CHAPTER 14Maagang nagising si Alexandra. Ngayon na ang end of contract niya sa FIS. Nakakalungkot man pero kailangan niya na talagang umalis lalo pa at araw-araw lang din naman siyang masasaktan dahil sa mga nakikita niya sa paaralan.Mula ng mag-usap sila ni Edrick ay hindi na talaga sila nagkikita pa.Umiiwas siya lagi. Kapag nasa FR ang lalaki ay nasa garden lang siya. Kapag nasa canteen naman ang dalawa ay hindi na siya tumutuloy pa.Ngayon nga ay nasa FR na siya at nagliligpit ng mga gamit niya. Nasa tabi niya din ang mga kaibigang halata ang lungkot sa mukha."Lex, ayaw mo na talaga dito?" naiiyak na usisa ni Faye. Nginitian niya muna ito bago sumagot."Heto na naman tayo. Paulit-ulit na lang yang tanong niyo ha? Hindi lahat ng umaalis ay kailangan may paalam dahil hindi naman ito ang huling magkikita-kita tayo, diba?""Oo naman. Basta wag mo kaming kalilimutan ha?""Oo naman, pangako yan," nakangiting saad niya. Pilit niyang iwinawaksi ang lungkot sa kanyang sistema."Pwede ka
CHAPTER 15'Xandra, dalawang buwan ka ng nakahiga diyan ah? Gumising ka na please. Na mimiss ko na ang boses mo. Ang putla-putla mo na oh.'Hinalikan niya ang kamay ng dalaga na punong-puno ng benda."EJ, umuwi ka na muna. Kami na ang magbabantay sa kay Lex."Ayaw niya mang iwan ang dalagang hanggang ngayon ay nasa coma stage pa rin pero tila hindi na rin kaya ng kanyang katawan ang halos walang tulog, kain at pahina.Malalim na ang kanyang mata at malulusog na rin ang eye bag niya. Napansin niya rin ang unti-unting pagbagsak ng timbang niya. Madalas nga ay inaasar na siya ni Jaivee na kalansay na lang pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang naman ay manatili siya sa tabi ng babaeng mahal niya noon pa man dahil sa ganung paraan lang siya makakabawi.Oo, nalaman niya na rin na si Alexandra at Annseen ay iisa dahil ipinagtapat iyon ni Kyla.["Hindi ko maintindihan Kyla kung anong katotohanan ang sinasabi nina Razelle at Shara. Naguguluhan din ako kung bakit sinasabi nilang huwad
CHAPTER 16Mugtong-mugto ang mga mata ni Edrick nang makauwi siya sa kanilang camp. Agad naman na sinalubong siya nina Jaivee, Lovely at Jane. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuyo ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata."What's wrong? Bakit ganyan ang itsura mo ha?" nag-aalalang tanong ni Lovely. Kasamahan niya ang tatlo sa nakaraang misyon kaya naman ay paniguradong wala itong alam sa nangyari sa kay Alexandra."Edrick! Please tell us what is happening? What happened to you? Hindi kami manghuhula para hulaan kung anong nangyayari sayo!" napipikon na asik ni Jane."Please, I am begging to the both of you... Just leave me alone! I just want to settle my mind, I am not yet ready to talk about what was happened." Nagkatinginan pa muna ang mga ito at tumango. "We're just here for you Agent Gray," pormal na saad ni Lovely at tsaka lumabas na. Sumunod na lang din ang dalawa.Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak at alalahanin ang lahat ng pinagsamahan nila ng babae sa loob ng m
