CHAPTER 7Napabalikwas ng bangon si Alexa. Hina-hunting na naman siya ng isang napaka masamang panaginip na meron siya. O kaya naman tamang sabihin na bangungot. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na para bang pinupokpok na tambol dahil sa sobrang lakas ng tibok niyon.She’s always been having a bad dreams every night. Himala na ngang nakatulog siya ng maayos nong nasa Tagaytay sila. Siguro ay dahil alam niyang may kasama siya kaya panatag ang loob niya.Bumaba siya sa kama at dumiretso sa banyo. Naghilamos siya para tuluyang magising ang kanyang natutulog na diwa. Napatingin siya sa salamin at doon nakita na naman ang karumal-dumal na kalagayan ng kanyang mga magulang 13 years ago. She was only 16 when her parents died. No… Her parents were killed by those black men in her memories.Napaatras siya tsaka napaupo. Nagsimula na naman na sumikip ang dibdib niya. She’s missing her mom and dad so damn. Pero ang tanging magagawa niya lang ay ang umiyak habng yakap ang sariling mga tuhod gay
CHAPTER 8["Mom bakit po ang daming naka-black na tao sa labas? Ano pong meron?"Inosenteng tanong niya. Nagising siya dahil sa ingay na ginagawa ng mga iyon."Anak, kailangan mo nang umalis.""Mom? Pinapalayas niyo na po ba ako?" may halong biro pa niyang saad. "No, baby. You need to save yourself. Yong mga nakikita mong nasa labas ay masasama sila.""P-o?" Naguguluhan at may halong takot niyang saad."Kris, ito na nakuha ko na." Nagkukumahog na sambit ng Daddy Jerome niya. Bumaling ito sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang matinding takot."Anak, listen. Kailangan mong makalayo dito. Hindi ka nila pwedeng makita.""P-aano p-o kayo? Sabay na po tayong tumakas.""Hindi pwede, anak. Masusundan at masusundan tayo nila. Kahit saan tayo magpunta. Kailangan na namin silang harapin ng mommy mo. Wag kang mag-alala, kaya namin ang sarili namin."Tuluyan na siyang naiyak. Sobrang takot at pagkalito ang nararamdaman niya."Dalhin mo ang mga cards na ito. Pwede mong gamitin ang mga ito para sa
CHAPTER 9 Hindi mapakali si Edrick sa kanyang silid. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya makatulog. Maraming bagay ang bumabagabag sa isip niya at isa na doon si Annseen na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matukoy kung sino pero gayunpaman meron na siyang tatlong taong pinanhihinalaan.Oo, tatlo iyon. Pero pakiramdam niya ay malapit na siya sa katotohanan.Pero mas nababagabag siya dahil sa nangyari kanina sa pagitan nila nina Xandra at Blythe.["Magsama kayong dalawa! Mga straw."]Napailing na naman siya. Sa totoo lang ay kanina pa iyon paulit-ulit sa kukuti niya. Iniisip niya kung bakit pati sa kanya ay nagalit ang dalaga.Pumasok din sa isip niya ang sugat nito sa paa. 'Hindi ko man lang agad iyon napansin. Shit! Napaka isang tanga mo talaga EJ! '["Mas gugustuhin ko pang magpatusok ng pins sa buong talampakan ko kaysa sa makausap ko kayo!"]'Urrgh! Nakokonsensiya yata ako!'Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang babae. Gusto niya itong kamustahin.Gust
