguro, nakita niyang nanghihina ako. Sobra ang takot ko sa unang gabing 'to. Hindi ko ine-expect na may ganitong klaseng madugong klase ang university na 'to.

Nagsimula kaming maglakas ni Souzi. Ngunit hindi ko maiwasang maramdaman ang muli na namang malakas na presensyang 'yon. Alam kong nasa paligid lang ang taong naka-red hoodie jacket na 'yon.

Medyo papalayo na kami ni Souzi nang makarinig kami ng isang nakakalokong pagtawa. Sabay pa kaming lumingon kung saan 'yon nagmumula.

"Hey, transferee! I am here! I'm ready to kill you now!"

Nananalisik ang mga mata ni Margarret nang makita ko siya at ang hawak niyang isang bakal at sobrang talim ang magkabilang dulo nito. Akmang ihahagis niya ang hawak niya nang itulak ako ni Souzi sa kanan habang umiwas naman siya pakaliwa. Nakita ko pa ang pagbaon ng bakal na 'yon sa pader sa talim nito.

"Shitarika! Tumakas ka na!" dinig kong sabi ni Souzi sa 'kin. Tinignan ko siya ngunit sumesenyas lang siya sa 'kin na umalis na ako. Kaya't kahit nag-aalangan, tumayo akong kusa at tumakbo kahit hindi gaanong kabilisan dahil sa panginginig ko.

Bago pa man ako tuluyang lumayo mula sa kanila, tinignan ko pa ang kinaroroonan nina Margarret at Souzi. Nakita ko na lang na naglalaban sila ng pisikal.

Isang Octapetala si Margarret. Hindi kaya mapatay niya si Souzi?

Sana, h'wag naman.

"C-Cali... M-Mendel..." inulit-ulit ko ang pagsambit sa pangalan nila kahit alam kong napakahina ng boses ko. Hindi ko na kaya pang labanan ang takot ko. Hinang-hina na ako. Hingal na hingal na rin ako sa panay takas at takbo.

Kusa na lang naupo ang katawan ko sa sahig nang manguna na ang sobrang panghihina ko. Halos ang mga kamay ko na lang ang ginagamit kong panlakad sa bumagsak kong katawan.

"Tulong... Tulong..."

Nahinto na lang ako kalaunan nang makita ko ang dalawang pares ng sapatos na nasa harapan ko. Inangat ko pa ang tingin ko at nakita ang isang babaeng estudyante rito sa university. Nakatingin siya sa 'kin habang nakangiti nang nakakaloko. Kita ko rin ang paghawak niya sa samurai na balak nang ipunto sa 'kin.

Marahan pa akong umatras at akmang makikiusap ngunit mabilis akong nakaramdam ng tila pagdaplis sa itaas at ibabang banda sa pagitan ng kaliwang mata ko. Kaagad kong idinampi ang palad ko at tinignan. Nakita ko na lang ang bakas ng dugo mula sa ginawa ng estudyanteng 'yon sa 'kin. Bagaman hindi mismong mata ko ang ipinunto niya, ramdam ko naman ang sakit sa sugat na nasa pagitan nito.

Muli kong ibinaling ang tingin ko sa estudyanteng 'yon. Nakita ko pa ang hitsura niyang natatawa dahil parang natutuwa siya sa ginawa niya. Nagiging pula ang paningin ko sa kaliwang bahagi ng mata ko dahil siguro ay sa pagtulo ng dugo. Hindi ko alam. At ang kanan ko naman ay medyo lumalabo.

At ang hindi ko maintindihan, bakit bigla na lang may lumalaro sa isipan ko. Hindi malinaw pero alam kong meron. Hindi ko siya mailabas o maisip nang malinaw. Basta parang malagim na pangyayari.

Nakita ko na lang din kalaunan ang paghandusay ng katawan ng babae sa harapan ko. Pansin ko na nakabaon na sa kaniyang noo ang mismong hawak niyang samurai kanina. Nagsimula nang magkalat ang dugo niya sa sahig habang mulat ang mga mata niyang nakatingin sa kisame.

At sa hindi ko alam na pakiramdam sa pagkakataong 'to, hindi ako nakaramdam ni alinman sa takot at kaba. Pati ang mga nararamdaman ko kanina, bigla na lang nawala.

