Share

Chapter 2

Author: Airi Snow
last update Last Updated: 2021-10-21 17:12:16

Saturday, August 28, 7:30 AM

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Damien sa biglaang pagbabalik ng koneksyon ng kanyang kamalayan sa kanyang katawan. Ang pakiramdam ay katulad ng sa biglaang pagkahulog mula sa isang napakataas na bangin at bumulusok sa lupa ngunit ika’y nagising bago tuluyang maramdaman ang kabuuang impact ng pagbagsak ng iyong katawan.

Isang segundo… dalawang segundo… unti-unting bumalik ang mga pandama ng kanyang katawan.

‘Alay…’ Bumalik sa kanya ang nag-iisang salitang binanggit ng batang kaluluwa sa parking lot.

Dumilat ang mga mata ni Damien. Wala na ang babaeng multo sa kanyang kwarto ngunit may kakaunting lamig pa rin na natitira na hindi dahil sa nakabukas na aircon. Bumangon siya at naupo.

“Bago ‘yon, ah,” wala sa sariling nasambit niya. Naintindihan niya ang sinabi nito. Malinaw niya itong narinig. Bago ‘yon sa kanya. “Alay…?” 

Malumanay ang tinig ng kaluluwa ng dalagita nang bigkasin ang katagang iyon. May lagom ang boses at tila nanggagaling pa sa isang malayong lugar.

“Ano naman ang ibig niyang sabihin do’n? Alay. Alay. Alay.” Inulit-ulit ni Damien ang salita, nagbabaka-sakaling may pumasok sa isip niya na kahulugan nito. “‘Yun lang ba ang gusto nitong sabihin sa akin?”

Ibinagsak muli ni Damien ang katawan sa kama nang walang kahit na anong pumasok sa isip niya. “Isa na naman ba itong masamang espirito? Arghh. Hindi ko napansin kung may itim na usok na nanggagaling sa kanya dahil nasa lilim siya ng mga puno. Bakit ba masyadong mahilig ang mga multo na mag-pa-mysterious effect?  Parte ba iyon ng ‘Code of Conduct for Ghosts’?”

Hindi siya sigurado kung may gusto pa itong sabihin dahil sa pagkaputol ng oras sa pagitan nila. Ang ingay ng makina ng isang kotse-- kung nakarating ang ingay no’n sa astral realm, ibig sabihin ay isang pangitain ito na may kinalaman sa kanya. 

Sa isang maikling sandali na nahagip ng kanyang tingin ang pinagmulan ng ingay, isang mabilis na larawan ang dumaan sa kanyang isipan. Hawig niyon ang isang movie still na nakahinto sa isang parte ng pelikula at pagkatapos ay sandaling nagpatuloy upang pahapyawan ang mga sumunod na na nangyari.

Isang pamilyar na grey Honda Civic ang dumating at pumarada sa parking lot. Pamilyar  ito sa kanya dahil ito ang modelo na madalas ipagamit na company car sa mga empleyado sa kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang ama.

Nakita ni Damien na bumukas ang pinto sa passenger’s side ng kotse at lumabas si Lucio Bernabe. Ito ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan ng kanyang ama. Executive assistant at minsan ay personal life assistant rin na siyang nagpaparating at  nagpapatupad ng mga kautusan mula sa pinakamataas hanggang sa pinakababang mga empleyado. Pakiramdam ni Damien ay kabilang siya sa itinuturing na “pinakababang empleyado” dahil madalas na si Lucio ang naghahatid sa kanya ng mga gustong ipagawa ng kanyang ama sa kanya.

Pihadong ganoon din sa pagkakataong iyon.

Malaki ang sorpresang hatid kay Damien ng pagdating ni Lucio. Ibig sabihin no’n ay hindi simpleng pagbisita upang alamin ang kanyang kalagayan ang tanging pakay nito.

Umusbong ang isang mapang-uyam na ngiti sa labi ni Damien. “Mukhang makakalabas na rin ako sa hawlang ito.”