CHAPTER 10Sobrang naawa si EJ sa dalaga dahil sa nangyari dito. Gusto niya itong pagalitan pero baka madagdagan niya lang ang kung anumang nararamdaman at bumabagabag sa isipan nito.Kanina pa nga ay narinig niya ang pag iyak nito sa CR kaya naman minabuti niyang katokin ito. Nang makalabas naman ito ay bakas pa rin sa mukha nito ang pangamba at takot.Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman tuwing ito na ang pinag-uusapan. Nasasaktan din siya kapag nakikita niya itong nasasaktan, nalulungkot siya tuwing nalulungkot ito."Ayoko kong masaktan ka dahil hindi ko kayang makita ka sa ganong sitwasyon, na natatakot, na umiiyak, nalulungkot. Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakikita kitang nakatitig sakin. Tuwing sumasagi ka sa isipan ko. At lalong-lalo na nong... nahalikan kita. Naguguluhan na ako."Tuluyan na rin siyang nakatulog habang nakaunan sa hita niya si Alexandra.Nang magising siya ay agad na tiningnan niya ang oras. 4:39 na. Dahan
CHAPTER 11"Narinig mo na ba ang chismis?" Napatingin siya sa kay Razelle. Kasalukuyan silang nasa FR ngayon."Chismis? Wala akong alam. Ano ba iyon?" Nalukot ang mukha ng kaibigan niya kaya naman mas lalo siyang naintriga."Narinig ko sa canteen, galing sa mga taga CD na...""Na?""EJ is courting Kyla."Nabitawan niya ang kanyang hawak na ballpen. Napatitig siya sa kaibigan. Hindi niya matanto kung bakit may kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Pilit na ngiti lang ang kanyang pinakawalan."Pero, narinig ko lang naman. Hindi naman nangangahulugan na totoo nga.""Sa chismis nagsisimula ang lahat Zelle. Malay mo naman, totoo nga. These past days din kasi lagi silang nagkakasabay kumain, diba?""Yeah but...""Hayaan mo na. Let them be.""Paano ka?""What kind of question is that? Ayos lang naman ako. Ayos lang sa akin," usal niya pero ang totoo ay para bang bigla na naman lang siyang binalot ng lungkot.'See? I told you, masasaktan ka lang talaga.'"Sure ka ba talaga? Eh, diba..."
CHAPTER 12Kasalukuyang nasa canteen si EJ at kasama niya sina Alexandra at mga kaibigan nito.Nagkakaasaran na naman ang mga magbabarkada kaya naman napuno na naman ng tawanan ang loob.Agaw pansin ang kanilang grupo dahil sa ingay na nililikha ng nga kasama niya. Pero ang mas na ikinatutuwa niya ay ang makikipagsabayan ni Alexandra sa tawanan nila.Napansin niyang these past days ay nagagawa na ng babae na ngumiti, madalas na rin itong magbiro na talaga namang bentang-benta sa kanila."Alexa?" tawag ni Razelle sa dalaga na nasa tabi niya."Hmm?""Malapit na birthday mo 'no? Anong gift ang gusto mong matanggap from me?""Gift? Ibigay mo sakin ang susi ng kayamanan mo.""Luh? Wala susi lang meron ako, walang kayamanan.""Eh? Ang ATM mo na lang...""No way." Nagtawanan na naman sila."Eh di 'wag ka ng magtanong pa, hindi mo naman maibibigay sakin.""Iyong kaya ko lang.""Friendship, 'yon lang.""Ahw.... Na-touch naman ako ha?""Talaga? Nino? Ni Je...""Shut up Alexa!"Tinawanan lang ni
CHAPTER 13Tahimik lang na pumasok si Alexandra sa faculty room. Tila naninibago siya sa katahimikan ngayon ng mga kaibigan niya.Naalala niyang malapit na din palang magtapos ang kontrata niya dito sa FIS. Wala na rin siyang choice kundi ang umalis na lang din dito. Wala na siyang kailangan pa dito dahil sapat na sa kanya ang dalawang taong karanasan ng pagiging isang guro. Sapat na para matapos ang kanyang bagong libro.At kung magkataon ay ang bago niyang libro ang mas-aangat sa lahat ng librong nailathala niya, ito ang magpapakilala ulit sa kanya sa mga mambabasang minahal siya pero hindi na bilang si Annseen na ngayon ay may huwad ng mukha kundi bilang si Alexandra Angela, ang tunay na siya.Sadya nga sigurong mapaglaro ang tadhana dahil kilala niya pa, kilala ng buong FIS ang nagnakaw ng naging unang pangalan niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang si Kyla pala iyon.["Xandra, halika ipapakilala kita kay Annseen," masiglang saad ni EJ. Labag man sa kalooban ay sinundan niya pa r