"Hindi ka na niya dapat ginulo pa," dinig kong boses demonyo mula sa likuran ko.

At ang presensyang 'yon. Ang malakas na presensya.

Nakita ko na lang ang paglalakad ng taong naka-red hoodie jacket na 'yon hanggang sa matapat sa harapan ko. At napansin ko na lang sa sarili ko na nawala ang takot ko sa kaniya hindi tulad kanina. Bakit gano'n?

Bakit parang nag-iiba ang kilos ng katawan ko sa iniisip ko?

Bumungad sa 'kin na inaabutan niya ako ng isang pulang talulot. 'Yong sign ng isang estudyante na siya ang pumatay sa nabiktima niya. Yung ebidensya.

Tinignan ko pa nang maigi ang bagay na 'yon. Hindi nga ako nagkakamali, akin nanggaling ang bagay na 'to. Ibig bang sabihin, siya ang pumulot sa mga nalaglag na petals sa bulsa ko kanina?

Bakit iisa na lang 'tong isinasauli niya?

Kinuha ko rin kalaunan ang petal na 'yon. Nagtatakha ang isip ko kung bakit mismong katawan ko ang lumapit sa babaeng may samurai sa ulo at inilagay ang petal na 'yon sa bulsa ng uniporme niya. Pagtapos, muli akong bumalik sa pagkakaupo ko kanina. Ni hindi ko man lang dinadaing ang pagdurugo sa may kaliwang mata ko.

Tinignan ko ang taong 'yon at may hawak na itong puting tela. Medyo mahaba. "Wear this before its too late." sabi niya sa 'kin. Hindi ko alam pero gustong umayaw ng isipan ko. Pero dahil hindi sila magkasundo ng katawan ko, kinuha ko 'yon at saka itinali sa kaliwang mata ko kung nasa saan ay may nagdurugo. Hindi na ako nakaimik pa nang patungan pa niya ng itim na tela ang palibot ng ulo ko at itinali sa may ilalim ng buhok ko kaya't hindi pansin. Inayos niya pa ang buhok ko at ginamit pa pang-suklay ang mga daliri niya.

"Don't ever take off that cloth until I say so. Kahit na sino. Kahit saan. Hindi magagamot sa clinic 'yan ang mata mo kapag tinaggal mo 'yang tela na 'yan. Sinasabi ko sa 'yo, hindi maganda ang kalalabasan mo," pagbabantang sabi ng mala-demonyong boses nito sa 'kin.

Hindi magagamot ng clinic na 'yan ang mata mo kapag tinanggal mo 'yang tela na 'yan...

Hindi magagamot ng clinic na 'yan ang mata mo kapag tinanggal mo 'yang tela na 'yan...

Hindi magagamot ng clinic na 'yan ang mata mo kapag tinanggal mo 'yang tela na 'yan...

Mata? E hindi naman mismo ang mata ko ang napuruhan. Yung ibaba at itaas lang ng mata ko. Sa may bandang kilay at sa may bandang itaas ng pisngi lang.

"S-Sino ka ba talaga?" and finally, nagawan ko ng paraan ang katawan ko na makisama sa naku-curious kong pag-iisip. I don't feel any nervousness. As in wala. Pero ang presensya niya, oo, napakalakas.

"Let's just say, I'm your doppelganger. The one who will be the sign for you. And as what we talked about lately, you'll help me and I'll help you. That's it. Just be yourself and I'm gonna be your doppelganger," paliwanag niya sa 'kin.

My minds were playing a crosswords. Hindi ko alam kung ano ang ipinupunto niya. And among those students here in this university, sa 'kin pa siya gustong humingi ng tulong? Isa lang akong transferee. Wala pang kaalam-alam sa lahat ng bagay.

"I--I don't think I can--"

"Yes, you can. You can play a role by your own self. And I'm gonna play my part," singit niya sa isasagot ko.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa sahig. Is this a nightmare? Nakikipag-usap na ba ako mismo kay satanas?

"Shitarika!"

"Oh my! Shitarika!"

"Thank goodness, you're just there!"

