Alexandra Angela. She struggled to run off from the blade of death not only once but twice. Rose from the dead, Alexandra Angela is ready to hunt the elusive justice for the mysterious and brutal death of her parents. Dancing with the rhythm of a precarious battle of hers requires so much courage and greed. To take her mask off and expose herself to the enemies that she has been looking for for years is the only way to finish off the clash. Her bitterness toward the vicious destiny is delving into the depth of her soul. Resentment is manipulating her pure and innocent heart, leaving no space for mercy.And if letting go of her love for the man who was come from the family of the assailant means victory, then she's still up for it. For she is back to get even and whoever wants to stop her will be added to her red list.___________A/N:Hello, here's how the story of Xandra and Edrick John begin. You have a choice if you want to read this part of their stories or will just stick to t
"Run, you have to run!" Ang limang salitang iyon ang siyang nagpapaulit-ulit na umaalingawngaw sa kanya isipan. Hindi niya alam kung saan ang kanyang tungo, ang tanging magagawa niya lang ay ang tumakbo nang tumakbo hanggang sa matakasan niya ang patalim ng kamatayan.Sa gitna ng madilim na lansangan ay pinapabagal ng malakas at maingay na ulan at kulog ang kanyang mga yapak. Tanging siklab ng kidlat ang nagsisilbing ilaw sa kanyang pigil-hiningang paglalakbay.Ang bawat patak ng luhang dumadaloy sa kanyang mga mata ay nag-iiwan ng maitim at malalim na marka sa kanyang puso. At nang madapa siya dahilan para matamo niya ang pinakamalalim na sugat sa tanang buhay ay dalawang linya lang ang tumatak sa kanyang puso't-isipan."Babalik at maghihiganti ako! Pababagsakin ko rin kayo!"
CHAPTER 1 "Lex, may bagong salta na fafa. Fresh from heaven! My God, he's so handsome, makalaglag panga, ganun!"Napaismid naman siya dahil sa turan ng kapwa guro at kaibigan niyang si Razelle na tila kilig na kilig pa.Pareho silang Science Teacher sa Francisco International School o FIS. Mas nauna nga lang ito sa kanyang nagtrabaho rito. May rason lang naman siya kaya siya nandidito. Rason na hindi naman lingid sa kaalaman ng kaibigan at ng Dean ng FIS na si Shara Francisco, ang apo ng may-ari ng school.Inaasahan niya na rin naman na may bago ngang papasok na lecturer dahil nag-issue na naman kasi ng bagong schedule nila. Lahat sila ay mag-a-adjust na naman. "Manloloko 'yan. Kaya, itigil mo 'yang kahibangan mo. Baka umiyak ka na naman bandang huli," walang kagana-gana niyang usal."Grabi naman 'to. Manloloko agad? Ikaw napakanega mo talaga! Kaya siguro hanggang ngayon ay hopia ka pa rin.""At least walang sakit sa ulo at sa dibdib. Tigilan mo nga ako diyan sa gwapo-gwapo na 'yan.