CHAPTER 14Maagang nagising si Alexandra. Ngayon na ang end of contract niya sa FIS. Nakakalungkot man pero kailangan niya na talagang umalis lalo pa at araw-araw lang din naman siyang masasaktan dahil sa mga nakikita niya sa paaralan.Mula ng mag-usap sila ni Edrick ay hindi na talaga sila nagkikita pa.Umiiwas siya lagi. Kapag nasa FR ang lalaki ay nasa garden lang siya. Kapag nasa canteen naman ang dalawa ay hindi na siya tumutuloy pa.Ngayon nga ay nasa FR na siya at nagliligpit ng mga gamit niya. Nasa tabi niya din ang mga kaibigang halata ang lungkot sa mukha."Lex, ayaw mo na talaga dito?" naiiyak na usisa ni Faye. Nginitian niya muna ito bago sumagot."Heto na naman tayo. Paulit-ulit na lang yang tanong niyo ha? Hindi lahat ng umaalis ay kailangan may paalam dahil hindi naman ito ang huling magkikita-kita tayo, diba?""Oo naman. Basta wag mo kaming kalilimutan ha?""Oo naman, pangako yan," nakangiting saad niya. Pilit niyang iwinawaksi ang lungkot sa kanyang sistema."Pwede ka
ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN-RAMIREZ POVNagising ako dahil sa halakhak ng isang kagwang at dalawang bulilit pero nanatili akong nakapikit."Gisingin niyo na ang mommy," utos pa ni Tsong sa dalawa namin anak na si Xandreik Jhon and Calla Lexa.Fortunately ay nabiyayaan kami ng dalawang bibong chikiting."Ikaw na dad," ungot ni Lala, ang bunso namin. Nasa anim na taon na siya samantalang si Xan-xan ay walo na.Yong nga lang, mukhang may mga attitude itong mga anak namin. Si XJ ay para pang may sariling mundo samantalang si Calla naman ay napaka moody. Siguro iyon talaga ang produkto ng pinaghalong genes ng dalawang kagwang, psss!"Mommy, gising na. Breakfast is ready," ani Tsong sabay tapik sa braso ko. Nanatili pa rin akong nakapikit. Naramdaman ko pa na dinampian niya ng halik ang labi ko."Eww!" sabay na sambit ng dalawa."Dad, are you going rape our mom?" supladitang tanong ni Calla.Hindi na ako nakatiis at nakisabayan na ako sa paghagalpak ng tawa kay Tsong. Bumangon ako at naupo.
ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN'S POV(Heart beats fastColors and promises)Sobrang bilis ng tibok ng aking puso habang naglalakad ako papuntang altar. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Edrick na gwapong-gwapo sa kanyang suot.Sinalubong din ako nina Tita Nana at Uncle Troy. Sila na ang tumayong parent ko.Dad, Mom sana nakikita niyo po ako ngayon. Naglalakad na po ako papuntang altar oh, how I wish na kayo ang mag-aabot ng kamay ko sa taong mahal at makakasama ko na habang buhay. Sana po, masayang-masaya din kayo ngayon for me.Don't you worry po, Edrick is the best man for your heiress."Edrick, ingatan mo itong inaanak namin ha? Tandaan mo, buong RAO ang makakalaban mo kapag pinaiyak mo si A.A.""Y-es naman po. Promise, hinding-hindi ko po siya sasaktan."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.(I have died everyday, waiting for you)"Sobrang ganda mo. Deserve ko ba talagang magkaroon ng asawang diyosa?" Natawa naman ako."Ano ka ba tsong? Ako lang ito, si Xandra lang ito oh."Siya n