*******

Limang taon nang orderly si Alvin Herrera sa North Star Safe Haven. Hindi biro ang mga pinagdaanan niya para makuha ang trabahong meron siya ngayon kaya’t palagi niyang sinisigurado na maingat at pulido niyang nagagawa ang mga responsibilities na naka-assign sa kanya. Kaya hindi rin nakapagtataka na ilang beses na siyang maging employee of the month na ikinatutuwa naman niya dahil sa reward nitong bonus at benepisyo na malaking tulong sa kanya at sa kanyang pamilya. 

Bukod sa mga documents na ipinasa nang una siyang nag-apply, mahigpit din ang naging background check, gayundin ang naging training at internship bago ma-regularize. Mga miyembro kasi ng alta-sociedad ang kanilang mga pasyente kaya mas mataas ang panuntunan sa kanila. Bawat aspeto ng kanilang mga tungkulin ay masinsinang sinanay at pinagtuunan ng pansin. Sagana rin sa supervisor inspection at on-the-spot checks na kailangang maipasa nila. Katumbas naman nito ay ang napakataas na sweldo at compensation benefits, pati na rin ang dagdag na qualifications na maipagmamalaki kung sakaling maghahanap uli sila ng panibagong trabaho. 

Morning shift ni Alvin nang araw na iyon, sa third floor, bukod pa sa mga naka-assign sa kanyang pasyente. Mild cases lamang ang mga nando’n kaya kalmado lang siya at hindi masyadong nagmamadali. 

Tulak-tulak niya ang isang de-gulong na cart kung saan nakalagay ang ilang supplements at vitamins, morning meds ng ilan, extra hygiene kit na may lamang toothbrush, toothpaste, at sabon, at extra towels na rin. Dala rin niya ang patient charts at cafeteria menu para sa araw na iyon. 

Kailangan niyang siguruhin ang kalagayan ng bawat pasyente sa palapag kung saan siya naka-assign, at kunin ang preferred breakfast meals ng mga ito base sa menu na inihanda ng kanilang resident dietitian at nutrition experts. 

“Okay. Last round na.” Pinasadahan niya muli ng tingin ang huling pahina ng patient file na hawak niya. 

Patient No. 1492, Damien Reid Argento.

Sinulyapan ni Alvin ng tingin ang pasilyong lalakarin. Bukas ang lahat ng ilaw doon pero sa paningin niya ay parang bahagyang lumalabo ang paligid sa direksyon paroon na hindi niya maipaliwanag. 

Trick of the light?

“Pagod na siguro ako,” naibulong niya, pilit na pinapaniwala ang sarili sa dahilang iyon, tulad ng ilang beses na niyang ginawa.

Huminga siya nang malalim at iwinaglit sa isipan ang kakaibang kaba na dumapo sa kanya. Kumurap-kurap siya, hinihintay na luminaw muli ang paligid.

 Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa huling kwarto na nasa pinakadulo ng palapag na iyon kung saan naka-confine si Patient No. 1492 na si Damien Argento.

Wala siguro sa facility nila ang hindi nakakakilala sa labing-siyam na taong gulang na anak sa labas ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa.  Ang ama nitong si Artucrus Argento ay ang kasalukuyang Patriarch ng makapangyarihan at mayamang angkan ng mga Argento, at siyang pinakakilala sa lahat ng naging head ng pamilyang ito. The clan came from old money and have connections in powerful places but it was only during Artucrus Argento’s reign that they were able to expand threefold.

 Hindi biro ang mga naging achievements ng kasalukuyang Argento Patriarch simula nang manahin nito ang pinakamataas na posisyon sa kanilang group of companies. Mas lalong lumaki at napaunlad ang kanilang mga negosyo, at higit na lumawig ang kanilang impluwensya.

Ang apelyidong Argento ay matagal nang matunog sa mga financial at business news, ngunit si Artucrus Argento ang siyang nagdala ng kanilang pangalan at reputasyon sa mga international economic news at business groups.

Nakita na ni Alvin si Artucrus Argento nang minsang dalawin nito ang anak noong unang taon nito sa North Star Safe Haven. Aaminin niyang na-starstruck siya dito kahit na nasulyapan niya lamang ito mula sa malayo. Sino ba naman ang  hindi, kung makakasama mo sa halos iisang breathing space ang isang tao na kayang bilhin ang buhay mo, ng pamilya mo, at ng tatlong salinlahi ng angkan niyo? 