CHAPTER 2 Dahil nga sa sobrang traffic ay medyo nahuli na si Edrick Jhon ng dating sa school. Dumaan muna siya sa locker room para ilagay ang kanyang iba pang gamit.Halo lang ang locker ng babae at lalaki pero magkaiba naman ang CR nila sa loob kaya okay lang naman na magkasabay-sabay sila kung sakali.Naabutan niya rito ang babaeng nagsusungit sa kanya noong isang araw sa canteen. Hindi niya pa ito kilala bukod doon sa Razelle na kaibigan nito. Maganda ito kung ganda rin lang ang pag-uusapan, mukhang may utak din dahil nagawa pa nitong lusutan ang bawat patutsada niya at talagang sinigurado nitong barado siya.Pero kahit gano'n hinding-hindi siya ma-a-attract sa babae dahil ayaw niya sa mga magaganda at matatalino. Pakiramdam niya kasi ay lolokohin at lolokohin lang siya ng mga ito kagaya ng ginawa ng mga naging girlfriend ng mga naging kakilala niya.Lahat mala-diyosa pero nang-iwan lang din ang mga ito. At ayaw niya na mangyari iyon sa kanya. Marami na ring babaeng na li-link sa
CHAPTER 3"Lexa! Bilisan mo na riyan, aba! Hindi si Ma'am Sha ang mag-aantay sa atin!" bulyaw sa kanya ng kaibigan.Napakamot na lang siya sa kanyang noo. May urgent meeting kasi lahat ng faculties. And take note, it's an urgent one. It means may laglagan na naman mamaya dahil gano'n at gano'n lagi ang nangyayari.Ibig niyang sabihin ay may mapipilitan na naman lang na sundin kung anuman ang iuutos ng kanilang dalagang Dean. Wala naman lagi silang choice kundi ang sundin ito dahil kung hindi ay magligpit ka na lang ng gamit mo. Sa kaso niya ay hindi pa talaga siya pwedeng matanggal dahil hindi pa siya tapos sa pakay niya dito, pero ito na rin ang huling taon niyang pananatili sa paaralang ito bilang isang guro."Lexa!""Oo na, Zelle. Mauna ka na nga. Na pe-pressure naman ako sayo eh."Totoo iyon. Mas nagpapanic siya kapag minamadali siya at ayaw na ayaw niya sa pakiramdam na gano'n. "Ay sorry," paumanhin ng kanyang kaibigan.Sabay na binaybay nila ang daan papuntang Conference Room.
CHAPTER 4"Isang sasakyan na lang ang gagamitin nating apat para walang hassle. At para sabay-sabay tayong makarating doon," suhestiyon pa ni EJ sa mga kasamahan niya. Bukas na kasi ang seminar na dadalohan nila kaya naman nag uusap-usap na sila ngayong apat dito sa canteen. May nagbago rin sa tandem nila dahil hindi makakasama si Daniela. Ang nagpalit dito ay ang dalaga din sa CD na si Kyla. Kanina niya pa nga ito napapansin na panay ang pa-cute sa kanya pati na rin ang bakla. Tanging ang seryosong mukha lang sa kasamahan niya ay si Alexa na hindi niya maintindihan kung bakit mainit lagi ang ulo sa kanya. "I can drive, kaya naman sasakyan ko ang gagamitin ko papuntang Tagaytay," pagmamatigas nito."Hindi ka ba madadala sa pakiusap Miss?" asik niya sa kalmadong tono. Wala siyang ideya kung paano ba ito mapapaamo o kung may paraan pa nga para mapalapit siya rito. 'What a tough woman huh?'"Hindi. Itong dalawa na lang ang isabay mo.""Sige na, Lex. Ayaw mo pa ba? Hindi ka na mapapag
CHAPTER 5Maagang nagising si Alexandra. Ngayon ang araw ang alis nila. Parang nahihilo pa yata siya dahil nasa 3:00 am na din siyang nakatulog. Dinalaw siya nang masamang panaginip kaya naman naging malikot ang imahinasyon niya. Binuksan niya muna ang music player sa sala habang naghahanda ng mga dadalhin.Pumailanlang sa paligid ang musikang ‘Afraid for Love to fade’ na kinover ng iniidolo niya rin pagdating sa larangan ng musika. Pero hanggang ngayon ay misteryoso pa rin ang mang-aawit na si DeeJee.Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang musika.[My head’s in a jam. Can’t take you off my mind. From the time we met. I’ve been beset.]Minsan, naiisip niya na baka… baka pini-peke nito ang boses lalo pa’t napaka advance na ngayon ng teknolohiya, masyado ng moderno pero may kung ano rin sa isip niya ang nagsasabing totoo iyon. Mararamdaman mo kasi ang emosyon na inilalapat sa kanta, bagay na hindi pwedeng madaya o dayain. Paano ba naman kasi kahit palaging hit ang mga kino