CHAPTER 36ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN POV"At last nakarating din! Ang ganda dito Lex ha?" lintanya ni Leslie.We're here at Tagaytay, sa S' Hotel. Nagyaya kasi ng vacation ang mga ito.And since tatlong kwarto lang ang nasa loob ng luxury room at ayaw naman nilang maghiwa-hiwalay kami kaya isang kwarto lang kami ni Edrick, si Faye at Larry and magkasama sa iisang kwarto sina Faye, Shara at Leslie.Si Kier naman ang siyang pinaka mabait na pumayag na sa ibang kwarto na lang siya. Basta daw makikita niya pa rin si Les. Tsk. Mukhang tinamaan na ang isa."This is owned by her, actually," ani Sha. Nanlaki naman ang mata ng isa."Whoaa! Really Lex? Ang yaman mo naman pala ah! Sabagay, may sarili ka ng ngang publishing house. Pwede na!""Pwede na?""Yeah, pwede na kayong mag-settle down ni Tsong." Natigilan naman ako. Hindi pumasok sa isip ko ang sinabi niya eh.Nailibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid."Where's Edrick pala?" usisa ko. Nagkibit balikat lang sila.Saan naman kaya
CHAPTER 35LESLIE'S POVNasa Araneta na po kami dahil ngayong gabi na ang concert nina Edrick and Dina.Kasama na nga rin namin sina Sha and of course ang bida sa buhay ni DeeJee, si Alexandra.Nasa bukana mismo kami ng entablado kasi nga may pasabog daw si Tsong. And we don't know kung ano iyon. Pero feeling ko may alam na sina Zelle.Baka magtatapat na si Edrick kay Dina in front of Alexa?Goodbye Philippines na naman ang tema ng tsang kung magkataon."Aray! Dahan-dahan naman," reklamo niya dahil hinila na siya agad paupo ni Sha."Sorry, bagal mo eh."Well, Sha is my one of my close cousins who happened to be Alexandra's best friend din pala. Hindi ko alam 'yon pero ngayon alam ko na. Gulo ba? Hayaan mo na nga.Minuto na lang at magsisimula na kaya naman nagsisimula nang mag-ingay ang paligid."My god! I'm so excited! Sana may kissing scene naman ang dalawa 'no?""Oo nga! Para maiba naman, lagi na lang hugs yong eksena nila. Almost two years na rin silang magka-love team eh.""I ca
CHAPTER 34ALEXANDRA ANGELA'S POV"Kyaah! Miss A.A is here!""OMG, oo nga. Is it true? Pakisampal nga ako!""My goodness! Akala ko fake news lang nasagap ko, totoo nga pala!""Mabuti na lang din at naniwala ako sa mga nababasa kong ads eh. Baka na miss ko ang event na ito kung magkataon!"Napangiti ako dahil sa bulungan na iyon habang papaupo na ako sa pwesto ko. Magkalapit lang ang table namin ni Leslie. Nagugulat niya akong tiningnan. Mas nauna siya saking umuwi kaya naman hindi niya alam na umuwi din ako.Of course, bukod sa amin ay madami ding nobelista ang nandidito at lahat kami ay purong Pilipino.Ngayon na nga ang Grand Book Signing. Nakak-proud lang talaga na sa kabila ng modernisasyon ay patuloy pa ring namamayagpag ang mga may akda ng libro.Na marami pa ring nagbabasa ng kwento instead na magbabad na lang sa internet o sa social media.Meron ding Wattpad app na kung saan iba't-ibang stories din ang mababasa gamit ang gadgets pero heto sila ngayon, nakikipila at nakikipag
CHAPTER 33ALEXANDRA ANGELA'S POVNapasinghap ako ng maramdaman ko ang hangin na dumampi sa aking balat.Masarap iyon sa pakiramdam. Pumasok na ako sa bagong bili kong condo dito sa Los Angeles. Actually, kahapon lang din naman kasi ako dumating.Inilapag ko na muna sa kwarto ang mga gamit at nagpahinga sa sala.Napaka-relaxing ng atmosphere dito. Tila ba nakaramdam ako ng kapayapaan matapos ang nakakapagod ng mga nagdaang araw.Napatingala ako sa kisame. Mukhang magandang simula na nga ito. Sana na lang ay umayon sa akin ang kapaligiran ng bansang ito.Matapos ko makapagpahinga ay ang pag ge'general cleaning naman ang ginawa ko.Walis dito, walis doon. Gusto kong abalahin ang aking sarili para naman hindi na ako mag-isip ng mag-isip ng kung ano-ano.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng condo. Sakto lang ang laki nito. Pero hindi ko gusto ang motif ng mga cutains kaya naman lumabas ako. Naghanap ng pwedeng mabilihan ng mga kurtinang matitipuhan ko.Apple Green. Yon ang kulay n