Everything about the man screamed money. Ang suot nitong black business suit na ang pakiwari niya ay made-to-order dahil sa napakaganda nitong fit sa katawan ng may-suot na hindi madaling makuha kung bili lamang ito sa mall. Maging ang suot itong relo ay halatang mamahaling brand din. At kung hindi ang mga iyon ang magpapahiwatig ng katayuan nito sa buhay, marahil ang nakasunod na dalawang bodyguard at dalawang assistant pagkababa nito sa sasakyang Mercedes-Benz ang siyang magpapatunay. 

Nang makita ito ni Alvin, hindi naiwasang magpantasya ng mga bagay na magagawa at mabibili niya kung sa kanya mapupunta kahit na katiting lang ng yaman meron ito. 

Kung mangyayari ‘yon, hindi na niya kakailanganin pang kumayod ng doble para lang mabayaran ang kanilang loan sa bangko at ang hinuhulugan sa kanilang bahay. Ma-se-secure na rin niya ang retirement ng mga magulang niyang tumanda na lang ay hindi pa rin nagpapahinga upang maitaguyod pa ang dalawa sa mga nakababata niyang mga kapatid na nasa senior high at college. Mataas nga ang sahod niya sa kanyang trabaho pero hindi pa rin sapat iyon upang makapagpahinga ang kanyang mga magulang.

Pero hanggang pantasya lang niya talaga iyon. Pampalubag-loob na lang niya sa sarili na kahit na wala masyadong pera ang kanyang pamilya ay maayos naman ang kanilang relasyon, hindi tulad ng mag-amang iyon.

Hindi naging maganda ang pagkikita ng mag-ama. Ang mga sira-sirang gamit na produkto ng pagwawala ng nakababatang Argento ang siyang patunay no’n. Isang telenovela cliche na maituturing na sa kabila ng kayamanang taglay ng mga ito ay hindi naman maayos ang kanilang pamilya. 

Pagkatapos ng araw na iyob ay hindi na muli pang dumalaw si Artucrus Argento. Tanging ang sekretarya na lamang nito ang palaging kaumakausap sa mga psychiatrist at doktor na tumitingin sa anak nito. Kahit papaano ay may halaga pa rin naman sa Argento Patriarch ang anak nito sa labas kung siniguro nito na nasa maayos na pangangalaga ang anak.

Marahil ang dahilan kung bakit unang nakilala agad ng mga nagtatrabaho sa North Star Safe Haven si Damien Argento ay dahil sa apelyidong meron ito. Ang dahilan naman ng VIP status na in-assign dito ay ang ilang milyones na donasyon ng ama nito sa pamunuan ng facility. Ngunit ang siyang sanhi ng reputasyong meron ito sa buong facility, sa mga empleyado at sa ilang mga pasyente doon, ay ang mga headlines sa dyaryo at telebisyon tungkol sa kinasangkutan nitong kaso. Ang mapaghinalaan at mabansagang mamamatay tao at rapist, kahit pa napabulaanan na ito, ay sadyang magdadala talaga ng hindi magandang katanyagan kaninuman.

Ang pagkakasangkot ni Damien Argento sa isang malagim na krimen ang siyang nagpakalat ng pangalan nito sa buong Anselmo. Maugong na ang tungkol dito nang mamatay sa isang car accident ang ina nito na isang sikat at kilalang aktres ilang buwan pa lamang ang nakalilipas. Si Damien, na noo’y labing-anim na taong gulang pa lamang, ang siyang may hawak ng manibela. 

Si Rhiannon Esteban, ang ina ni Damien, ang tinaguriang isa sa may pinakamagandang mukha sa balat ng lupa nang kapanahunan nito. Ilang pagkilala na ang natanggap nito hindi lang dahil sa taglay nitong ganda kundi pati na rin sa talento nito sa entablado. Tubo at laking Anselmo ito kung kaya’t malapit ang loob sa kanya ng mga tagaroon. Marami man ang kinasangkutan nitong eskandalo, na ang nangunguna sa lahat ay ang pagkakaroon niya ng anak sa isang lalaking matanda sa kanya ng dalawampung taon at may asawa pa, hindi nabawasan ang kinang ng kasikatan nito. Lalo pa at dahil rin kay Rhiannon kaya nagkaroon ng branch office ang Argento Group of Companies sa tahimik na lalawigan ng Anselmo na siyang nagdala ng maraming oportunidad na trabaho at pagkakakitaan sa mga mamamayan doon.