CHAPTER 6Kasalukuyang nasa venue na sila ng seminar at sinisimulan na ang orientation. Kailangan nilang makapaghanap ng makakapares nila from other school. Bunutan ang nangyari, kung sino ang parehong number na mabubunot ay siyang magiging magkapares hanggang sa matapos ang seminar"Miss, number 75?" usisa nang gwapo rin namang lalaki sa kanya. "Ahh... Nasa akin nga. Maupo ka," aniya. Naupo naman ito sa kaliwang bahagi ng inuupuan niya. Ang nasa kanan kasi ay si EJ. Katabi na rin nito ang tandem nito."I am Paulo from G's University, you are?""Alexandra Del Monte from Francisco International School.""Wow, that school is quite prestigious huh?""Sabi nga nila." Nagkangitian lang sila at saka itinuon na ang pansin sa speaker nila kasalukuyang nasa unahan na at nagsasalita.Wala siya sa mood makinig. Nasa sistema niya pa rin kasi ang nangyari kahapon sa kanya. For heaven sake, may gustong bumundol sa kanya. Mabuti na lang talaga at kasama niya si Edrick.Siniko siya ni Edrick kaya na
ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN-RAMIREZ POVNagising ako dahil sa halakhak ng isang kagwang at dalawang bulilit pero nanatili akong nakapikit."Gisingin niyo na ang mommy," utos pa ni Tsong sa dalawa namin anak na si Xandreik Jhon and Calla Lexa.Fortunately ay nabiyayaan kami ng dalawang bibong chikiting."Ikaw na dad," ungot ni Lala, ang bunso namin. Nasa anim na taon na siya samantalang si Xan-xan ay walo na.Yong nga lang, mukhang may mga attitude itong mga anak namin. Si XJ ay para pang may sariling mundo samantalang si Calla naman ay napaka moody. Siguro iyon talaga ang produkto ng pinaghalong genes ng dalawang kagwang, psss!"Mommy, gising na. Breakfast is ready," ani Tsong sabay tapik sa braso ko. Nanatili pa rin akong nakapikit. Naramdaman ko pa na dinampian niya ng halik ang labi ko."Eww!" sabay na sambit ng dalawa."Dad, are you going rape our mom?" supladitang tanong ni Calla.Hindi na ako nakatiis at nakisabayan na ako sa paghagalpak ng tawa kay Tsong. Bumangon ako at naupo.
ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN'S POV(Heart beats fastColors and promises)Sobrang bilis ng tibok ng aking puso habang naglalakad ako papuntang altar. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Edrick na gwapong-gwapo sa kanyang suot.Sinalubong din ako nina Tita Nana at Uncle Troy. Sila na ang tumayong parent ko.Dad, Mom sana nakikita niyo po ako ngayon. Naglalakad na po ako papuntang altar oh, how I wish na kayo ang mag-aabot ng kamay ko sa taong mahal at makakasama ko na habang buhay. Sana po, masayang-masaya din kayo ngayon for me.Don't you worry po, Edrick is the best man for your heiress."Edrick, ingatan mo itong inaanak namin ha? Tandaan mo, buong RAO ang makakalaban mo kapag pinaiyak mo si A.A.""Y-es naman po. Promise, hinding-hindi ko po siya sasaktan."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.(I have died everyday, waiting for you)"Sobrang ganda mo. Deserve ko ba talagang magkaroon ng asawang diyosa?" Natawa naman ako."Ano ka ba tsong? Ako lang ito, si Xandra lang ito oh."Siya n