CHAPTER 17Naglalakad-lakad siya sa dalampasigan habang ninanamnam ang haplos ng sariwang hangin. Nagbibigay ito ng ginhawa sa puso't-isipan niya. Sinadya niya talagang magising ng maaga para mapagmasdan ang pag usbong ng araw sa bughaw na kalangitan at ang reflection nito sa mala berdeng kulay ng dagat.Nakaharap siya ngayon sa malawak at kalmadong dagat. Walang alon na bumabasag sa katahimikan ng paligid. Sa madaling sabi, nasa payapa siyang lugar ngayon.Naiisip niya na sana nga ay ganito na lang ang buhay. Tahimik, maayos ang daloy at higit sa lahat ay walang sakit o galit na siyang nagpapalungkot sa isang tao kagaya niya.Nakangiti niyang pinagmasdan ang papasikat na nga na araw. Tila ipinapaalala nito sa kanya na pagkatapos ng mahabang kadiliman ay may liwanag pa rin na paparating, sumisimbolo ito ng bagong pag-asa. "Iniwan na tayo ni Alexandra! Wala na siya! P-a... Patay na siya!"Napailing na lang siya. Pilit na iwinawaksi ang lungkot na nagsisimula na namang lasunin ang kan
CHAPTER 18Kasalukuyang binabaybay ni EJ ang hallway papuntang practice room ng camp. Gusto niyang mag-ensayo na muna habang maaga pa.Matagal na rin na hindi siya nagagawi sa lugar na iyon kaya naman nakaramdam siya ng excitement sa kanyang kalooban.Kung sino man ang maabutan niya na nandodoon ay hahamunin niya talaga iyon ng suntukan. Akmang bubuksan niya na sana ang pinto ng PR nang makita niya si Troy na may kausap sa loob. Glass lang ang wall nito kaya hindi mo na kailangan pang pumasok para malaman kung sino ang naroroon.Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi nito napansin ang kayang presensiya. Dahan-dahan lang ang pagpasok niya at tumago sa mga kinaroroonan ng mga harness at espada."Bakit niyo hinayaang makabalik pa siya rito? I told you, manggugulo lang siya dito. Sisirain niya na naman ang plano ko. Marami lang ang madadamay na naman!" asik nito sa kausap. Tila galit na galit ito."Na! Wala na tayong magagawa. Magdoble ingat na lang tayo. Sige, ako lang ang tatawag sa
CHAPTER 19Dahil wala naman siyang ganap sa araw na ito ay napagpasyahan niyang maglakad-lakad na muna sa loob ng camp nila.Maaliwalas ang panahon at tahimik din ang paligid, marahil ay busy ang mga kapwa niya agent sa mga gawaing nakapatong sa mga balikat ng mga ito kaya naman wala siyang nakikitang pakalat-kalat o kaya naman ay nag-aasaran.Kanina niya pa rin hindi nakikita ang teamates niya. Hindi niya mahagilap ang mga ito. Makikibalita pa naman sana siya tungkol sa development ng misyon nila dahil ilang araw ding sunod-sunod ang mga tv /show guesting na dinaluhan niya.At dahil bago pa lang siya sa industriyang iyon ay hindi niya magawang tumanggi. May kung ano tuloy sa kaloob-looban niya na nagsisisi. Parang gusto na niyang umurong pero huli na para gawin niya iyon.Sana pala ay nakinig na lang siya sa kanyang pinsan. Maayos naman ang daloy ng career niya sa showbiz pero nahihirapan siyang gumawa ng alibay lalo na kung may mga urgent call from RAO.Hindi ka nga naman pwedeng ma
CHAPTER 20Dahan-dahan niyang nailibot ang kanyang paningin. Nasa lugar siya kung saan puro puti lang ang kanyang nakikita.Pilit niyang inalala ang nangyari pero sumasakit lang ang ulo niya. Gayunpaman ay unti-unti ding naging malinaw sa kanyang isipan na nahimatay pala siya sa loob ng Van kasama ang dalawa sa kaibigan niya.'Nasa langit na ba ako? Sino Pam? Jed? Asan sila?'Napabalikwas siya ng bangon at sinuyod ng tingin ang kabuuan ng lugar. Wala siya sa langit kundi nasa isang kwarto lamang siya kung saan puro puti ang mga kagamitang nandodoon, pati pa yata kulay ng wall ay ganun din. "Pam! Jed!" sigaw niya. Pero kahit siguro mamaos pa siya ay wala siyang maririnig na sagot. Sinubukan niyang lumabas but the door is lock. Nagsisimula na naman siyang kabahan. Bumalik siya sa kama at parang batang naupo sa gitna niyon. She hugs her knee. Natagpuan niya na lamang ang sarili na umiyak sa hindi niya alam na kadahilanan. Para bang nakaramdam siya bigla ng lungkot, sakit at galit.Nagt