Nagsunod-sunod na lang ang pagliwanag ng pandinig ko nang marinig ko ang mga boses nina Cali, Souzi at Mendel. Nananatili pa rin akong nakatingin sa sahig at pansin ang pag-alis nung naka-red hoodie jacket.

"There's no time to think but to do. That's the only way for you to win or to get out," rinig kong huling sabi niya hanggang sa tuluyan na siyang naglaho.

And I have no answer para tanggihan siya. Is this mean na pumapayag na ako?

Kung sa kaligtasan ko, bakit hindi?

Ilang sandali lang nang maramdaman ko na ang paglapit ng tatlo at hinawakan ako.

"What happened? Nasaktan ka ba?" tanong ni Souzi sa 'kin pero wala akong naging tugon.

"Look, yung babae, she killed herself?" takhang tanong ni Cali na tila itinuturo ang babaeng may samurai sa noo. "That's her weapon e."

"I don't think he committed suicide. Someone did that," seryoso namang sambit ni Mendel.

Hindi ko sila pinansin, bagkus, nananatili pa rin ang pagkakatingin ko sa sahig.

"Anong nangyari sa mata m--" Nahinto na lang bigla si Cali sa pagsasalita nang bigla kong hawakan ang kamay niya. Naramdaman ko kasing akma niyang hahawakan ang tela sa may kaliwang mata ko.

"Don't ever touch it," seryoso kong sabi sa kaniya. Hindi ko narinig pa ang pagsasalita nila kaya't kusa akong tumayo sa sarili ko. Nanumbalik ang lakas ko. "I think, we should go back. Our night class will be done soon. And besides, I know you already killed the number of students you wanna kill, right?" pag-aaya ko sa kanila. Alam kong nakaramdam sila ng pagkaiba sa 'kin. Maski-ako. Bakit ba ganito akong kumilos?

Hindi ko maipaliwanag, basta the only little thing I know kaya ako nagkakaganito ay dahil sa malagim na pangyayaring hindi naman maliwanag sa 'kin kung ano?

Kaugnay na kabanata

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 6 - Curiosity

    Shitarika's POV Kasalukuyan kaming kumakain pang-breakfast nina Souzi, Mendel at Cali rito sa cafeteria. Parang normal sa lahat ang nangyari kagabi. Pagtapos ng halos nakakamatay na klase, ngayon na umaga na, bumalik sa normal ang lahat. Parang walang nangyari.Kanina pa ako tahimik habang abala naman sa pagsasalita si Cali at Souzi. Nakayuko lang ako at nakatuon sa pagkain ko. Parang nanumbalik ang kilos ko hindi tulad kagabi. Pati takot at kaba ko, para ko na ring kasa-kasama.At bukod pa rito, dala ko na rin ang sugat ko sa kaliwang mata ko. Nandoon pa rin ang pagkakatali ng telang puti at itim. Hindi ko ginalaw at hindi ko rin siya pinatignan pa. Hindi na rin nagpumilit silang tatlo na makita ang natamo ko."Souzi, ilan ang napatay mo kagabi?" tanong ni Cali. Seryoso? Ito ang pinag-uusapan sa harapan ng pagkain? Parang normal na kwentuhan lang."Nasa labing-isa. Buti nga't may sobra pang isa e," tugon naman ni Souzi sabay higop ng soup niya. At ngayon ko lang pansin na halos kara

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 7 - Reasons

    Shitarika's POV English class na pero wala ako sa sarili ko. Nakatulala ako sa isang direksyon habang nagtuturo ang professor. Ramdam ko naman ang paligid pero sadyang ayoko lang sirain ang pagkatulala ko.At isa pa, nararamdaman ko ang presensya ng isang Octapetala. Kasama ko rito si Ligen. Pero ang pinagkaibahan lang, kahit papaano ay humupa ang takot ko sa kaniya.Sa kalagitnaan ng pagkaklase, bigla na lang natuon ang atensyon namin sa labas. Nakita kong may mga estudyanteng papunta sa isang direksyon na parang may pinagkakaguluhan. Nagbubulungan sila at kung ano-ano pero hindi ko maintindihan. Dahil na rin siguro sa curious ng professor namin, tinawag niya ang isang estudyante."What's happening?""Sir, may patay po na estudyante sa restroom ng girls." Dahil sa sinabi niyang ito na dinig na dinig naming lahat, nagbulungan ang mga kaklase ko rito sa room."Sino kaya ang may gumawa no'n?""Tsk! Dapat parusahan ng Headmistress kung sino man 'yon. Wala pang night class, ah?""Baka ma