CHAPTER 36ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN POV"At last nakarating din! Ang ganda dito Lex ha?" lintanya ni Leslie.We're here at Tagaytay, sa S' Hotel. Nagyaya kasi ng vacation ang mga ito.And since tatlong kwarto lang ang nasa loob ng luxury room at ayaw naman nilang maghiwa-hiwalay kami kaya isang kwarto lang kami ni Edrick, si Faye at Larry and magkasama sa iisang kwarto sina Faye, Shara at Leslie.Si Kier naman ang siyang pinaka mabait na pumayag na sa ibang kwarto na lang siya. Basta daw makikita niya pa rin si Les. Tsk. Mukhang tinamaan na ang isa."This is owned by her, actually," ani Sha. Nanlaki naman ang mata ng isa."Whoaa! Really Lex? Ang yaman mo naman pala ah! Sabagay, may sarili ka ng ngang publishing house. Pwede na!""Pwede na?""Yeah, pwede na kayong mag-settle down ni Tsong." Natigilan naman ako. Hindi pumasok sa isip ko ang sinabi niya eh.Nailibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid."Where's Edrick pala?" usisa ko. Nagkibit balikat lang sila.Saan naman kaya
CHAPTER 35LESLIE'S POVNasa Araneta na po kami dahil ngayong gabi na ang concert nina Edrick and Dina.Kasama na nga rin namin sina Sha and of course ang bida sa buhay ni DeeJee, si Alexandra.Nasa bukana mismo kami ng entablado kasi nga may pasabog daw si Tsong. And we don't know kung ano iyon. Pero feeling ko may alam na sina Zelle.Baka magtatapat na si Edrick kay Dina in front of Alexa?Goodbye Philippines na naman ang tema ng tsang kung magkataon."Aray! Dahan-dahan naman," reklamo niya dahil hinila na siya agad paupo ni Sha."Sorry, bagal mo eh."Well, Sha is my one of my close cousins who happened to be Alexandra's best friend din pala. Hindi ko alam 'yon pero ngayon alam ko na. Gulo ba? Hayaan mo na nga.Minuto na lang at magsisimula na kaya naman nagsisimula nang mag-ingay ang paligid."My god! I'm so excited! Sana may kissing scene naman ang dalawa 'no?""Oo nga! Para maiba naman, lagi na lang hugs yong eksena nila. Almost two years na rin silang magka-love team eh.""I ca
CHAPTER 34ALEXANDRA ANGELA'S POV"Kyaah! Miss A.A is here!""OMG, oo nga. Is it true? Pakisampal nga ako!""My goodness! Akala ko fake news lang nasagap ko, totoo nga pala!""Mabuti na lang din at naniwala ako sa mga nababasa kong ads eh. Baka na miss ko ang event na ito kung magkataon!"Napangiti ako dahil sa bulungan na iyon habang papaupo na ako sa pwesto ko. Magkalapit lang ang table namin ni Leslie. Nagugulat niya akong tiningnan. Mas nauna siya saking umuwi kaya naman hindi niya alam na umuwi din ako.Of course, bukod sa amin ay madami ding nobelista ang nandidito at lahat kami ay purong Pilipino.Ngayon na nga ang Grand Book Signing. Nakak-proud lang talaga na sa kabila ng modernisasyon ay patuloy pa ring namamayagpag ang mga may akda ng libro.Na marami pa ring nagbabasa ng kwento instead na magbabad na lang sa internet o sa social media.Meron ding Wattpad app na kung saan iba't-ibang stories din ang mababasa gamit ang gadgets pero heto sila ngayon, nakikipila at nakikipag