CHAPTER 21PRESENT DAY...Binaybay ni EJ ang daan papuntang FIS. Gusto niyang kausapin ang mga kaibigan ni Alexandra. Gusto niyang linawin ang lahat. Kung tama ba ang nalaman niya na buhay nga talaga ang dalaga.Hindi pa rin kasi kayang i-proseso ng utak at puso niya ang katotohanang kanyang natuklasan.Sino ba naman ang hindi magugulantang lalo na kung malalaman mong buhay pala ang inakala mong patay na nga. Bukod pa doon ay hindi na mabubura pa sa kasaysayan ng buhay mo na minsan mo na itong niluksaan at iniyakan gabi-gabi.Magkarating niya sa paaralan ay agad na hinanap niya si Razelle."Nasa field si Razelle, tingnan mo na lang doon bro, baka nagpapahangin lang iyon," ani Larry."Salamat," tipid niyang tugon.Malayo pa lamang ay natatanaw niya ang ang taong pakay niya dito. Nakaupo ito sa isang bench at katabi din nito ang Dean ng school, si Shara. Tila ba kino-comfort nito si Razelle dahil nakahilig pa sa balikat nito ang ulo ng isa. Wrong timing pa yata siya. Nagdalawang isip p
ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN-RAMIREZ POVNagising ako dahil sa halakhak ng isang kagwang at dalawang bulilit pero nanatili akong nakapikit."Gisingin niyo na ang mommy," utos pa ni Tsong sa dalawa namin anak na si Xandreik Jhon and Calla Lexa.Fortunately ay nabiyayaan kami ng dalawang bibong chikiting."Ikaw na dad," ungot ni Lala, ang bunso namin. Nasa anim na taon na siya samantalang si Xan-xan ay walo na.Yong nga lang, mukhang may mga attitude itong mga anak namin. Si XJ ay para pang may sariling mundo samantalang si Calla naman ay napaka moody. Siguro iyon talaga ang produkto ng pinaghalong genes ng dalawang kagwang, psss!"Mommy, gising na. Breakfast is ready," ani Tsong sabay tapik sa braso ko. Nanatili pa rin akong nakapikit. Naramdaman ko pa na dinampian niya ng halik ang labi ko."Eww!" sabay na sambit ng dalawa."Dad, are you going rape our mom?" supladitang tanong ni Calla.Hindi na ako nakatiis at nakisabayan na ako sa paghagalpak ng tawa kay Tsong. Bumangon ako at naupo.
ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN'S POV(Heart beats fastColors and promises)Sobrang bilis ng tibok ng aking puso habang naglalakad ako papuntang altar. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Edrick na gwapong-gwapo sa kanyang suot.Sinalubong din ako nina Tita Nana at Uncle Troy. Sila na ang tumayong parent ko.Dad, Mom sana nakikita niyo po ako ngayon. Naglalakad na po ako papuntang altar oh, how I wish na kayo ang mag-aabot ng kamay ko sa taong mahal at makakasama ko na habang buhay. Sana po, masayang-masaya din kayo ngayon for me.Don't you worry po, Edrick is the best man for your heiress."Edrick, ingatan mo itong inaanak namin ha? Tandaan mo, buong RAO ang makakalaban mo kapag pinaiyak mo si A.A.""Y-es naman po. Promise, hinding-hindi ko po siya sasaktan."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.(I have died everyday, waiting for you)"Sobrang ganda mo. Deserve ko ba talagang magkaroon ng asawang diyosa?" Natawa naman ako."Ano ka ba tsong? Ako lang ito, si Xandra lang ito oh."Siya n