CHAPTER 32ALEXANDRA ANGELA'S POVTIME OF DEATH: 3:26 A.M"S-he's g-one... P-eacefully," anunsiyo ng isang agent. Nangatog ang buong sistema ko."No! Buhayin niyo siya! Please! I need my cousin! Hindi ko kayang mawala siya! Not now, please!" pakiusap ko sa mga doktor. Kinuwelyuhan mo pa yong isa."We're so sorry Miss Sebastian. Ginawa na namin ang abot sa aming makakaya, pero si Kyla na mismo ang kusang sumuko.""Please, ibalik niyo siya sakin. Nakikiusap ako sa inyo.""Pero, wala kaming kakayahang buhayin ang isang patay." Sinuntok ko ang doktor na nagsabi non. Agent siya kaya naman hindi niya na ako pinatulan. "Wala kayong karapatan na mag declare ng kamatayan ng isang tao! Diyos ba kayo ha? Diyos ba kayo?" Iling lang ang kanilang naging sagot. Lahat sila ay nakatikim ng suntok at sipa sa akin. Napakuyom ako."H-indi naman pala eh! U-malis kayo diyan! Buhay si Kyla, wag niyo akong pinagloloko! Wala kayong mga kwenta! Alis!" umiiyak kong sambit.Hindi ko pa kaya Kyla! Hindi ko pa ka
CHAPTER 31ALEXANDRA ANGELA'S POVI am wearing my favorite color. Color green. From my mask, leather jacket, sleeveless and fitted pants. Well siyempre except my boots. It's black.Itinali ko din ang mahaba kung buhok para walang sagabal pa sa pagkilos ko.Kampante akong naglalakad sa teritoryo ng RAO. As in taas noo. Wala akong takot na nararamdaman para sa sarili ko. Bakit ako matatakot? Ako naman ang may-ari nito, diba? Kahit ilang batalyon pa ang ipadala dito ng LSG leader ay hinding-hindi niya ako masisindak.Tsaka ilang beses na rin akong nakalusot sa bangis ng kamatayan. I am a survivor of killing that happened 13 years ago. The bullet did not succeed to bring me on my final destination. The bombing did not blow-up my world.So, ano pa ang dapat kung ikatakot? After all, pagod na rin ako sa ganitong klase ng buhay. Kung hindi ko nga lang nakilala si Edrick ay baka ako mismo ang kumitil sa sarili kung hininga nong malaman kung pati sina Pamela ay nadamay sa gulong meron ako.
CHAPTER 30"Xands, w-ala akong alam. Hindi ko alam kung bakit... Paanong... I don't know. Basta isa lang ang sigurado ako, nasa bahay niyo din ang ama ko noong mga panahong sinugod kayo ng mga kalaban or should I say nina Uncl... Nina Larsen."Napakuyom siya para pahupain ang galit sa kanyang sistema. Ayaw niyang magsalita sa ganitong galit na galit siya.Pero gusto niya ring ilabas ang kanyang saloobin. Gusto niyang sumigaw magmura, magwala. Lahat ng ginagwa ng taong galit ay gusto niya ring gawin pero wala na silang oras pa."Fix your things, aalis na tayo bago pa nila matunton tayo. Gagawan ko ng paraan na ma-copy ang mga liham ng Dad.""Galit ka ba sa akin?""Bakit ako magagalit sayo? Ikaw ba ang may kasalanan?" tiim bagang na kanyang sagot."Galit ka ba kay Dad?" Napakuyom naman siya. "Wag kang makulit, pwede ba? Galit ako. As in galit na galit ako Edrick! Yes, sabihin na nating nasa bahay namin siya ng araw na iyon, na sinubukan niyang iligtas kami... Pero para ano pa Edrick? P