Marami ang dumalo sa libing ni Rhiannon. Marami rin ang nakisimpatiya sa anak nitong naulila sa ina. May mga katanungan sa isipan ng mangilan-ngilang kung bakit isang menor de edad ang nagmamaneho subalit napahupa ang mga ito sa pagluluksa. Nasa maayos na kalagayan din ang iba pang nasangkot sa aksidente na ang pampaospital ay sinagot at inasikaso ng mga abogado ni Artucrus Argento.

Muli lamang nabuhay ang mga bulung-bulungan nang muling madawit ang pangalan ni Damien sa isa na namang trahedya. Natagpuan ang katawan ng isang kaklase nitong babae na malapit dito na lumulutang sa tubig na hubo’t hubad at wala nang buhay. Napag-alaman pang pinagsamantalahan ito. 

Si Damien ang isa sa naging pangunahing suspect sa kaso nito. Ang paalam kasi ng biktima ay makikipagkita ito kay Damien. Usap-usapan pa sa buong eskwelahan ng dalawa ang malapit na pakikitungo nila sa isa’t isa. 

Ang siyang pagkakaugnay na ito ng pangalan ni Damien sa isang nakasisindak na krimen ang siyang nagpakalat ng pangalan nito sa buong Anselmo. Menor de edad pa ito noong naganap ang krimen kung kaya’t ang mukha at mga litrato nito ay nagawa pang maitago sa media subalit ang pangil ng mga ito ay hindi pa rin pinakawalan ang pinakamalaking pasabog na balitang nahawakan nila.

Who wouldn’t want to get a hold of the story of an illegitimate son of a prominent billionaire businessman to a very popular and talented actress who died in a tragic car accident with the said son at the wheel and then got involved in a rape-murder crime case? 

Hindi pa man lumilipas ang init ng naunang trahedya ay isa na namang panibagong eskadalo. Raping a girl he goes to school with and from a poor family, murdering her, and then throwing her body without giving her any ounce of dignity after? Tahimik at konserbatibo pa ang mga kaugalian sa Anselmo kung ikukumpara sa maunlad at maingay na lungsod sa Maynila at ang ganong klase ng krimen ay sapat na upang makapagpainit ng dugo ng nakararami.

Sa huli ay napatunayang inosente si Damien Argento. May matibay na alibi ito nang araw na naganap ang krimen. Ngunit marami ang hindi naniwala sa hatol na ito. May ilang pangalan pa ang nadawit ngunit ang mga ito ay mga respetadong miyembro ng lipunan. Lumabas din ang balita hinggil sa pagtatangkang pag-pe-frame up ni Damien sa isa sa kanilang mga guro sa kanilang pribadong eskwelahan. Ipinagpipilitan nito na ang guro nilang ito ang siyang pumatay at nanggahasa. Walang naniwala dito. Bukod sa wala itong hawak na matibay na ebidensya, ang inisip din ng nakararami ay ipinapasa lamang nito ang kasalanan sa iba. Hindi nahuli ang tunay na maysala at naiwang bukas ang kaso.

 Noong mga panahong iyon ay laganap at hindi na bago ang mga balita tungkol sa mga anak-mayaman at galing sa mga makapangyarihan at kilalang pamilya na lumabag sa batas ngunit pinalampas ng mga awtoridad dahil sa kung ano mang under-the-table na negosasyong naganap. 

Naging mainit sa madla ang estado ng mga Argento sa buhay lalo pa’t marami ang kung ano-anong sulsol sa tabi-tabi. Iniisip ng nakararami, kasama na si Alvin doon, na nabayaran lamang ng pamilya ni Damien ang mga pulis kung kaya’t napawalang-sala ito. Bakit kasi magkakaroon ng usok kung walang apoy na pinagmumulan, hindi ba?