CHAPTER 36ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN POV"At last nakarating din! Ang ganda dito Lex ha?" lintanya ni Leslie.We're here at Tagaytay, sa S' Hotel. Nagyaya kasi ng vacation ang mga ito.And since tatlong kwarto lang ang nasa loob ng luxury room at ayaw naman nilang maghiwa-hiwalay kami kaya isang kwarto lang kami ni Edrick, si Faye at Larry and magkasama sa iisang kwarto sina Faye, Shara at Leslie.Si Kier naman ang siyang pinaka mabait na pumayag na sa ibang kwarto na lang siya. Basta daw makikita niya pa rin si Les. Tsk. Mukhang tinamaan na ang isa."This is owned by her, actually," ani Sha. Nanlaki naman ang mata ng isa."Whoaa! Really Lex? Ang yaman mo naman pala ah! Sabagay, may sarili ka ng ngang publishing house. Pwede na!""Pwede na?""Yeah, pwede na kayong mag-settle down ni Tsong." Natigilan naman ako. Hindi pumasok sa isip ko ang sinabi niya eh.Nailibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid."Where's Edrick pala?" usisa ko. Nagkibit balikat lang sila.Saan naman kaya
CHAPTER 35LESLIE'S POVNasa Araneta na po kami dahil ngayong gabi na ang concert nina Edrick and Dina.Kasama na nga rin namin sina Sha and of course ang bida sa buhay ni DeeJee, si Alexandra.Nasa bukana mismo kami ng entablado kasi nga may pasabog daw si Tsong. And we don't know kung ano iyon. Pero feeling ko may alam na sina Zelle.Baka magtatapat na si Edrick kay Dina in front of Alexa?Goodbye Philippines na naman ang tema ng tsang kung magkataon."Aray! Dahan-dahan naman," reklamo niya dahil hinila na siya agad paupo ni Sha."Sorry, bagal mo eh."Well, Sha is my one of my close cousins who happened to be Alexandra's best friend din pala. Hindi ko alam 'yon pero ngayon alam ko na. Gulo ba? Hayaan mo na nga.Minuto na lang at magsisimula na kaya naman nagsisimula nang mag-ingay ang paligid."My god! I'm so excited! Sana may kissing scene naman ang dalawa 'no?""Oo nga! Para maiba naman, lagi na lang hugs yong eksena nila. Almost two years na rin silang magka-love team eh.""I ca
CHAPTER 34ALEXANDRA ANGELA'S POV"Kyaah! Miss A.A is here!""OMG, oo nga. Is it true? Pakisampal nga ako!""My goodness! Akala ko fake news lang nasagap ko, totoo nga pala!""Mabuti na lang din at naniwala ako sa mga nababasa kong ads eh. Baka na miss ko ang event na ito kung magkataon!"Napangiti ako dahil sa bulungan na iyon habang papaupo na ako sa pwesto ko. Magkalapit lang ang table namin ni Leslie. Nagugulat niya akong tiningnan. Mas nauna siya saking umuwi kaya naman hindi niya alam na umuwi din ako.Of course, bukod sa amin ay madami ding nobelista ang nandidito at lahat kami ay purong Pilipino.Ngayon na nga ang Grand Book Signing. Nakak-proud lang talaga na sa kabila ng modernisasyon ay patuloy pa ring namamayagpag ang mga may akda ng libro.Na marami pa ring nagbabasa ng kwento instead na magbabad na lang sa internet o sa social media.Meron ding Wattpad app na kung saan iba't-ibang stories din ang mababasa gamit ang gadgets pero heto sila ngayon, nakikipila at nakikipag
CHAPTER 33ALEXANDRA ANGELA'S POVNapasinghap ako ng maramdaman ko ang hangin na dumampi sa aking balat.Masarap iyon sa pakiramdam. Pumasok na ako sa bagong bili kong condo dito sa Los Angeles. Actually, kahapon lang din naman kasi ako dumating.Inilapag ko na muna sa kwarto ang mga gamit at nagpahinga sa sala.Napaka-relaxing ng atmosphere dito. Tila ba nakaramdam ako ng kapayapaan matapos ang nakakapagod ng mga nagdaang araw.Napatingala ako sa kisame. Mukhang magandang simula na nga ito. Sana na lang ay umayon sa akin ang kapaligiran ng bansang ito.Matapos ko makapagpahinga ay ang pag ge'general cleaning naman ang ginawa ko.Walis dito, walis doon. Gusto kong abalahin ang aking sarili para naman hindi na ako mag-isip ng mag-isip ng kung ano-ano.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng condo. Sakto lang ang laki nito. Pero hindi ko gusto ang motif ng mga cutains kaya naman lumabas ako. Naghanap ng pwedeng mabilihan ng mga kurtinang matitipuhan ko.Apple Green. Yon ang kulay n