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 8 - Normal Day

    Shitarika's POV Third day ko na sa university na 'to pero ngayon ko lang naramdaman ang gana sa buong pakiramdam ko 'di tulad no'ng mga nakaraang araw. Stress na stress sa kakaisip at kung ano-anong bagay na pumapasok sa isipan ko. Pinapakalma ko nga muna 'tong utak ko at baka kung mag-isip na naman ako nang kung ano-ano.Sabi ni Cali kaninang umaga, a-absent muna siya for the whole day dahil ipaghahanda niya kaming tatlo ng masusuot namin this coming Saturday. Sinukatan niya pa kaming tatlo. Hindi ko alam kung gagawa siya o bibili. Ewan ko sa kaniya. Mukha ngang balak pa niyang mag-perform.Kasalukuyan akong nasa first class which is art pero nagdo-drawing lang ako sa sketch pad ko. Wala naman ang professor kaya nililibang ko na lang ang sarili ko."Ano 'yang dino-drawing mo?" tanong ni Loaf na nanonood pala sa ginagawa ko."Nagdo-drawing, syempre. Puro action poses lang lahat 'to," sagot ko habang siya ay tumatango-tango lang."Hindi na ba masakit 'yang sugat mo?" tanong ulit niya

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 1 - Transferee

    Shitarika's POV Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang bawat madaraanan namin. Nakaupo ako sa passenger seat habang si tita ay abala sa pagmamaneho. Ni hindi ko magawang magsalita dahil wala rin naman akong balak. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong pinalipat ng school. Kagabi niya sinabi sa 'kin at kaninang umaga, pinaghanda na niya ako para mag-impake. Basta ang sabi lang niya, ni-recommend lang daw niya ako sa Headmistress nitong papasukan kong bago.At sa hinaba-haba ng pagbabyahe namin, bumungad na lang sa paningin ko ang mga punong halos sakupin na ang buong view ko. Maraming mga nakakalat na tuyong dahon sa sahig. Yung mga ibang punong nadaraanan namin, nagkakalagas na. Para kaming pumapasok sa masukal na gubat. Ang creepy naman."Shitarika, from now on, sa University ka na mamamalagi, ha? Tita will do busy e. And unfortunately, gadgets are not allowed there. I hope you understand," sabi ni tita sa 'kin pero hindi ko siya nagawang sagutin

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 2 - Threat

    Shitarika's POV After ng lunch, kaagad na rin kaming bumalik dito sa dorm. Medyo kabisado ko na ang mga pupuntahan ko bukas sa mga magiging schedule ko. Buti nga at nag-aya silang i-tour ako rito sa University na 'to. At least, hindi na ako maliligaw bukas.Maya-maya, may kumatok sa pinto. Nang magbukas 'yon, nakita ko si sir. Martin at tila sinesenyasan ako na lumapit kaya lumapit ako sa kaniya. "Ito na ang class schedule card mo para bukas and your two types of uniform. Doble ang uniform mo for school para may extra ka," sabi niya sa 'kin sabay abot sa mga ito. Nasa kanang kamay ko ang maliit na card para sa class schedule ko bukas habang nasa kaliwa naman ang tatlong naka-plastic na damit. Mukhang bago pa."Salamat po, sir Martin," sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin bago siya umalis kaya't sinara ko na ang pinto. Hindi pa ako nakakabalik nang bigla namang tumakbo papalapit sa 'kin sina Souzi at Cali."Patingin kami ng class schedule mo," sabi ni Cali. Wala pa namang akong sago