CHAPTER 33ALEXANDRA ANGELA'S POVNapasinghap ako ng maramdaman ko ang hangin na dumampi sa aking balat.Masarap iyon sa pakiramdam. Pumasok na ako sa bagong bili kong condo dito sa Los Angeles. Actually, kahapon lang din naman kasi ako dumating.Inilapag ko na muna sa kwarto ang mga gamit at nagpahinga sa sala.Napaka-relaxing ng atmosphere dito. Tila ba nakaramdam ako ng kapayapaan matapos ang nakakapagod ng mga nagdaang araw.Napatingala ako sa kisame. Mukhang magandang simula na nga ito. Sana na lang ay umayon sa akin ang kapaligiran ng bansang ito.Matapos ko makapagpahinga ay ang pag ge'general cleaning naman ang ginawa ko.Walis dito, walis doon. Gusto kong abalahin ang aking sarili para naman hindi na ako mag-isip ng mag-isip ng kung ano-ano.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng condo. Sakto lang ang laki nito. Pero hindi ko gusto ang motif ng mga cutains kaya naman lumabas ako. Naghanap ng pwedeng mabilihan ng mga kurtinang matitipuhan ko.Apple Green. Yon ang kulay n
CHAPTER 32ALEXANDRA ANGELA'S POVTIME OF DEATH: 3:26 A.M"S-he's g-one... P-eacefully," anunsiyo ng isang agent. Nangatog ang buong sistema ko."No! Buhayin niyo siya! Please! I need my cousin! Hindi ko kayang mawala siya! Not now, please!" pakiusap ko sa mga doktor. Kinuwelyuhan mo pa yong isa."We're so sorry Miss Sebastian. Ginawa na namin ang abot sa aming makakaya, pero si Kyla na mismo ang kusang sumuko.""Please, ibalik niyo siya sakin. Nakikiusap ako sa inyo.""Pero, wala kaming kakayahang buhayin ang isang patay." Sinuntok ko ang doktor na nagsabi non. Agent siya kaya naman hindi niya na ako pinatulan. "Wala kayong karapatan na mag declare ng kamatayan ng isang tao! Diyos ba kayo ha? Diyos ba kayo?" Iling lang ang kanilang naging sagot. Lahat sila ay nakatikim ng suntok at sipa sa akin. Napakuyom ako."H-indi naman pala eh! U-malis kayo diyan! Buhay si Kyla, wag niyo akong pinagloloko! Wala kayong mga kwenta! Alis!" umiiyak kong sambit.Hindi ko pa kaya Kyla! Hindi ko pa ka
CHAPTER 31ALEXANDRA ANGELA'S POVI am wearing my favorite color. Color green. From my mask, leather jacket, sleeveless and fitted pants. Well siyempre except my boots. It's black.Itinali ko din ang mahaba kung buhok para walang sagabal pa sa pagkilos ko.Kampante akong naglalakad sa teritoryo ng RAO. As in taas noo. Wala akong takot na nararamdaman para sa sarili ko. Bakit ako matatakot? Ako naman ang may-ari nito, diba? Kahit ilang batalyon pa ang ipadala dito ng LSG leader ay hinding-hindi niya ako masisindak.Tsaka ilang beses na rin akong nakalusot sa bangis ng kamatayan. I am a survivor of killing that happened 13 years ago. The bullet did not succeed to bring me on my final destination. The bombing did not blow-up my world.So, ano pa ang dapat kung ikatakot? After all, pagod na rin ako sa ganitong klase ng buhay. Kung hindi ko nga lang nakilala si Edrick ay baka ako mismo ang kumitil sa sarili kung hininga nong malaman kung pati sina Pamela ay nadamay sa gulong meron ako.
CHAPTER 30"Xands, w-ala akong alam. Hindi ko alam kung bakit... Paanong... I don't know. Basta isa lang ang sigurado ako, nasa bahay niyo din ang ama ko noong mga panahong sinugod kayo ng mga kalaban or should I say nina Uncl... Nina Larsen."Napakuyom siya para pahupain ang galit sa kanyang sistema. Ayaw niyang magsalita sa ganitong galit na galit siya.Pero gusto niya ring ilabas ang kanyang saloobin. Gusto niyang sumigaw magmura, magwala. Lahat ng ginagwa ng taong galit ay gusto niya ring gawin pero wala na silang oras pa."Fix your things, aalis na tayo bago pa nila matunton tayo. Gagawan ko ng paraan na ma-copy ang mga liham ng Dad.""Galit ka ba sa akin?""Bakit ako magagalit sayo? Ikaw ba ang may kasalanan?" tiim bagang na kanyang sagot."Galit ka ba kay Dad?" Napakuyom naman siya. "Wag kang makulit, pwede ba? Galit ako. As in galit na galit ako Edrick! Yes, sabihin na nating nasa bahay namin siya ng araw na iyon, na sinubukan niyang iligtas kami... Pero para ano pa Edrick? P