CHAPTER 32ALEXANDRA ANGELA'S POVTIME OF DEATH: 3:26 A.M"S-he's g-one... P-eacefully," anunsiyo ng isang agent. Nangatog ang buong sistema ko."No! Buhayin niyo siya! Please! I need my cousin! Hindi ko kayang mawala siya! Not now, please!" pakiusap ko sa mga doktor. Kinuwelyuhan mo pa yong isa."We're so sorry Miss Sebastian. Ginawa na namin ang abot sa aming makakaya, pero si Kyla na mismo ang kusang sumuko.""Please, ibalik niyo siya sakin. Nakikiusap ako sa inyo.""Pero, wala kaming kakayahang buhayin ang isang patay." Sinuntok ko ang doktor na nagsabi non. Agent siya kaya naman hindi niya na ako pinatulan. "Wala kayong karapatan na mag declare ng kamatayan ng isang tao! Diyos ba kayo ha? Diyos ba kayo?" Iling lang ang kanilang naging sagot. Lahat sila ay nakatikim ng suntok at sipa sa akin. Napakuyom ako."H-indi naman pala eh! U-malis kayo diyan! Buhay si Kyla, wag niyo akong pinagloloko! Wala kayong mga kwenta! Alis!" umiiyak kong sambit.Hindi ko pa kaya Kyla! Hindi ko pa ka
CHAPTER 31ALEXANDRA ANGELA'S POVI am wearing my favorite color. Color green. From my mask, leather jacket, sleeveless and fitted pants. Well siyempre except my boots. It's black.Itinali ko din ang mahaba kung buhok para walang sagabal pa sa pagkilos ko.Kampante akong naglalakad sa teritoryo ng RAO. As in taas noo. Wala akong takot na nararamdaman para sa sarili ko. Bakit ako matatakot? Ako naman ang may-ari nito, diba? Kahit ilang batalyon pa ang ipadala dito ng LSG leader ay hinding-hindi niya ako masisindak.Tsaka ilang beses na rin akong nakalusot sa bangis ng kamatayan. I am a survivor of killing that happened 13 years ago. The bullet did not succeed to bring me on my final destination. The bombing did not blow-up my world.So, ano pa ang dapat kung ikatakot? After all, pagod na rin ako sa ganitong klase ng buhay. Kung hindi ko nga lang nakilala si Edrick ay baka ako mismo ang kumitil sa sarili kung hininga nong malaman kung pati sina Pamela ay nadamay sa gulong meron ako.
CHAPTER 30"Xands, w-ala akong alam. Hindi ko alam kung bakit... Paanong... I don't know. Basta isa lang ang sigurado ako, nasa bahay niyo din ang ama ko noong mga panahong sinugod kayo ng mga kalaban or should I say nina Uncl... Nina Larsen."Napakuyom siya para pahupain ang galit sa kanyang sistema. Ayaw niyang magsalita sa ganitong galit na galit siya.Pero gusto niya ring ilabas ang kanyang saloobin. Gusto niyang sumigaw magmura, magwala. Lahat ng ginagwa ng taong galit ay gusto niya ring gawin pero wala na silang oras pa."Fix your things, aalis na tayo bago pa nila matunton tayo. Gagawan ko ng paraan na ma-copy ang mga liham ng Dad.""Galit ka ba sa akin?""Bakit ako magagalit sayo? Ikaw ba ang may kasalanan?" tiim bagang na kanyang sagot."Galit ka ba kay Dad?" Napakuyom naman siya. "Wag kang makulit, pwede ba? Galit ako. As in galit na galit ako Edrick! Yes, sabihin na nating nasa bahay namin siya ng araw na iyon, na sinubukan niyang iligtas kami... Pero para ano pa Edrick? P