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 3 - First Day Class

    Shitarika's POV Excited na excited ako sa araw na 'to dahil ito ang unang araw ko sa pagpasok ko sa University na 'to na walang specific name. Kasalukuyan akong naliligo sa may girls' shower room sa may dulo mismo nitong floor namin. Bawat floor kasi ay may shower at fitting room. Para kapag natapos maligo, diretso bihis kaagad. Mag-aayos na lang ako sa room.After kong maligo, kaagad ko nang sinuot ang uniform na ibinigay sa 'kin ni sir. Martin kahapon. Namangha na lang ako sa sarili ko nang makita ko ang reflection ko sa salamin. Naka-black mini-skirt, white long-sleeves at may black coat kami. Bagay na bagay ito sa mahabang black na medyas at shoes ko. Parang mga Sailor Moon kami in black version.Matapos kong gawin ang natitirang pag-aayos ko sa sarili ko, kumain kami nina Mendel, Souzi at Cali sa cafeteria ng breakfast bago kami maghiwa-hiwalay. Papasok na kami sa mga first subject class namin.Hindi mawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa matuntong ko ang fourth floor para sa f

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 4 - First Night Class

    Shitarika's POV Hindi na ako pinatuloy ni Mendel sa mga natitira kong klase at ipinaalam sa office dahil sa nangyari. Kanina pa ako iyak nang iyak hanggang ngayong hapon. Hindi ko mapigilan."Sshhh... Shitarika, tahan na." "May araw rin 'yong Margarret na 'yon. H'wag ka nang umiyak." Pagpapatahan sa 'kin nina Souzi at Cali. Panay rin ang paghaplos nila sa likod ko at pagpunas sa mga luha ko."B-Bakit gano'n? Anong nagawa ko kay Margarret? Bakit siya gano'n magalit sa 'kin e wala namang akong sinabihan na kung sino. Hindi ko naman idinaldal ang narinig ko sa kaniya sa restroom e," Umiiyak kong sabi habang ipinupunas ang braso ko sa mga mata ko.Pansin ko na lang ang pagtititigan nilang tatlo sabay tingin sa 'kin. Bakit? Anong problema ni--Teka?N-Nasabi ko ba ang hindi ko dapat sabihin?Medyo nanlaki pa ang mga mata ko dahil nadulas ako sa sinabi ko. Mukha sila ngayong mga curious na curious. N-Nasabi ko ba?"Anong narinig mo kay Margarret?" takhang tanong ni Mendel sa 'kin. Binali

Pinakabagong kabanata

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 5 - Red Hoodie Jacket

    Shitarika's POV Patuloy lang kami ni Souzi sa paglalakad sa madilim na daang tinatahak namin. Zero degree talaga ang nakikita ko. Walang-wala.At dahil na rin sa takot ko, naihanda ko ang inabot ni Cali sa 'kin na kutsilyo. Mahirap na. Baka mapatay akong bigla. Mas mainam nang maging alerto.Bigla na lang akong halos matalisod dahil sa ngalay kaya't napabitiw ako sa pagkakahawak sa damit ni Souzi, wala pang limang segundo nang muli ko siyang hawakan. Baka mawala ako."Pasensya na, muntik lang ako matalisod e," pabulong kong sabi sa kaniya.Patuloy pa rin kami sa pagmamasid at paglalakad nang maramdaman ko ang pagliko namin ni Souzi. "Saan tayo pupunta?" pabulong kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.Halos mabigla na lang ako nang makarinig ako ng isang malakas na alingawngaw ng pagputok ng baril sa may kalayuan mula sa pwesto namin ni Souzi. "Sino kaya 'yon? May tao yata sa banda roon, Souzi," pabulong kong sabi ulit sa kaniya pero muli, hindi siya tumugon.Bakit hindi s