Malaki man ang natanggap na donasyon ng North Star Safe Haven Facility, ang nagawa lang no’n ay maging propesyunal ang pagtrato at pakikitungo nila kay Damien. Hindi naiwasan na may mangilan-ngilan sa kanila na hindi maatim ang iniisip nilang nagawa nito.

Hindi lang isang beses na nakaringgan ni Alvin na tawagin ng isa o dalawa sa kanyang mga kasamahan na bansagan ang pasyente nilang iyon ng “Rapist”, “Mamamatay-Tao”, at kung ano pa mang mga mapanakit na salita. Maliban sa mga patagong pagtawag nila ng gano’n ay wala naman nang mas malala pang ginawa ang mga ito. Takot lang nila sa apelyido nito.

Sa una ay medyo ilag din si Alvin sa pasyenteng iyon. Hindi siya ang naunang in-assign dito. Ika-pito na siya sa dalawang taon nito sa facility na iyon. Ilang buwan lang ang itinagal ng iba dahil may “kakaiba” raw rito.

Nalaman lang ni Alvin kung ano ang tinutukoy ng mga nauna sa kanya nang siya na ang naka-assign dito. Ang biglaang pagpatay-sindi ng mga ilaw sa pasilyo patungo sa silid nito at ang mga pigurang nakatayo na sa gilid lamang ng mga mga mata nahahagip ng kanilang paningin ay hindi ang pinatutungkulan ng mga ito.

*******

Related chapters

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 3

    Saturday, August 28, 7:55 AM Narinig ni Damien ang langitngit ng de-gulong na cart sa labas ng kanyang kwarto. Bumukas ang pinto at pumasok ang orderly na nag-aasikaso sa kanya. Nakalimutan niya kung ano’ng pangalan nito dahil pang-ilan na itong pumalit sa mga nauna kaya hindi na siya nag-aaksaya ng panahon na alamin o tandaan pa ang pangalan nito. Pumasok ito sa loob ngunit bahagyang natigilan nang maramdaman nito ang kakaibang lamig sa silid na iyon. Lumunok ito. “Good morning, Mr. Argento. Masyado yatang mataas ang setting ng aircon dito sa kwarto.” Napatingin ito sa nag-iisang kama sa silid. Sa uluhan nito ay tila may hamog na bumabalot kung kaya’t malabo ang tingin niya rito. Kinusot-kusot niya ang mga mata sa pag-aakalang

    Last Updated : 2021-10-22
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 4

    Saturday, August 28, 11 AM Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya ng malakas na ulan, nang marating ni Detective Gunther Oliviera ng Homicide Department sa lalawigan ng Anselmo ang crime scene. Mahaba at lubak-lubak ang kalsadang kailangang baybayin patungo sa pupuntahan kaya natagalan siyang marating ito. Doble ingat siya sa pagmamaneho dahil ramdam na ramdam na niya ang pagod dala ng ilang araw na kakulangan sa tulog at pahinga. Sunod-sunod ang mga kaso ng mga bayolenteng krimen ang idinulog sa presinto nila nitong mga nakaraang araw at hindi na sila magkandaugaga kung ano ang uunahin nilang lutasin sa mga ito. Lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay nasa parehong kalagayan niya kaya hindi niya magawang magreklamo. Katatapos lang ng huling kaso niya, isang suspected murder ng isang mayamang negosyante

    Last Updated : 2021-10-24
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 5

    Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan.“Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an

    Last Updated : 2021-10-31
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 6

    Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon. Maraming mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d

    Last Updated : 2021-11-02
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 7

    Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba. “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi

    Last Updated : 2021-11-03
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 8

    Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.

    Last Updated : 2021-11-04
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 9

    Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon. Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.

    Last Updated : 2021-11-05
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 10

    Saturday, August 28, 4:33 PM Hindi pa rin tumitila ang ulan nang marating ni Gunther ang opisina ng kanilang himpilan ngunit humina na ito. Bahagya siyang nabasa nang suungin niya ang manaka-naka na lang na tagaktak nito para makapasok sa lobby ng kanilang building mula sa parking lot na nasa likod nito. Pagkapasok niya ng double glass doors patungo sa main lobby ay naabutan niya ang janitor nila na nag-mo-mop ng basang sahig na gawa ng mga basang sapatos na dumaan dito. Tinanguan niya ito nang batiin siya nito at saka siya dumiretso sa main office sa first floor kung saan bumungad sa kanya ang kinasanayan niyang tanawin at mga ingay na normal tagpo sa kanilang pang-araw-araw. Background noise na ang ingay ng mga nag-tatayp ng statements at transcripts, pati na rin ang paglilipat ng mga pahina ng m

    Last Updated : 2021-11-06

Latest chapter

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 13

    Saturday, August 28, 7:30. PM Nakabibingi ang katahimikang namamayani sa kanyang bagong loft apartment. At nakakabaliw. Tulad ng pakilala ni Lucio sa kanya, moderno ang apartment. Minimalist industrial at low-key luxury ang motif ng interior design. May floor-to-ceiling window sa living room area at nang mga oras na iyon ay tanaw niya ang cityscape ng Anselmo City, ang makikinang at iba’t ibang kulay na ilaw sa mga kabahayan at mga gusali ang pumalit sa mga bituing nagtatago sa likod ng makakapal na ulap ulan. Tanging ang living room area lamang ang buong-buong naliliwanagan ng shaded pendant ceiling lights sa bahaging iyon. Nakaupo siya sa mahabang itim na leather couch sa gitna ng living room. Sa coffee table ay nakalapag ang isang manila envelope na

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 12

    Saturday, August 28, 7:12 PM Napailing si Gunther. Hindi niya ugaling hatulan agad ang isang tao nang walang lang makapagpapatunay na ito nga ang may sala. Innocent until proven guilty. May nalalaman ito. Ito ang tanging nasisiguro niya nang mga oras na iyon. Ang kailangan niyang gawin ay ang mapaamin ito sa mga nalalaman nito. Ngunit sa paanong paraan? Pinasadahan pa ng mga mata niya ang iba pang news article na available online ngunit bigla siyang natigilan nang mabasa ang isang detalyeng ngayon lamang niya nalaman. It was his father who pronounced and vouched for Damien Argento’s innocence. Matibay ang alibi at napatunayang nasa ibang lugar si Dam

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 11

    Saturday, August 28, 4:48 PMNatapos ang usapan ng tatlo nang dumating si Police Captain Nelson Gaspar, ang may hawak sa Homicide Department kung saan sila kabilang. Mukhang kadarating lamang nito galing sa isang meeting.“Tamang-tama at nandito pala kayo,” bati nito sa kanila, na magalang ding tinugunan ng tatlo.Si Police Captain Nelson Gaspar ay ang isa sa mga pinkanirerespetong officer ni Gunther. Isa ito sa mga naging protege ng kanyang ama ngunit hindi naman ito kasing istrikto nito magpalakad. Sa katunayan, ito pa nga ang nagpabilis ng pagkakapasa ng promotion niya bilang isang police detective. Ito rin ang nag-assign sa kanya sa Homicide Team. Magaling itong pulis at isang mabuting mentor sa kanya at sa iba pa niyang mga kasamahan, lalo na sa mga baguhan pa lamang sa serbisyo.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 10

    Saturday, August 28, 4:33 PM Hindi pa rin tumitila ang ulan nang marating ni Gunther ang opisina ng kanilang himpilan ngunit humina na ito. Bahagya siyang nabasa nang suungin niya ang manaka-naka na lang na tagaktak nito para makapasok sa lobby ng kanilang building mula sa parking lot na nasa likod nito. Pagkapasok niya ng double glass doors patungo sa main lobby ay naabutan niya ang janitor nila na nag-mo-mop ng basang sahig na gawa ng mga basang sapatos na dumaan dito. Tinanguan niya ito nang batiin siya nito at saka siya dumiretso sa main office sa first floor kung saan bumungad sa kanya ang kinasanayan niyang tanawin at mga ingay na normal tagpo sa kanilang pang-araw-araw. Background noise na ang ingay ng mga nag-tatayp ng statements at transcripts, pati na rin ang paglilipat ng mga pahina ng m

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 9

    Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon. Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 8

    Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 7

    Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba. “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 6

    Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon. Maraming mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 5

    Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan.“Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status