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 4 - First Night Class

    Shitarika's POV Hindi na ako pinatuloy ni Mendel sa mga natitira kong klase at ipinaalam sa office dahil sa nangyari. Kanina pa ako iyak nang iyak hanggang ngayong hapon. Hindi ko mapigilan."Sshhh... Shitarika, tahan na." "May araw rin 'yong Margarret na 'yon. H'wag ka nang umiyak." Pagpapatahan sa 'kin nina Souzi at Cali. Panay rin ang paghaplos nila sa likod ko at pagpunas sa mga luha ko."B-Bakit gano'n? Anong nagawa ko kay Margarret? Bakit siya gano'n magalit sa 'kin e wala namang akong sinabihan na kung sino. Hindi ko naman idinaldal ang narinig ko sa kaniya sa restroom e," Umiiyak kong sabi habang ipinupunas ang braso ko sa mga mata ko.Pansin ko na lang ang pagtititigan nilang tatlo sabay tingin sa 'kin. Bakit? Anong problema ni--Teka?N-Nasabi ko ba ang hindi ko dapat sabihin?Medyo nanlaki pa ang mga mata ko dahil nadulas ako sa sinabi ko. Mukha sila ngayong mga curious na curious. N-Nasabi ko ba?"Anong narinig mo kay Margarret?" takhang tanong ni Mendel sa 'kin. Binali

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 3 - First Day Class

    Shitarika's POV Excited na excited ako sa araw na 'to dahil ito ang unang araw ko sa pagpasok ko sa University na 'to na walang specific name. Kasalukuyan akong naliligo sa may girls' shower room sa may dulo mismo nitong floor namin. Bawat floor kasi ay may shower at fitting room. Para kapag natapos maligo, diretso bihis kaagad. Mag-aayos na lang ako sa room.After kong maligo, kaagad ko nang sinuot ang uniform na ibinigay sa 'kin ni sir. Martin kahapon. Namangha na lang ako sa sarili ko nang makita ko ang reflection ko sa salamin. Naka-black mini-skirt, white long-sleeves at may black coat kami. Bagay na bagay ito sa mahabang black na medyas at shoes ko. Parang mga Sailor Moon kami in black version.Matapos kong gawin ang natitirang pag-aayos ko sa sarili ko, kumain kami nina Mendel, Souzi at Cali sa cafeteria ng breakfast bago kami maghiwa-hiwalay. Papasok na kami sa mga first subject class namin.Hindi mawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa matuntong ko ang fourth floor para sa f

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 2 - Threat

    Shitarika's POV After ng lunch, kaagad na rin kaming bumalik dito sa dorm. Medyo kabisado ko na ang mga pupuntahan ko bukas sa mga magiging schedule ko. Buti nga at nag-aya silang i-tour ako rito sa University na 'to. At least, hindi na ako maliligaw bukas.Maya-maya, may kumatok sa pinto. Nang magbukas 'yon, nakita ko si sir. Martin at tila sinesenyasan ako na lumapit kaya lumapit ako sa kaniya. "Ito na ang class schedule card mo para bukas and your two types of uniform. Doble ang uniform mo for school para may extra ka," sabi niya sa 'kin sabay abot sa mga ito. Nasa kanang kamay ko ang maliit na card para sa class schedule ko bukas habang nasa kaliwa naman ang tatlong naka-plastic na damit. Mukhang bago pa."Salamat po, sir Martin," sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin bago siya umalis kaya't sinara ko na ang pinto. Hindi pa ako nakakabalik nang bigla namang tumakbo papalapit sa 'kin sina Souzi at Cali."Patingin kami ng class schedule mo," sabi ni Cali. Wala pa namang akong sago

  • She's A Rose (TAGALOG)   Chapter 1 - Transferee

    Shitarika's POV Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang bawat madaraanan namin. Nakaupo ako sa passenger seat habang si tita ay abala sa pagmamaneho. Ni hindi ko magawang magsalita dahil wala rin naman akong balak. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong pinalipat ng school. Kagabi niya sinabi sa 'kin at kaninang umaga, pinaghanda na niya ako para mag-impake. Basta ang sabi lang niya, ni-recommend lang daw niya ako sa Headmistress nitong papasukan kong bago.At sa hinaba-haba ng pagbabyahe namin, bumungad na lang sa paningin ko ang mga punong halos sakupin na ang buong view ko. Maraming mga nakakalat na tuyong dahon sa sahig. Yung mga ibang punong nadaraanan namin, nagkakalagas na. Para kaming pumapasok sa masukal na gubat. Ang creepy naman."Shitarika, from now on, sa University ka na mamamalagi, ha? Tita will do busy e. And unfortunately, gadgets are not allowed there. I hope you understand," sabi ni tita sa 'kin pero hindi ko siya nagawang sagutin

DMCA.com Protection Status